Home / Romance / The Whispering Love of a Lily / Chapter 44- Acquaintance

Share

Chapter 44- Acquaintance

Author: Aceisargus
last update Last Updated: 2025-09-03 23:34:21

Napangisi si Sereia nang makalabas ng cafe. Pagkalabas ni Manong Albert ay lumabas na rin siya. Naawa na siya kay Adriel. Kung hindi pa siya aalis doon, baka puputok na ito sa galit.

Hinabol niya si Manong Albert. “Manong,” sigaw ni Sereia sa kalsada.

Napalingon si Manong. “Oh, bakit? Akala ko ay magpapaiwan ka pa roon?”

Umiling si Sereia. “Hindi na po.” Ngumiti siya. “Salamat nga po pala sa pagtatanggol sa akin kanina, Manong.”

“Nako, Ma’am! Wala iyon.” Tinanaw ni Manong ang likod ni Sereia. Saka niya ito binalingan. “Hindi ba anak ni Congressman iyong kausap mo kanina? Bakit kinakausap ka niya? Magkakilala pala kayo?”

“Opo, Manong.” Tipid siyang ngumiti. “Long story po. Magka-school mate kasi kami rati,” saad pa ni Sereia. “Ah, manong. Ano po kasi. Nabasa ko po sa harap ng apartment kanina. I-iyong karatola po.” pag-iiba niya sa usapan.

Lumunok si Sereia. ‘May tinda pa po kayo ng mango float?”

Kumunot ang noo ni Manong. “Oo, Ma’am. Bakit mo pala natanong?

Napakamot sa ulo si Sereia
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • The Whispering Love of a Lily   Chapter 50

    “Ano'ng sabi mo?” Hindi makapaniwalang tanong ni Sereia. “Ano'ng maaga?”Napakurap si Linux. Paano nga ba niya ipapaliwanag dito ang ibig niyang iparating? Baka mamaya ay ma-misunderstood pa nito ang sasabihin niya.At isa pa, bakit nga ba naisip niya rin iyon? Eh pwede naman talaga bumisita ng walang dala. Pero ang mas malaking tanong na umuukil sa kanyang isip ay ang huling tanong niya kay Sereia. Pati siya ay nangangamote kung paano sasagutin iyon.Napatawa si Sereia. Tinabingi niya ang kanyang ulo at humalipkip.“Kita mo, sa kakasunod mo sa akin; kung anu-ano na ang naiisip mo.” Napaling si Sereia. “Iyong totoo, bakit mo ako sinusundan?”Napakamot si Linux sa kanyang ilong. Pagkatapos niyon ay nameywang siya.“A friend of mine was paralyzed in a car accident long time ago. I came here to give him a visit,” Linux said.Napataas ang kilay ni Sereia sa narinig. Napatango siya. “So dito na-confince ang kaibigan mo? Imbis na sa mamahaling mga hospital?” puno ng pagdududang tanong niya.

  • The Whispering Love of a Lily   Chapter 49 - Too early to meet your father

    “Lalabas ka? O ako ang magpapalabas sa’yo?” Napakamot sa ulo si Dismund. “Inutusan mo ako kanina. Ang sabi mo, ako ang mag-didrive. Tapos ngayon palalabasin mo ako dahil lang sa naiinis ka? Nababaliw ka na yata.”Mas lalong nag-iba ang hilatsa ng mukha ni Linux. Binuksan niya ang pinto at lumabas. Tumayo siya sa tapat ng pinto ng drivers seat. Saka niya iyon binuksan.“Labas,” utos pa ni Linux.“Ayoko,” pagtanggi pa ni Dismund. Hinawakan niya ng mariin ang manubela. “It's too hot. Masisira ang balat ko.”“Bakla,” pang-aalaska niya pa rito pero si Dismund ay parang hindi man lang nadala sa kanyang sinabi. “Kalalaki mong tao. Takot ka sa init?”“Bakit? Hindi ba pwede? Ayoko magka-skin cancer,” ganti pa ni Dismund. Umiling siya sabay iwas ng kanyang paningin. “Ayoko. Akin itong kotse eh.”Umangat ang gilid ng labi ni Linux. “Fine. Umuwi ka ng mag-isa.” Saka niya binalibag ng malakas ang pinto ng kotse.Binaba naman ni Dismund ang bintana. Tinitigan niya si Linux. “Ano ba talagang proble

