로그인Nanginginig ang mga kamay ko habang tinititigan ang text niya sa screen. Sa takot ko na baka totohanin niya iyon ay maingat kong inalis ang braso ni Caleb na nakapulupot sa akin. Bawat galaw ko ay tila ba dumadaan ako sa butas ng karayom sa takot na magising siya. Nang tuluyan akong makababa sa kama, hindi na ako nag-abala pang magpalit ng damit. Naka-silk nightgown lang ako na pinatungan ko lang ng isang manipis na robe. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at lumabas. Tahimik na ang buong mansyon, tanging ang mahinang tunog lang ng aircon at ang sarili kong mga yabag ang naririnig ko. Patay na rin ang ibang ilaw. Pakiramdam ko ay isa akong magnanakaw sa sarili kong pamamahay. Pagdating ko sa pool area sa likod ng mansyon, nakita ko si Lucas. Nakatayo siya malapit sa gilid ng tubig, nakatalikod sa gawi ko at tila ini-enjoy ang ihip ng hangin habang may hawak na naman na baso. "You're late by two minutes," bungad niya nang hindi lumilingon. "Ano ba'ng kailangan mo?!" halos pabul
Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Lana… He called me Lana! Sigurado ako sa pagkakabasa ko sa paggalaw ng mga labi niya. Alam niya ang totoo! "Liana, let’s go," tawag ni Caleb nang mapansin ang paninigas ko sa kinatatayuan. “Liana…” tawag pa niya ulit sa akin nang hindi na ako nakagalaw. "O-oh? B-bakit—” "Tell me, what did he say?" Agad akong tuluyang natauhan nang naging matalim na ang boses niya. Ang kamay niyang nakahawak sa kamay ko ay humigpit, habang ang tingin niya ay agad nalipat kay Lucas na ngayon ay kampanteng-kampante lang na nakaupo sa sofa habang umiinom. "W-wala. Sabi niya... goodnight lang," pilit kong sagot. Pero hindi naniwala si Caleb. "Liana, I'm not st*pid. I saw his mouth move. At bakit namumutla ka?" Hinarap niya ulit si Lucas na may tiim-bagang na galit. "What did you say to her, huh?! Put*ngina, hindi ka ba talaga titigil?!" Akmang susugod siya pabalik kay Lucas pero mabilis ko siyang niyakap sa braso at hinila paitaas. "Caleb, please! Tam
Umupo kami ni Caleb sa kabilang mahabang sofa, kaharap ang coordinator na si Mrs. Gomez at ng Mommy nila. Wala na ang Daddy nila dahil may sinagot na naman na tawag, pero si Lucas ay hindi ko alam kung bakit kailangan pa ang presensya niya dito. "So, Liana, hija, we were just discussing the guest list while waiting for you," nakangiting sabi ng Mommy ni Caleb. "Your parents sent me a draft earlier, but I noticed some names from your high school friends are missing. Baka gusto mong dagdagan?” Napatigil ako. High school friends? Wala akong kilala ni isa sa mga kaibigan ni Liana noong high school, bukod sa boyfriend niya ngayon! "Ah... h-hindi na po siguro. 'Yung mga close na lang po talaga ang isinama ko para hindi masyadong magulo," mabilis kong palusot habang pasimpleng pinupunasan ang palad kong nagsisimula na namang pawisan. "That's a shame," singit ni Lucas sabay lagok ng kaniyang scotch. "I thought you'd want to invite that guy... who was he again? The one you were so insepara
"Bwisit ka talaga," mahina kong sabi habang pinapahid ang luha ko gamit ang likod ng palad ko. "Inis dapat ako sa’yo, e! Hayaan mo na nga ’yung b*liw mong kapatid." "He started it. He likes to play games, and he's using my past to get to you," seryoso niyang sagot. Kinuha niya ang cellphone niya sa side table habang ang isang kamay ay nananatiling nakahawak sa bewang ko, tila takot na takot na bigla akong kumalas. Sa harap ko, mabilis niyang binuksan ang settings. Nakita ko ang bawat pagpindot niya doon hanggang sa mapunta siya sa gallery. Without even a second of hesitation, he immediately deleted the photo. Pagkatapos ay pinalitan niya ang wallpaper niya ng picture naming dalawa sa villa. "There. Gone," aniya sabay pakita sa akin ng screen. "And if you want, I'll smash this phone right now para lang maniwala ka na wala na akong pakialam sa litratong 'yun." "Huwag! Ang mahal niyan, sayang," mabilis kong pigil sa kaniya. Napahinga ako nang malalim at pilit na ibinabalik ang wisyo
Naramdaman ko ang biglang paninigas ng buong katawan ko habang nakatitig sa screen. Iyong ngiti niya rito... ibang-iba sa pinapakita niyang mga ngiti sa akin. Iyong sa akin, madalas ay nakakaloko, mapang-asar, o kaya naman ay puno ng pagnanasa. Pero dito… sobrang saya niya tingnan. Napahawak ako sa dibdib ko nang kumirot ito ng matindi. Bakit ganito? Dapat ay wala akong pakialam dahil nagpapanggap lang naman ako. Pero bakit parang pinipiga ang puso ko sa selos? "Stupid, Lana. Nagpapanggap ka lang kaya bakit ka nasasaktan ngayon?" bulong ko sa sarili ko habang pilit na pinipigilan ang luhang kanina pa gustong kumawala. Nasasaktan ako kasi akala ko… totoo na ang mga pinapakita niya sa akin. Na pagkatapos kong maibigay ang sarili ko sa kaniya ay kahit papaano, baka matanggap niya ako kapag nalaman niya ang tungkol sa pagpapanggap ko. Napapikit na ako at napahigpit ang paghawak ko sa cellphone niya nang kusang nagsihulog ang mga luha ko. Nasa ganoong ayos ako nang saktong bumukas
Mabilis kong tinabig ang kamay ni Lucas at umatras nang isang hakbang. Ramdam ko ang mabilis na pag-akyat ng dugo sa mukha ko dahil sa pinaghalong inis at kaba. "Anong ginagawa mo?!" asik ko sa kaniya, pilit na inaayos ang kwelyo ng turtleneck ko habang sinisiguradong hindi kami nakikita nina Senyora mula sa sala. Nananatili lang siyang nakangisi, tila aliw na aliw sa reaksyon ko. "Relax. I was just confirming something. My brother really hasn't changed. Markado ka na pala, baka bukas-makalawa ay hindi ka na makalabas ng kwarto n'yan.” "Wala ka ng pakialam doon! At huwag mo nga akong mahawak-hawakan, fiancée ako ng kapatid mo!" banta ko sa kaniya, pero tinawanan niya lang ako. "Fiancée? Right. The perfect, obedient, and sophisticated Liana," may bahid ng sarkasmo niyang sabi. Nagawa pa akong tingnan mula ulo hanggang paa. "You know, you're different from what I expected. Mas palaban ka kaysa sa kwento ni Mom. I like that. Mas exciting." Mas exciting? Bakit parang iba na ang pinap







