Share

Kabanata 10 (Part 1)

Kanina pa ako naghihintay sa kambal, narito ako sa labas ng mansyon nakatambay. Nakaupo ako sa hagdan at napayakap sa aking sarili. Mag-aalas otso na kasi’y wala pa sila, hindi nga ako nakapaghapunan dahil gusto kong sabay kaming kumain ng kambal. Napapikit ako ng mariin dahil sa inis, gusto ko mang tawagan si Ivo ay hindi puwede. Kabilin-bilinan niyang hindi ko raw sila isturbuhin kapag naroon sila sa Mall.

“Hija, bakit nariyan ka pa? Pumasok ka na sa kwarto mo’t magpahinga. Bukas ay marami pa tayong gagawin,” saad ni Manang sa akin. Napatingala ako sa kaniya at umiwas ng tingin. Alam kaya niyang ako ang ina ng kambal?

“Hinihintay ko pa po ang kambal, mauna na po kayo matulog,” saad ko sa kaniya. Rinig ko ang paghinga niya ng malalim at tumabi sa akin.

“Alam kong ina ka ng mga anak ni Sir Ivo, sabagay kung ako rin naman ang nasa kalagayan mo’y gagawin ko rin ito.”

Napatingin ako sa kaniya at napakunot ng noo. Hindi ko alam kung bakit concern na concern siya dahil narito ako’t
iampammyimnida

Maraming salamat po sa pagbabasa. Sana po ay magustuhan niyo ang kuwento nina Ivo at Gianna <3

| Like
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status