Share

The Way I've Always Loved You
The Way I've Always Loved You
Author: Haian

Prologue

9 YEARS AGO

"Kumpadre, naiintindihan mo na ba kung bakit kailangan ko ng isang lalaking mananatili palagi sa tabi niya? Ibang iba siya sa kanyang ate. Masyado siyang independent, ayaw na ayaw niya ang pinakikialaman lalo na pagdating sa kanyang kalayaan." Eksplika niya sa kanyang malapit na kaibigan.

Humigop ng kape mula sa tasa ang kanyang kaibigan at tila nag-iisip. Kasalukuyan silang nasa library ng mansion nito.

"Naiintindihan kita, sa nangyari sa iyong panganay ay dapat lamang na mas maghigpit ka sa iyong bunso." Anito na sinasang-ayunan ang mga plano niya.

Ngunit kailangan nilang makaisip ng paraan upang ma-protektahan ang kanyang anak ng hindi ito matatakot o mag-iisip na laging may pangamba. Kaya sadyang inilihim niya ang tunay na nangyari sa ate nito.

"I need someone to protect her in every way. If that someone could stick like glue with her every move, then it would be much better." Desperado na kung desperado ngunit ayaw niyang sapitin ng kanyang bunso ang sinapit ng nakatatandang kapatid nito.

Biglang bumukas ang pintuan ng library at iniluwa ang binatilyo ng kanyang kaibigan.

"Sorry, you forgot to close the door properly." Anito na buong tapang na sinalubong ang seryosong tingin ng ama.

"Let me take care of her from now on." Matigas na sagot ng binatilyo.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status