DEC. 25
"Kuya Rylan!!! Merry Christmas po!" magiliw na sabi pa ni Gab habang nasa gate ito ng bahay.
"Merry Christmas din Gab, halika pasok ka," sabi ko pa dito at niluwagan ang pagkakabukas ng Gate.
Masaya naman ito at nakangiti bago sumunod sakin.
"Nasan ang ate mo?" tanong ko pa nang makapasok na kami, pinaupo ko pa sya sa sofa.
"Ah papunta na po dito," sagot naman nito.
"Oh hello, Gab!" masigla namang bati ni Dylan ng makarating ito sa sala.
Masaya namang binati din ni Gab si Dylan at nakipag apir pa ito. Nagpunta ako sa kusina para kunin ang mga ginawa kong gave away na dessert, tulad ng Macaroons at brownies na nasa box. Naghanda rin ako ng pagkain para makakain muna ang mga bisita namin.
Naghanda rin kami ni Dylan ng maraming mga 20-50 peso bill para ipamigay sa mga batang namamasko sa labas ng bahay. Maya-maya ay narinig ko ulit na may n
"Tay naman?" reklamo ko pa"Anak, ako nang bahala dito, okay," sabi pa ni tatay kaya napayuko na lang ako, pero naramdaman ko ang kamay ni Dylan na humawak sa akin sa ilalim ng mesa.Tumingin ako sa kanya at binigyan nya ako ng matamis na ngiti bago sumagot kay tatay."Opo, seryosong-seryoso po ako kay Rylan, tay. Una ko pa lang po syang nakilala noon ay alam kong may espesyal sa kanya kaya hindi ko na sya pinakawalan pa at nung makilala at makasama ko ng sya ay masasabi kong hindi ako nagkamali, mabait , ma-aalahanin, mapagmahal at napakabuti po nya kaya naman hindi ko po hahayaan na humadlang samin ang estado ng buhay namin, kasarian o kahit ang sasabihin ng iba," confident na sabi ni Dylan sa aking mga magulang kaya napatango at napangiti ang mga ito."Handa ko po syang panagutan at kukunin ko po lahat ng responsibilidad, ipagkaloob nyo lamang sya sakin," dugtong na sabi pa nito.Namumula na ang mukha ko sa lahat ng sinasabi nya pero di maalis ang saya at pagka-proud ko sa kanya. Pa
"Lily kinakabahan ako," sabi ko pa dito habang inaayusan nya ako."Ngayon mo pa talaga natripan na kabahan ha, sa araw pa talaga ng kasal nyo," sagot naman ni lily habang inaayos ang buhok ko."Di ko mapigilang kabahan eh," sagot ko pa sabay pahid sa mukha."Wag kang kabahan, easy lang to, At wag mong burahin ang nilagay kong face powder!" confident pang sagot naman ni lily sabay hampas sa kamay kong pumapahid sa mukha ko."Kung maka-easy ka naman, bakit nakapag pakasal ka na ba?" tanong ko naman."OO DAPAT!!! kaso nauna kayo diba, dapat kami ni Brandon ang ikakasal eh, pero sabi nyang unggoy mong asawa ay kayo muna," may inis na sabi pa nito kaya napailing na lang ako."Para kasing ambilis naman," sabi ko pa habang tinitingnan ang sarili ko sa harap ng salamin."Ano bang mabilis? isang taon na ang nakalipas mula nung magpropose sayo si Dylan" Sabi pa nito
DYLAN POV"Dylan, gising na!!!" excited na sabi ng asawa ko habang nagmamadaling inaalog ang aking balikat.Kinukusot ko pa ang mata ko dahil sa antok, nailibot ko ang aking paningin sa paligid. Preskong hangin, at mahinang tunog ng alon.'Hayss, napakagandang tanawin at lugar, perpekto para sa aming honeymoon ng aking mahal,' isip-isip ko pa habang gumuguhit ang malapad na ngiti sa aking labi."Dylan, maligo ka na!" sabi pa sakin ng mahal ko ng makita nya akong nakatayo lang sa gilid ng kama."Sobra ata ang excitement ng asawa ko ah," nakangisi ko pang sabi sa kanya, Inirapan lang naman ako nito at lumabas ng kwarto.Napailing na lang ako habang nakangisi parin at bumagtas na papunta sa banyo. Mabilis akong naligo dahil baka magalit na talaga ang mahal kong asawa. Mukhang excited na excited na syang maglibot sa tabing dagat ah.We're here at hawaii for our 2 weeks honeymoon, mom and dad fund this vacation for us, a gift in
