NAPAIRAP SI ICE sa hangin nang makita kung sino ang pumasok sa opisina niya sa loob ng kanyang boutique.
Ano na namang ginagawa ng lalaking ito sa boutique niya?
"Muffin, it's lunch time." Masayang anunsiyo nito at itinaas ang dalang paper bag. Nakasisiguro siyang pagkain ang laman ng paper bag.
"Hindi ka ba nagsasawa sa ginagawa mo?" Tanong niya rito.
Sa araw araw yatang ginawa ng Diyos, basta nasa boutique siya ay hinahatiran siya nito ng pagkain tuwing lunch. At hindi lang iyon, hatid sundo pa siya nito. Dinaig pa nito ang masugid na manliligaw!
"Nope! Never." Anito at inumpisahang ihain ang pagkaing dala.
Minsan may kung anong bagay ang humahaplos sa puso niya sa mga ginagawa ni Bastie. Ngunit madalas ay naiinis siya rito sapagkat alam naman niya kung bakit nito ginagawa iyon.
Pinagmasdan niya ang binata habang abala ito sa ginagawa. The man is Sebastian Antonio, Bastie for short. Ang buhok nito ay hanggang balikat ang haba at medyo may pagka-kulot, bumabagay iyon sa matangos nitong ilong, makipot na labi at medyo may pagka-tsinitong mga mata. Hindi rin pahuhuli sa pangangatawan ang binata. Broad shoulders and she knew what's inside his t-shirt. Ilang beses na ba niyang nakita ang abs nito sa mga nakaraan na outings ng barkada nila? Sa madaling salita gwapo si Bastie. Yung tipong kapag nakita ay lilingon ulit ang mga kababaihan.
"Ano? Huwag mong sabihin na nai-inlove kana sa akin?" May tudyo sa tinig ng binata at kinindatan siya.
Ilang beses pa siyang napakurap bago natauhan at mapagtanto ang sinabi ng binata.
"Asa ka!" Aniya at kinuha ang inaabot nitong pagkain.
"Ouch! That hurts!" He said while putting one of his hands on his chest.
Inirapan niya ito at sinimangutan, "It will never happen!"
"Icelandia Del Mundo one day it will happen trust me." Mayabang na deklara nito.
Pinukol niya ito ng masamang tingin, "Trust me, it won't!" Aniya at nag-umpisa ng kumain.
Nagkibit balikat si Bastie at nag-umpisa na ring kumain.
"What are your schedules this week?" Pag-kuway tanong nito.
"The hell you care." Inis na sambit niya habang nginunguya ang pagkain.
"Let me remind you that I am your——"
"Shut up! Ayaw kong marinig yan!" She exclaimed.
Ayaw na ayaw niya kapag sinasabi iyon ng binata. Para sa kanya isa lang siyang obligasyon para kay Bastie.
"I'm just stating a fact." Anito.
"Hindi ko alam kung paano mo nagagawa yan."
"Ang alin?"
"Para kang puppet! Sunud sunuran sa mga magulang." Komento niya habang patuloy sa pag-ubos ng pagkain.
Ibinaba ni Bastie ang mga kubyertos nito at tinitigan siya ng maigi, "W-What? W-Why?"
Gosh! Why suddenly she's stammering!
"Well, taliwas sa paniniwala mo, I'm not a puppet. I do what I want to do." Hindi pa rin inaalis ng binata ang tingin sa kanya.
Tumango tango siya, "Then why don't you just leave me alone?" Tanong niya at muling ibinaling sa pagkain ang atensiyon dahil naaasiwa siya sa mga tingin ng binata.
"Because I don't want to." Simpleng sagot nito.
Akmang sasagot siya nang magsalita itong muli, "Ni minsan ba hindi ako sumagi sa isipan mo?" Biglang tanong nito na ikinatingin niya dito. Matiim itong nakatingin sa kanya.
"Hindi." Sagot niya bagamat nagtataka kung bakit bigla itong nagtanong ng ganoon.
"Talaga? Kahit segundo lang?"
"Hindi." Sinikap niyang tatagan ang kanyang pagsagot.
"Strange, because you are always on my mind." He said casually.
She's trying to read his mind. Pinag-ti-tripan ba siya nito?
"Hindi ko na problema yun." Aniya rito.
"Yeah I know. That's the reason why I don't want to leave you alone actually." Anito at inabutan siya ng bottled water.
Kumunot ang noo niya at muli itong nagsalita, "I'm still solving that problem on my own."
Ibinaba niya ang mga kubyertos at sinalubong ang tingin nito, "You know what? One day, I know you will leave me alone."
