AVERY'S POV
“Hoy tekla, anyare sayo ha, bat iika-ika ka?” puna saakin ng co-worker ko'ng si Lexine, nang pumasok ako sa locker room namin para mag palit ng uniform. “Bumaliko kasi yung heels ko pag baba ko ng jeep. Nagdirediretso akong laglag sa sahig. Buti nga nakakapit ako, kundi sayang naman itong feslak ko!” turan ko na ipinakita pa sakaniya ang gasgas sa makinis kong legs! Tyak na kakagalitan ako ni Mama nito pag uwi ko sa bahay! Naku! Iyon pa namang si Mama ay ingat na ingat sa balat namin. Pangarap niya kasi na maging artista kami. Ni ayaw niya kaming nasusugatan o kinakagat ng insekto kasi ayaw niyang magkakapeklat kami! Malaki talaga ang tiwala ni Mama na itong ganda ko ay pang Showbiz at ang mag aahon samin sa kahirapan! Sabagay, totoo naman! Charot! “kaya mo bang mag work?” concern niyang tanong saakin. “Masakit kung masakit ang kanan kong binti, pero sa ngalan ng pera, kakayanin!” tugon ko sakaniya. “Sa sobrang mukha mong pera, nagiging magkamukha na kayo ni Corry, alam mo ba yon?” aniya na namewang sa harap ko. Si Lexi ay gaya ko ring working student. Sa PUP naman siya nag aaral. Hanggang balikat ang kaniyang buhok, matangos ang ilong, morena at may makapal na lente ng salamin sa mata! Napaka talino kasi niya at mahilig mag basa ng mga libro. Ako, mahilig din naman akong mag basa ng libro, mga pocket books nga lang.. Haha! Bet na bet ko talaga mag basa lalo kapag doon na sa part ng may SPG.. Minsan nga, yon ang unang hinahanap ko sa pocket book na binibili ko.. Haha! Tapos, ini-imagine ko pang ako yung bidang character at si Simon yung leading man! “Hoy, tekla.. Bat ngising aso ka pa dyan ha? Akala ko ba masakit yang binti mo? Susko! Malala na nga yata ang baltik mo!” aniya na parang stress na stress saakin. “Alam mo, Lexine, napaka serious mo sa life! Kailangan lagi ka dapat naka ngiti para maging kasing ganda kita!” turan ko sakanya na kinindatan pa siya. “Naku, wag na lang kung ikaw lang din naman ang magiging kamukha ko!” aniya na tinalikuran na ako matapos isara ang locker niya. “hoy, ganda ko kaya!” iika-ika kong habol sakaniya papunta sa counter. Cashier siya habang service crew naman ako. “Di kaba nahihirapan dyan? buhat na buhat mo kasi yung bagko mo eh! GGSS to the nth level ka na tekla!” aniya na natatawa. Tinusok ko siya sa tagiliran gamit ang hintuturo ko. Napapitlag naman siya. “Uy, lakas ng kiliti, virgin pa nga!” tudyo ko sakanya. “Kaloka ka talaga! Malamang, NBSB nga diba?” aniya na biglang gumanti rin ng panunusok sa tagiliran ko. “Uy, wala ng kiliti ah.. Di na sya virgin..” pang aasar nya rin saakin! “Hoy, kapal mo ah, preseve na preserve ko kaya itong bataan ko para kay Simon!” turan ko. “Simon na naman.. Eh, dika naman type ng Simon mo!” “Girl dika sure! Malakas ang kutob ko na nagpapa hard to get lang ang bebe boy ko! Makikita mo, nganga ka talaga pag naging jowa ko yon!” “Mangarap ka girl! Yung ganong mga anak mayaman, humahanap din yon ng ka level nila. Yung katulad nating dukha, hindi papatulan ng kagaya nilang elite! Patulan ka man non, tyak na