Share

CHAPTER 15

Penulis: Inkymagination
last update Terakhir Diperbarui: 2025-09-18 12:34:50

Dahan-dahang iminulat ni Cressida ang kanyang mga mata. Ang una niyang namalayan ay ang bigat na nakalapat pa rin sa kanyang dibdib, si Arcturus, mahimbing na nakapatong sa kanya, ang mukha’y nakalapat sa kanyang balikat, ang isang braso’y nakabalot sa kanyang baywang na para bang ayaw siyang pakawalan kahit sa panaginip.

Sandaling natigilan si Cressida. Ang tibok ng kanyang puso ay mabilis, hindi dahil sa takot gaya ng dati, kundi dahil sa bigat ng pagkakaalala: kagabi, mainit ang kanilang pagtatalo, puno ng banta at galit. Ngunit ngayon, ang lalaking iyon—na halos mawalan ng kontrol sa sarili—ay payapa, parang isang batang napagod sa walang katapusang sigaw ng mundo.

Napahinga siya nang malalim. Marahan niyang iniangat ang kanyang kamay at itinapik ng banayad ang balikat ni Arcturus.

“Arcturus…” mahina niyang sambit, halos bulong lamang. “Gising ka na… bigat mo.”

Hindi ito gumalaw. Ang kanyang paghinga ay mabagal, malalim, at tuluyang nahuhulog sa tulog na tila walang pakialam s
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • Thorns Of Seduction   CHAPTER 85

    Anim na buwan.Anim na mahabang buwan mula nang muling mabuo sa isip ni Arcturus ang imahe ni Cressida—ang ngiti nito, ang boses, at ang malamig ngunit malinaw na anyo ng mga mata nito na matagal niyang kinikimkim sa alaala.At ngayong gabi, tapos na ang paghihintay.Nakatayo siya sa loob ng maluwang na suite ng isang five-star hotel sa Paris, nakaharap sa malaking salamin. Nakasuot siya ng tailored black tuxedo na perpektong bumagay sa kanyang matipunong katawan. Ang kurbada ng kanyang panga ay mas lalong tumalim mula nang magsimula siyang ayusin ang sarili—mas kaunti na ang bisyo, mas disiplinado, mas determinado. Wala na ang anino ng lalaking nilamon ng alak at sigarilyo. Ang nasa harap ng salamin ngayon ay isang taong muling itinayo ang sarili, handang harapin ang mundo.Sa sofa, nakaupo si Su-hyuk, abala sa kanyang telepono. “The car will be here in twenty minutes,” aniya, saglit na tumingin kay Arcturus. “Ready ka na ba talaga?”Huminga si Arcturus nang malalim, inayos ang kanya

  • Thorns Of Seduction   CHAPTER 84

    Paglabas ni Arcturus mula sa gym, ramdam niya ang bigat ng pawis na bumalot sa katawan, pero kakaiba ang gaan na dumaloy sa dibdib niya. Sa wakas, may pakiramdam siyang kahit papaano ay may direksyon na ulit siya—konti na lang, kaya niyang kalasin ang lahat ng buhol na pilit siyang kinulong sa nakaraan.Hawak ang water bottle, naglakad siya papunta sa parking lot. Ngunit biglang huminto ang mga paa niya nang marinig ang boses na matagal na niyang iniiwasan.“Arcturus…”Dahan-dahan siyang lumingon. Naroon si Nathalie, nakatayo sa lilim ng puno, nakasuot ng maluwag na damit ngunit hindi nito kayang itago ang mas umbok na tiyan. Mas lantad na ngayon ang pagbubuntis, at tila ginagamit iyon bilang sandata.“Napaka-early mo sa gym. Hindi ko akalaing—” ngumiti ito, pero may halong pakunwari. “—hindi mo ba nami-miss ang baby natin?”Nanigas ang panga ni Arcturus. “Don’t, Nathalie. Huwag mong gamitin ang salitang natin.”Agad na umiyak-iyak si Nathalie, pilit hinahawakan ang braso niya. “Why a

