เข้าสู่ระบบHinihila ko ang maleta ko sa sementadong daan patungo sa mansion. Habang naglalakad, hindi ko mapigilang mapangiti ng mapait. Ang layo ng lugar na ito sa Manila, animo'y sumasalamin sa distansya ko sa sarili kong pamilya.
Maliit pa lang ako ay alam ko na ang puwang ko sa pamilya namin, na dapat laging nasa likuran ako ni Liana. Kung may bagong manika, awtomatikong kan'ya iyon habang sa akin naman ay ang pinaglumaan na niya. Kung may pagkakamali kaming pareho, ako ang sesermonan at siya ang kukunsintihin. Ang kagaspangan ng ugali ni Liana ngayon ay dahil iyon sa mga magulang namin; hinubog nila iyon sa pamamagitan ng pag-spoil nila ng malala sa kaniya. Lahat ng layaw niya ay ibinibigay nila agad, bagay na hindi nila magawa sa akin hanggang ngayon. Kaya kahit ayaw ko sa pabor na ito ni Liana na magpanggap ako bilang siya, pumayag na ako dahil alam ko na isang hiling lang niya kina Mommy't Daddy na sa Japan na ako pag-aralin sa darating na pasukan, tiyak na papayag na sila. Ayaw nila kasi nang ako ang nakiusap. Kesyo, dagdag gastusin lang daw kahit kayang-kaya naman talaga nila dahil sa yaman nila. “Don’t worry, Lana. Pagkatapos nito, malaya ka na,” alo ko ulit sa sarili ko. Tumingin ako sa paligid. Sa kabila ng nakakainis na ipinakitang pag-uugali ng Caleb na iyon, hindi ko maitatanggi ang ganda ng Hacienda nilang ’to. Ang nagtatayugang mga puno ng mahogany, ang amoy ng sariwang damo, at ang dapit-hapong nagbibigay ng kulay ginto sa bawat sulok, ang sarap lang pagmasdan lahat. Napahawak ako sa bag ko kung saan nakatago ang sketch pad ko. Buti na lang at naisip ko itong dalhin. Puwedeng puwede ako mag-draw kung mainip ako rito. Iyon na kasi ang naging hobby ko noon pa, hanggang sa naging passion ko na. Pakiramdam ko'y sa bawat guhit ng lapis ko sa sketchpad ko, doon ko lang nararamdaman na may sarili akong mundo na hindi kayang kunin ni Liana. Nagpatuloy na ako sa paglalakad habang hila-hila pa rin ang maleta ko. Pagdating ko sa dulo ng driveway, bumukas ang naglalakihang pintong gawa sa narra. Sinalubong ako ng isang linyada ng mga katulong na nakasuot ng uniporme. Sa gitna nila ay isang matandang babae na may maayos na pagkakapusod ng buhok at seryosong mukha. Tingin ko'y siya ang mayordoma nila. "Magandang hapon, Senyorita Liana," bati ng matandang babae sa akin nang may bahagyang pagyuko. "Ako si Manang Ising, ang mayordoma rito. Kabilin-bilinan ni Senyorito Caleb na asikasuhin ang inyong pagdating." "Salamat po, Manang," sagot ko. Pilit kong itinatago ang pagod sa boses ko. "Huwag kayong mag-alala, bukas ng gabi pa ang dating ng mga magulang ni Senyorito mula sa abroad. Sa ngayon, pinapapahinga na muna kayo sa inyong kwarto dahil alam naming naging mahaba at nakakapagod ang naging byahe niyo mula sa Maynila," dagdag pa ni Manang Ising habang pinapakuha ang mga gamit ko sa ibang katulong. Gusto ko sanang itanong kung nasaan na si Caleb, pero mas nanaig ang antok ko. Halos sampung oras din ang naging byahe ko, kabilang na ang sa chopper at ang nakaka-stress na paglalakad sa initan. Iginiya ako ni Manang Ising sa isang malawak na kwarto sa ikalawang palapag ng mansion. Pagkapasok ko pa lang doon ay ang lambot ng kama ang agad na tumawag sa akin. Sa sobrang pagod ko, hindi na ako nakapagpalit ng damit. Pabagsak akong nahiga hanggang sa nakatulog na ako. Nagising ako sa isang malakas na katok. Napabalikwas ako at sandaling nalimutan kung nasaan ako. Pagbaling ko sa may balkonahe ay nakita kong madilim na sa labas. Ang tanging ilaw galing sa lampshade sa tabi ng kama ang nagbibigay ng kaunting liwanag sa kinaroroonan kong kuwarto. "Senyorita? Gising na po ba kayo?" boses ng