Share

The VonTobel's Heir
The VonTobel's Heir
Author: iampammyimnida

Prologue

last update Last Updated: 2021-12-06 07:39:53

"Tiya, nawawala po ang kambal!" hagulhol kong saad kay Tiya Sabel. Kasalukuyan kasi kaming namamasyal nila tiya sa mall dahil birthday ng dalawa kong kambal. Apat na taong gulang na sila ngayon.

"Ano? Akala ko ba nag-C.R. lang kayo? Paanong nawawala ang kambal?" tanong niya sa akin habang hagod-hagod niya ang aking likod dahil sa sobrang iyak.

"Hindi ko po alam, nalingat lang po ako nawala na sila—" Biglang naputol ang aking sasabihin nang makitang may pinagkakaguluhan ang mga tao sa di kalayuan. Kita ko ang nakahadusay na batang babae at walang malay; ang isang batang lalaki naman ay umiiyak na nakayakap sa kaniya. Kita ko ang pamilyar na suot ng aking kambal. Oh My God! My babies! 

Agad akong kumaripas ng takbo sa nagkukumpulang tao at nakisiksik doon. 

"Oh God! Mga anak anong nangyari?" naiiyak na tanong ko at binuhat si Avery na walang malay. 

"Mama! Sorry po, tumakbo po kasi kami ni Avery para sundan ang Papa namin!" iyak niyang wika sa akin at niyakap ako sa binti. Napakunot ako ng noo, anong pinagsasabi niyang papa? Hindi ko naman pinapakilala sa kanila ang papa nila. 

"PAPA!" Agad na kumalas si Gavin sa pagkakayakap sa akin at yumakap sa isang lalaki. Binuhat niya naman ang bata at nanindig ang aking balahibo nang makita ang pamilyar na mukha ng lalaking kaharap ko. Biglang tumibok ang aking puso nang seryoso itong nakatingin sa akin. Umiwas ako ng tingin sa kaniya. Hindi ito ang panahon para mag-reminisce. Kailangan kong idala ang aking anak na si Avery sa Hospital. 

"Halika na, Gavin. Kailangan nating pumunta ng hospital. Hindi iyan ang papa mo," seryoso kong saad sa aking anak ngunit umiling lamang ito.

"Sumama kayo sa akin. I have a car mas mapapadali ang pagpunta ninyo sa hospital." Bigla niya namang kinuha si Avery sa akin. Ngayon ay dalawa na ang buhat niyang bata. Nanlalaki naman ang aking mga matang nakatingin sa likod niya. Hindi ko akalaing kaya niyang buhatin ang dalawang kambal. Naramdaman kong namamasa ang aking mga mata dahil sa nakikita ko.

"Wait—" bigla naman niyang pinutol ang aking sasabihin . 

"Shut up! Hindi ito ang panahon para mag-usap." Napabuntong hininga ako, alam niya ba na anak niya ang dalawa? Hindi maipagkakaila iyon dahil nagkamukhang-kamukha sila ni Gavin. Damn! Dumating na ang kinakatakot ko. Paano kung kunin niya ang kambal sa akin? 

Ilang minuto lang ang byahe nang makapunta kami sa hospital. The doctor checked my daughter at kasalukuyan pa siyang nasa loob ng kwarto. Narito kami sa labas, mayamaya lamang ay lumabas na ang doctor.  

"Kumusta ang anak ko, Doc?" tanong ko. Napahangos ng malalim ang doctor at tiningnan ako ng seryoso. 

"She's okay misis. Napagod lang siya, dahil mahina ang kaniyang puso. Ngunit, kailangan siyang ma-monitor dahil may nakikita akong butas sa kaniyang puso. I'm sorry to say this misis, may sakit sa puso ang inyong anak." Hindi ako nakapag-react agad mayamaya ay bigla akong napahagulhol. Oh God! My baby, ang bata pa niya para magkaroon ng sakit na ganito. 

"Kailangan siyang operahan sa lalong madaling panahon. Hindi biro ang lagay niya, misis isang atake pa sa puso ay baka iyon na ang ikawala ng buhay niya. Mauna na po ako at marami pang nakapilang pasyente." Tumango naman ako sa kaniya at naupo na lamang sa sahig. 

Ang baby Avery ko! Kailangan ko siyang ipagamot ngunit wala akong sapat na pera para roon. Saan ako kukuha ng pera? Isa lang naman akong hamak na manager sa isang Cafe malapit sa amin. Sobrang sakit sa pakiramdam nang malamang may sakit ang anak mo, sana ako nalang. Sana ako nalang ay may sakit sa puso. Hindi deserve ng baby ko ang ganito. Rinig ko ang pagtikhim sa aking harapan. 

