AVERY'S POV
“Beshy, napano yang labi mo?” puna ni Fiona saakin ng mapansin ang sugat sa gilid ng labi ko. Kasalukuyan kaming nasa sulok na bahagi ng canteen. Sinamahan ko siyang mag miryenda kasi wala naman akong pambili ng pagkain ko. Kailangan kong tipidin ang pera kong natitira para may pamasage ako papaunta rito sa school at papunta sa trabaho. Mamaya na lang ako babawi sa fast food. Libre lang kasi don ang pagkain namin. Hindi pa siya nakuntento at sinipat pa ng mabuti ang pisngi ko. “Pasa ba yang nasa pisngi mo?” “H-ha? M-meron ba?” nag aalala kong tanong saka kinalkal ang bag ko para kunin ang compact mirror ko. Kanina, wala pa yong pasa ng umalis ako sa bahay. Dismayado siyang napapalatak. “Sinaktan na naman ba kayo ng tatay mo ha?” aniya. Napabuntong hininga na lang ako. “Bat ba kasi ayaw ninyong ipakulong yang walang hiyang tatay mo?” pagalit niya saakin. “Ayaw ni Mama. Natatakot siya na baka pag nakalaya si Papa, pa***in na lang niya kami. Ayaw na ayaw pa naman non ng napapahiya siya sa maraming tao. Tsaka alam mo naman na, tiyuhin ni papa yung kapitan saamin, kaya ayon, kinakampihan siya kasi alam mo naman yung tatay ko, magaling mag tahi ng kwento para siya ang panigan ng mga tao!” “Eh, ano? Hihintayin nyo na lang ba na higit pa riyan ang gawin sainyo ng tatay mo?” “Balak naming umalis kapag naka graduate na ako. Konting tiis na lang naman, makakalayas din kami sa poder ni Papa.” tugon ko. “Hay.. Wish ko lang buhay pa kayo that time.” aniya. Dahil naawa na naman ang Beshy ko saakin ay nilibre na niya ako ng miryenda at dipa siya nakuntento, binigyan niya pa ako ng pera pambili daw namin ng pagkain. Sa totoo lang, hiyang hiya na ako sakaniya. Yung baon niya, madalas hinahati niya para saakin. Minsan, hindi pala minsan kundi madalas, awang awa na ako sa sarili ko. Ayoko talagang kinakaawaan ng ibang tao. Ayokong makita nila ako sa miserable kong sitwasyon! Lalo namang ayaw ko na malaman ni Simon na ganito kasalimuot ang buhay ko. Baka lalo siyang ma turn off saakin. Kung pwede nga lang, ayokong may makakaalam ng personal kong buhay. Hindi ko lang nagawang ilihim kay Fiona ang sitwasyon ko dahil madalas niyang makita ang mga pasa ko gaya ngayon. Kaya nga kapag nasa labas ako ng bahay, pinipilit kong maging masigla sa harap ng mga tao. Diba? Sino bang mag aakala na sa likod ng masayahin kong personality ay nagtatago ang madrama kong buhay. Kung ipapasa ko nga siguro kay Ma'am Charo yung kwento ng buhay ko, baka manalo pa ng award yung story ko! 'Best in Drama' ganern! Haha! “Beshy, pahiram naman ako ng concealer mo. Itatago ko lang itong pasa sa mukha ko at sugat sa labi ko.” turan ko sakaniya. Para masiguradong hindi mahahalata ang pasa ko ay kinapalan ko ang foundation ko na hiniram ko lang kay Fiona. Pati nga lipstick niya ako na ang gumagamit eh. Buti na lang kahit mayaman siya ay di siya maselan, dahil pinapahiram niya saakin ang personal niyang gamit. Ang swerte swerte ko dahil binigyan ako ni Lord ng kaibigan na gaya niya. “Mag lagay ka kaya ng blush on para di masyadong maputla yang mukha mo? ” suhesyon niya na nilagyan ng liptint ang cheeks ko. “Salamat Beshy!” turan ko ng matapos na niya akong ayusan. “Beshy, si Simon, papasok ng canteen.” taranta niyang kalabit sa braso ko habang ang mata ay nakatingin sa crushy ko. Shyet! Nang makita ko siya ay biglang nagka kulay ang surroundings ko at nakalimutan ang madrama kong life! Mamaya ko na muna iisipin ang problema namin sa pera. Lalandi muna ang lola mo! Kahit masakit ang kanang binti at hita ko dala ng gasgas at su**ok ni papa sakin kagabi ay nagawa ko paring kumendeng habang