LOGINELYSSE POV
Naalala ko ang sinabi niya sa akin noong nakaraang linggo habang pinagmamasdan ang mga gamit sa pagpipinta na ibinigay niya sa akin. Nasa harap ko ang isang canvas na may halong kulay kahel at dilaw na langit, kasama ang mga ilaw ng siyudad na palagi kong nakikita mula sa bintana ng kuwarto ko. Bakit nga ba interesado siya sa mga painting na gagawin ko? Hindi naman ako ganoon kagaling magpinta, at matagal na rin mula nang itigil ko ang nakasanayan kong gawin noon. Ang bilis nang panahon. Tatlong buwan na pala mula nang matagpuan niya ako sa Crestloir River at tulungan akong makapagsimula ulit. Knock, knock. Napalingon ako sa p***o nang makarinig ng katok. Ibinaba ko ang brush at palette na hawak ko bago pumunta sa p***o at buksan iyon. “Doctor will be here in a minute,” bungad ni Nikolai. Napatingin ako sa wall clock. Sampung minuto na lang bago mag-alas-diyes. Sabado nga pala. Schedule ko ngayon ng counselling session. Muli akong napatingin sa kanya nang pumasok ang tingin niya sa loob ng kuwarto. Bahagya siyang ngumiti nang mapansin ang tatlong painting na ginawa ko nitong mga nakaraang araw. Nakahilig ang mga iyon sa dingding, nakaharap sa pintuan. “Do you have time after your counselling?” “Meron naman. Bakit?” “Can I take you somewhere? I have something to discuss with you. I'll tell you more about it later.” “Sure.” Ilang minuto pa ang lumipas bago dumating ang doctor ko. Gaya ng mga nakaraang session, kinamusta niya ang nararamdaman ko at tinanong tungkol sa mga bagay na maaaring makaapekto sa mental health ko. Pinag-usapan din namin kung paano ko hinaharap ang mga araw na bigla na lang akong nakakaramdam ng lungkot o bumabalik ang masasakit na alaala. Mas maayos na ang kalagayan ko ngayon, pero kailangan ko pa ring ipagpatuloy ang counselling sessions at pag-inom ng mga gamot na nireseta sa akin upang matiyak na tuloy-tuloy ang paggaling ko. Minsan, naiisip ko na baka may dahilan kung bakit nangyari sa akin ang lahat ng iyon. Masakit pa rin. Sobrang sakit, lalo na kapag naaalala ko ang mga bagay na pilit kong kinakalimutan. Pero alam kong hindi ako puwedeng manatili sa nakaraan habang buhay. I want to focus on my new life. This time, gusto kong piliin naman ang sarili ko. Nang matapos ang isang oras na session, may naisip akong itanong sa doctor bago siya umalis. “Doc, nalalaman po ba ni Nikolai ang mga pinag-uusapan natin dito?” Umiling siya. “He doesn't ask for the details of our conversations, Elysse. Ang hinihingi lang niya sa akin ay updates tungkol sa progress mo. He respects your privacy.” Saglit akong natahimik. Hindi pa rin pala niya sinusubukang alamin kung ano talaga ang nangyari sa akin. Kahit na tinutulungan niya ako, hindi niya ako pinipilit na ikuwento ang mga bagay na hindi ko pa kayang sabihin. Bago lumabas, sinabi rin ng doctor na malaki na raw ang ipinagbago ko kumpara noong una niya akong makita. Dati, halos hindi ako nagsasalita at hirap na hirap akong mag-open up. Ngayon, unti-unti na akong natututong ipahayag ang nararamdaman ko. Pinayuhan niya akong ipagpatuloy ang gamot at counselling hanggang sa maging mas maayos ang kalagayan ko. Nakita ko pa siyang nakikipag-usap kay Nikolai sa may bukas na p***o. Ilang sandali lang, nagpaalam na ang doctor at tuluyang umalis. Naiwang nakatayo si Nikolai sa labas ng kuwarto ko. Kumatok siya nang mapansing nakatingin ako sa kanya. Ngumiti siya sa akin. “So, tara? Let's celebrate outside.” Kinuha ko ang ilang gamit ko bago kami tuluyang umalis. Dinala niya ako sa isang eleganteng restaurant kung saan kami nag-lunch. Hinayaan niya akong pumili ng kahit anong gusto kong kainin, at hindi niya pinalampas ang pagkakataong ipagdiwang ang progress ko. “You've made a lot of progress.” Itinaas niya ang baso niya upang makipag-toast sa akin, “Congrats, Elysse.” “Salamat. Nang dahil sa’yo kung bakit nakakausad ako.” Ginaya ko siya at idinikit ang baso ko sa kanya. Clink. “Just keep it up, okay? Don't let negative thoughts consume you.” Napatingin ako sa baso ko bago muling tumingin sa kanya. “Bawal ata akong uminom ng wine.” “That’s fruit