paglalaruan ka lang.. Tsaka uso sa mga mayaman yung arrange marriage noh! Baka nga meron ng babaeng naka laan para don! Biruin mo anak ng may ari ng prestihiyosong University! Pupusta ako ng isang libo, malabong maging kayo.” Inilahad ko ang palad ko. “Amin na yung pusta mo.” hingi ko sakanya. Ipinakita naman niya saakin yung kamao nya. “Ito gusto mo? Saka ko na ibibigay ang pusta ko kapag naging kayo na!” aniya. “Edi meow!” sagot ko sakanya. Kahit medyo hirap akong lumakad ay nagawa ko naman ng maayos ang trabaho ko ngayong araw. Dahil 6 hours ang duty ko sa fast food ay alas nueve na ako nakauwi saamin. Malayo pa lang ay dinig ko na naman ang ingay na nanggagaling sa bahay namin. “p**ang **a mo talaga! Wala ka talagang silbi!!” dinig kong hiyaw ni Papa. “Ahh.. Tama na Ron! Ahuhu..” boses iyon ni Mama na nagmamakaawa! Dinagsa ng kaba ang dibdib ko! Hindi ko na nga alintana ang masakit kong binti. Nag aapura akong pumasok sa loob ng bahay at naabutan ko sa sala si Mama na nakahiga sa sahig habang sapo ang mukha. “Mama!” hiyaw ko saka ko siya nilapitan at niyakap. “Hoy, Avery! Lumayas ka riyan, huwag kang makialam! Yang nanay mo B**o! Walang silbi!” Hindi ko na natiis pa ang galit na kinikimkim ko sa dibdib! Ang kapal kapal talaga ng mukha ni Papa! Si Mama pa ang walang silbi samantalang si Mama na nga ang kumakayod habang siya panay lang ang hilata sa sofa! “Bakit ang sama ng tingin mo ha? Ano lalaban ka na!” akmang susugurin niya ako ng hinarang siya ni Mama at inawat. “Tama na Ron! Tama na!” pigil ni Mama sakaniya. “lumayas ka diyan!” ani Papa na muling sina**k si Mama. “Mama.. ! H***p ka papa!” hindi ko na napigilang ibulalas. “Anong sabi mo?” aniya na nilapitan ako at hinablot ang buhok ko at binigyan din ng malakas na s***al sa mukha. “Tama na Ron, ano ba!!” hiyaw ni Mama. Pati ang dalawa kong kapatid na nasa sulok ng lamesa ay nag hiyawan na rin ng sunt**in ako ni papa sa hita. Hinarang ako ni Mama kaya ang iba ay kay Mama tumama. “Huhu.. Ron.. Tama na pakiusap naman..” humahagulgol na turan ni Mama habang nakikiusap. “Mga pun***a kayo! Ikaw, walang hiya kang bata ka! Anong pinag mamalaki mo ha? Komo nag tatrabaho ka malakas na ang loob mong murahin ako ha!” duro niya saakin habang dilat na dilat ang mga mata. Niyakap ako ni Mama para pigilang sumagot ng maramdaman niya ang pag kuyom ng kamao ko. “Shhh.. Anak.. Tama na.. W-wag kang sasagot..” bulong niya saakin. Wala kaming laban kay Papa. Kahit gusto kong lumaban, alam kong hindi kami mananalo sakaniya. Panay na lang ang patak ng luha ko at tahimik na umiiyak. Masama na akong anak kung masama, pero maraming beses ko ng ipinalangin sa isip ko na sana m***tay na si Papa! Yinakap ko si Mama. Yung mga bu**og saakin ni papa, matatanggap ko pa yon.. Pero ang hindi ko kaya ay yung makita si Mama na sinasaktan. Si Mama na halos magkanda kuba na sa pagtitinda ng banana q, para lang may makain kami. Habang siya nasa loob lang ng bahay nakahilata at panood nood lang ng tv. “Kayong mga p**a kayo, kailangan pag balik ko may pagkain na sa lamesa! Mga