LOGINAVERY'S POINT OF VIEW
"Ate Catherine.."
"Tao po.."
"Ate Catherine.."
Nakailang katok na ako sa pinto ng bahay ni ate Catheryn ngunit wala pa ring sumasagot. Aba'y uugatan na ako saaking kinatatayuan pero mukang wala syang balak na pag buksan ako. Alam kong may tao sa loob dahil nakakarinig ako ng buduts na tugtog galing sa loob ng bahay niya.
Mukhang nagbubuduts pa ang h*******k! Hintayin ko muna matapos yung tugtog bago ulit ako kakatok. Patatapusin ko muna siyang sumayaw, Haha.
Nang mag iba na nga ang tugtog ay nilakasan ko na ang katok ko sa pintuan niya. Linakasan ko na rin ang tawag sa pangalan niya para lang marinig niya pero wala pa ring nag bubukas ng pinto.
Ayaw mong lumabas ah! tingnan ko kung di ka pa lumabas ngayon..
Inilagay ko ang dalawang kamay ko sa gilid ng bibig ko saka ako humiyaw ng malakas! "Sunog! mga kapit bahay may sunog!" dahil sa hiyaw ko ay di lang si Ate Catheryn ang lumabas pati na rin ang buong kapit bahay niya!
"Wuah! may sunog daw! sunog!" taranta na ring hiyaw ng kapit bahay niya saka nagtatakbo para sabihan ang iba pa na may sunog! Dikit-dikit kasi ang bahay dito dahil isa itong malaking squater area!
Pigil ko ang tawa ko dahil sa kalokohan ko. Bigla ay naghiyawan na ang mga tao at tarantang inilabas na ng iba ang kanilang mga gamit sa bahay.
"Sunog.. san ang sunog?" Hindi magkanda mayaw na lumabas na rin sa wakas ang feeling Disney Princess sa pagiging VIP na si ate Catherine! nakatapis lang siya ng kumot at mukhang walang saplot pang loob. Sa likod niya ay may lumitaw na lalaking, wala ring pang itaas.
Napadako ang mata ko sa pang ibaba niya!
OMG! boxers lang ang suot ni kuyang..
Member ba siya ng Hunks? co'z ang laki..! Oo ang laki..bakat na bakat ang sandata ni kuya mo ante!
Ang abs, pak! na pak!
Ang fez? never mind.. basta doon na lang tayo mag focus sa katawan.. hehe..
Kaya naman pala natagalan si Ante mo Cathy na labasin ako, bumubudots pa pala kasi..! At dahil sa kalokohan ko, mukhang nahugot ng wala sa oras ang sandata ni panday! haha my bad! nabitin tuloy sila sa kanilang jugsjugan!
"Wala namang sunog ah! Sinong tarantado ang nang prank na yon?" Turan ng boylet ni ate Catherine na nagpapalinga linga sa paligid.
Dineadma ko na lang siya at patay malisya ako sa kalokohan ko.. Kunwari ay wala akong alam sa nangyayri. Bahala kayong magkagulo dyan!
"Hi ate Catherine, ako po si Avery, naaalala mo ba?" Agaw ko sa atensyon niya.
kunot noo siyang napatingin saakin habang hawak pa rin sakanyang dib-dib ang kaniyang tapis na kumot na tumatakip sa kaniyang kahubaran.
"Ikaw yung anak ni aling Nora tama ba?" aniya.
"Opo, ako nga."
"Anong kailangan mo?" medyo mataray niyang tanong.. Siguro dahil nabitin sila sa pagbubudots ng boylet niya kaya mainit ang ulo niya.
"Ano kasi.. yun pong tungkol sa in-offer mo saakin last day, napag isipan ko na po kasi ang sagot ko."
"Hmm.. Bukas ng alas singco pwede ka ng mag start pumasok. May uniform naman kaming provided para sa mga empleyado. Pahinge ako ng contact number mo, ise-send ko na lang sayo ang address mamaya, pagkatapos namin okay?" aniya saka niya ako mabilis na sinarahan ng pinto.
in heat si ante mo! pahinge daw contact number ko pero sinarahan na agad ako ng pinto!
Itetext ko na nga lang siya!
Kakainis naman.. Kaya nga ako sumadya na sakaniya para di na ako magpaload dahil tinitipid ko na lang yung 200 na natitira sa pera ko.. Pero dahil hindi siya makausap ng maayos dahil busy sa pagbubuduts ang ante mo ay no choice ako kundi ang magpa load pa rin..
Kung alam ko lang, sana di na ako nag effort na puntahan siya.