juice,” sagot niya, saka bahagyang natawa. “You're safe.” Napangiti ako at uminom. Pagkatapos naming kumain, saka niya ipinaliwanag ang dahilan kung bakit niya ako niyaya. “How have you been with your painting?” tanong niya. “Does it help you process your emotions?” “Medyo nangangapa pa ako. Parang kailangan kong magsimula ulit from scratch. Pero I guess I'm getting there.” “That's good.” Sandali siyang tumigil bago nagpatuloy. “The reason I invited you here is because I talked to someone. A family friend of mine.” Nakinig lang ako habang hinihintay ang susunod niyang sasabihin. “His eldest grandchild is getting married six months from now. They're looking for someone who can paint the couple during their wedding, something they can keep as a memory of their special day,” Tumingin siya sa akin. “I recommended you.” Napatingin ako sa kanya, hindi agad makapaniwala sa narinig. “Pero paano kung hindi nila magustuhan ang painting ko? Hindi ako sigurado kung kaya ko.” “You can do it, Elysse. I believe in you.” Ngumiti siya na para bang sigurado siyang kaya kong gawin ang bagay na mismong ako ay pinagdududahan ko. “Nikolai, matagal na akong hindi nagpinta. Years na ang lumipas. Hindi ko alam kung sapat pa ba ang skills ko para sa ganoong event.” “Then we'll work on it.” Kalmado ang sagot niya. “I can help you find an art class so you can practice again. You can also attend workshops or seminars to refresh your skills. No pressure. You still have six months to prepare.” Napatingin ako sa kanya. Hindi niya sinabing kailangan kong tanggapin agad ang alok. Sa halip, binibigyan niya ako ng pagkakataong subukan ulit ang isang bagay na matagal ko nang tinalikuran. “Bakit mo ginagawa sa’kin ito?” tanong ko. Bahagya siyang sumandal sa upuan at ngumiti. “Because I know you can do more than you think.” Sandali siyang tumigil bago muling nagsalita. “Self-glow-up is one of the best revenge against people who treated you badly. So, you should try to do better for yourself as your first step.” Napayuko ako upang itago ang ngiting unti-unting nabuo sa labi ko. Siguro nga, panahon na para subukan ko ulit. Hindi para patunayan sa mga taong nanakit sa akin na kaya kong bumangon, kundi para sa sarili ko.ELYSSE POV "Here." Mula sa kanyang coat, kinuha ni Nikolai bagong box ng smartphone at inilapag sa dining table ng restaurant na pinuntahan namin. Binuksan niya ito at inilabas ang pinaka-latest model na kulay burgundy na smartphone. Napatingin ako sa kaniya, nagtataka kung bakit niya iyon ibinibigay sa akin. "I bought it because you lost your phone when you fell into the river. Naka-save na dyan ang contact number ko, just in case you need me when we're not home. You'll also need it for your future clients." Kinuha ko ang phone at ang kahon nito mula sa kaniya. "And this…" Inilapag naman niya sa dining table ang isang black card at itinulak iyon palapit sa akin. "That's yours. Buy whatever you want." "Nikolai…" sambit ko habang nakatingin sa kaniya. Hindi ko na alam kung paano ipapaliwanag na sobra-sobra na ang ginagawa niya para sa akin. Ngumiti siya na para bang alam niya ang iniisip ko. "Just take it. You might need some pocket money anytime. Don't worry about
ELYSSE POVNaalala ko ang sinabi niya sa akin noong nakaraang linggo habang pinagmamasdan ang mga gamit sa pagpipinta na ibinigay niya sa akin.Nasa harap ko ang isang canvas na may halong kulay kahel at dilaw na langit, kasama ang mga ilaw ng siyudad na palagi kong nakikita mula sa bintana ng kuwarto ko.Bakit nga ba interesado siya sa mga painting na gagawin ko? Hindi naman ako ganoon kagaling magpinta, at matagal na rin mula nang itigil ko ang nakasanayan kong gawin noon.Ang bilis nang panahon. Tatlong buwan na pala mula nang matagpuan niya ako sa Crestloir River at tulungan akong makapagsimula ulit.Knock, knock.Napalingon ako sa pinto nang makarinig ng katok. Ibinaba ko ang brush at palette na hawak ko bago pumunta sa pinto at buksan iyon.“Doctor will be here in a minute,” bungad ni Nikolai.Napatingin ako sa wall clock. Sampung minuto na lang bago mag-alas-diyes.Sabado nga pala. Schedule ko ngayon ng counselling session.Muli akong napatingin sa kanya nang pumasok ang tingin