bwiset kayo!” aniya na lumabas na ng bahay. Tiningala ako ni Mama at pinunasan ang aking mukha. “Ayos ka lang ba Nine?” yan ang tawag saakin ni Mama. Tumango ako habang umiiyak pa din. Siya na itong nasaktan pero ako pa din ang inaalala niya. Awang awa ako habang pinagmamasdan ang humpak na mukha ni Mama. Tapos ngayon ay putok pa ang labi niya at maga ang mukha dahil sa ginawa sakaniya ni papa. Lubog ang kaniyang mga mata dala ng araw-araw na puyat at stress. Sa edad nyang 45 ay mukha na siyang 60 years old. Payat sya at halos labas na ang collar bone. “Mama, umalis na tayo dito..” aya ko sakaniya. “Pero, anak.. Paano ang pag aaral mo? Graduating ka na ng college.. Kaya ko pa naman mag tiis pa anak. Ang importante, makatapos ka muna.” Niyakap ko si Mama ng mahigpit. “Mama, pangako ko po, pag nakatapos na ako, aalis na tayo dito kay Papa.” Hinaplos ni Mama ang buhok ko. “Oo anak.. Aalis na tayo dito kapag naka graduate ka na.” turan ni Mama na umiiyak. Lumapit na saamin ang dalawa kong kapatid at nakiyakap na din. “A-anak, may p-pera ka pa ba diyan para maibili natin ng pagkain ha? Ayaw na kasi tayong pautangin ni Ate Mina sa tindahan niya dahil di pa daw natin bayad yung utang natin sakaniya. Wala tuloy akong pagkain na nailuto kanina. Kaya yung Papa mo, galit na galit! Hindi ko kasi anak napaubos yung banana q. Iisang daan piso ang kinita ko, ibinili ko yung singkwenta pesos ng isang kilong bigas tas yung natira ibinili ko ng gamot ni Arden, kasi nilalagnat ang kapatid mo.” mahabang salaysay ni Mama. Tumango ako. M-meron pa naman po akong natatago diyan ma. Tara na po, bumili na tayo ng pang ulam natin bago pa dumating si papa.” aya ko sakaniya na tinulungan siyang makatayo. Saka na lang ako bibili ng libro ko. Iniipon ko sana yung pera na yon pambili ng libro ko. Balak ko sa sunod na sahod ko, ako bibili kasi kulang pa yon at sa sunod ko na lang sana dadagdagan pero mas importante saakin ang makatulong kay Mama. Sinamahan ko si Mama bumili ng corned beef kay Aling Mina pati ng patatas. “Oh, may pera naman pala kayo. Baka naman gusto ninyong bawas-bawasan yung utang niyo rito?” puna ni Aling Mina ng buong limang daan ang iniabot ko sakaniya. “Eh, Ate Mina, sa sahod ko na lang po sa akinse ako mag bibigay. Yan na lang po kasi ang pera namin ngayon. Kung ibabayad ko po sainyo yung sukli, wala po kaming ipambibili ng pagkain para bukas.” paliwanag ko kay Aling Mina. “Kuh! Sa akinse pa! Abay bente singco pa lang ngayon ah!” anito. “Ate Mina, nagbabayad naman po ako sainyo, kapag sumasahod ako diba? Pasensya na po talaga ha, gipit lang po talaga kami.” paliwanag ko. “Palagi naman kayong gipit! Paano yang ama mo napaka batugan na, mapanakit pa diyan sa ina mo! Kung di lang ako naaawa sainyong mag ina, hindi ko kayo pauutangin eh, sa totoo lang sainyo na napupunta ang kita ko sana dito sa tindahan!” sumbat niya. Tahimik na lang kaming umalis ni Mama habang hinang hina ako at napapaluha sa masasakit na salitang sinabi niya saamin. Pagod na pagod na rin ako sa ganitong sitwasyon namin.. Ang liit