Share

Chapter 41

"ANY last words, Xanthea?" nakangisi na namang sabi ni Wright. Tiningnan ko naman ni Davin. Nanatili siyang nakatitig sa akin hanggang sa bumaba ang tingin niya.

Dahan-dahan ko namang sinundan ang tingin niya. Binaba ko rin ang tingin ko hanggang sa paanan ko. Ilang sandali lang ay medyo nagulat naman ako sa nakita ko mula sa kinatatayuan ko pero binawi ko agad ang pagkagulat ko. Sa ibaba ng kinatatayuan ko ay kitang-kita ko ang nakagapos na Dad ni Davin. Made of glass ang sahig na kinatatayuan ko kaya kitang-kita ko sa baba ang Dad niya. Nakaupo ito sa isang upuan at nakatali ang mga kamay at paa nito. Nakita ko rin na nagpupumiglas itong para makawala pero mukhang matibay ang taling nakagapos sa kanya.

"May huling habilin pa sana ako sa'yo, Terace Wright," seryosong sabi ko. Itinaas ko ang tingin ko at tinitigan ang nakangisi pa rin na si Wright. Kita ko naman ang kaunting pagtatakang gumuhit sa mukha niya nang magkatitigan kami ngunit bin

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status