MasukAVERY'S POV
Nanlalabo ang mga mata kong nag dilat.. Malabong imahe ng isang lalaki ang aking nakita.
"Simon.." tawag ko sa pangalan ng lalaking mahal ko.
Bigla kong naalala ang huling nangyari saakin bago ako mawalan ng malay, Agad akong napabangon kaya naman nauntog ako sa ulo ng isang tao na nakadukwang saakin.
"Ouch!" nakayuko niyang daing sapo ang kaniyang noo. Nakaupo siya sa gilid ng higaan ko
Nakasuot siya ng white suit.. Saan naman kayang kasalan umatend ang isang ito? Ang gara ng suot niya! Para siyang mayamang Businessman sa mga pocket book na nababasa ko.
Teka, nasaan nga pala ako?
Nagpalinga-linga ako. Puti ang kulay ng buong silid. May Sofa na kulay puti na nakapwesto malapit sa pintuan. Dumako naman ang mga mata ko sa kamay kong may naka tusok na dextrose. Nasa isang silid kaya ako ng isang hospital?
Nang mapalingon ako sa lalaking nasa harapan ko ay saktong nag angat naman siya ng mukha.
"Nasa langit na ba ako?" wala sa sarili kong naiusal. Para kasi siyang Anghel na nagkatawang lupa!
Shemay! ang pogi! tao ba siya o anghel?
nagsalubong ang may kakapalan niyang mga kilay
"What?" Tila naguguluhan niyang tanong.
"Ah.. n-nasan po ako?" nahihiya kong tanong sakanya na matamang nakatitig saakin. Namumula ang kaniyang noo. Shet! galit yata siya sa nagawa ko sakniya? Di ko naman sadya eh..
"You're here at the hospital." aniya sa baritonong boses.
Ang sexy naman ng boses niya! makalaglag panty my goodness!
Nang maalala ko ang pagtatangka ng tatlong lalaki saakin ay nayakap ko ang sarili ko. Nar**ed ba nila ako?
Biglang nanubig ang mga mata ko.
"Why did you suddenly cry?" kunot noo niyang tanong saakin.
"P-paano po ako napunta dito?" emosyonal ko ng tanong sakanya. Hindi ko matatanggap ang panlalapastangan sa katawan ko ng tatlong panget na yon!
"You almost got r**ed if I did'nt arrive. You passed out so I brought you here." tugon niya.
Kung tama ang pagkakaintindi ko sa englisherong poging ito, hindi natuloy ang masamang balak ng tatlong tukmol saakin dahil dumating siya. Tama! Sa pagkakatanda ko, bago ako mawalan ng malay ay may isang itim na sasakyan ang huminto sa tapat namin. Maaaring siya na yon.
Kung susuriin ko siya base sa kaniyang pisikal na hitsura, halatang mas matanda siya saakin. Hindi naman sobrang tanda ah, pero sa tantya ko ay siguro nasa 30's na siya. Pero sure ako na gwapo talaga siya!
Napangiti ako bagamat pumatak pa rin ang mga luha sa mga mata ko. Tears of joy ba ang tawag sa ganito? siguro nga! laking pasasalamat ko kasi na hindi natuloy ang masamang binabalak saakin ng mga unggoy na yon! Mabuti na lang dumating ang savior ko!
"S-salamat po Kuya!" Buong puso kong pasasalamat saka hinawakan siya sa dalawa niyang kamay.
Napatingin siya sa kamay kong nakahawak sakanya. Agad ko siyang binitawan dahil baka hindi niya nagustohan ang ginawa ko.
"Okay na ba ang pakiramdam mo?" sa halip ay tanong niya saakin.
Sunod-sunod ang naging pag tango ko. "Ayos naman po ako. Medyo masakit kang po yung sikmura ko kasi dalawang beses po akong sinikmur**n nung panget!" sagot ko.
biglang naggalawan ang panga niya. Tila ba nagalit siya sa sinabi ko.