lumalakad palapit sa table nila Simon. Heto na naman si Cristof na may pag siko kay crushy para ipaalam na naroon ako. Naupo ako sa tapat ni Simon at Cristof. “Hi, Simon!” abot tenga ang ngiti kong bati sakaniya. Saka ako nag beautiful eyes. Pasimple ko ring ikinawit ang buhok ko sa likod ng tenga ko. Inirapan niya ako. “P**pok kaba? Daig mo pa ang G*O sa kapal ng make up mo!” suplado niyang puna saakin. Aray ko!! Kanda effort pa akong mag maganda sakanya tas ganon ang sasabihin niya? Masyadong mapanakit ang bibig niya. Pero dahil immune na ako sa kasungitan niya ay binalewala ko lang iyon. Nangalumbaba ako sa harapan niya at pinag masdan siya na para bang humaling na humaling ako sa kagwapuhan niya. “Alam mo bang mas lalo akong na tu-turn on kapag sinusungitan mo?” tugon ko sakaniya. Nalukot ang gwapo niyang mukha. “Alam mo bang sirang sira ang araw ko kapag nakikita kita? Kaya pwede ba, umalis ka na?” taboy niya saakin. “Naniniwala ka ba sa kasabihan na 'The more you hate, the more you love'?” Bigla naman tumawa si Cristof. “Yown oh! That's my girl!” aniya na nakipag appear pa saakin. “Kahit magunaw ang mundo, Hinding hindi ako magkakagusto sayo. Remember my words!” seryoso niyang turan. Aray!! pangalawa na yon ah.. Ngumiti ako sakaniya. “Yeah, baby. I will remember that. Sinisigurado kong kakainin mo rin lahat ng sinabi mo. One day, magigising ka na lang na mahal mo na rin ako.” turan ko saka siya kinindatan bago ako umalis sa harapan niya. Oyy.. Mashaket na kasi.. Tagos na hanggang apdo ko yung mapanakit niyang mga salita, kaya pinili ko ng umalis bago pa ako tuluyang ma hurt. “Anong sabi niya sayo Beshy?” usisa naman ni Fiona saakin ng makabalik ako sa lamesa niya. Ngumiti ako para itago ang puso kong sawi. “Ang ganda ko daw beshy! Ngayon lang daw siya naka kita ng Dyosang bumaba sa lupa!” pagsisinungaling ko. Hinampas niya ako ng kamay niya sa braso ko. “Echosera!” aniya na hindi naniwala sa sinabi ko. “Okay.. Sino pang magpapa xerox dyan?” tanong ko sa mga classmates ko. Isa ito sa mga raket ko! Pinapaxerox ko yung notes ko at sinisingil ko sila sa halagang five pesos per copy. Mga tamad kasi silang mag take down ng notes. Sabagay, mayaman naman sila kaya barya lang sakanila yung limang piso. “Ako, Avery. Pa xerox din ako ng notes mo.” lumapit saakin ang suki kong si Nicolas na super galante kasi always may pa tip ang lolo mo kapag nagpapa xerox ng notes ko. “Okiedoki sir!” tugon ko sakaniya. Ngumiti naman siya saakin matapos ay bumalik na sa upuan niya. sa isang lenghtwise ay sinulat ko lahat ng classmates ko na nagbayad saakin. “Feeling ko, crush ka ni Nicolas, beshy ko.” bulong saakin ni Fiona ng maupo na ako sa tabi niya. “Hmp! Ikaw sobrang malosyosa mo!” “Wuy, hindi ah, obvious naman kasi na type ka niya.” Napatingin ako kay Nicolas na nakaupo sa unahan sa may second row. Naka salamin siya sa mata at may braces sa ngipin. Maputi siya at matangos naman ang ilong. Medyo patpatin nga lang siya. Okay naman, may hitsura naman siya, pero sorry na lang dahil si Simon lang ang nag iisang lalaki sa puso ko. “Parang tingin ko mas bagay kayo beshy.” tuyo ko sakaniya. Nanulis naman ang nguso niya at nagbusy-busy-han na ka librong hawak niya. Ganiyan siya kapag shini-ship ko siya sa iba. Ewan ko ba! Ewan ko ba kay Fiona bakit parang alergic siya sa mga lalaki. Maganda naman siya at balingkinitan ang katawan. Morena at matangkad saakin ng bahagya. Pwede nga siyang sumali sa mga pageantry kasi matalino din naman siya. Kaso parang walang interes sa kahit ano. Palibhasay mayaman, kaya wala siyang pinoproblemang kahit ano. Hayy.. Mapapa sana all ka na lang