MasukNyx's Point of View
HINDI ko alam kung ilang segundo na akong nakatitig sa phone habang buhat-buhat ko si Nathaniel. Ni hindi ko man lang napansin si Liam nang lumapit siya sa amin."Hey," tawag niya. Napatingin ako sa kanya, agad kong tinago ang cellphone nang maisip kung ano ang nangyayari.Sumunod ang tingin niya sa ginawa ko pero hindi siya nagsalita. Gaya ng dati ay tikom ang kanyang bibig."Tara na?" anyaya ko, pilit kong pinakalma ang sarili. Tumango siya, pero ramdam kong hindi iyon nakalampas sa kanya.Hindi mawala sa isip ko ang message na iyon.Ang tono niya... parang pamilyar. Malamig, pero may bigat na parang dati ko nang narinig.Nandito lang ba siya sa paligid?Pinagdikit ko ang mga ngipin ko, pinisil nang mariin ang panga. Who are you, unknown?Nagpalit ako ng number kaya imposibleng makuha ito nina Nixie o Maverick. At kung si Liam naman... parang imposible. At weird kung gano'n kasi nandito langElise Hart's Pov NATAPOS na rin ang pinagawa namin na jersey. Nagpaalam na kami sa kanila at bumalik na sa eskwelahan, kagaya parin kanina ang naging posisyon namin. Tahimik ang byahe dahil nakatulog si Quenie kaya tanging paghinga lang namin at tunog ng aircon ang gumagawa ng ingay sa loob ng sasakyan ni Gabriel. Mabilis lang rin kaming nakabalik sa eskwelahan, wala na masyadong tao pero pumunta parin kami sa gymnasium. Ginising ko na si Quenie, lumabas na kami sa kotse. Nakasunod parin ang dalawang lalaki sa amin. Pagdating namin sa gymnasium ay wala ng tao at mukhang tapos na ang lahat—naghahanda na rin para sa parade namin bukas ng maaga. "Okay, ito ang para sa'yo, ito sa'yo at kay Elias." Isa-isang binigay ni Quenie ang mga jersey, kinuha ko iyong kay Elias. "So paano, bukas na lang tayo ulit magkita?" "Yeah," tamad kong sagot. Gusto ko ng matulog, kahit
Elise Hart's PovAT kaagad kong pinagsisihan ang sinabi kong iyon. Dahil mas lalo niya tuloy ipinaglalandakan na magkaibigan na kami kaya wala akong magawa.Ano bang ginawa ko? "Ano? We're friends so dapat nagrereact ka sa mga post ko, nag-heart sa stories ko o nagrereply sa messages ko kahit hindi importante kasi friends na tayo." Nakangising niyang sinabi, sunod-sunod na halos wala akong maintindihan."Sobrang tuwa mo ah?" Sarkastiko kong tanong."Syempre..." pabitin niyang sagot saka ngumisi ulit. May nakakatawa ba? "Bitiwan mo na ako!" Singhal ko sa kanya pero hindi siya sumunod, mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakapit sa akin kaya napa-ikot na lang ako ng aking mata. "Sabi nila mayaman, maganda, matalino at mabait ka raw pero hindi ako naniniwala sa isa." Kumunot ang noo ko, hinihintay ang karugtong ng sasabihin niya. "Ang mabait!" Natawa pa siya sa sarili niyang biro habang ako ay nakatingin parin sa
Elise Hart’s PovSA buong byahe ay halos si Quenie lang ang nagsasalita, sumasabay naman si Gabriel at minsan ay nasasali ako. Habang ang lalaki sa passenger seat ay walang kibo lang at halos palaging nakatingin sa akin sa rear mirror.Gusto kong huwag iyong pansinin ngunit hindi ko magawang hindi tumingin doon. May kakaiba lang talaga sa lalaki na hindi ko kayang hindi lingunin. “Sana talaga ay manalo tayo this year, noong nakaraan na may mga taga-ibang school ang dumayo. Ang Laguna University ang nanalo.” Malungkot niyang winika, lumingon si Gabriel sa kanya pero binalik din sa daan ang tingin.“Don't worry, sisiguraduhin namin na mananalo tayo.” Kumindat pa ang lalaki sa rear mirror kaya namula ang pisngi ni Quenie at hindi mapakali. Ngumiti lang ako sa kanyang reaksiyon bago binalik sa gilid ang aking tingin. Mas gusto ko kasing tumingin sa paligid kesa makita si Nathaniel na nakatingin sa gawi ko. Parang may kakaiba sa ki