isang batang maid mula sa labas ng pintuan. “Oo, gising na!" pasigaw kong tugon upang marinig niya. "Anong oras na ba?” tanong ko nang mapagbuksan ko siya ng pintuan. "Alas-otso na po ng gabi. Kanina pa po kayo pinapatawag ni Sir Caleb sa dining hall. Galit na po siya dahil ayaw niyang pinaghihintay siya sa pagkain." Agad akong dinalaw ng kaba. Hindi puwedeng unang tungtong ko palang dito ay masira na ang imahe ng kakambal ko. Kabilin-bilin pa naman n'un na huwag akong gagawa ng kapalpakan dito. “Sabihin mong pababa na ako." Mabilis akong pumasok muli sa kuwarto upang ayusin ang nagulong buhok. Naglagay na rin ako ng kaunting lip tint base sa ayos lagi ni Liana. Kung puwede lang na maglagay din ako ng blush on ay ginawa ko na kaso baka magalit na talaga ang lalaking ’yun. "Exactly thirty minutes late," bungad ni Caleb sa akin, ni hindi man lang siya nag-aangat ng tingin mula sa kanyang wine glass. "Pasensya na, nakatulog ako dahil sa pagod sa byahe," sagot ko habang nauupo sa tapat niya. Ibinaba niya ang hawak niyang baso at sa wakas ay tumingin sa akin. "Sa bahay na ito, ang oras ko ang sinusunod. Kung magiging asawa kita, kailangang masanay ka sa disiplina ko.” Kumunot ang noo ko. "Asawa? Akala ko ba napipilitan ka lang din sa kasunduang ito?" "Napipilitan?" he let out a dry, short laugh. "Sinong nagsabi sa'yo na napipilitan ako? I don't do things I'm forced to do, Liana. Tanggap ko ang kasal na ito dahil kailangan ko ng asawa, at ikaw ang pinili ng pamilya ko. But don't think that because I accepted this, I'll be a prince charming to you.” Okay… hula ko lang naman ang parteng akala ko ay napilitan din siya sa kasunduang ito katulad ni Liana. Pero grabe, ang gaspang talaga ng pag-uugali ng isang ’to! Dapat si Liana ang nandito, e. Mukhang magkakasundo pa naman sila. "I'm not looking for a prince charming," matapang kong sagot. "Pero hiling ko na sana may konting respeto tayo sa isa't isa.” Tumayo siya at dahan-dahang lumapit sa pwesto ko. "Respeto? You'll get it when you earn it." Yumuko siya, inilapit ang mukha sa akin, sapat na para maamoy ko ang bango niyang nahaluan ng kaunting alak. "Kahit gaano pa kasama ang ugali mo na nababalitaan ko, magiging asawa pa rin kita. I own this place, and soon, I’ll own your time, too. Huwag mo na uli akong paghihintayin.” Hindi ako nakaimik.Hindi na ako lumabas sa banyo nang halos dalawang oras. Pakiramdam ko kasi, kapag lumabas ako, bubungad sa’kin ang walang hiyang Caleb na ’yun. Baka kahit wala sa bokabularyo ko ang manakit, magawa ko pa ’yon nang wala sa oras. Nang masiguro kong wala nang ingay sa labas, dahan-dahan kong pinihit ang lock. Pagbukas ko ng pinto ay tama nga ang hinala ko na wala na siya roon. Mabilis lumipas ang oras at hindi na ako nakatulog. Mag-aalas sais pa lang ng umaga nang makarinig ako ng malalakas na busina sa labas. Agad akong sumilip sa balkonahe. Isang itim na Rolls-Royce ang natanaw kong pumasok sa gate. "Diyos ko, ang aga naman!" bulong ko nang mapagtanto kung sino ang sakay doon. Akala ko ba sa gabi pa ang dating ng mga magulang ni Caleb? Nagmadali akong nagsuot ng floral dress mula sa maleta ni Liana. Naglagay na rin ako ng makapal na concealer para itago ang puyat sa mga mata ko. Kahit lutang dahil sa kakulangan ng tulog, kailangan ko pa rin harapin ang mga iyon gamit ang awra ni L