Di bale na nga.. ang importante, sure na ako na tanggap na sa trabaho.
gagawa na lang din muna ako ng resignation letter ko na ipapasa ko ngayon sa Manager ng fastfood na pinapasukan ko. Kagagaling ko nga lang sa school at sa halip na sa trabaho ako dumiretso ay dito na ako kay ate Catherine nag punta. Buo na kasi ang desisyon kong mag trabaho sa bar. Sabi naman kasi ni Ate Catherine ay pag si-serve lang ng alak at pulutan ang gagawin ko. Nasaakin pa rin ang desisyon kung gusto kong magpa table o hindi.
nang makapag paload nga ako ay agad kong tinext si ate Catherine. Syempre nagpakilala muna ako.
Nasa computer shop na ako at nagpapa print na ng resignation letter ko ng mag reply siya. Sawakas, natapos din silang mag jugsjugan ng boylet niyang hipon! Tinext niya saakin ang address ng bar na along Makati lang ang location.
"Avery, bat mag reresign ka na?" usisa saakin ni Lexine ng pumunta ako dito sa fastfood para mag pasa na ng resignation letter saaming Manager.
"Meron na kasi akong lilipatan na trabaho?" sagot ko.
Biglang nalungkot ang kaniyang mukha.. "Saan naman yan ha?"
"Ahm.. doon lang malapit sa school. Mas maganda na kasing doon na lang ako para makatipid sa pamasahe," pagsisinungaling ko.
"Ano ba yan.. Ma-mi-miss kita." maluha-luha niyang turan.
Niyakap ko naman siya. "Ma mi-miss rin kita bekla!" tugon ko.
"Kuh! wala ng maingay dito!" Turan naman ng kapwa ko crew na bakla!
"Sure ka na ba talaga sa desisyon mong iyan Avery?" Tanong saakin ni Ms. Kate, ang aming magandang Manager.
"Opo, Ma'm" walang pagdadalawang isip kong tugon.
Matapos akong payagan ng Manager namin mag resign ay nagpa-alam na ako sakanila. ANg mga bakla may paiyak-iyak pa talaga sila! paano, sobrang close ko sakanilang lahat! Ako kasi ang clown nila dito sa fastfood eh!
Maglalakad na lang siguro ako pauwi para makatipid. Sayang din kasi yung 30 pesos na pamasahe ko. Mag aalay lakad na lang muna itong beauty ko, tutal ay maaga pa naman. 5pm pa lang naman.
Diko maiwasang mag muni-muni habang naglalakad sa daan. Iniisip ko na agad kung magkano kaya ang pwede kong kitain sa loob ng kalahating araw. Sana makarami ako ng tips sa mga customers. Na eexcite na rin akong pumasok sa bago kong trabaho.
"Miss beautiful, saan ang punta mo?" Napalingon ako sa lalaking sumabay saakin sa paglalakad ko.
Hindi pala siya nag-iisa dahil tatlo sila. Una kong napansin ang mga namumula nilang mga mata. Mukha silang mga ad*k! nilukob na agad ako ng kaba lalo't wala pa namang ibang tao sa nilalakaran ko. Nasa gilid kasi ako ng hi-way naglalakad sa may mahabang tulay ng EDSA at tanging mga sasakyan lang na nagdaraan ang makikita.
Hindi ko pinansin ang lalaking kumausap saakin bagkus binilisan ko ang aking lakad.
Dyos ko Lord, wag mo po akong pabayaan na ma-ra*e ng mga panget na to.. exclusive lamang ang kiffy ko para kay Simon my loves! huhu! Simon, save me please!
Naramdaman ko na bumibilis din ang lakad nila. "Miss, ang suplada mo naman.." Turan ng lalaking kumausap saakin kanina.
Ano ba naman? Bakit ba ayaw nila akong tantanan?
Diko pa rin siya kinibo at patuloy pa rin ako sa paglalakad ko, hanggang sa hinawakan na ako ng isa sakanila sa aking braso. Mas lalong kumabog ang dibdib ko.
"Ano ba? Bitiwan mo nga ako!" Hiyaw ko saka pilit tinatanggal ang kamay niya sa braso ko.
"Miss ang sungit mo naman.. Gusto lang naman namin makipagkilala." turan naman ng isa pang lalaki na humawak na rin sa isa ko pang braso.
Takot na takot na ako sa pwede nilang gawin. Nagpalinga linga ako pero walang mga taong naglalakad sa kinaroroonan ko. Hindi ko na nga napigilang mapaiyak sa takot ng haplusin ng isa sa kanila ang pisngi ko.
"Tulong!" Hiyaw ko kahit pa walang kasiguradohan na may tutulong saakin.
"Miss, bakit ka naman humihigi ng tulong e, wala naman kaming masamang gagawin sayo ah..!" mahina niyang turan. Nakadikit sila saakin kaya naman amoy na amoy ko ang mababaho nilang amoy!
Amoy chico at usok sila.
"Parang awa nyo na po please.. wag po.." umiiyak kong pakiusap sakanila. Nananalangin ako na kahit napaka imposible ay sana marinig ako ni Simon...