"I'll call a doctor to check on you. Stay here. Your parents will probably be here soon" sa halip ay sabi niya.
"A-ano po? p-pero.. paano po nila nalaman?" nagtataka ko namang tanong.
"I saw on your ID the emergency contact number of your gurdian. I gave it to the nurse to inform them what happened to you." sagot niya saka tumayo na at iniwan ako.
Ilang sandali pa nga ay dumating na sila Mama at Papa kasama ng dalawa kong kapatid.
"Nine, anong nangyari sayo, anak?" tanong agad saakin ni Mama saka ako niyakap. Damang dama ko ang pag aalala ni Mama saakin. Umiiyak na nga siya habang yakap ako.
Napatingin ako kay Papa na hindi maipinta ang mukha. Natitiyak kong galit na naman siya sa nang yari. Nakapamewang siya habang nakamasid saakin.
"Muntikan na po akong ma-r**e kanina. Buti na lang po may taong dumating para tulungan ako." sagot ko.
"kung dika ba naman tata**a-ta**a, baka kung san-san ka pa kasi nagpupunta kaya ka napapahamak eh, Ang alam namin, Nasa trabaho ka na ng ganitong oras, tas malalaman na lang namin bigla, na hindi ka pala pumasok sa trabaho! Kasalanan mo yan eh! Alam mo ba kung san kang hospital dinala ng sumagip sayo ha? Sa private hospital lang naman! Ngayon problema pa natin kung san tayo kukuha ng pambayad dito! Halos wala na nga tayong makain, nag dagdag ka pa ng bayarin! San tayo ngayon kukuha ng pambayad dito ha? In**il ka talaga!" mahabang sermon ni Papa.
"Ako na ho ang balahang magbayad sa gastusin niya sa ospital." Napalingon kaming lahat sa may pintuan kung san nakatayo si Kuyang Pogi. Kasama na niya ngayon ang isang matandang doctor.
Bigla akong nakaramdam ng hiya dahil mukhang narinig pa niya yata ang mga sinabi ni Papa.
Tumuloy na siya dito sa loob. Lumapit naman ang doctor para suriin ako.
"Mr. Maraming salamat sa pag liligtas mo sa aking anak." narinig kong kausap ni Mama kay Kuyang Pogi.
"Wala po yon." magalang niyang sagot.
"Mukang maayos naman ang pasyente. Nalamog lang ang kaniyang sikmura dala ng malakas na pagkakasuntok sa kaniya. Asahan ninyong magpapasa iyon. Bibigyan ko na lamang siya ng pain releiver." turan ng doctor na kay Kuyang Pogi nakatingin.
"Thank you Doctor Almedin." sagot ni Kuyang Pogi.
Naiwan si kuyang pogi ng magpaalam na ang doktor na tumingin saakin.
"Aalis na ho ako dahil may meeting pa akong kailangan daluhan. Wag niyo na pong alalahanin ang bill dito sa ospital dahil ako na ang mag se-settle ng lahat." aniya saka dinukot sa likuran niya ang kaniyang wallet. Kumuka siya doon ng ilang lilibuhin at inaabot saakin.
"Here, ibili mo ng gamot na irereseta sayo ni Doctor Almedin." dagdag niya pa.
"P-pero hindi ko po matatanggap ang perang ito. Sobra-sobra na po ang naitulong mo saakin, kuya." tanggi ko sa perang ibinibigay niya.
Pumalatak siya. "Hss.. Tanggapin mo na ito para hindi na kayo mag isip pa kung san kukuha ng pambili mo ng gamo mot." aniya saka kinuha ang kamay ko at inilagay sa palad ko ang pera. Tumalikod na siya at lumabas ng silid.
Gnon nan lang ang panlalaki ng mata ko ng mabilang ang perang nakatiklop na inilagay niya sa palad ko. Sampong libo iyon! napaka laking halaga na iyon para sa katulad kong dukha pero parang barya lang na ipinamigay niya.