Chapter 4:Nakatulala lang ako sa hubo’t hubad na katawan ni Caleb, pero nang mag-squat siya sa harap ko ay awtomatikong bumaba ang paningin ko sa naninigas na niyang pagkalalaki. Mabilis na nag-init ang magkabila kong pisngi dahil do'n. Papikit na sana ako sa sobrang hiya nang bigla na lang akong napatili. Basta na lang niya ako binuhat na parang bagong kasal kaya wala man sa plano ko ay napakapit ako sa leeg niya para hindi ako mahulog sa lupa."W-what are you doing?! Ibaba mo ako!" sigaw ko habang nakapikit na nang mariin."Ang ayaw ko sa lahat, 'yung nabibitin ako kapag lalabasan na ako," halos pabulong na niyang sabi. "Just like what I said earlier... kakatayin ko ang kuting na nang-istorbo sa akin."Hindi ko na nagawang sumagot dahil nagsimula na siyang maglakad habang karga-karga pa rin ako. Nagulat na lang ako nang sa pagdilat ko ay nasa loob na kami ng kuwarto ko. Napatili ako nang sunod niyang ginawa ay pahagis akong pinahiga sa kama. "Look at me," aniya sa baritinong boses
Pagkatapos ng tensyonadong dinner na iyon kasama si Caleb, mabilis akong umakyat sa kwarto ko. Gusto ko nang ibaon sa unan ang lahat ng inis ko. Hindi pa man ako nag-iisang araw sa hacienda na ito, ramdam ko nang mas mahihirapan ako sa pagpapanggap na ito kaysa sa inakala ko. Sa inis ko ay muli akong nakatulog.Pero parang ipinagkakait sa akin ang kapayapaan dito dahil nagising ako sa gitna ng hatinggabi dahil sa dumadagundong na ingay na nanggagaling sa baba. Tinakpan ko ng unan ang magkabila kong tainga pero tumatagos pa rin doon ang ingay. Bukod kasi sa malakas na tugtugan, may kasama din iyon na hiyawan. Inis akong bumangon at lumabas ng kwarto. Nakita ko ang isang maid na nagmamadaling maglakad habang may dalang tray ng mga baso."Anong meron? Bakit sobrang ingay sa baba?" kunot-noo kong tanong."Pasensya na po, Senyorita Liana. Ganito na po talaga rito tuwing weekends, lalo na ngayong holiday. Nakasanayan na po ni Sir Caleb ang mag-party kasama ang mga kaibigan niya. Masanay na
Hinihila ko ang maleta ko sa sementadong daan patungo sa mansion. Habang naglalakad, hindi ko mapigilang mapangiti ng mapait. Ang layo ng lugar na ito sa Manila, animo'y sumasalamin sa distansya ko sa sarili kong pamilya.Maliit pa lang ako ay alam ko na ang puwang ko sa pamilya namin, na dapat laging nasa likuran ako ni Liana. Kung may bagong manika, awtomatikong kan'ya iyon habang sa akin naman ay ang pinaglumaan na niya. Kung may pagkakamali kaming pareho, ako ang sesermonan at siya ang kukunsintihin. Ang kagaspangan ng ugali ni Liana ngayon ay dahil iyon sa mga magulang namin; hinubog nila iyon sa pamamagitan ng pag-spoil nila ng malala sa kaniya. Lahat ng layaw niya ay ibinibigay nila agad, bagay na hindi nila magawa sa akin hanggang ngayon.Kaya kahit ayaw ko sa pabor na ito ni Liana na magpanggap ako bilang siya, pumayag na ako dahil alam ko na isang hiling lang niya kina Mommy't Daddy na sa Japan na ako pag-aralin sa darating na pasukan, tiyak na papayag na sila. Ayaw nila kas
LANA'S POV:"Are you even listening, Lana? God, you’re so slow!"Mariin akong napapikit dahil sa nipis ng boses ng kakambal ko. Kapag ganito na siya ay naiinis na siya. Pagdilat ko, nakita ko siyang abala sa pag-iimpake ng mga gamit na gusto niyang dalhin ko sa Cagayan.Naturingan kaming identical twins, pero hanggang doon lang talaga. Siya si Liana, ang masasabi kong ‘Golden Child’, maganda at paborito ng mga magulang namin kaya naging spoiled brat. Samantalang ako, si Lana, ang anino niyang laging nakatago sa library. Walang ibang taong nakakaalam na may nag-e-exist na ako, maliban syempre sa pamilya namin."Liana, hindi p'wede ang gusto mong mangyari," mahinahon kong sabi. "Kasunduan ito ng mga magulang natin at ng pamilya Valderama. Isang zillionaire ang gusto mong lokohin, hindi isang simpleng lalaki lang.""Exactly! No one knows you, Lana. Two months lang naman," iritable niyang sagot habang humaharap sa salamin. "Magpapanggap ka lang naman na ako habang nasa Boracay ako kasam







