ALLISON'S POV
Nandito ako ngayon sa condo ni Jace kasama sila Jude, Karl at Rowan. Pilit nila akong pinapatahan dahil sa patuloy na pag-iyak ko. Sa tuwing may problema ako kina Mama at Kuya Robin ay sila ang natatakbuhan ko sa oras ng problema ko. Mga kababata ko rin sila at kahit mas matanda sila sa akin ng dalawang taon ay hindi ko sila tinatawag na kuya dahil ayaw nila iyon at para daw sobra na nilang tanda kung tawagin ko sila nang ganon."Alam mo babe, bakit ba hindi kana lang umalis sa bahay ng Mama at kuya mo? Pwede ka namang dito sa condo ko tumira tutal kilala ka naman ni Mom at ako lang ang nandito." Sabi ni Jace habang hinagod-hagod nito ang likuran ko."Gago ka ba? Ang dating nun ay parang nagli-live in na kayo. Ayoko ngang iwanan sa'yo ang babe ko. Isa pa, napakababaero mo at baka dinadala mo pa dito ang mga babae mo!" Inis namang sabi ni Karl."Hoy, wala akong dinadalang babae dito sa condo ko saka suggestion lang naman 'yon e," Nakapout pang sabi ni Jace."Dude, that's a gross expression. Don't do that again." Tila nandidiri namang sabi ni Jude habang nakatingin ito sa ekspresyon ng mukha ni Jace.Ang tahimik naman na si Rowan ay napailing nalang saka ito lumapit sa akin."I think its better for you kung umalis kana sa poder ng Mama at kuya mo. Pwede ka naman sigurong tumira sa father side mo since malapit lang naman rin sa inyo ang bahay nila at makakasama ka pa rin namin." Nakangiti niyang sabi.My four guy bestfriends are all handsome, sexy, cool and gorgeous. Lahat yata sila ay single at the age of 22 except kay Jace na ubod ng pagkababaero but I can say na isa silang napakabuting kaibigan sa akin. Since ako lang ang babaeng kaibigan daw nila ay napaka overprotective nila pagdating sa akin o sa kahit na sinong manliligaw ko except kay CJ na hindi na mapigilan pa dahil palaging kakontsaba si Kuya Robin. Wala silang kaalam-alam na crush ko si Kenneth at parang ayokong ipaalam pa 'yon sa kanila dahil may pakiramdam ako na hindi maganda ang magiging resulta kapag inamin ko na may crush ako kay Kenneth. I sighed. "Napag-isipan ko naman 'yon pero she's still my mother. Pamilya ko sila ni Kuya Robin kaya hindi ko sila maiwan-iwan." Malungkot kong sabi."Pero papayag kana lang ba na buong buhay mo ay kontrolin ka ng Mama mo at ng kuya mong isa pang kalahating gago? Alam mo kapag hindi ako nakapagtiis ay baka sugurin ko na ang kapatid mong 'yan, e. Anong klaseng kuya siya? Itinutulak ka pa niya sa tarantadong CJ na 'yon dahil magbestfriend sila?" May inis na sabi ni Karl at napailing nalang.Natahimik naman ako at halos hindi na makapagsalita."Karl is right, you're already 20 years old, Allison. May sariling isip at desisyon ka na pero kung ayaw mo pa rin iwan ang Mama at kuya mo ay paano kana lang? Sooner or later ay baka ipakasal kana sa CJ na 'yon." Sabi naman ni Jude at napaiwas ito ng tingin.Ganoon rin sila Karl, Jace at Rowan at hindi na rin nagsalita pa.Dahil sa tingin ko ay kailangan may sabihin ako ay nagsalita na ako. Napabuntong-hinga ulit ako. "Hinding-hindi ako papayag na magpakasal kay CJ. Sa ngayon, ayaw ko na munang iwan sila Mama at Kuya Robin pero sa oras na ipagpilitan pa nila ako kay CJ o ipakasal siya sa akin ay doon na siguro ako gagawa ng hakbang para iwanan sila." Sabi ko nalang.Tumango naman silang lahat sa sinabi ko."We understand saka nandito naman kami. Hinding-hindi