sakaniya! Ang swerte niya sa mga magulang niya dahil napaka responsabke at spoiled siya sa lahat ng gusto niya.. Samantalang ako.. Never mind na lang! Ayoko mag drama dahil ayokong masira ang beauty ko. “Xerox girl. Ako din paxerox din ako ng notes mo.” Lapit sakin ni KC. Ito yung classmates kong super duper sa kaartehan at ka-sossy-han. Xerox girl ang bansag niya saakin. “Okay, noted.” Sagot ko. Saka ko isinulat ang pangalan niya sa listahan ko. Matapos ng klase ko ay back to work na ulit ako. Habang nasa loob ng jeep ay napag muni-muni ako. Masyadong maliit ang kinikita ko sa fast food. Hindi sapat pang tustos sa pangangailangan ng pamilya ko at pangpamasahe at baon ko. Kaya lang hindi naman ako pwedeng mag full time job. Paano ang pag aaral ko? Dalawang sem na lang naman ang bububuin ko matatapos na ako sa kurso ko. Gusto ko na nga sanang huminto muna kasi naaawa na ako kay Mama, pero ayaw niya akong pahintuin. Sayang naman daw yung scholarship na natanggap ko. Sabagay, tama naman si Mama. Maswerte ako na napiling makapag aral sa paaralan ng mga mayayaman. Kahit papano, pag naka graduate ako magagamit ko iyon para mas mabilis ma hired sa trabahong papasukan ko. 'Konting tiss pa, Avery, makakaalis din kayo sa impyernong bahay na yon.' pagkukumbinsi ko saaking sarili.AVERY'S POV “Wag kang mag-alala ate Natalia, scholar student ako. Hindi lang ako maganda, kundi may talino ring taglay. Isa akong IT student. Magagaling kami sa logic. Meaning to say matalas ang aming pag-iisip, kaya naman bagay na bagay kami ni Travis. Isa pa, merong kasabihan na 'Age Doesn't Matter.' at ayon din sa pag-aaral, mas nagtatagal ang relasyon ng couple na hindi magkapareho ang edad. Mas masarap mag mahal ang full grown Man, kesa sa mga binata dahil matured na sila mag isip at seryoso na sa buhay. Ready na sila physically and emotionally para bumuo ng pamilya. Si Travis ay maihahalintulad sa isang wine na habang nagkakaedad ay mas lalong sumasarap. Kaya bagay lang kaming dalawa.” sarkastiko kong tugon saka ngumiti sakaniya. Bumakas sa mukha niya ang pagkapahiya. Hindi na siya nakabawi saakin dahil dumating na si Travis. Agad akong sumakay sa passenger seat at hindi na naghintay na pagbuksan pa ako ni Travis ng pintuan. Baka maunahan pa ako ng bida-bidang babaeng to e, m
AVERY'S POV “Hubby ko, thank you nga pala sa ibinigay mong pera kay Papa, pambili ng mga gamot ni Mama.” turan ko habang magkahawak ang kamay namin na naglalakad sa hallway. Wala na akong pake kahit pinagtitinginan kami ng mga tao sa ospital. Mainggit sila! Haha! “Just everything for my Wifey.” aniya saka huminto at pinisil ako ng bahagya saaking pisngi. “Dahil napaka bait mong boyfriend, may gift ka saakin mamaya!” “Hmm.. Parang excited na akong makuha yung gift ko ah! Umuwi na kaya tayo?” turan ni Travis habang nakangiti. “Ayoko pa, hubby ko. 7 pm palang. Gala muna tayo sa BGC..” lambing ko sakanya na tiningala siya at nag beautiful eyes. “Okay,” aniya na muling huminto at inilagay ang dalawa niyang kamay sa bewang ko at niyuko ako para gawaran ng halik sa labi! Eeee.. Enebe! Kinikilig ako!! Holding hands while walking lang ang peg namin habang naglalakad sa park. Walang paglagyan ang kaligayahan ng puso ko habang kasama ang lalaking mahal ko. Habang lumilipas ang mga ar