Kung sino man siya, maraming salamat sakanya..
Alas onse ng gabi ay naka labas na rin ako ng mamahaling ospital na iyon. Bago kami tuluyang sumakay ng jeep na tumigil saaming harapan ay pinasadahan ko munang muli ang kabuoan ng labas ng ospital na iyon.
Ni hindi ko na nagawang alamin ang kaniyang pangalan. Habang buhay akong tatanaw ng utang na loob kay Kuyang Pogi. Dahil sa kaniya, ligtas ang aking kiffy. intact pa rin ang hymen ko at preserve na preserve pa rin ang kiffy ko para kay Simon my loves.
"Anak, sigurado ka na bang kaya mo ng pumasok sa school? Nagaalalang tanong saakin ni Mama habang inaayos ko ang aking unipormeng suot.
"Opo, Mama." pagsisinungaling ko kahit pa ang totoo ay masakit pa ang tiyan ko. Kailangan ko na kasing mag trabaho sa bar. Ito pa naman ang first day ko sa trabaho. Nakakahiya naman kay ate Catherine kung absent agad ako.
"Pag pasok ko sa University ay namangha ako sa mga banderitas at iba't ibang mga decorations sa paligid. Oo nga pala, Intramurals day nga pala ngayon at merong iba't ibang activities ang gaganapin.
pag dating ko sa classroom ay bussy ang aming class professor sa pag aayos ng classroom.
"Prof, hindi daw po makaka sali si Clea sa Ms. Intramurals competion, naaksidente po siya kagabi at dinala sa ospital. nagka injury kasi ang isa niyang paa.
"Naku naman! eh sinong panlaban ng class natin?" stress na palatak ni Ms. Minchin. Mrs. Rosales talaga ang panagalan ng Prof. namin sa Euthenics, pero dahil sa makapal at itim niyang salamin at idagdag mo pa ang ayos ng kaniyang buhok ay nagmumukha siyang si Ms. Minchin kaya iyon ang bansag namin sakaniya ni Fiona.
"Ayon Prof. si Avery na lang!" biglang turo saakin ni Kiefer ng mapalingon siya saakin.
Umaliwalas naman ang mukha ni Prof. Minchin ng makita ako.
"Pwede!" nakangisi niyang sang-ayon.
Gulat ko namang naituro ang aking sarili. "A-ako? t-teka.." protesta ko sana dahil ayoko talagang sumasali sa mga school activities.
lumapit saakin si Prof. Minchin at hinawakan ako sa braso. "Wag ka ng tumaggi, wala na tayong oras." mariin niyang turan saka ako hinila palabas ng classroom..
"Pero Ma'am Rosales-"
"Uno.. Uno na agad ang grades mo saakin ngayong semester, basta sumali ka lang sa Ms. Intramurals, Avery."
Turan ni Ms. Minchin.
nagliwanag bigla ang mga mata ko at napangisi. "Promise yan Ma'am ha?" paninigurado ko pa.
"Oo naman! marunong akong tumupad sa usapan." aniya habang dinadala ako sa faculty nila.
"Manalo-matalo yan Ma'am ha? Uno grades ko sa subject mo."
"Oo nga ang kulit.. Kung ayaw mo, sige si Chloe na lang ang kukunin ko." Aniya na binitiwan na ako.
"Ay.. hindi Ma'am.. nandito na tayo e.. Lika na Ma'am ang bagal mo, baka malate tayo sa event.." turan ko sakanya.
Saakin nila ipinasuot ang Sports Wear na dapat si Clea ang magsusuot. Isa yong Cheerleading Uniform. Nilagyan ako ng make-up sa mukha ng kaklase kong bakla. Pigtail ang ginawa nilang hairstyle saakin na kinulot ang dulo.
"Oh, Pak! san ka dyan? Ang ganda-ganda mo na ngayon Xerox Girl!" bansag ni Andrew sakin.
"Matagal na akong maganda, Andeng!" Sagot ko sakniya.
