تسجيل الدخولSa araw din na iyon ay ikinasal na kami. Simple lang ito, walang grandiyosong reception o kung anong arte. Tanging ako, si Lucas, at ang pareng matagal ko nang pinahanda bilang witness ang nandoon. Dito sa tahimik na isla, habang nakatitig kami pareho sa papalubog na araw, opisyal na kaming naging mag-asawa. Hindi ito ang pinangarap kong magiging kasal ko, pero wala akong pakialam. Ang mahalaga ay nakuha ko ang gusto ko. Nang sumapit ang gabi, ibinigay ko na rin ang sarili ko sa kaniya. Sa loob ng kaniyang silid, walang saplot kaming nahiga sa iisang kama. Ang tanging naririnig sa buong silid ay ang palitan namin ng mga ungol habang nilulunod ang isa’t isa sa pagnan*sa. Oo, ito talaga ang gusto kong mangyari kaya hindi ako tumigil sa paghahanap sa kaniya. Akala ko, sapat na na makasal kami. Na akala ko, iyon ang magiging paraan para maitama lahat ng mali sa pagitan namin. But I was wrong... completely wrong. Our marriage started like a dream. A sweet, full of intense, and intoxi
Alas-singko pa lang ng madaling araw ay gising na ako. Pinanood ko ang dahan-dahang pagliwanag ng langit sa labas ng bintana ng penthouse ko habang iniisip ang posibleng mangyari ngayong araw. Kinuha ko ang aking sasakyan at nagmaneho nang walang destinasyon, sinusubukang iligaw ang sinumang sumusunod sa akin. Pero alam ko, kahit anong liko ang gawin ko, alam niya kung nasaan ako. Nag-stop over muna ako sa isang gas station para mag-isip. Doon, muling tumunog ang phone ko.From Lucas:Change of plans, Mahal. Masyadong mainit sa mata ang mga security mo. Go to the abandoned pier in Cavite. Pier 7. 4 PM sharp. Come alone, or the deal is off. Don't make me wait." Napatayo ako at mabilis na bumalik sa sasakyan. Habulan. Iyon ang gusto ng hayop na ito. Talagang sinusubukan niya ang katiting kong pasensya. Pagdating ko sa Cavite, saktong alas-kwatro ng hapon. Ang paligid ay sobrang tahimik, tipong tanging ang hampas lang ng alon at ang huni ng mga ibon ang naririnig. Isang luma pero mati
Nabitawan ko ang phone ko sa sahig. My heart was pounding against my ribs like a trapped animal. Lumingon-lingon ako sa paligid, pilit na binabagtas ang usok at ang mga taong nagtatakbuhan. He’s here. He has a gun and he’s watching us like a predator watching its prey. "Liana! We need to go!" sigaw ni Mark, sinubukang hilahin ako patungo sa kabilang pintuan. "No, Mark! He's here! He's going to hurt you!" sigaw ko pabalik, ang boses ko ay halos malunod na sa ingay ng paligid. "I don't care! Your safety is my priority!” Nagpatianod ako sa hila niya hanggang sa makarating kami sa loob ng suite ko. Pinalilibutan na kami ng mga security team ko pero wala akong maramdamang kaligtasan. Pakiramdam ko'y nasa tabi ko lang si Lucas, pinapanood akong mabalisa. Naupo ako sa gilid ng kama, hawak-hawak ang nanginginig kong mga kamay. He’s not just playing a psychological game anymore. He is dangerous. He’s a man who’s willing to kill just to keep his claim on me. "Liana, look at me," hawak ni
Mabilis akong umalis sa bathtub at nagbalot ng robe habang nanginginig ang buong katawan. Bago ako lumabas ng banyo ay sinilip ko muna ang bawat sulok nito, pati ang siwang ng mga air vents at ang gilid ng mga vanity mirrors. Wala talaga akong nakitang camera. "Bwisìt ka, Lucas! Nasaan ka?!" sigaw ko sa kawalan, pero tanging ang tunog lang ng aircon ang sumagot sa akin. Sa huli, nahiga ako sa kama at problemadong nakatulog. Sa mga sumunod na araw ay parang naging aligaga na ako. Maya't maya kasi ay may texts ang bwisīt na ’yun, pinapaalala kung gaano siya nakatutok sa bawat galaw ko. Pagdating ng Grand Launch ng Laham, alerto akong pumunta. Ang venue ay sa isang enggrandeng ballroom ng isa sa kilalang five-star hotel sa Makati. Puno ng mga bulaklak na anahaw at mga telang abaka na siningitan ng mga modernong disenyo ang paligid Napaka-sophisticated, napaka-elegante, isang malaking sampal sa katotohanang ang inspirasyon nito ay ang dampa kung saan niya ako kinulong. "Ma'am Liana, y
Kinagabihan, hindi ko alam kung gaano na ako katagal na nakababad sa bathtub. Ang bango ng lavender oil ay hindi sapat para pakalmahin ang nanggagalaiti kong sistema. Nakatitig lang ako sa kisame, hinahayaan ang mainit na tubig na yakapin ang katawan ko, pero ang isip ko ay kung saan-saan na napapadpad. Kinuha ko ang cellphone ko sa gilid at mabilis na hinanap ang pangalan ni Lana. Alam kong ilang beses ko na siyang tinanong kung alam ba niya kung nasaan ang demonyo niyang kapatid-kapatiran, pero hindi ako susuko. Kailangan kong may mapiga sa kaniya. "Hello, Liana?" sagot ni Lana sa kabilang linya. "Napatawag ka?" "May balita ka na ba kay Lucas? Nagpakita ba siya sa inyo? O kahit text man lang?" sunod-sunod kong tanong habang marahas ko nang hinihilod ang braso ko. Narinig ko ang pagbuntong-hininga ng kapatid ko sa kabilang linya kaya tumigil muna ako. "Liana, alam mo namang tatlong taon na kaming walang balita sa kaniya simula nung... alam mo na. Kahit si Caleb, hindi na siya
Kahit binalot na ako ng inis ay sineryoso ko pa rin ang shoot, kahit pakiramdam ko’y para akong sinasakal tuwing sinusuot ko ang damit mula sa koleksyon ng Laham. Ang mga tela ay malambot, oo, pero sa paningin ko ay para na itong mga basahan mula sa nakaraan ko sa Bangon. "Beautiful, Liana! Give me more of that angry but elegant look!" sigaw ng photographer. Hindi na iyon kailangan sabihin pa sa akin dahil ang mga titig ko sa camera ay punong-puno na ng pagbabanta para kay Lucas, fierce kung fierce. Kung nasaan man siyang lupalop ng mundo ngayon at pinapanood ang mga raw shots na ito, gusto kong makita niya sa mga mata ko kung gaano ko siya gustong saktan ngayon. Bagsak ang katawan ko sa upuan ng dressing tent nang 15 minutes break namin. Inabutan ako ni Mark ng tubig pero tinabig ko lang ito. "Liana, kailangan mong kumalma. Baka atakihin ka sa puso niyan," paalala ni Mark. "Paano ako kakalma, huh? Anong real home ang pinagsasabi ng g*gong 'yun?!" asik ko. "And the nerve to call