ka namin pababayaan, babe." Nakangiting sabi ni Jace at ginulo ang buhok ako. Ngumiti rin ako pabalik dahilan para mapatitig siya sa akin.His eyes are mesmerizing at nakakailang ang pagtitig niya. Nang mailang na ako ng tuluyan ay kaagad akong umiwas ng tingin."So, let's drink!" Hiyaw naman ni Karl at itinaas nito ang kanina pa nilang iniinom na beer.Pagkarating ko kasi kanina dito sa condo ni Jace ay naabutan ko silang apat na nag-iinuman. They are celebrating Rowan's success dahil isa na siyang co-founder sa company ng parents niya. Tinawagan rin nila ako at sinabing makicelebrate sa kanila at sakto pa namang may problema ako ulit kaya nagpunta kaagad ako dito.Dahil sa sakit ng kalooban ko kay Kuya Robin ay walang tigil ako sa pag-inom ng alak. Baka kasi sakaling mawala ng pansamantala ang bigat ng nararamdaman ko sa pag-inom. Napansin naman kaagad ni Jude ang walang tigil kong pag-inom."Hey, you're drinking too much, babe. Baka mamaya hindi kana makauwi niyan." Bulong niya sa akin saka ako nito inakbayan.Sinandal ko naman ang ulo ko sa balikat niya dahil umeepekto kaagad ang alak na nainom ko at hilong-hilo na rin ako."B-Bakit ganon sa akin sina Mama at Kuya Robin? Pamilya nila ako pero bakit hindi nila iniisip ang nararamdaman ko?" Puno nang hinanakit kong sabi at nag-umpisa na namang tumulo ang mga luha ko.Hinarap naman ako ni Jude saka niya pinunasan ang mga luha ko at tinitigan ako. "Ayoko man 'tong sabihin pero mukhang pera kasi 'yang Mama at kuya mo. Mas busy silang magpayaman kaysa ang intindihin ang nararamdaman mo. Don't worry, hindi rin naman ako papayag na mapunta ka sa CJ na 'yon." Seryoso niyang sabi.Ngumiti naman ako at hinaplos ang mukha niya. Tila naestatwa siya sa ginawa ko at napatitig nalang sa akin. Jude is such a handsome guy. Kamukhang-kamukha nga niya 'yung Thai actor na si Mario Maurer kaya nakakapagtaka lang na ni isa ay wala pa siyang nagiging girlfriend.Bakla kaya 'tong bestfriend ko? Pero sa tingin ko ay hindi naman dahil mukha naman siyang lalakeng-lalake.Kung anu-ano na ang mga pinaggagawa at iniisip ko dahil siguro ito sa epekto ng alak na ininom ko."Ang gwapo-gwapo mo, Jude pero bakit wala ka pang nagiging girlfriend?" Nakangiti kong tanong sa kanya.Nakita ko naman ang paglunok niya dahil sa sinabi ko hanggang sa unti-unti itong napatitig sa dibdib ko. Oh, I forgot that I only wear a spaghetti strap dress at kitang-kita nga sa suot ko ang cleavage ko. Medyo malaki ang hinaharap ko kaya naexpose ng kaunti ang dibdib ko sa suot kong dress."Its because I'm waiting for someone." Sabi niya at muli itong humarap sa akin.I bit my lip. "Who?"Ngumisi lang siya at inilapit ang mukha niya sa akin. "You will find out soon. You're drunk already, babe." He said then he wink at me.Napatawa naman ako sa sinabi niya at sumandal nalang sa couch na inuupuan namin dahil sa matinding kalasingan ko."Lasing na lasing na ang ating bestfriend. Maiuuwi pa ba natin 'yan?" Nakangiting tanong ni Karl at kaagad itong lumapit sa akin at inayos ako mula sa pagkakasandal ko sa couch."Masama pa rin ang loob niyan sa kuya niya kaya dito nalang muna siya. We need to guard her to that asshole and to his fucking dumbass bestfriend." Sabi naman ni Rowan at ininom ang hawak niyang beer.I smiled. They really cares for my feelings at sandali kong naalala si Kenneth. Ganon rin siya mag-alala nang muntikan