Simon please.. Iligtas mo ako..
"Miss, wag kang matakot.. Hindi ka naman namin sasaktan.. puro sarap lang ang ipatitikim namin sayo, promise." Bulong ng isa sa tenga ko na naghatid saakin ng matinding kilabot!
iwww! kadiri ang baho ng hininga niya!
"Sumama ka na lang ng maayos samin Miss, para hindi ka masaktan, kasi kahit anong hiyaw mo walang makakarinig sayo dito!
Mas gugustohin ko pang mamatay kesa sumama sa tatlong tukmol na ito! Ni ang magpagalaw sakanila ay hindi ko maatim!
Inipon ko ang lahat ng lakas ko at sinubukang magpipiglas pero bigo ako.
"Tulong! pakiusap tulungan ninyo ako!" muli kong hiyaw pero wala talagang taong maaaring tumulong saakin.
mukhang ito na nga ang katapusan ko.. Bigla kong naisip si Mama.. Paano na ang mama ko kapag nawala na ako? Sino na ang tutulong sakanya sa paghahanap buhay? Alam kong malulungkot siya kapag nawala ako.
Lord, kung hanggang dito na lang ang buhay ko, please lang po, kayo na ang bahala sa Mama ko.
muli akong nag pumiglas habang patuloy pa rin ako saaking pag hiyaw! napakahigpit naman ng pagkakahawak nila saakin kaya naman hirap akong makawala!
"Sinabi ko namang wag ka nang pumalag pero ang kulit mo talaga!" aniya saka ako malakas na sinikmu***n. Napaubo ako at nanghina ang mga tuhod.. Ahh.. sobrang sakit!
Hinawakan niya ako ng mahigpit sa buhok, Itinaas niya ang mukha ko saka mala demonyong ngumisi. muli niya akong sinikmu***n!
Biglang umikot ang aking paningin.. para akong kakapusin ng hininga dala ng matinding sakit ng aking sikmura. Nanlalabo na ang aking paningin. Pero bago ako bawian ng ulirat ay isang itim na sasakyan ang tumigil saamin harapan.
"Tulong.." halos hirap kong usal saka tuluyang nagdilim ang paniingin ko.
3RD PERSON'S POV “Avery, kumain ka na muna..” lumapit si Simon sakaniya na may dalang bowl ng sopas. Nakaupo si Avery sa tabi ng kabaong ng kaniyang ina. May mga sandaling bigla na lang ulit itong mapapaiyak at tatahan. Matamlay na umiling si Avery. Nangangalumata man dahil sa kawalan ng tulog ay ayaw niyang umalis kahit sandali sa tabi ng kaniyang ina. Gusto niyang sulitin ang mga sandaling makakasama pa niya ang labi nito. Wala na siyang pakialam kung nanlalagkit na siya o nangangamoy dahil kagabi pa ang kaniyang suot at alas nueva na ng umaga sa mga sandaling iyon. Pinagsisihan niya ang mga panahong umaalis siya sa ospital at hindi doon natutulog. Naisip niya na kung doon siya naglagi ay baka hindi ito nangyari sakaniyang Mama. Nakaramdam siya ng pagsisisi na mas marami pa siyang iginugol na sandali kasama si Travis kesa paglaanan ng panahon ang kaniyang ina. Si Travis na ngayon ay hindi niya tiyak kung ito ba ang may pakana sa pagkawala ng Mama niya. Wala naman
3RD PERSON'S “Avery, wag kang tumakbo, ang baby mo..” pigil sakaniya ni Simon na hinahabol si Avery. Wala na siyang pakialam sa kung ano ang maaaring mangyari sakaniya. Ang gusto niya lang ay mapuntahan agad ang kaniyang ina. Habang binabagtas ang pasilyo ng ospital ay nagpapatakan sa sahig ang kaniyang mga luha. Pilit pa rin niyang sinasabi sa isip na hindi totoo ang lahat ng ito. Isa lang itong masamang panaginip at mamaya lang ay gigising na siya sa bangungot na to. Saktong pagdating niya sa silid ng kaniyang ina ay nakasakay na ito sa stretcher at inilalabas ng silid. May takip na ng puting kumot ang buo nitong katawan. Lalong tumindi ang emosyong nararamdaman ni Avery. Ang mga luhang hindi maampat mula kanina ay mas lalo pang bumuhos. Dali-dali siyang lumapit sa labi ng kaniyang ina at pinigilan ang mga taong humihila sa stretcher. “Huwag! Hindi pa patay ang Mama ko!” aniya saka tinanggal ang kumot na tumatakip sa mukha ng kaniyang ina. Humantad sakaniya ang mapuntlang