"Let's talk," saad niya sa akin. Tiningnan ko naman si Tiya Sabel na hawak-hawak ngayon si Gavin. Tulog na tulog na ito. Tinanguan niya ako na para bang sinasabing siya na muna ang bahala sa kambal. 

Sinundan ko si Ivo, huminto kami sa isang garden dito sa hospital. Mabuti na lamang at walang tao rito. 

"I know you are Gi. Huwag ka nang magkaila pa, I investigated you. The last time I saw you in the Cafe four years ago, ay agad na pinaimbestigahan kita at confirm ngang ikaw ang babaeng stripper na kasama ko dati," seryoso niyang saad sa akin. 

Wala akong masabi, bakit hindi niya man lang ako hinanap at binalikan ulit? Oo nga pala, kinasal an siya. 

"Now, I'll ask you one question, sana sabihin mo ang totoo, sa akin ba ang kambal? Ako ba ang ama nila?" tanong niya sa akin. Biglang nanigas ang aking katawan. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Ito na, kapag sinabi kong ang totoo, matutulungan niya ako sa pagpapagamot kay Avery ngunit natatakot ako na mawala sa akin ang kambal baka kunin sila ni Ivo sa akin. 

Kapag magsisinungaling naman ako baka mawala ng maaga ang aking anak hindi ko ata iyon kakayanin. 

Huminga ako ng malalim at pinikit ng mariin ang aking mga mata. Para sa anak ko gagawin ko, kahit na mawalay sila sa akin ay okay lang. Basta mailigtas lang sila sa kapahamakan. Minulat ko ang aking mga mata at tiningnan siya ng seryoso. 

"Oo, anak mo nga sila." Kita ko ang pamamasa ng kaniyang mga mata at biglang nagbago ang kaniyang ekspresyon napalitan ito ng poot at galitt. 

"Pagagamutin ko ang aking anak kapag gumaling na siya, sa akin sila titira and I want you out of our lives." 

Sa pagkakarinig noon ay nawasak ang aking puso. Bigla akong napahagulhol at napaupo sa sahig. Wala akong magagawa makapangyarihan siya, ito na nga ba ang kinakatakutan ko. Napaluhod ako sa kaniya.

"Parang-awa mo na, Ivo huwag mo silang kukunin sa akin. Hindi ko kayang mawalay sa kambal, sila ang buhay ko," hagulhol kong iyak sa kaniya ngunit tinulak lang niya ako. 

"Huwag mo akong dramahan diyan, Gianna. Niloko mo ako at itinago mo ang kambal sa akin. Dapat lang sa'yo iyan," saad niya at umalis na sa aking harapan, sabay ng pag-alis niya ang pagkawasak ng aking mundo.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The VonTobel's Heir    Kabanata 38

    Kabanata 38 Ilang araw ring nanatili si Ivo sa lugar ni Keanna. Tansa nga ng lalaki, tatlong araw siyang natulog sa kan’yang kotse bago siya pinahintulutang pumasok at matulog ng mga magulang ni Keanna sa bahay nila. Okay lang naman sa kan’ya iyon at naiintindihan niya, naalala pa niya ang paguusap nila ng tatay nito. Ni hindi nga siya nakaramdam ng takot at kaba dahil siya naman ang boss ng kanilang kompanya ngunit sa pagkakataong nakausap niya ang tatay ni Gianna, roon lang niya naramdaman ang takot at kaba. Takot na baka hindi siya tanggapin at baka pagmumurahin siya ng ama ng babae pati na ang kaba na baka sabihin nitong layuan niya ang anak nito. Napahinga siya ng malalim at napapikit, tila ba inaalala ang pag-uusap nila ‘nong nakaraan. “Maupo ka.” Iyan ang unang sinabi ng ama ni Gianna sa kan’ya, sa pagbuka pa lang ng bibig ng matanda ay bigla na lamang kumabog ng mabilis ang dibdib niya. Malugod niya naman itong sinunod at umupo sa harapan nito. Nasa labas ang matanda’t na