Tumaas ang isang sulok ng labi ni Bastie at humalukipkip habang hindi inaalis ang tingin sa kanya, "You know what? One day, I know I will enter your mind. Maiisip mo din ako."
Sinimangutan niya ito, "Never!"
"Huwag kang magsalita ng patapos."
"I can say whatever I want to say." Naiinis na saad niya at uminom ng tubig.
"Who says you can't?" He smirked.
Pagkuway tumayo ito at niligpit ang pinag-kainan nila, "I'll pick you up later." Akmang aalis na ito ngunit tumigil ng marinig siya.
"You don't have to. Stop being my shadow."
"I said I will pick you up later and that's final." Anito at tuluyan ng umalis.
Naiinis na napatitig siya sa larawan nilang dalawa ng kanyang ate. Masayang masaya sila sa larawan na iyon na kinuhanan sa isa sa mga bakasyon nila sa labas ng bansa. Sobrang malapit sila sa isa't isa ng ate niya, kahit pa anim na taon ang pagitan ng edad nila.
It's been 9 years but she can still feel the pain and longingness. Kaya isinumpa niyang hindi niya hahayaan mangyari sa kanya ang nangyari dito. Hinding hindi siya magiging isang puppet na sunod sunuran sa kanyang ama!
TATLONGPUNG MINUTO ng naghihintay si Ice sa kanyang sundo. Nakatanggap siya ng mensahe mula dito kanina na paparating na daw ito.
Ang totoo ay naiinis siya, higit sa kanyang sarili. Bakit ba kasi hinihintay niya ang kutong lupang iyon? Well, because apparently he said, he is already on his way.
"Aherm! Parang hindi ikaw yan te! Ang sabihin mo nasasanay kana."
Anang munting tinig sa kanyang isipan. No! Hindi siya nasasanay at hindi siya pwedeng masanay!
Kasalukuyan siyang nakikipagtalo sa kanyang isipan ng sa wakas ay dumating na ang kanyang sundo.
"Muffin, I'm sorry..."
Tuloy tuloy siya sa sasakyan nito at hindi niya pinansin ang binata. Mabilis itong umagapay sa kanya ngunit naunahan parin niya ito sa pag-bukas ng pinto ng sasakyan.
Ilang saglit pa ay binabaybay na nila ang daan pauwi.
"Nagtagal kase ang last meeting ko kaya na-late ako." Paliwanag ni Bastie habang nagmamaneho.
"Nobody asked." Matabang na wika niya.
"I just want you to know." Anito na parang pinipigilang magalit o mainis sa kanya.
Okay! Maybe sometimes masyado na siyang harsh kay Bastie.
"Anong sometimes? Lagi kaya!"
Pakiramdam kase niya ay ginagawa siyang bata nito. She's very independent for pete's sake! Hindi siya kailangang alagaan! Kaya naiinis siya madalas dito dahil buntot ito ng buntot sa kanya.
Pasimple niyang sinulyapan ang binata. Makulimlim ang ekspresyon ng mukha nito.
"Kase naman madame! Sinundo ka na nga nung tao tapos nag-a-attitude kapa!"
She sighed. Oo totoong madalas siyang ma-inis kay Bastie, ngunit ayaw na ayaw niyang nagagalit ito sa kanya. Ewan niya pero hindi siya mapakali kapag ito ang naiinis na napaka bihirang mangyari.
Si Bastie lang ang kakilala niya na kayang mag-tagal sa pag-uugali niya. Well siyempre bukod sa matalik niyang kaibigan na si Jade.
"Sorry, I should not have said that." And upon saying that, his face suddenly lightened up. It was like a magic that happened in just a snap of her finger.
"I know you don't mean to," Anito na may sigla na sa tinig, "Let's have dinner first."
Tinaasan niya ito ng kilay, "Are you asking me to go on a dinner date with you?"
Tumaas ang isang sulok ng labi nito, "1st of all, I'm not asking, I'm telling that we will have a dinner. 2nd if you want to think of it as a date, then it's a date." Nakaharap lang ito sa kalsada habang nagsasalita.
Napanguso siya at kumibot kibot iyon mula sa kaliwa at kanan ng paulit ulit. Itinigil ni Bastie ang sasakyan, malamang nasa parking area na sila ng di niya namamalayan dahil laman ng isipan niya ang sinabi nito.
"I like that expression of yours. Lalo na kapag nag-iisip ka ng susunod mong isasagot sa akin." Puna nito.
