LOGINElise Hart's PovHINDI ako makatulog dahil sa post na iyon kahit hindi naman para sa akin. And I didin't know that he has that kind of attitude pala, hindi kasi halata sa vibes niya. Para siyang male lead sa isang storya na sobrang seryoso at halos hindi mo makausap at tanging female lead lang nagmemeltdown. Ganoon ang pormahan niya. Pero mukhang hindi ganoon. O kasi hindi ko naman talaga siya kilala. Whatever about him, I didn't care. Umalis na ako sa kama, inayos ang higaan at tumingin sa aking vanity mirror upang tingnan kung wala ba akong dumi. Linggo ngayon kaya magsisimba kami mamaya. Bumaba na ako, alas otso na ng umaga at mukhang tapos na sina mommy. Pero mali pala ako dahil pagdating ko sa kusina ay siya ring pag-upo ni Elias at si mommy naman ay mukhang naghihintay lang sa amin. "Halika na, Elise." Tawag niya sa akin, sumunod naman ako kasi baka mapagalitan na naman ako. Baka sumbatan niya ako s
Elise Hart’s PovWHY does my twin brother always leave me speechless whenever he banter something about me? Ano ba kasi ang problema niya at mukhang laging mainit ang ulo niya at ako ang laging napagdidiskitahan. At hindi ko maintindihan sila ni mommy kung bakit ayaw nila si Nathaniel Dela Vega—he was rich among the richest kung iyon lang ang pag-uusapan. He was more powerful than anyone, not just in Laguna but in the whole world, according to Cassandria. Hindi ko maintindihan kung anong mayroon sa Dela Vega at tila ayaw ng dalawa.May alam ba sila na hindi ko alam at hindi ko pwedeng malaman? Napailing na lang ako at pumasok sa aking kwarto bago pa ako mabaliw sa kakaisip. Dumiretso na ako sa banyo upang maglinis ng katawan at alisin ang kung anumang bumabagag sa aking utak. Ngunit habang nasa shower room ako ay tulala na naman ako, hinahayaan ang lamig ng tubig na dumaloy sa aking katawan—iniisip ang sinabi ni Nathaniel at
Elise Hart’s Pov“HINDI kaya!” napataas ko ang aking boses, mabuti na lang ay walang tao sa gym kaya hindi ko kailangang mag-alala na may makakita sa aming dalawa.Well, wala naman kaming ginagawa pero kapag nalaman ni Elias o ni mommy na magkasama kami ay sigurado akong grounded ang bagsak ko.Hindi parin naalis ang pilyo niyang ngiti habang nakatingin sa akin, inirapan ko siya ngunit tinawanan lang niya ako kaya mas lalo akong nainis.“Akala ko ba you're kind? Why did you roll your eyes at me?” Pakiramdam ko ay para na akong mauupo sa aking kinatatayuan habang pinapakinggan ang kanyang boses.It wasn't just deep but also playful, and it adds the charisma that he had. I mean, I've talked to a lot of men who were manly and had a deep voice, but his? Nakakatuliro, kakaiba lalo na kapag nagtatagalog siya. Napalunok ako pero pinilit ko ang sariling magmukhang kalmado lamang kahit nangangatog na ang tuhod ko.“Dahil naiinis
Elise Hart's PovWALA ako sa tamang pag-iisip pagkarating ko sa gymnasium. Abala ang lahat habang ako ay pilit inaalala ang sarili sa maraming bagay. Hindi ko na alam, wala na akong maintindihan sa aking sarili. Basta ang tumatak sa akin ang mga sinabi ni Elias na tinamaan ako.Wala nga ba talaga akong sariling desisyon para sa akin? Pero diba, sabi ni mommy ay dapat makinig ako sa kanya kasi para sa akin rin naman ang lahat ng ginagawa niya. At ginagawa ko naman iyon.Pero bakit parang...totoo ang sinasabi ni Elias sa akin kanina? Naguguluhan na ako. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. "Pres," nabalik lang ako sa aking ulirat nang may yumugyog sa akin.Napatingin ako sa babaeng kaklase namin na si Quenie—mahilig siyang magkolorete sa mukha niya at mga sexy rin ang damit pero active siya sa lahat ng contest sa school at lagi naming panlaban sa beauty queen. "Yes?" "Sorry, kanina pa kasi kita ti
Elise Hart's Pov WEEKEND ngayon kaya walang ganap sa bahay pero kailangan kong pumunta sa eskwelahan dahil may practice kami at preparation para sa foundation week. Nakabihis na ako, alas nwebe ang usapan namin sa block at alam nilang gusto kong nandoon na agad sila sa time na sinabi ko. Ayoko ng late at kapag late ay may punishment. Bumaba na ako sa hagdan, nakita ko si mommy na kausap si Elias. Seryoso silang dalawa na nag-uusap kaya nagdahan-dahan akong naglakad pababa upang hindi sila madisturbo. "Naku, El. Pinapasakit mo lagi ang ulo ko diyan sa aksidente na iyan." Reklamo niya, umupo siya sa tabi ni Elias na parang may iniisip. "Alam mong ayokong madungisan ang pangalan natin, Elias. Your dad told you to take care of us, hindi iyong baliktad." Gumalaw ang panga ng kapatid ko pero hindi siya nagsalita. Napansin ako ni mommy nang bumaling siya sa banda ko, kuminang ang kanyang mata nang makita ako.
Elise Hart's PovHINAWAKAN ko ang aking kwintas habang nakaharap ako sa vanity mirror ko. Tinitigan ko itong mabuti, hinaplos at inalala ang reaksiyon ng lalaki.Noong una ay sa canteen, sa cafe tapos hindi na niya nakayanan at tinanong na niya sa akin kung sino ang nagbigay at kung sa Laguna ba talaga ako nagmula. His eyes, his tone, his words—it crept the hell out of me every time I remember it. There was something connected to him with this necklace, and I didn't want to be reconciled with it again. Maybe, Elias was right… Perhaps he wasn't just talking about Nathaniel stealing his woman, but also something more profound. Itinago ko na ulit iyon sa aking damit at saka tumayo upang dahil matutulog na—kung makakatulog pa ako sa lagay na ito. Dahil wala naman kaming gagawin at siguradong mag-iisip lang ako ng kung anu-ano ay kinuha ko na lang ang aking macbook at nanood ng turkish na series. Kailangan kong alisin sa isipan ko