na akong mabunggo ng bisikleta sa daan noong mga bata palang kami. Nakita ko pa that time na parang maiiyak na siya dahil sa sobrang pag-aalala sa akin."Guys, have you ever been in love with someone?" Bigla kong tanong na ikinahinto nila.Nagkatinginan sila sa isa't-isa bago nila sinagot ang tanong ko."Bakit mo naman natanong 'yan?" Jace asked.I smile again."I think I'm already in love."Sa sinabing kong 'yon ay sandali silang napahinto at parang hindi alam ang sasabihin. Dapat ay hindi ko aaminin na may gusto ako kay Kenneth pero ngayon ay nagkaroon ako ng lakas ng loob aminin sa mga bestfriend ko ang tunay kong nararamdaman. I think they deserve to know this because they are my bestfriend after all."With who?" May diin na tanong ni Karl at seryosong siyang nakatingin sa akin."I think I'm already in love with Kenneth Natividad. Yeah, I know that he's a nerd and his fashion are out of style but there's something in him that I really like. You know what guys? He cares for me at kahit ilang beses na siyang pinagtitripan o pinagtatawanan nila CJ o ng ibang tao ay hindi siya nagpapaapekto dun. I like him because he's such a strong man." I happily said.Nakita ko naman ang pagtiim ng bagang nila sa sinabi ko at pagkuyom ng kamao ni Karl.What's happening to them? Bakit parang nagalit sila sa sinabi ko?Jace chuckled he crossed his arms. "Si Kenneth Natividad? 'Yung nerd at baduy? May gusto ka do'n?" Natatawa niyang sabi.I raised my eyebrow on him. "So what? Wala akong pakialam kung nerd man siya o baduy ang mahalaga ay may mabuti siyang puso!" Pagmamalaki ko pa."Tsk!" He only said at umiwas ng tingin.Maya-maya pa ay bigla nalang tumayo si Karl sa tabi ko."I need to go now. Nawalan na ako ng ganang makipagcelebrate." Sabi niya at kaagad na itong umalis mula sa condo ni Jace.Napailing nalang sila pagkaalis ni Karl."What happened to him?" Tanong ko.Humarap naman sa akin si Rowan at tinitigan ako. "Until now, you're still a clueless on what our feelings for you-"Habang nagsasalita si Rowan ay naramdaman ko nalang ang pag-ikot ng paningin ko hanggang sa tuluyan na akong nawalan ng malay.ALLISON'S POVDahil alam kong anytime ay susunduin ako ni CJ ay napagpasyahan ko na maagang umalis mula sa bahay patungong St. Claire University. Medyo may hangover pa rin ako dahil sa kalasingan ko kagabi. Nakatulog na pala ako sa condo ni Jace at halos hindi ko na maalala 'yung mga ginawa ko noong gabi na 'yon. Sa sobrang sama ng loob ko kay Kuya Robin at sa muntik na akong gahasain ni CJ ay napainom tuloy ako ng marami.I'm currently a 4th year college student at graduating na rin sa kurso kong BS Administration. Hindi 'yon ang gusto kong kurso dahil pangarap ko talagang maging isang journalist pero wala akong magawa dahil iyon rin ang kursong kinuha ni CJ at anytime ay magagamit namin iyon sa paghahandle ng business ng pamilya namin. Kahit labag sa loob ko ay sumang-ayon nalang ako dahil wala rin naman akong magagawa pa. Dapat ay graduated na rin si CJ ng college katulad ng mga bestfriends ko dahil 22 years old na siya pero dalawang beses na siyang bumagsak mula sa pagiging 4th ye