'Psst.''Pssst.''Oyy pogi !! notice us~'Kanina ko pa yang naririnig habang ako'y naglalakad dito sa tabing kalsada, mainit parin ang sikat ng araw kahit lampas alas dose na ng hapon.'Pssst!''Pssssssttt!!!''Gwapo!!! Pogi !!!'Naririnig ko pa rin ang pagsitsit na nanggagaling sa may di kalayuan, di ko naman ito magawang lingonin sapagkat sigurado akong hindi naman ako ang kanilang tinatawag. Unang una na ay wala sa itsura ko ang pagiging gwapo at pogi, hamak na probinsyano lang ako na napadpad dito sa maynila upang magtrabaho.Pero sa isang iglap ay nagbago ang aking isip ng bigla na lang may kumapit at humigit sa aking braso."Oyy kuyang pogi, kanina ka pa namin tinatawag," sabi ng isang bakla."Ah pasensya na, ak
"Gusto mo ng maiinom?" tanong sakin nitong katabi ko."Naku wag ka nang mag abala pre, maramingsalamat sa pagkain na binigay mo, kahapon pa ako huling kumain eh." ani ko sabay subo ng fries na isinawsaw ko sa ketsup."Tsaka salamat din pala, kung di mo ako tinutungan kanina ay baka callboy na ako." pasalamat ko ulit sa kanya."Ang dami mo namang pasasalamat, wala lahat iyon," saad ni dylan na pansin kong nakatayo na pala sa harapan ko."Dito ka lang, bibili lang ako sa loob." paalam pa nya.Di ko na sya napigilan ang bilis maglakad, ipinagpatuloy ko nalang ang pagkain ko."Eto oh." alok nya sakin ng biniling softdrink.Inabot ko na lang ito at nagpasalamat. Makalipas ng ilang minuto, malapit na akong matapos kumain ay bigla syang nagsalita kaya napatingin ako sa kanya.'Nandito pa pala sya'"Mag-iisang buwan nang
"Eto oh banana cue, kain kayo." ani ko sa mga batang nanglilimos na nakaupo sa may gilid ng kalsada.Akala ko talaga ay kakainin ni Dylan lahat ng binili nyang banana cue may lola kanina."Kaya mo bang ubusin lahat ng binili mo kay lola? isang bilao yun." saad ko habang naglalakad kami pa layo."Haha syempre hindi ko kayang ubusin lahat kuha lang tayo ng apat, tig dalawa tayo tapos yung lahat ng tira ay ipapamigay na natin." masaya naman nitong sagot sakin.Nakakahanga talaga itong si Dylan, unang una na ay mabait sya dahil iniligtas nya ako kanina at binigyan pa nya ako ng trabaho at ngayon naman ay namimigay sya ng pagkain sa mga batang nakikita naming nanglilimos dito."Kuya salamat po," sabi ng isang batang nabigyan namin."Wag ka sakin magpasalamat, dun oh" turo ko kay Dylan, ito naman kasi ang bumili ng mga pagkain.Ang totoo nyan ay katulad din ng iba ang aking paniniwala pag dating sa mga mayayaman. Ang ting
Chapter 4Nagising ako ng maaga, tiningnan ko ang relo na nakasabit sa pader ng kwarto. Alas kwatro palang ng umaga at madilim pa sa labas.Minabuti ko nang gumising at magtungo na sa banyo para maghilamos at makapag toothbrush, ito ang unang araw ko sa trabaho. Excited na ako kaya minadali ko na ang ginagawa ko.--------------------------Nandito ako sa kusina upang ipaghanda si Dylan ng agahan. Nagluto ako ng itlog, hotdog , at sinangag , ito lang kasi ang nakita kong pwedeng iluto base sa laman ng ref nya."Yan tapos na, kailangan ko nang gisingin si Dylan," sabi ko sa aking sarili. Sabay tingin sa relo dito sa kusina. 5:30 na pala tamang tama lang."Dylan!!! gising na, tanghali na liligo ka pa!" pag gising ko sa kanya habang maramang inaalog ang braso nya.Nandito na ako sa kwarto nya para ihanda ang kanyang susuotin."Rylan?" tawag nya s
Chapter 5"Ry !! Im home."Boses na narinig ko mula sa salas, ibig sabihin nandito na si Dylan. Kinakabahan na ako at hindi mapakali dito, pero kailangan ko syang batiin."Ah Dylan nandyan ka na pala." sagot ko sa kanya habang nakasilip sa may kusina"Oo at may pasalubong ako sayo" saad ni Dylan pagpasok nya sa kusina at ipinatong sa counter ang dala nya.Napalapit naman ako at naintriga sa pasalubong daw nya."Wow, mukhang ang sarap nito." may dala syang box na donut."Reward ko yan sayo dahil ginalingan mo sa unang araw mo sa trabaho."Nang marinig ko ang sinabi nya ay bigla naman akong nakonsensya, ang bait-bait talaga nya tapos pinagbabaan ko pa sya ng telepono kanina."Ry, gawa mo ulit ako nung mango juice katulad kaninang umaga, magbibihis lang ako." request pa nito."Shake yun hindi juice."