  • The VonTobel's Heir    Kabanata 37

    Ivo Vontobel Ang totoo, matagal na niyang alam na niloloko lang siya ni Shania, hindi niya lang maamin ito sa sarili niya. She really loved her, iyon ang totoo. Minahal niya ito ng totoo, at sa pangalawang pagkakataon, binigo na naman siya ng babae. He acted that he doesn’t know everything, he tolerated his wife’s doing. Ni hindi nga niya kinonfront ito dahil alam niyang nagbago na ang babae. Yes, nagbago nga at alam niyang iniwasan na nito ang lalaking kasama nito palagi noon but everything changed nang dumating ang kan’yang mga anak at si Gianna. He was confused lalo na sa nararamdaman niya. He loves his wife, he’s sure of that but everytime he see Gianna and his children nakakalimutan niya ang asawa niya. Jerk man siya kung iisipin pero iyon ang nararamdaman niya. Matagal na siyang niloloko ng asawa but he’s blinded by his love or should he say he’s guilt. Alam niya kasing malaki ang effort ni Shaniah na mapaibig siya, ginawa nito ang lahat para lamang makalimutan si Gianna at

  • The VonTobel's Heir    Kabanata 36

    Walang nagawa si Ivo kung ‘di ang umalis sa bahay ni Gianna. Gusto pa sanang kausapin nito ang mga magulang ng babae ngunit pinilit talaga ni Gianna na huwag munang gawin iyon dahil alam niyang lalala lang ang lahat. Gusto niyang kausapin muna ang mga magulang para magpaliwanag. Nang pumasok siya sa kanilang bahay ay bumungad sa kan’ya ang magulang niyang seryosong nag-uusap. Nang makita siya nito ay agad na umupo ang mga ito ng tuwid. “Hindi ka namin pinalaking mang-aagaw Gianna kaya sana’y maintindihan mo kami ng ama mo. Ayaw ka lang naming masaktan, anak ka namin at malaki ang pagmamahal namin sa iyo lalo na sa mga apo ko. Kalimutan mo na ang lalaking iyon at alam kong makakalimutan din ng kambal ang ama nila.” Hindi niya alam kung ano nga ba ang sasabihin, gusto niyang tumutol. Gusto niyang sabihin na ayaw niyang kalimutan ang lalaki dahi mahal na mahal niya ito. “Alam ko ang mga tinginang iyan, Gianna. Hindi ako papayag na sumama kayo sa lalaking iyon, kapag ginawa mo iyan ma

  • The VonTobel's Heir    Chapter 35

    “Ano ang nangyayari rito, Gianna? Sino iyang lalaking iyan?” Galit at pasigaw ang boses ng ama niya nang lumabas ito ng bahay. Kasama nito ang kan’yang ina na nakakunot din ang noo.“Sino iyan, Gianna?” tanong ng kan’yang ina kaya napangiwi siya. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin, kinakabahan siya dahil sa ibinibigay na tingin ng kan’yang magulang sa kan’ya pati na kay Ivo. Napalingon siya sa paligid, kita niya ang pilit na pakiki-usyuso ng mga kapitbahay nila sa kanila.“R-Roon po tayo mag-usap, ‘Nay, ‘Tay, marami pong mga tao sa labas,” mahinahong saad niya sa magulang ngunit umiling ito.“Hindi! Rito tayo mag-usap, sino ang lalaking iyan?” madiing tanong ng kan’yang ama kaya napapikit siya. Magsasalita na sana siya ngunit naunahan siya ni Ivo. Lumapit ito sa kan’ya at hinawakan ang kan’yang kamay para pigilan.“Magandang um

  • The VonTobel's Heir    Chapter 34

    “Alam mo ba, iyong anak ni Mela na si Gianna, umuwi na pala rito sa atin. Nakita ko kanina’t pinapaliguan ang dalawa niyang anak sa may poso nila. Makikiigib sana ako kaso namataan ko silang naliligo roon,” bulong ng isang matandang babae sa tambayan, mismo sa labas ng bakuran nila Gianna. Tinapik naman ng isang matanda ang babae kaya napa-aray ito.“Ano ka ba, marinig nga kayo, nasa harap kayo ng bahay nila,” saway ng isa kaya napairap ito sa kan’ya.“Ay kumare, totoo naman, nasaan kaya ang ama? Bali-balita rito na nabuntis daw iyan at tinakasan ng lalaki. Kawawa naman, maaga kasing naglandi eh, ‘yan tuloy ang napala,” natatawang sagot ng isa.“Mas malala pa nga ata ‘yong anak mo, Marites dahil kabit siya ni Kapitan Tarug!” Sumama ang mukha ni Marites sabay hampas sa kan’yang kaibigan na si Sharon.“Hoy! Mas maswerte pa naman ang anak ko dahil kahi

