KNIGHTBatanes, Rakuh a PayamanNapakaganda ng Batanes, ang mga burol ay malawak na pastulan ng mga hayop, mga kalabaw, at mga kabayo. Nag-aalok ito ng isang perpektong tanawin kung saan ang lupa, dagat, at kalangitan ay para bang malapit sa isa’t-isa. Napapikit ako ng aking mata at dinama ang sariwang hangin. Napakapayapa, tahimik at malaya. Napangiti ako at napatingin ako sa kulay bughaw na kalangitan. Hindi ko itinuloy ang pagbabagong anyo dahil na din sa mga sinabi sa akin ni Thaddeus. Ilang taon na ba ang nakalipas? Ilang taon na ba akong nagtatago? Habang buhay na ba akong ganito? Pinalitan na din ang aking pangalan sa tulong ni Thaddeus, ako na ngayon si Mason Hunter Cruz.Pakiramdam ko ay ibang tao na din ako kahit wala namang nagbago sa aking pisikal na anyo. May dala dala akong isang maliit na upuan dahil napagdesisyunan kong dito ipagpatuloy ang aking mga sulat na dapat ay para sa kanya. Mga sulat na gusto kong ibigay sa kanya araw-araw para ipakita kung gaano ko siya kam
Hingal na hingal ako habang lakad at takbo ang aking ginawa para lang makaalis sa lugar na iyon. Bakit ba kasi nagsuot pa ako nitong mataas na takong at hanggang tuhod na damit na siyang pinaghandaan ko ngayong gabi? Pinili ko pa naman ang damit na ito para sa kan’ya ngunit bakit nga ba agad ako naniwala ulit sa kan’ya? Hindi na nga talaga ako nadala. Kahit alam kong uulit-ulitin niya pa rin ito. Niloko na niya ako noon ngunit naging bulag-bulagan na naman ako ngayon.I was making a fool of myself by continuing to trust him.Kasalanan ko kung bakit ganito ngayon ang tinatamasa ko. Kasalanan ko naman itong lahat kung hindi lang sana ako naging marupok. Madali lang yatang tibagin ang ginawa kong harang sa kan’ya dito sa puso ko."Alana!" Sigaw ni Knight habang tumatakbo sa direksyon ko."Bumalik ka doon, Knight!" Pabalik kong sigaw. Ayokong makita ang kan’yang pagmumukha ni kahit pagdapo ng kan’yang balat sa akin ay nasusuka ako. Ayokong hawakan niya ako."Mali ang iniisip mo!" sambit
ALANANanginginig ang buo kong katawan sa takot na pagbuksan siya ng pinto. He was banging and shouting against the door again. He was drunk. “Bitch! Hindi mo ba bubuksan ang pintong ito o hihintayin mong wasakin ko ito sa pagmumukha mo?" sigaw niya ng malakas. "Sandali lang," humihingal kong sagot. Nanginginig ang buo kong katawan sa takot habang papalapit ako sa pinto. At nang pagbuksan ko siya ay sinalubong ako ng maitim niyang awra. Ang nag-aapoy niyang mga mata na puno ng galit at agad akong tumilapon sa sahig hawak-hawak ang sa ngayon ay namamagang pisngi ko. Isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ko na hindi ko na maramdaman sa sakit. Immune na yata ang katawan ko at sanay na sa ganito. Tatayo na sana ako nang makaramdam ako ng kirot . . . ang paa ko.Na dislocate ‘ata ang paa ko. Napaiyak ako sa sakit na lalong ikinagalit niya dahilan upang hilahin niya ang aking buhok na tila ba makukuha na ito sa anit ko sa sakit. "Ano? Iiyak ka na naman ba?" marahas niyang sigaw
KNIGHTAs I watched the people dancing wildly on the dance floor, I wheezed the last smoke from my cigarette."Anong oras ba tayo uuwi?" pangalawang tanong ni Thaddeus sa akin.Tinapunan ko siya ng tingin dahil kanina pa ako iritang-irita sa kaniya. "Ano bang minamadali mo at tanong ka ng tanong? Mauna ka ng umuwi kung gusto mo," asik ko na maskin siya ay nagulat sa inasal ko."Relax bro, I'm not leaving you here, I was just asking," wika niya at kinuha ang isa pang baso na may lamang alak at agad itong nilagok.Hindi ko na siya pinansin pa at tinuunan na lamang ng pansin ang paglalagok ko ng alak. Hindi ko pa gustong umuwi at madatnan ang babaeng siyang sumira at naging dahilan ng pagkamiserable ng buhay ko na sana ngayon ay masaya sa piling ng babaeng mahal ko. Napaka-ambisyosa naman niya kung pati ba naman ang pagiging mapagmahal na asawa ay gagawin ko porke't pinakasalan ko siya. Siya ang may kasalanan ng lahat-lahat ng ito. Nagkukunwari pang mabait sa harapan ko at sa harapan ng