JUDE'S POV"Dude, you're drinking like its the end of the world." Naiiling kong sabi habang pinagmamasdan si Karl na umiinom na halos parang wala nang bukas.Nandito kami ngayon sa bar at nagbibilliard kasama sina Karl at Jace. Wala si Rowan dahil busy ito ngayon sa career niya bilang co-founder sa company ng parents niya. Pagkatapos ng duty ko sa ospital ng parents ko as a nurse ay kaagad kaming niyaya ni Karl na magpunta sa bar at mukhang alam na namin ang dahilan ng matinding paglalasing niya.Nalaman namin mula sa bibig mismo ni Allison nung malasing siya na may gusto siya sa nerd na si Kenneth Natividad. Kilalang-kilala namin iyon dahil kapatid siya ng dati naming kaibigan na si Kendrick na trinaydor rin kami sa huli. Karl really likes Allison katulad rin namin nila Jace at Rowan pero siya ang pinaka naapektuhan sa pag-amin ni Allison dahil mas nauna siyang nagkagusto dito. Karl is a type of guy na hindi kaagad makontrol ang sarili kapag nagagalit o naiinis unlike us na kaya pa n
THIRD PERSON'S POVNang magbreak time ay nakaabang na sila CJ kasama ang kanyang mga kaibigang sina Laurence at Gene sa labas ng classroom nila Kenneth. Gusto ulit makaganti ni CJ dahil sa hindi pa rin nito pag-iwas kay Allison. Sobrang laki ng galit niya kay Kenneth marahil na rin sa inggit at selos sa puso niya dahil alam niyang may gusto si Allison dito.Wala nang katao-tao sa loob ng classroom nila Kenneth at siya nalang ang natitirang estudyante doon dahilan para lumawak pa lalo ang ngisi ni CJ. Wala kasing ibang makakakita sa gagawin nila sa binata. Pagkalabas ni Kenneth sa classroom nila ay kaagad lumapit sina Laurence at Gene sa kanya at ibinuhos ng dalawa ang hawak nilang timba na may lamang tubig sa ulunan ni Kenneth. Nagulat si Kenneth sa ginawa nila at ngayon ay basang-basa na ang buong katawan niya.Tinawanan naman siya ni CJ saka ito lumapit sa kanya at kwinelyuhan siya."Nakaligo kana rin sa wakas panget na nerd. Anong feeling na kahit papaano ay naramdaman mo ang tubig
ALLISON'S POVDahil walang pamalit ng damit si Kenneth sa nabasa niyang damit na kagagawan nila CJ ay kailangan niyang umuwi sa kanila. Hindi ko naman siya maiwan-iwan dahil makokonsensya ako kapag ginawa ko iyon. Isa pa, ako ang dahilan kung bakit palaging binubully nila CJ at ng mga kaibigan niya si Kenneth kaya may pananagutan ako sa kanya."Uuwi nalang muna siguro ako, Allison. Hindi na muna ako aattend sa huling klase ko dahil sa ganitong kalagayan ko. Medyo natuyo na nga ako pero basa pa rin ang ilang parte ng damit ko." Sabi ni Kenneth at bumuntong-hininga siya."Sasama nalang ako sa'yo pauwi ng bahay niyo." Nakangiti ko namang sabi.Tila nagulat siya sa sinabi ko."S-sasama ka sa akin pauwi ng bahay? M-may huling klase ka pa, hindi ba? Kaya ko naman ang sarili ko at sanay na ako sa ganitong sitwasyon." Sabi naman niya.I shrugged. "Dahil sa akin kaya ginawa 'yan nila CJ sa'yo. Hindi kita kayang iwan na ganyan ang sitwasyon mo kaya kung okay lang sa'yo ay sasamahan na kitang um
KENNETH'S POV"Allison, mahal kita. Please, let me court you,"Sa sinabi kong iyon ay napahinto si Allison at bakas sa mukha niya ang pagkagulat dahil sa sinabi ko. Alam kong hindi niya inaasahan ang pag-amin ko pero sa tingin ko ay ito na ang tamang panahon para malaman niyang mahal ko siya. Matagal ko rin itinago itong nararamdaman ko at ngayon ay nagkaroon ako ng lakas ng loob para umamin na sa kanya."Kenneth..." Tanging nasabi niya at para pa rin itong naguguluhan dahil sa sinabi ko."Alam kong nabigla ka dahil sa pag-amin ko ng nararamadan ko para sa'yo pero kasi, hindi ko na kaya pang itago 'to lalo na kung palagi tayong magkasama at nagkakausap. Hindi ko naman hinihiling na mahalin mo ako kaagad e, ang sa akin lang gusto kong patunayan sa'yo kung gaano kita kamahal." May determinasyon kong sabi at hinawakan ko ang isang kamay niya.Nakita ko naman ang unti-unti niyang pagluha na ikinaalarma at ikinagulat ko."Hey, why are you crying?" Natataranta kong tanong at pinunasan ang m