Elise Hart’s Pov“RELAX lang kayo, Quenie. We will handle it, sa eskwelahan na tayo mag-usap.” Sagot ko, pinatay na agad ang tawag. Imbes na magmukmok at magtanong kung anong nangyari at paanong nagkamali ang lahat ay mabilis akong nagbihis ng jeans at simple na polo shirt sa top. Nagsuklay lang ako saka bumaba na.“Mom, I need to go to school.” Paalam ko, hindi ko na hinintay na magsalita pa siya at inutusan na ang driver na pumunta kami sa eskwelahan.Kailangan kong makarating agad sa school dahil siguradong nagkakagulo na naman ang mga iyon sa gym. “Thank you manong,” sambit ko nang makalabas sa kotse, at dahan-dahang sinarado ang bintana ng kotse.Kinalma ko ang aking sarili bago nagpasyang pumasok sa loob ng campus. May mga bumati sa akin at binati ko rin pabalik, may iba na namang nagbubulong-bulungan nang makita ako pero pinili kong huwag na lang silang pansinin. Mabilis ang aking mga hakbang patungo sa gymnasi
Elise Hart's PovHINDI ako makatulog dahil sa post na iyon kahit hindi naman para sa akin. And I didin't know that he has that kind of attitude pala, hindi kasi halata sa vibes niya. Para siyang male lead sa isang storya na sobrang seryoso at halos hindi mo makausap at tanging female lead lang nagmemeltdown. Ganoon ang pormahan niya. Pero mukhang hindi ganoon. O kasi hindi ko naman talaga siya kilala. Whatever about him, I didn't care. Umalis na ako sa kama, inayos ang higaan at tumingin sa aking vanity mirror upang tingnan kung wala ba akong dumi. Linggo ngayon kaya magsisimba kami mamaya. Bumaba na ako, alas otso na ng umaga at mukhang tapos na sina mommy. Pero mali pala ako dahil pagdating ko sa kusina ay siya ring pag-upo ni Elias at si mommy naman ay mukhang naghihintay lang sa amin. "Halika na, Elise." Tawag niya sa akin, sumunod naman ako kasi baka mapagalitan na naman ako. Baka sumbatan niya ako s
Elise Hart’s PovWHY does my twin brother always leave me speechless whenever he banter something about me? Ano ba kasi ang problema niya at mukhang laging mainit ang ulo niya at ako ang laging napagdidiskitahan. At hindi ko maintindihan sila ni mommy kung bakit ayaw nila si Nathaniel Dela Vega—he was rich among the richest kung iyon lang ang pag-uusapan. He was more powerful than anyone, not just in Laguna but in the whole world, according to Cassandria. Hindi ko maintindihan kung anong mayroon sa Dela Vega at tila ayaw ng dalawa.May alam ba sila na hindi ko alam at hindi ko pwedeng malaman? Napailing na lang ako at pumasok sa aking kwarto bago pa ako mabaliw sa kakaisip. Dumiretso na ako sa banyo upang maglinis ng katawan at alisin ang kung anumang bumabagag sa aking utak. Ngunit habang nasa shower room ako ay tulala na naman ako, hinahayaan ang lamig ng tubig na dumaloy sa aking katawan—iniisip ang sinabi ni Nathaniel at