"Eww! Andeng ka diyan.. It's Andrea kaya!" tugon niya.
"Magtigil ka nga Andrew!" turan ko.
"OMG beshy.. si Simon, kasali din pala sa Mr. Intramurals!" Bulalas ni Fiona ng magsilabasan na lahat ng candidates ng Mr. Intramurals.
Ganon na lang ang sayang nadama ko ng malamang may chance na maging partner ko si Simon sa Mr.&Ms. Intramurals Competetion!
3RD PERSON'S POV “Avery, kumain ka na muna..” lumapit si Simon sakaniya na may dalang bowl ng sopas. Nakaupo si Avery sa tabi ng kabaong ng kaniyang ina. May mga sandaling bigla na lang ulit itong mapapaiyak at tatahan. Matamlay na umiling si Avery. Nangangalumata man dahil sa kawalan ng tulog ay ayaw niyang umalis kahit sandali sa tabi ng kaniyang ina. Gusto niyang sulitin ang mga sandaling makakasama pa niya ang labi nito. Wala na siyang pakialam kung nanlalagkit na siya o nangangamoy dahil kagabi pa ang kaniyang suot at alas nueva na ng umaga sa mga sandaling iyon. Pinagsisihan niya ang mga panahong umaalis siya sa ospital at hindi doon natutulog. Naisip niya na kung doon siya naglagi ay baka hindi ito nangyari sakaniyang Mama. Nakaramdam siya ng pagsisisi na mas marami pa siyang iginugol na sandali kasama si Travis kesa paglaanan ng panahon ang kaniyang ina. Si Travis na ngayon ay hindi niya tiyak kung ito ba ang may pakana sa pagkawala ng Mama niya. Wala naman
3RD PERSON'S “Avery, wag kang tumakbo, ang baby mo..” pigil sakaniya ni Simon na hinahabol si Avery. Wala na siyang pakialam sa kung ano ang maaaring mangyari sakaniya. Ang gusto niya lang ay mapuntahan agad ang kaniyang ina. Habang binabagtas ang pasilyo ng ospital ay nagpapatakan sa sahig ang kaniyang mga luha. Pilit pa rin niyang sinasabi sa isip na hindi totoo ang lahat ng ito. Isa lang itong masamang panaginip at mamaya lang ay gigising na siya sa bangungot na to. Saktong pagdating niya sa silid ng kaniyang ina ay nakasakay na ito sa stretcher at inilalabas ng silid. May takip na ng puting kumot ang buo nitong katawan. Lalong tumindi ang emosyong nararamdaman ni Avery. Ang mga luhang hindi maampat mula kanina ay mas lalo pang bumuhos. Dali-dali siyang lumapit sa labi ng kaniyang ina at pinigilan ang mga taong humihila sa stretcher. “Huwag! Hindi pa patay ang Mama ko!” aniya saka tinanggal ang kumot na tumatakip sa mukha ng kaniyang ina. Humantad sakaniya ang mapuntlang
3RD PERSON'S POV “Grandma, I have terrible news for you!” nagkukumahog si Natalia sa paglapit kay Donya Matilde na kasalukuyang nasa hardin kasama ang alalay nitong si Imelda. Gaya ng lagi nitong ginagawa tuwing hapon ay naglalagay ito ng mga organic na pataba sakaniyang mga halaman. Masaya ang kaniyang araw dahil inutusan niya ang ospital na pag-aari ng kaniyang kapatid na i-cancel ang sponsorship sa ina ni Avery na nasa pangalan ni Travis. Hindi naman malalaman ng binata ang kaniyang ginawa dahil bago ito umalis ay pina-cut na nito ang dating contact number. Wala na ring magagawa si Avery. Hindi na niya magagawang makiusap pang muli kay Travis dahil nakaalis na ito ng bansa. Oras na makabalik ang kaniyang apo sa bansa ay nasisiguro niyang wala na sa buhay nila si Avery. “Nathalia, apo, bakit parang balisa ka?” “Grandma, hindi umipekto ang plano. S-Si Simon, he helped Avery para patuloy pa ring mag stay ang nanay nito sa ospital. Napahigpit ang hawak niya sa trowel