  • The VonTobel's Heir    Kabanata 33

    Mabilis silang nakauwi sa probinsya nila, kahit na naguguluhan ang kambal ay sumama na rin ito sa kan’ya. Wala siyang sinayang na oras dahil alam niyang magigising na si Ivo, Mabuti na nga lang ay hindi siya nahirapang maghanap ng masasakyan papunta sa probinsya nila. Ilang oras din ang byahe kaya pagod-pagod sila.Agad siyang nag-text kina Amy at Vanessa na ligtas silang nakauwi sa probinsya. Hawak-hawak niya ang dalawang anak niya palabas ng Bus. Huminga siya ng malalim nang maaninag niya ang bahay nila sa harap niya. Maganda ang bahay nila, sementado na ito at may tindahan sa harapan, bagay na ipinagmamalaki niya dahil kahit papaano ay may naipundar siya bilang manager sa coffee shop para sa mga magulang niya. Iyon nga lang ay kahig-isang tuka pa rin sila dahil may maintenance ang kan’yang ama. Lahat ng pinapadala niya ay nagagastos sa mga gamot ng kan’yang ama.Buong byahe ay kinakabahan siya, marami na rin ang sumasagi sa kan’ya

  • The VonTobel's Heir    Kabanata 32

    Nagising siyang may nakapulupot sa kan’yang bewang, nilingon niya iyon at nakita si Ivo na mahimbing ang tulog. Sa sobrang himbing ay napapahilik ito, dahan-dahan niyang inalis ang braso ng lalaki para makatayo siya.Ayaw niyang makita siya ng lalaking ganito dahil sobrang nahihiya siya. Hindi niya rin alam kung ano ang sasabihin kay Ivo, pakiramdam niya maling-mali ang ginawa nila.Siya ang may kasalanan ng lahat kung pinahinto niya lang si Ivo ay baka hindi ito nangyari. Pa-ika-ika siyang naglakad palabas, maswerte siya’t hindi nagising ang lalaki. Pagod na pagod ito dahil madaling araw na rin sila natapos.Napapikit siya ng mariin, iba’t-ibang posisyon ang ginawa nila, tama nga ang lalaki, hindi siya nito tinigilan. Para silang lasing na lasing kahit hindi naman sila nakainom.Nasa wastong pag-iisip sila kagabi mind subalit sinunod pa rin nila ang init ng katawan.Sa pagbukas

  • The VonTobel's Heir    Kabanata 31.3

    Kabanata 31.3Simula noong araw na iyon ay hindi na niya nakita si Shaniah. Hindi na rin nag-cross ang landas nila at malaki ang pasasalamat niya roon dahil hindi hinayaan ng tadhana na magkita sila ni Ivo. Gabi na at tulog na ang lahat, si Ivo ay katabi ng kambal, pinapatulog ang mga ito samantalang siya ay nasa terrace ng hotel at nagpapahangin. Napangiti siya nang makita ang kislap ng karagatan na nagmumula sa Liwanag ng kalangitan. Bigla siyang nakaramdam ng kaginhawaan nang malanghap ang sariwang hangin. Unti-unting nawala ang ngiti niya nang maalala ang mga magulang niya. Malapit din sila sa karagatan at ganito ang ginagawa niya tuwing gabi bago matulog. Miss na miss na niya ang inay at itay niya, simula noong tumutongtong siya ng Maynila ay hindi na siya nakauwi. Ang minsang pangarap niya para sa mga ito ay nawala ng parang bola nang mabuntis siya ni Ivo at isinilang ang kambal. Kahit kunti ay nagpapadala rin siya ngunit alam niyang hindi iyon sapat para sa pamilya. Mabuti n

  • The VonTobel's Heir    Kabanata 31.2

    Kabanata 31.2 "Nanay! Ang ganda ng dagat, oh! Rito po tayo, langoy tayo roon!" masiglang sigaw ni Avery sa kan'ya habang hinihila siya ng bata kung saan. Nasa likod din nila ang dalawang mag-ama na kasalukuyang naglalakad at nakapamulsa. Tanging bikini lang ang suot niya't iyon ang nadala niya walasiyang choice kung 'di iyon ang isuot niya, alangan namang magpantalon siya ehnasa beach sila, baka pagtawanan lamang siya ng mga tao roon. Mabuti na lang atmay baon siyang floral cover up dress kahit papano ay natatakpan nito angkatawan niya. Ilang oras din silang nagbabad sa dagat, hindi mapalis ang kan’yang ngiti sa labi nang makitang tuwang-tuwa ang kan’yang kambal. Maluha-luha niyang tinitigan ang mag-aamang nasa harapan niya’t naglalaro. Ang pangarap niyang makita ang mag-aamang nagbo-bonding ay angtanging pangarap niya noon pa man. Hindi niya akalaing matutupad iyon. “Hindi maalis ang ngiti mo, Gianna. Masaya kami dahil masaya siSir Ivo ngayon, dahil iyon sa inyo ng kambal.

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status