NIKOLAI POVI didn't get any fish.But I ended up taking home a woman instead.She almost fainted after what happened on my yacht earlier, kaya agad ko siyang dinala sa penthouse. I called my butler to prepare some clothes for her and get the guest room ready. Then I dialed my private physician's number to check on her condition.I settled her on the guestroom bed and asked a maid to help her change her clothes. The physician arrived shortly afterward to check on her while I waited outside the room.My hunch was right. That's why she looked so familiar to me. Akala ko guni-guni ko lang.She looked thinner now, and the youthful beauty I remembered seemed to have faded. She looked so different from the woman I used to know.I entered the room, and the physician explained her condition. He told me that she needed proper treatment and follow-up care after her recent miscarriage. She might also need iron supplements because of the heavy bleeding she had experienced. The doctor suggested th
NIKOLAI POV“Nick, let’s go to Mirth Pub! I wanted to introduce you to someone.”A loud, playful voice echoed through my office as a man barged in and sat onto my couch. I didn’t even bother looking at him. I already knew that silly voice belonged to. My grandpa’s best friend’s son and a childhood friend of mine, Nathaniel.Narito na naman para baguhin ang isip ko na i-consider na ang marriage bago raw ako lumampas sa kalendaryo.Twenty-five years old pa lang ako, for Pete's sake. Maaga pa para mag-decide ng ganiyang bagay.I smirked and shook my head, keeping my eyes on my tablet. Several folders and presentation slides were open on the screen for next week’s board meeting.“If you’re here because Pops again, it’s not gonna work, Nate. Hindi ako makikipag-blind date.”I continue reading through my tablet to prepare a discussion for the upcoming board meeting next week. The sales have increased by a decent percentage but it’s not enough. I want higher than this. I marked a few figures
ELYSSE POV"Para sa ating mga pamilya at kaibigan na narito... Pati na rin sa harap ng Diyos, ako si Kyle Baltazar ay tinatanggap si Elysse Diaz na maging aking kabiyak at asawa. Ipapangakong araw-araw kong pipiliin at mamahalin sa hirap o sa ginhawa. Hinding-hindi kita pagtataksilan. Ipapangako kong aalagaan at iingatan kita hanggang sa tumanda at aking huling paghinga."Malinaw ko pa ring naririnig sa aking isipan ang mga salitang binitawan niya sa akin.Noong araw ng kasal namin, buong pagmamahal akong tinitigan ni Kyle habang binibigkas ang kanyang mga pangako. Hawak niya ang mga kamay ko at nakangiti sa akin na para bang ako lamang ang babaeng nakikita niya sa buong mundo."You may kiss the bride." Saad ng pari kaya hinalikan na niya ako.Nagsipalakpakan ang mga bisita matapos ang halik na iyon. May mga luhang namumuo sa aking mga mata noon, ngunit hindi iyon dahil sa kalungkutan. Masaya ako dahil naniniwala akong natagpuan ko na ang lalaking makakasama ko hanggang sa pagtanda.A
ELYSSE POVMay nagpadala sa akin ng email na naglalaman ng compilation ng pagtataksil ng asawa kong si Kyle. Ang ilan sa mga pag-uusap ay mula pa noong tatlong taon na ang nakalilipas. Makikita roon ang pakikipagpalitan niya ng mga mensahe sa ilang babaeng nag-bibigay aliw kapalit ng salapi."Have fun reading, Elysse Diaz." Iyon ang nakasulat na caption sa email.Halos gumuho ang mundo ko nang malaman kong ilang taon na pala akong niloloko ni Kyle. Hindi ko man lang ito nalaman o nahalata dahil kapag magkasama kami ay maayos naman katulad sa mga normal na mag-asawa.Nakatala roon ang mga petsa at oras ng pakikipagtalik niya sa iba't ibang babae. May mga video rin na nagsisilbing ebidensiya ng kanyang pagtataksil. Inisa-isa kong tinignan ang mga screenshot ng pakikipagusap niya sa iba't ibang babae."Ang sarap mo kanina, walang kupas! Iba talaga ang sarap kapag asawa ng iba." Message ‘yon ng isang babae na may pangalang Angel.Nanikip ang dibdib ko nang mapansin ko na ang nasa timestam







