Share

Kabanata 27

Author: Alwida Alem
last update Last Updated: 2025-09-24 12:32:07

Nyx's Point of View

HINDI ako makausap ng maayos ni Liam. Tulala lang ako habang kumakain kami o kumakain pa ba ako? Parang di ko naman nagalaw ang pagkain ko.

"Hey," Liam snapped his fingers, so I looked at him. "Anything that bothers you?"

Umiling ako kahit sa totoo lang ay bumabagabag sa akin ang sinabi ni Cassandra.

Paano niya nakilala si ate? At higit sa lahat bakit nalaman ni ate na dito ako nagtatrabaho?

Gulong-gulo na ang utak ko. Walang kahit anong salita ang lumalabas sa bibig, kaya iyong dinner namin ni Liam ay nauwi lang sa wala.

Kahit pagdating ko sa bahay ay nanatiling ganoon ang postura ko. Mabuti na lang at tulog pa si Nathaniel kaya natapos ko na ang aking mga ginagawa.

Ano pa bang gusto ni ate sa akin? Nasa kanya na si Maverick. Ang buong karangyaan na dapat naming pagsaluhan ay buong-buo ko ng binigay sa kanya.

Ano pa bang kulang at kailangan niya pang guluhin ang buhay ko?

Hindi kaya kasabwat niya si Maverick o di kaya ay alam ito ng lalaki at wala s
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • The Billionaire’s Rebound   Kabanata 210

    Elise Hart's Pov NATAPOS na rin ang pinagawa namin na jersey. Nagpaalam na kami sa kanila at bumalik na sa eskwelahan, kagaya parin kanina ang naging posisyon namin. Tahimik ang byahe dahil nakatulog si Quenie kaya tanging paghinga lang namin at tunog ng aircon ang gumagawa ng ingay sa loob ng sasakyan ni Gabriel. Mabilis lang rin kaming nakabalik sa eskwelahan, wala na masyadong tao pero pumunta parin kami sa gymnasium. Ginising ko na si Quenie, lumabas na kami sa kotse. Nakasunod parin ang dalawang lalaki sa amin. Pagdating namin sa gymnasium ay wala ng tao at mukhang tapos na ang lahat—naghahanda na rin para sa parade namin bukas ng maaga. "Okay, ito ang para sa'yo, ito sa'yo at kay Elias." Isa-isang binigay ni Quenie ang mga jersey, kinuha ko iyong kay Elias. "So paano, bukas na lang tayo ulit magkita?" "Yeah," tamad kong sagot. Gusto ko ng matulog, kahit

  • The Billionaire’s Rebound   Kabanata 209

    Elise Hart's PovAT kaagad kong pinagsisihan ang sinabi kong iyon. Dahil mas lalo niya tuloy ipinaglalandakan na magkaibigan na kami kaya wala akong magawa.Ano bang ginawa ko? "Ano? We're friends so dapat nagrereact ka sa mga post ko, nag-heart sa stories ko o nagrereply sa messages ko kahit hindi importante kasi friends na tayo." Nakangising niyang sinabi, sunod-sunod na halos wala akong maintindihan."Sobrang tuwa mo ah?" Sarkastiko kong tanong."Syempre..." pabitin niyang sagot saka ngumisi ulit. May nakakatawa ba? "Bitiwan mo na ako!" Singhal ko sa kanya pero hindi siya sumunod, mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakapit sa akin kaya napa-ikot na lang ako ng aking mata. "Sabi nila mayaman, maganda, matalino at mabait ka raw pero hindi ako naniniwala sa isa." Kumunot ang noo ko, hinihintay ang karugtong ng sasabihin niya. "Ang mabait!" Natawa pa siya sa sarili niyang biro habang ako ay nakatingin parin sa