  • The Whispering Love of a Lily   Chapter 48- Grenade for you

    “Si Mommy ang may gusto. Wala na akong magagawa dahil siya mismo ang may hawak ng pera ni Daddy,” sabi ni Sereia habang nakatingin sa labas ng bintana.Natahimik sina Dismund at Linux. Nagkatinginan sila sa rearview mirror at panay bato ng makahulugang tingin. Hindi nila inaasahan ang kanilang narinig. Si Don Augustus? Isa sa pinakamayaman na Don sa bayan nila? Inilagak sa South Wing ng Brigade Hospital? At dahil lang sa gusto ng asawa nito?Kumunot ang noo ni Linux. Itinukod niya nang siko sa ng kotse. Saka siya nakapandekwatro ng upo.Binalingan ni Linux si Sereia. “Alam ba ito ng Lola mo?” Takang tanong pa niya.“Hindi ko alam.” Napabuntonghininga si Sereia. “Pasensiya na pero hangga't maaari ay ayaw ko sana pag-usapan ang kalagayan ng Papa ko.”Naglapat ng mariin ang labi ni Linux. Sumandal siya sa upuan at pinagkasya na lamang ang sarili na titigan ang madadaanan nila na tanawin sa labas.Dumaan ang ilang minuto ay biglang tumunog ang cellphone ni Linux. Kinuha niya sa kanyang b

  • The Whispering Love of a Lily   Chapter 47- Brigade Hospital

    “Nababaliw ka na. Pwede bang lubayan mo na ako? Naiirita na ako sa pagmumukha mo,” inis na wika ni Sereia. “Bakit hindi mo na lang ihatid ang girlfriend mo? Oh di kaya mag-date kayo? Stop bothering me. Can you?”Sinulyapan ni Adriel ang nobya na nakaupo sa passenger seat. “Tapos na kami mag-date. Nagkataon lang na nakita ka namin.”Naningkit ang mata ni Sereia. “Wala akong pakialam kung tapos na kayo mag-date. Basta lubayan mo na ako.”Mabilis na tumalikod si Sereia. Hindi na niya pinansin pa ang Ferrari ni Adriel. Bahala na kung susunod pa ito. Hindi na lang niya ito papansinin.Habang naglalakad ay panaka-nakang tumitingin si Sereia sa kanyang cellphone. Patingin&-tingin din siya sa kalsada para maghanap ng taxi pero katulad kanina. Wala pa rin dumadaan. Kaya nagdesisyon siya na mag-book na lang ng grab para makaalis na.Huminto si Sereia. Habang abala sa pagkalikot ng kanyang cellphone ay may pumarada na naman na isang kotse. Nalukot ang mukha niya.“Ano ba! Sinabi ko ng ayaw kong

  • The Whispering Love of a Lily   Chapter 46

    Hindi makakibo si Sereia. Kinalikot lang niya ang kanyang kamay habang nakatitig doon.Napansin naman ni Aling Lydia ang reaksiyon ni Sereia kaya napabuntonghininga siya. “Hindi naman sa nanghimasok ako… Pero.” Umiling siya. “Hindi ko alam kung ano ang namagitan sa inyo. Ayaw kong gawing basehan lang ang sinabi ni Albert. Kung anuman iyon ay sana man lang ay mag-ingat ka. Pwede ba iyon, Hija?”Tumango lang si Sereia bilang sagot. Nagkatinginan naman ang mag-asawa.“Oh, kainin mo ‘to ha? May dalawang tab diyan ng mango float. Iyang mangga pinaghalo ko na iyong hilaw at hinog. Unahin mo kainin iyang hinog. Para hindi maabutan ng paglanta.”Sinipat ni Sereia ang hawak na puting plastic. Saka niya binalingan si Manong Albert. “Maraming salamat po, Manong.”Tumango si Manong. Tinanaw niya ang labasan. “Bakit hindi ka na lang dito mananghalian? Nang makapag-usap pa kayo ng Mamang mo?”Doon na na-realize ni Sereia ang oras. Tinitigan niya ang kanyang cellphone para roon tignan ang oras. “Hi

  • The Whispering Love of a Lily   Chapter 45 - Her father

    “Nako, Reiang. Huwag mo ng alalahanin iyon.” Pinagsalikop ni Manang Lydia ang kanilang mga kamay. “Ang importante, maayos ang lagay mo. Hindi ka naman siguro pinapabayaan hindi ba?”Pait na ngumiti si Sereia. Iniwas niya ang kanyang paningin at hindi kumibo.Matagal ng alam nina Lydia at Albert ang nangyari kay Don Augustus. Tatlong taon na ang nakalipas mula ng tumigil sila sa pagtatrabaho sa hacienda. Pumutok ang isang masamang balita tungkol sa Ama nito.Kalat na kalat sa bayan ang sinapit na kagalang-galang na Don, at dahil maraming nakakilala rito, mabilis kumalat ang balita. Marami ang nalungkot at nadismaya. Lalo na ang mga taong natulungan nito.Isa si Don Augustus sa mayaman na haciendero rito sa kanilang lugar. Bukod kasi sa hacienda ay nagmamay- ari rin ito ng mga sikat na hotel and restaurant. Kilala rin ito dahil sa talento nito sa pagpipinta. May mga obra ito na hindi basta-basta natutumbasan ng pera. Kaya nga umugong ang pangalan nito sa industriya ng pagpipinta. Malib

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status