ALANANaalimpungatan na lamang ako ng gising nang maramdaman kong may umuuyog sa aking balikat."Naku iha bumangon ka nga diyan ang lamig-lamig ng sahig," wika ni Nanang at inalalayan akong bumangon. Nandirito na pala siya at tila nalimutan ko yata ang petsa kung kailan siya babalik. Umuwi kasi muna siya sa kanilang probinsya dahil sa anak niya at ngayon naabutan niya na naman ako sa ganitong sitwasyon. Ni hindi ako makatingin ng tuwid sa kan'yang mga nagtatanong na mga mata at tila ba alam na niya kung ano mismo ang nangyari.Agad niyang kinuha ang aking mga kamay at doon ko na lamang nakita na may mga bagong pasa na naman ako at nakatutuwang tingnan ang mga dilaw ko na mga pasa dahil gumagaling na sila at ngayon ay may bago na naman."Iha, hahayaan mo na lang bang tratuhin ka ng ganito ng asawa mo? Ilang taon na kayong kasal at ganito pa rin ang sitwasyon ninyo. Dito ka na ba magpapakamatay? Ang ganda-ganda mong bata ka papasa ka bilang artista kung lalabas ka lamang sa lunggang ito
ALANA"I've been there sa kinatatayuan mo iha, that is why I want to help you. Look at me, I'm getting old and I'm not happy dahil sinunod ko ang puso ko kasi mahal ko 'yong tao. Hanggang sa tumanda na lang ako 'di ko naramdaman ang mahalin. Pero kahit na ganoon hindi na rin ako nagsisisi kasi choice ko ito at lalo akong magsisisi kapag hindi kita ginabayan. I know how much you love Knight kitang-kita naman sa mga mata mo but please love yourself more. Ibang-iba na ang hitsura mo ngayon kaysa sa dati mahalin mo ang sarili mo. Paano na lang kung makikita ka ng papa mo? Gusto mo ba 'yon? Kung hindi mo pa gustong mapahiwalay kay Knight fix yourself pero kapag hindi mo na kaya you know to reach me iha," malumanay na saad niya.Naririto na kami ngayon nakaupo sa sa hardin at humihigop ng kape. Panay naman ang hila ko pababa ng aking long sleeve na siya namang hindi maiwasang tingnan ng matanda.Tiningnan ko naman si Momsy na parang nagungusap ang aking mga mata. "Mahal ko po si Knight, Mom
ALANATila ba natigilan ako saglit sa mga sinabi ni momsy sa akin kanina. Masyado na ba talaga akong nagiging tanga? Tanga na ba ako sa kakaibig sa kan'ya at sa kagustuhan na ibigin niya rin ako? Nakakatawang isipin na asawa na ako ni Knight for how many years and yet wala pa ring nangyayari sa amin grelasyon. Para bang may nakaharang pa rin sa aming dalawa ang pinagkaiba lang ay may singsing kami sa isa't-isa. Ngunit sa mga nagdaang araw na rin ay napapansin kong 'di na niya isinusuot ang kan'yang singsing at doon din ako nanlulumo dahil kahit na 'yon na lang sana ang nakikita ko sa kan'ya para maisip ko ring pinahahalagahan niya rin ang aming kasal ngunit marahil ay nakalimutan niya na lamang itong suotin o naiwan sa kan'yang opisina . . . itinago o naiwala na niya ito. Sino ba naman ang niloloko ko?"Stop it Alana, mamahalin ka rin niya. Just be a wife to him at pasasaan ba at matututunan ka rin niyang mahalin. Cheer up Alana," bukang bibig ko na lamang at pinilit na ngumiti. Nap
ALANAHindi ko mapigilang 'di na naman maluha sabay ng mga patak ng tubig sa aking mukha at katawan ay ang siya namang pagsabay ng pagdaloy ng aking mga luha. Hindi pa rin pala ako manhid sa sakit at hindi pa rin pala ito kailanman mawawala sa akin."Kunin mo na ang dapat mong kunin para makaalis ka na," malamig na saad ni Knight at agad naman akong gumalaw at pumunta agad sa closet."Wala na riyan ang mga damit mo. Kunin mo na 'yang mga naka-karton diyan iyan ang mga damit mo dahil ayokong nakikita ang mga basurang 'yan tulad mo na malapit sa mga damit ko. Ang dumi-dumi sa paningin," dagdag pa niya at para namang paulit-ulit niyang dinudurog ang puso ko. Nagbabadya namang kumawala ang mga luha sa aking mga mata ngunit hindi dapat . . . hindi niya dapat ako makitang umiiyak dahil bubulyawan na naman niya ako at ayokong mangyari iyon. Mamaya na lamang ako iiyak.Ilang taon na pero ganito pa rin kasakit. Agad kong pinihit ang shower at ibinalot ang aking katawan ng tuwalya. Kailangan ko