  • Thorns Of Seduction   CHAPTER 83

    “Not what I think? Nathalie, come on! I’m not stupid. I heard everything. Narinig ko mismo, from that man. He said it—na siya ang ama ng bata. So tell me now—who’s lying? Siya o ikaw?” Umiiyak na si Nathalie, hawak ang tiyan na para bang proteksyon ito laban sa mga salita ni Arcturus. “I was scared, Arcturus. I didn’t know what to do. I thought… I thought kaya kong itago, kaya kong ayusin habang hindi mo nalalaman—” “Ayusin? You thought kaya mong ayusin? By dragging me into this circus, by chaining me into a marriage built on lies?” Lumapit siya, bawat hakbang ay mabigat, para bang lumalapit ang isang halimaw. “Do you even realize what you’ve done to me? Do you know what I’ve endured, Nathalie?” Nabaling ang mga mata ni Arcturus, puno ng apoy at sakit. “I endured hell when Cressida left. I lost myself, Nathalie. I almost lost my mind. But I endured it, because I thought maybe—just maybe—may future pa with you. I gave this marriage a chance kahit hindi ko gusto, kahit pinilit ako,

  • Thorns Of Seduction   CHAPTER 82

    Noong una silang naghiwalay ni Cressida, akala niya kakayanin niya. Kaya niyang magpatuloy, kaya niyang magpanggap na wala lang. Sa mga unang linggo, binuhos niya ang sarili sa trabaho—endless meetings, kontrata dito, project doon. Para lang hindi marinig ang katahimikan sa bahay. Para hindi maramdaman ang lamig ng kama na dati’y punô ng init ng hininga nito.Pero tuwing gabi, kapag wala nang tao, saka siya bumibigay. Umuuwi siyang lasing, minsan hindi na man lang nagtatanggal ng sapatos, babagsak na lang sa sofa habang nag-iisa. Hindi siya sanay. Hindi siya handa. At bawat oras na wala si Cressida, para siyang hinihila sa dilim.Naisip niya noon—baka mabaliw na siya.Isang beses, hatinggabi, tinawagan niya ang numero ni Cressida. Isang ring. Dalawa. Tatlo. Pero nang sumagot ang awtomatikong boses, agad niyang ibinaba. Pinipigilan niyang maging desperado, pero sa totoo lang, desperado na siya. Hindi niya alam paano haharapin ang buhay na wala ito.---“I endured everything after you l

  • Thorns Of Seduction   CHAPTER 81

    Arcturus.Ang chandeliers sa kisame ng maluwang na dining hall ay kumikislap, nagbabalik ng liwanag mula sa mamahaling kristal. Sa gitna ng mahahabang mesa, naglalakbay ang malamlam na pag-ikot ng mga kubyertos at ang marahang pag-uusap ng mga miyembro ng pamilya ni Nathalie. Ang hapunan ay isang engrandeng pagtitipon—mga kamag-anak, pinsan, tiyuhin, tiyahin, lahat naroon upang ipagdiwang ang pagdadalang-tao ni Nathalie.Nakaharap si Arcturus sa plato niya. Hindi niya halos matikman ang pagkain, hindi niya naririnig ang mga usapan sa paligid. Ang bawat ngiti at halakhak ay tila lumulubog sa kanya, para bang siya lang ang estranghero sa sariling kwento ng buhay niya. Hawak niya ang baso ng alak, pinipihit iyon sa pagitan ng mga daliri. Ang tingin niya’y kay Nathalie, nakaupo sa kabilang dulo ng mesa—nakangiti, sumasabay sa mga biro ng tiyuhin, tumatango-tango sa mga tanong ng pinsan. Para bang wala siyang inaalala, wala siyang tinatago.Ngunit si Arcturus, na ilang linggo nang binabaga

  • Thorns Of Seduction   CHAPTER 80

    Maaga pa lang ay nasa venue na si Cressida. Malaki at eleganteng studio ang kanilang gagamitin para sa photoshoot, puno ng puting ilaw at dekorasyong minimalist na lalong nagpapatingkad sa mga couture gowns na ipapakita. Nakaupo siya sa makeup chair habang inaayos ng hairstylist ang malalambot niyang alon na buhok, at sa salamin ay kita ang banayad na ngiti sa kanyang labi.“Parang inspired ka ngayon, Cress,” biro ng makeup artist habang pinipinturahan ang kanyang pisngi ng soft blush, may accent ang Tagalog nito. She chuckled softly. “Maybe it’s just a good day.”Pero bago pa siya tuluyang makapag-relax, isang boses ang dumagundong sa studio.“Cress!”Mabilis siyang napalingon, at halos mabitiwan niya ang hawak na water bottle. Si Scarlette—nakangiti, elegante, parang hindi nawala nang matagal. Bigla siyang lumapit at agad yumakap kay Cressida.“I missed you so much!” ani Scarlette.“Rara…” bulong ni Cressida, bahagyang nagulat. “I didn’t expect you here. What a surprise.”Hindi pa

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status