Share

Kabanata 9

Hindi makapali si Gianna sa kaniyang kwarto, gusto niyang puntahan ang kambal sa loob ng mansiyon. Katatapos lang kasi nilang maglibot ni Manang sa mansiyon subalit hindi man lang sila nalagi sa loob no’n. Ang sabi sa kaniya mamaya na lang daw sila papasok dahil busy pa araw ang kanilang amo sa pa-welcome party sa kambal. Napakagat siya ng labi dahil sa selos na nararamdaman niya. Hindi niya mapigilang maluha dahil nararamdaman niyang unti-unting kinukuha ng mag-asawa ang kambal sa piling niya. Hindi siya nakatiis kaya agad siyang pumuslit papunta sa loob ng mansyon. Habang naglilibot kasi sila ay may nakita siyang pintuang bukas doon sa may kusina, roon niya balak pumasok.

Gusto niyang makita ang kambal dahil hindi siya mapakali kapag wala ang mga ito sa kaniyang tabi o di kaya’y makita man lang. Dahan-dahan siyang pumasok sa pintuan, napahinga siya nang maluwag nang makitang walang katao-tao roon. Puno ito ng mga pagkain, may pinggan ding nagamit na at wala nang laman. Sa isip niya
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Leni Isla
Paano Kung itakas nila Un mga Bata papuntang abroad
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status