ALLISON'S POVAbot langit ang ngiti ko pagkahatid sa akin ni Kenneth mula sa labas ng subdivision ng bahay namin. Gusto pa nga sana niya akong ihatid hanggang sa tapat ng bahay namin pero tumanggi ako dahil baka makita pa siya ni Kuya Robin at mapagbuntunan ng galit. Hindi ko akalain na may gusto rin pala siya sa akin at ngayon nga ay nililigawan na niya ako. I can't hide my happiness right now, Kenneth loves me.Hindi ko maintindihan kung bakit galit sa kanya at hindi sila magkasundo ng kapatid niyang si Kendrick. Mabait si Kenneth pero kabaligtaran naman nun si Kendrick. Kanina ay nakita ko kung paano magalit si Kenneth nang may ibinulong sa kanya si Kendrick na hindi ko alam kung para saan iyon. Naalala ko lang ang sinabi nitong "Don't you ever lay your hands to her! Kahit kapatid pa kita ay malalagot ka sa akin kapag ginawa mo 'yon!" Hindi ko alam kung sino ba ang tinutukoy nila pero may ideya na akong ako iyon.Kahit kailan ay hindi ko nakitang magalit si Kenneth sa kahit na sinu
ALLISON'S POVDumating na rin ang Saturday at ngayon ang first date namin ni Kenneth. Napag-isipan ko ang mga sinabi sa akin ni Ate Miracle at tama nga siya, I need to fight my rights against from my mother and older brother. Hindi pwedeng habangbuhay nalang nila akong diktahan at kontrolin and I hope na sa desisyon kong ito ay balang araw na matanggap rin nila iyon. Kung kinakailangan na ay hindi na ako mag-aatubiling umalis mula sa poder nila para na rin sa sarili ko.Mga 1pm nang umalis ako ng bahay. Mabuti at wala si Kuya Robin dahil nasa trabaho pa ito at ganoon rin si Mama. Ang usapan namin ni Kenneth ay magkita nalang sa Ayala mall. Nagtaxi nalang rin ako papunta doon at hindi na nagpahatid pa sa driver namin dahil delikado at baka malaman pa ni Kuya Robin na makikipagkita ako ngayon kay Kenneth. Gusto nga sana ni Kenneth na sunduin ako mula sa bahay namin pero hindi ako pumayag.Nang makarating na ako sa mall ay kaagad akong nagpunta sa 2nd floor kung saan tinext sa akin ni Ke
KARL'S POVTinext kami ni Allison at sinabing may ipapakilala raw siya sa amin. May ideya na kaming baka 'yung mga kaibigan niyang sina Hannah at Paula iyon dahil sinabi niya noon na gusto raw kaming makita at makilala ng mga kaibigan niya sa school. Napangiti naman ako dahil saktong aaminin ko na rin kay Allison ang nararamdaman ko para sa kanya. I'm waiting for this right moment at hinding-hindi ko na ito sasayangin pa.Sobra akong nasaktan nung inamin niya sa amin nung malasing siya na may iba na siyang lalakeng nagugustuhan pero hindi ako papayag do'n. Hindi ko hahayaang may ibang lalakeng magmamahal at magpapasaya kay Allison bukod sa akin.I love her very much and I won't let her go.Nagsama-sama ulit kami nila Jude at Rowan sa condo ni Jace. I know that they also like Allison too pero hindi ko alam kung hanggang kailan nila balak itago ang nararamdaman nila para dito pero alam kong hindi rin sila madaling kalaban.Allison texted us na parating na daw sila ng kasama niya. Napaay