3RD PERSON'S POV “Grandma, I have terrible news for you!” nagkukumahog si Natalia sa paglapit kay Donya Matilde na kasalukuyang nasa hardin kasama ang alalay nitong si Imelda. Gaya ng lagi nitong ginagawa tuwing hapon ay naglalagay ito ng mga organic na pataba sakaniyang mga halaman. Masaya ang kaniyang araw dahil inutusan niya ang ospital na pag-aari ng kaniyang kapatid na i-cancel ang sponsorship sa ina ni Avery na nasa pangalan ni Travis. Hindi naman malalaman ng binata ang kaniyang ginawa dahil bago ito umalis ay pina-cut na nito ang dating contact number. Wala na ring magagawa si Avery. Hindi na niya magagawang makiusap pang muli kay Travis dahil nakaalis na ito ng bansa. Oras na makabalik ang kaniyang apo sa bansa ay nasisiguro niyang wala na sa buhay nila si Avery. “Nathalia, apo, bakit parang balisa ka?” “Grandma, hindi umipekto ang plano. S-Si Simon, he helped Avery para patuloy pa ring mag stay ang nanay nito sa ospital. Napahigpit ang hawak niya sa trowel
AVERY'S POV “Simon, sobra-sobra na itong ginagawa mo para saakin.” Nahihiya kong saad ng makalabas kami ng billing office. Ngumiti siya saakin at ginulo ang aking buhok. “Diba sinabi ko naman na hindi kita pababayaan. Tutulungan kitang masulusyonan ang problema mo.” Nagyuko ako. Heto na naman ang mga luha kong gustong pumatak. Libo-libong langgam ang tila kumakagat ng pino saaking puso. “Pero, hindi mo naman to kinakailangang gawin. Hindi ko alam kung paano kita mababayaran.” “Saka mo na isipin yon kapag nakabangon ka na. Hindi ko pa naman kailangan ng pera. Kapag kaya mo na at nakaluwag ka na, saka mo ako bayaran.” Nag angat ako ng tingin sakaniya. Napatitig ako sakaniyang mukha. Nakangiti siya at wala akong mababakas na ano mang disappointment mula sakaniyang gwapong mukha. Napakabuti niyang tao. Dapat ay masama ang loob niya saakin dahil nadamay siya sa gulo. Mas lalong lumaki ang lamat sa pagitan nilang magkapatid ng dahil saakin. Iniwan ko siya at pinili si Travis. Kung
3RD PERSON'S POV“Avery, I think you should know about this.” ani Simon habang nag aagahan sila ni Avery.Nag angat ng tingin sakaniya ang babae na noon ay tila walang ganang kumakain.Wala man siyang gana ay pilit pa rin niyang nilalamanan ang sikmura para sa mga baby niya sa tiyan.“Ano yon Sai?” matamlay niyang tanong sa binata.Hindi agad nakaimik si Simon. May pagdadalawang isip pa rin ito kung tama bang sabihin niya sa babae ang tungkol sa kaniyang nalaman.Ang kaniyang ama ang nagnalita nito sakaniya. Kung kagustohan niya lang ang masusunod, mas nanaisin niyang hindi na sabihin ang nalaman kay Avery. Ayaw niyang masaktan na naman ito, ngunit alam niyang sasama ang loob nito sakaniya kung hindi niya iyon ipapaalam kay Avery.“Sai..” untag ni Avery sakaniya ng mahulog siya sa malalim na pag-iisip.Tumikhim siya at inalis ang bara sakaniyang lalamunan bago nagpakalawa ng isang malalim na buntong hininga.“Avery, ngayon ang alis ni Travis patungong Italy. Balita ko doon na siya mag
3RD PERSON'S POV “Alam ko ang nararamdaman mo, Avery. Nakalimutan mo na ba nung piliin mo si Travis at makipaghiwalay ka saakin? Akala ko hindi ko kakayanin. Pero heto, nandito pa rin ako sa harapan mo at pilit tinatanggap na hanggang dito na lang tayo.” mapait nitong turan. Natahimik si Avery at napatitig kay Simon. Mapait itong ngumiti at hinaplos ang kaniyang pisngi na basa ng luha. “Masakit, pero kinakaya ko. Tinanggap ko, nagparaya ako dahil alam kong siya na ang mahal mo. Hindi ako gumawa ng ano mang makakasama saakin dahil ayokong sisihin mo ang sarili sa huli. Avery, kung nakaya kong lagpasan ang sakit, alam kong makakaya mo rin. Gawin mo ito para sa mga magiging anak mo. May dahilan kung bakit sila ibinigay sayo. Gawin mo silang lakas para maging matatag. Nandito ako. Handa akong magpaka ama para sa mga anak mo. Handa akong akuin ang responsibilidad sakanila kung kinakailangan. Tutulungan kita sa pagapalaki sakanila.” “Pero, Simon—” “Hindi ko ito ginagawa dahil umaasa p