AVERY'S POV “Simon, sobra-sobra na itong ginagawa mo para saakin.” Nahihiya kong saad ng makalabas kami ng billing office. Ngumiti siya saakin at ginulo ang aking buhok. “Diba sinabi ko naman na hindi kita pababayaan. Tutulungan kitang masulusyonan ang problema mo.” Nagyuko ako. Heto na naman ang mga luha kong gustong pumatak. Libo-libong langgam ang tila kumakagat ng pino saaking puso. “Pero, hindi mo naman to kinakailangang gawin. Hindi ko alam kung paano kita mababayaran.” “Saka mo na isipin yon kapag nakabangon ka na. Hindi ko pa naman kailangan ng pera. Kapag kaya mo na at nakaluwag ka na, saka mo ako bayaran.” Nag angat ako ng tingin sakaniya. Napatitig ako sakaniyang mukha. Nakangiti siya at wala akong mababakas na ano mang disappointment mula sakaniyang gwapong mukha. Napakabuti niyang tao. Dapat ay masama ang loob niya saakin dahil nadamay siya sa gulo. Mas lalong lumaki ang lamat sa pagitan nilang magkapatid ng dahil saakin. Iniwan ko siya at pinili si Travis. Kung
3RD PERSON'S POV“Avery, I think you should know about this.” ani Simon habang nag aagahan sila ni Avery.Nag angat ng tingin sakaniya ang babae na noon ay tila walang ganang kumakain.Wala man siyang gana ay pilit pa rin niyang nilalamanan ang sikmura para sa mga baby niya sa tiyan.“Ano yon Sai?” matamlay niyang tanong sa binata.Hindi agad nakaimik si Simon. May pagdadalawang isip pa rin ito kung tama bang sabihin niya sa babae ang tungkol sa kaniyang nalaman.Ang kaniyang ama ang nagnalita nito sakaniya. Kung kagustohan niya lang ang masusunod, mas nanaisin niyang hindi na sabihin ang nalaman kay Avery. Ayaw niyang masaktan na naman ito, ngunit alam niyang sasama ang loob nito sakaniya kung hindi niya iyon ipapaalam kay Avery.“Sai..” untag ni Avery sakaniya ng mahulog siya sa malalim na pag-iisip.Tumikhim siya at inalis ang bara sakaniyang lalamunan bago nagpakalawa ng isang malalim na buntong hininga.“Avery, ngayon ang alis ni Travis patungong Italy. Balita ko doon na siya mag
3RD PERSON'S POV “Alam ko ang nararamdaman mo, Avery. Nakalimutan mo na ba nung piliin mo si Travis at makipaghiwalay ka saakin? Akala ko hindi ko kakayanin. Pero heto, nandito pa rin ako sa harapan mo at pilit tinatanggap na hanggang dito na lang tayo.” mapait nitong turan. Natahimik si Avery at napatitig kay Simon. Mapait itong ngumiti at hinaplos ang kaniyang pisngi na basa ng luha. “Masakit, pero kinakaya ko. Tinanggap ko, nagparaya ako dahil alam kong siya na ang mahal mo. Hindi ako gumawa ng ano mang makakasama saakin dahil ayokong sisihin mo ang sarili sa huli. Avery, kung nakaya kong lagpasan ang sakit, alam kong makakaya mo rin. Gawin mo ito para sa mga magiging anak mo. May dahilan kung bakit sila ibinigay sayo. Gawin mo silang lakas para maging matatag. Nandito ako. Handa akong magpaka ama para sa mga anak mo. Handa akong akuin ang responsibilidad sakanila kung kinakailangan. Tutulungan kita sa pagapalaki sakanila.” “Pero, Simon—” “Hindi ko ito ginagawa dahil umaasa p