Sa nakalipas na taon, napansin niyang kabisado na ni Bastie ang pag-uugali niya, ekspresiyon niya, ang mga gusto niya at ang mga hindi niya gusto. Noong una, ang buong akala niya ay ito lang ang may kakayahan ng ganoon. Ngunit sa hindi malaman na kadahilanan, napagtanto niyang unti unti rin siyang nagiging ganoon sa binata sa paglipas ng mga taon. She knows what he likes, what he hates and she can tell whenever he is not in the mood.
"You know what? Minsan para sa isang sunud sunuran sa mga magulang, astig ka din no? Tinutubuan kana yata ng spinal cord!" Saad niya.
"Ang kaso, hindi ako puppet katulad ng sinasabi mo. You just don't want to accept the fact that, I'm doing this because I want to." Sagot nito at gamit ang isang kamay iniipit nito ang buhok nito sa mga daliri mula sa sentro ng noo nito at hinawi iyon patalikod.
Kulang ang salitang tulala nang tumambad sa kanya ang malinis na mukha ni Bastie - ibig sabihin walang nagkalat na buhok sa gilid ng mga pisngi nito. Laging ginagawa iyon ni Bastie, ngunit sa mga pagkakataon na ginagawa iyon ng binata na magkalapit sila, sa tuwina'y napapa-tunganga siya sa binata.
Napaka-kinis ng mukha nito na animo'y hindi man lang tinutubuan ng tigyawat. Samantalang siya ay halos mabaliw kapag malapit na ang kanyang buwanang dalaw ay daig pa ang pista ng mga tigyawat sa kanyang mukha!
Isang malakas na pitik sa kanyang harapan ang kanyang narinig at unti unting lumilinaw ang ngisi ni Bastie.
"Pinagpapantasyahan mo ba ako?" Pang-aasar nito.
Sumimangot siya, "Halika na kain na tayo, gutom kana eh!"
Isang malakas na tawa lang ang pinakawalan ng binata.
INO-OBSERBAHAN NI ICE ang waitress na kumukuha ng order nila ni Bastie. Halos hindi siya tapunan ng tingin nito at nasa binata lang ang buong atensyon nito."What's new?" Anang tinig sa kanyang isipan.Oo nga naman, dapat ay sanay na siya. Kahit kailan agaw pansin talaga si Bastie sa mga kabaro niya. Malakas daw kase ang appeal ng mga long hair. Kung sabagay, gwapo naman talaga ang binata. Kahit noong maiksi pa ang buhok nito ay sadyang gwapo na ito."Ikaw anong gusto mo?" Tanong ng binata sa kanya na hindi man lang pinapansin ang nagpapa-cute na waitress."Kahit ano." Tipid na sagot niya."Walang ganoon." Anito na ikina-taas ng kilay niya.
SA VERANDA sa itaas nila napiling pagsaluhan ang cake na bake ng mommy niya. Napatingin siya sa buwang nakasilip. Napakaganda at napaka liwanag, kasabay ng mga bituwing nagniningning sa kalangitan. Pagkuwa'y napakunot ang noo niya ng biglang lumitaw sa kanyang balintataw ang nakangiting gwapong mukha ni Bastie."Bakit ko yun naiisip?""Ang alin?" Tanong ng kanyang ina.Oh! Sa isip lang niya dapat sinasabi iyon, ngunit naisatinig pala niya."Wala po mommy." Kaila niya. Mukhang hindi kumbinsido ang ina ngunit hindi na nagtanong pa.Binigyan siya nito ng isang slice ng cake. Simula ng pumanaw ang ate niya, ibinaling ng kanyang ina ang atensiyon sa pagbi-bake. And it became a coping mechanism for her.