  • The Billionaire’s Rebound   Kabanata 208

    Elise Hart’s PovSA buong byahe ay halos si Quenie lang ang nagsasalita, sumasabay naman si Gabriel at minsan ay nasasali ako. Habang ang lalaki sa passenger seat ay walang kibo lang at halos palaging nakatingin sa akin sa rear mirror.Gusto kong huwag iyong pansinin ngunit hindi ko magawang hindi tumingin doon. May kakaiba lang talaga sa lalaki na hindi ko kayang hindi lingunin. “Sana talaga ay manalo tayo this year, noong nakaraan na may mga taga-ibang school ang dumayo. Ang Laguna University ang nanalo.” Malungkot niyang winika, lumingon si Gabriel sa kanya pero binalik din sa daan ang tingin.“Don't worry, sisiguraduhin namin na mananalo tayo.” Kumindat pa ang lalaki sa rear mirror kaya namula ang pisngi ni Quenie at hindi mapakali. Ngumiti lang ako sa kanyang reaksiyon bago binalik sa gilid ang aking tingin. Mas gusto ko kasing tumingin sa paligid kesa makita si Nathaniel na nakatingin sa gawi ko. Parang may kakaiba sa ki

  • The Billionaire’s Rebound   Kabanata 207

    Elise Hart’s Pov“RELAX lang kayo, Quenie. We will handle it, sa eskwelahan na tayo mag-usap.” Sagot ko, pinatay na agad ang tawag. Imbes na magmukmok at magtanong kung anong nangyari at paanong nagkamali ang lahat ay mabilis akong nagbihis ng jeans at simple na polo shirt sa top. Nagsuklay lang ako saka bumaba na.“Mom, I need to go to school.” Paalam ko, hindi ko na hinintay na magsalita pa siya at inutusan na ang driver na pumunta kami sa eskwelahan.Kailangan kong makarating agad sa school dahil siguradong nagkakagulo na naman ang mga iyon sa gym. “Thank you manong,” sambit ko nang makalabas sa kotse, at dahan-dahang sinarado ang bintana ng kotse.Kinalma ko ang aking sarili bago nagpasyang pumasok sa loob ng campus. May mga bumati sa akin at binati ko rin pabalik, may iba na namang nagbubulong-bulungan nang makita ako pero pinili kong huwag na lang silang pansinin. Mabilis ang aking mga hakbang patungo sa gymnasi

  • The Billionaire’s Rebound   Kabanata 206

    Elise Hart's PovHINDI ako makatulog dahil sa post na iyon kahit hindi naman para sa akin. And I didin't know that he has that kind of attitude pala, hindi kasi halata sa vibes niya. Para siyang male lead sa isang storya na sobrang seryoso at halos hindi mo makausap at tanging female lead lang nagmemeltdown. Ganoon ang pormahan niya. Pero mukhang hindi ganoon. O kasi hindi ko naman talaga siya kilala. Whatever about him, I didn't care. Umalis na ako sa kama, inayos ang higaan at tumingin sa aking vanity mirror upang tingnan kung wala ba akong dumi. Linggo ngayon kaya magsisimba kami mamaya. Bumaba na ako, alas otso na ng umaga at mukhang tapos na sina mommy. Pero mali pala ako dahil pagdating ko sa kusina ay siya ring pag-upo ni Elias at si mommy naman ay mukhang naghihintay lang sa amin. "Halika na, Elise." Tawag niya sa akin, sumunod naman ako kasi baka mapagalitan na naman ako. Baka sumbatan niya ako s

  • The Billionaire’s Rebound   Kabanata 205

    Elise Hart’s PovWHY does my twin brother always leave me speechless whenever he banter something about me? Ano ba kasi ang problema niya at mukhang laging mainit ang ulo niya at ako ang laging napagdidiskitahan. At hindi ko maintindihan sila ni mommy kung bakit ayaw nila si Nathaniel Dela Vega—he was rich among the richest kung iyon lang ang pag-uusapan. He was more powerful than anyone, not just in Laguna but in the whole world, according to Cassandria. Hindi ko maintindihan kung anong mayroon sa Dela Vega at tila ayaw ng dalawa.May alam ba sila na hindi ko alam at hindi ko pwedeng malaman? Napailing na lang ako at pumasok sa aking kwarto bago pa ako mabaliw sa kakaisip. Dumiretso na ako sa banyo upang maglinis ng katawan at alisin ang kung anumang bumabagag sa aking utak. Ngunit habang nasa shower room ako ay tulala na naman ako, hinahayaan ang lamig ng tubig na dumaloy sa aking katawan—iniisip ang sinabi ni Nathaniel at

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status