Share

CHAPTER 6 (Kailan Pa Ba Matututo Ang Puso?)

ALANA

Hindi ko mapigilang 'di na naman maluha sabay ng mga patak ng tubig sa aking mukha at katawan ay ang siya namang pagsabay ng pagdaloy ng aking mga luha. Hindi pa rin pala ako manhid sa sakit at hindi pa rin pala ito kailanman mawawala sa akin.

"Kunin mo na ang dapat mong kunin para makaalis ka na," malamig na saad ni Knight at agad naman akong gumalaw at pumunta agad sa closet.

"Wala na riyan ang mga damit mo. Kunin mo na 'yang mga naka-karton diyan iyan ang mga damit mo dahil ayokong nakikita ang mga basurang 'yan tulad mo na malapit sa mga damit ko. Ang dumi-dumi sa paningin," dagdag pa niya at para namang paulit-ulit niyang dinudurog ang puso ko. Nagbabadya namang kumawala ang mga luha sa aking mga mata ngunit hindi dapat . . . hindi niya dapat ako makitang umiiyak dahil bubulyawan na naman niya ako at ayokong mangyari iyon. Mamaya na lamang ako iiyak.

Ilang taon na pero ganito pa rin kasakit. Agad kong pinihit ang shower at ibinalot ang aking katawan ng tuwalya. Kailangan ko
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status