liit ng tingin saamin ng ibang tao pero wala kaming magawa kundi tanggapin na lang ang mga sinasabi nila dahil totoo naman ang lahat ng yon.AVERY'S POV"Avery, anong sabi sayo ni Sir Pogi?" Usisa saakin ni Weng.Nasa service counter kami ngayon at nagpapasa ng order ng mga customers namin ng lapitan niya ako. Isa kasi siya sa mga naka assign na mag assist ng mga customers sa second floor, maliban na lang kung ni-request ng customer ang iba saamin na mag-entertain sakanila.Malamang nakita niya ako na kausap si Kuyang Pogi kanina o Mr. Travis."Hmm.. masyado kasing kumplikado ang mga napag-usapan namin.""Sus, kumplikado ka dyan! Alam mo, masanay ka na. Karaniwan na lang saatin dito ang i-request ng mga customers noh! Alam mo bang ang swerte mo dahil nagka interest sayo si Mr. Travis ha?""Swerte? Paano mo naman nasabi?" isinandal ko ang balakang ko sa counter, para makapag pahinga kahit papano."Girl wala ka ba talagang alam tungkol sa kaniya? Alam mo bang bukod sa yummy siya ay isa siya sa pinaka mayamang businessman sa bata niyang edad? Balita ko rin na siya ang tagapag mana ng kanilang angkan! Tsaka alam mo, iyang si M
3RD PERSON'S POV"Sino bang tinitingnan mo diyan pre?" Kuryosong tanong ni Uno sa kaibigan ng mapansin itong nakatingin sa ibabang palapag ng Bar.Kanina pa siya kwento ng kwento sa lalaki pero tila hindi naman ito nakikinig sa kaniya. Nasa gilid ng rehas ng second floor sila naka pwesto, sa may dulong bahagi ng VIP table. Ito ang favorite spot nila ni Travis kapag pupunta dito sa Bar dahil mula sa kinauupuan nila ay tanaw nila ang kabuoan nito.HIndi siya sinagot ni Travis sa kaniyang tanong. Madilim ang anyo nito at panay ang galaw ng mga panga. Base sa inaasta nito ay tila hindi ito natutuwa sa kung ano man ang kanina pang pinagtutuunan nito ng atensyon.Ngayon niya mas napatunayan na kanina pa nga ito hindi nakikinig sakanya."Tsk!" naiiling na lang niyang palatak ng sundan ang tinitingnan ni Travis.Nakatitig ito ng mataman sa isang babae na mukhang bago lang sa kanilang paningin. Madalas sila rito kaya kilala na nila lahat ng empleyado dito, Halos lahat kasi ay naikama na niya.
AVERY'S POV"Yung mga candidate ng Ms. Intramurals, pumila na kayo dito sa unahan." Tawag ni Ms. Minchin, saamin.Ganon na lang ang kabog ng dibdib ko ng mapatingin si crushy sa gawi ko. Kahit pa halos mangatog na ang tuhod ko sa kaba ay nagawa ko pa ring lunmatod kay crushy.. Nag wave ako sa kanya at nag flying kiss sabay kindat.Kakainis! inirapan lang ako!Isa isa ng rumampa ang bawat class represantatives.. Hindi ako nag practice kaya naman hindi ko alam kung paano ako rarampa sa stage.. Ah! bahala na.. gagayahin ko na lang yung baklang nanalo saamin ng Ms. Gay!Sabi naman ni Ms. Minchin, manalo-matalo ay uno ang ibibgay niya saaking grades."Hoy, Xerox girl galingan mo ha!" mahinang turan ng partner kong si Xander."Sus, ako pa ba?" mayabang kong sagot."Yabang ah!" naka ngisi niyang turan."Aba syempre! May ipagmamayabang e." saka kami nagtawanan na dalawa.Naisara ko ang bibig ko ng makita kong nakatingin ng masama saakin si Simon. Ano na naman bang problema niya saakin?Nagses