SA TUWINA AY HINDI masyadong maka-pag-focus si Ice sa kanyang ginagawa. Kahit anong pigil niya sa sarili, panay pa rin ang sulyap niya sa gawi ni Bastie.Noong una ay tumitingin ito ng mga magazines ngunit halata namang hindi ito interesado dahil ang bilis nitong ilipat ang bawat pahina. Sa pangalawang sulyap niya ay sketch pad na niya ang tinititigan nito.Naiiling na ipinagpatuloy niya ang ginagawa. Bakit ba ito nagti-tiyaga na hintayin siya. Alam naman niya na busy din ito sa negosyo ng pamilya nito.Bastie's family actually owns a hotel chain. At dahil matalik na mag-kaibigan ang mga ama nila, magkasosyo ang mga ito sa negosyo. Ngunit major stock holder pa rin ang pamilya ng binata. Alam niyang hindi biro ang responsibilidad na naka-atang sa balikat ng unico hijo ng mga Antonio. Kaya malaking palaisipan sa kanya
MATAGAL NANG nakapasok si Ice ng bahay ngunit si Bastie ay nasa may gate pa rin ng bahay ng dalaga. Tulala pa rin.Hindi lang talaga siya makapaniwala na hinalikan siya ni Ice. Sa loob ng siyam na taon ay hindi nito ginawa iyon ni minsan, ngayon lang!Ewan ba niya, hindi rin niya maintindihan ang sarili kung bakit pagdating kay Ice ay napaka-tiyaga niya.Maybe because he was hoping that after so many years whatever this thing going on between the two of them, it will work out.Tumingin siya sa bahay, tumingala siya kung saan naroroon ang silid ng dalaga. Nakita niyang bukas pa ang ilaw ng parteng iyon ng bahay. Mayroong maliit na balcony ang silid ni Ice, malabo mang mangyari dahil alam niyang pagod ang dalaga, naghintay siya ng limang minuto, umaasang sisili
PASADO ALAS-ONSE ng umaga nang magising si Ice. Wala siyang balak pumunta ng boutique ngayon. Hinabilinan na lang niya ang kanyang sekretarya. She's craving some muffins today. At balak niyang mag-bake. Dali dali siyang nag-hilamos at pagkatapos ay dumeretso na siya sa kusina.Nadatnan niya roon si Manang Cora at ang anak nitong si Carmen, mga kasam-bahay nila ang mga ito at pinapag-aral ng mga magulang niya ang anak nito. Ang asawa nito na si Manong Jess ay ang personal driver nila."Good morning sa inyo." Masayang bati niya sa mga ito.There was something in her mood today. Napaka-gaan ng pakiramdam niya."Magandang umaga hija.""Magandang umaga ate."Sabay pa na wika ng m
KANINA PA NAIINIP si Bastie sa mga kausap. Kanina pa niya gustong umalis ng opisina. Ito ang huling meeting niya ngayong araw at hindi niya inaasahan na halos apat na oras na niyang kausap ang mga ito.Kanina pa niya gustong umalis para mapuntahan si Ice. Muli siyang napangiti ng maalala ang dalaga. She kissed him for the first time! And it's on the lips! Para siyang baliw na ngiti ngiti kapag naaalala iyon. Kahit na halos wala siyang tulog ngayong araw na ito ay pumasok pa rin siya.Kung laging ganoon ang gagawin ng dalaga, siguro kahit araw araw siyang puyat okay lang. Baliw na nga talaga siguro siya dahil naiisip niya iyon.Muli siyang napangiti ng maalala ang mga kaibigang sina Erie, Jayden at Dean. Na binulabog niya kaninang umaga upang sabayan siyang mag-jogging. At muling naglaro sa kanyang isipan ang maganda
“LET’S HAVE AN EARLY DINNER.”Nang sabihin iyon ni Bastie ay hindi na kumontra pa si Ice. After all, gutom na rin naman siya. Lulan sila ng sasakyan ng binata.“Where do you want to eat?” Tanong ni Bastie sa kanya.“Kahit saan.” Tipid na sagot niya.“Ang hirap mo talagang tanungin. Kapag tinanong ka kung saan sasabihin mo kahit saan. Kapag tinanong ka kung ano ang gusto mong kainin ang sagot mo ay palaging kahit na ano.” Anang binata.“Nagrereklamo ka?” Tanong niya rito habang nanghahaba ang nguso.“Hindi kaya. Sabi ko nga magda-drive nalang ako.” Anito at pinaandar ang sasakyan nito.
IT WAS REALLY a tiring night! At nagpapasalamat si Ice at natapos na rin ang fashion show na iyon na ginanap sa New York. Kasalukuyan siyang naglalakad pabalik sa kanyang hotel. Malapit lang iyon sa venue kung saan ginanap ang fashion show.Bukas din ng hapon ang flight niya pauwi ng Pilipinas, kung hindi ay baka tuluyan na siyang itakwil ni Jade. Hindi nga lang siya naka-attend ng rehearsal para sa kasal nito ay katakot takot na sermon ang inabot niya, yung hindi pa kaya siya maka-attend ng kasal nito.Naka-yuko siya habang naglalakad kaya naman nagulat pa siya ng biglang tumama ang noo niya sa matipunong dibdib na iyon."What the—— W-What are you doing here?!" Totoong nagulat siya nang makitang si Bastie ang nagmamay-ari ng matipunong dibdib na iyon."Bakit