AVERY'S POV Lakad-takbo ang ginawa ko papasok ng Ospital. Tinawag ako ng Nurse para ipaalam ang nangyari kay Mama. Ang ipinagtataka ko ay kung nasaan si Papa? Bakit niya iniwang mag-isa si Mama? Humahangos akong pumasok sa loob ng silid ni Mama. Naabutan ko doon si Dr. Uno. Napalingon ako kay Mama. Mahimbing na siyang natutulog habang may oxygen mask na nakalagay sakaniyang ilong. “Doc, anong nangyari sa Mama ko?” Nag-aalala akong lumapit kay Dr. Uno. “She was having a hard time breathing because she was extremely emotional when I found her in her room.” Muli akong napabaling ng tingin kay Mama. Nag away kaya sila ni Papa? Bigla akong nakaramdam ng galit kay Papa! Alam niya naman na may sakit si Mama, bakit kailangan niya pang awayin? Ano na naman bang dahilan at inaway niya ang Mama ko? Bumukas naman ang pinto at si Papa ang pumasok. May hawak siyang malaking paper bag na may tatak ng isang sikat na botika. May hawak din siyang basket ng prutas sa isa nya pang ka
3RD PERSON'S POV “Sir, kailangan nyo pong bilihin ang mga ito ngayon din. Mamaya lang kasi ay darating na si Dr. Uno at gagamitin namin ito kay Ma'am.” inabot kay Ron ng nurse ang listahan ng mga kinakailangan niyang bilihing gamot ng asawa sa botika. Wala siyang kapera-perang dala, kaya hindi niya alam kung paano mabibili kaagad ang isang katerbang gamot na nireseta ng doctor. Biglang sumagi sa isip niya ang sinabi ni Travis na huwag siyang mahiyang magsabi sa binata kapag may kailangan siya. Ibinigay sakaniya ni Travis ang address ng kumpanya nito na ilang kilometro lamang ang layo sa Ospital. Dahil kinakailangan na niya itong bilihin sa lalong madaling panahon ay naisipan niyang puntahan ang nobyo ni Avery. Kakapalan na niya ang kaniyang mukha at hihingi kay Travis ng pera pambili ng gamot ng kaniyang asawa. Hapon pa pagkatapos ng klase ang punta ni Avery sa Ospital. Ang kaniyang dalawang mga anak naman ay nag-aaral din kaya siya ang nagbabantay sa asawa. "Nora, aalis lang
3RD PERSON'S POV “Didn't I tell you that this is my place? What are you still doing here?” “Ikaw ang sadya ko dito Simon.” matapang na pahayag ni Fiona. Ilang minuto na siyang naghihintay kay Simon sa rooftop. Gusto niya itong makausap. “Ano namang kailangan mo saakin?” malamig na tugon ni Simon sakaniya. Lumakad ang lalaki sa may lilim na bahagi kung saan nakatayo si Fiona. Nahigit pa ng dalaga ang kaniyang hininga ng ilang hibla na lang ang pagitan nila ni Simon. Nilagpasan siya ng lalaki at naupo sa sulok na bahagi. Nakatuwid ang isang binti nito habang nakatiko naman ang kanang tuhod. Ang isang kamay ay itinukod sa sahig at ang isa ay ipinatong sa nakatiklop na tuhod. Isinandal ni Simon ang kaniyang likod sa malamig na pader maging ang kaniyang ulo. Ipinikit niya ang kaniyang mata. Gusto niyang panandaliang maidlip. Pumihit paharap si Fiona kay Simon at nakita niya itong nakapikit. Malaya niyang napag masdan ang gwapong mukha ng lalaki. Nakasuot ito ng plain balck T-shirt at
AVERY'S POV “Alam nyo ba yung kumakalat na chismis ngayon?” turan ng classmate kong si Chloe sa mga alipores niya. Kapapasok ko pa lang sa classroom at ito agad ang nabungaran ko. Ang bilis kumalat ng chismis! Nauna pang makarating ang scandal ko sa classroom kesa saakin na kadarating lang. “Ano Girl?” sagot naman ng isa “They reportedly overheard a live sex scandal in the parking lot earlier. OMG, it's unbelievable that such a thing happened right here at school! Thankfully, someone has already reported it to the school administration, and it's under investigation. They'll likely review the CCTV footage to identify the two individuals involved. If identified, those responsible might face severe consequences, including possible expulsion from school.” Bigla akong tinakasan ng dugo sa katawan ng marinig ang sinabi ni Chloe. Nakaramdam ako ng matinding kaba! Bakit diko naisip na may mga CCTV nga pala sa parking lot at tyak na makikita nila ang pag labas ko sa kotse ni Travis