AVERY'S POVNanlalabo ang mga mata kong nag dilat.. Malabong imahe ng isang lalaki ang aking nakita."Simon.." tawag ko sa pangalan ng lalaking mahal ko.Bigla kong naalala ang huling nangyari saakin bago ako mawalan ng malay, Agad akong napabangon kaya naman nauntog ako sa ulo ng isang tao na nakadukwang saakin."Ouch!" nakayuko niyang daing sapo ang kaniyang noo. Nakaupo siya sa gilid ng higaan koNakasuot siya ng white suit.. Saan naman kayang kasalan umatend ang isang ito? Ang gara ng suot niya! Para siyang mayamang Businessman sa mga pocket book na nababasa ko.Teka, nasaan nga pala ako?Nagpalinga-linga ako. Puti ang kulay ng buong silid. May Sofa na kulay puti na nakapwesto malapit sa pintuan. Dumako naman ang mga mata ko sa kamay kong may naka tusok na dextrose. Nasa isang silid kaya ako ng isang hospital?Nang mapalingon ako sa lalaking nasa harapan ko ay saktong nag angat naman siya ng mukha. "Nasa langit na ba ako?" wala sa sarili kong naiusal. Para kasi siyang Anghel na n
AVERY'S POINT OF VIEW"Ate Catherine..""Tao po..""Ate Catherine.."Nakailang katok na ako sa pinto ng bahay ni ate Catheryn ngunit wala pa ring sumasagot. Aba'y uugatan na ako saaking kinatatayuan pero mukang wala syang balak na pag buksan ako. Alam kong may tao sa loob dahil nakakarinig ako ng buduts na tugtog galing sa loob ng bahay niya.Mukhang nagbubuduts pa ang hinayupak! Hintayin ko muna matapos yung tugtog bago ulit ako kakatok. Patatapusin ko muna siyang sumayaw, Haha.Nang mag iba na nga ang tugtog ay nilakasan ko na ang katok ko sa pintuan niya. Linakasan ko na rin ang tawag sa pangalan niya para lang marinig niya pero wala pa ring nag bubukas ng pinto.Ayaw mong lumabas ah! tingnan ko kung di ka pa lumabas ngayon..Inilagay ko ang dalawang kamay ko sa gilid ng bibig ko saka ako humiyaw ng malakas! "Sunog! mga kapit bahay may sunog!" dahil sa hiyaw ko ay di lang si Ate Catheryn ang lumabas pati na rin ang buong kapit bahay niya!"Wuah! may sunog daw! sunog!" taranta na ri
AVERY'S POV“Anak mo ba yan Nora? Apaka ganda naman pala ng anak mo! Ang kinis at parang labanos sa kaputian!” bulalas ng isang babaeng bumili saamin ng banana q ni Mama. Araw ng sabado ngayon at wala akong pasok. Pag ganitong mga araw ay tinutulungan ko si Mama mag lako ng mga paninda niyang miryenda.“Oo anak ko nga yan!” proud na sabi ni Mama.Yung ngiti ko naman ay abot na yata hanggang tutuli ko. Ay mali, tenga pala! Hehe.. Ito talaga ang gusto ko kapag sumasama ako kay Mama mag lako ng paninda.. Yung reaction kasi ng mga bumibili saamin ay daig pa nila ang nakakita ng artista.. Relax lang kayo, ako lang toh.. Haha!“Nay Nora, baka naman pwede nyo akong ipakilala dyan sa anak nyong maganda.” turan ng binatang tambay sa hinintuan naming tindahan.“Ay naku Betong, nag aaral pa yang anak ko.” turan ni Mama na inilapag sa harapan nila ang basket naming dala.“Papakyawin ko na yang paninda mo Nay, payagan mo lang akong ligawan ang anak mo.” pangungulit pa niya.“Naku, Betong, hindi mo