 LOGIN
LOGINMabigat ang ulo ni Cressida nang magising siya. Para bang may mabigat na batong nakapatong sa kanyang sentido at bawat paghinga’y parang humahati sa kanyang dibdib.
Fuck this alcohol! I will never drink again, fuck! Dahan-dahan niyang iminulat ang kanyang mga mata at agad siyang binalot ng kalituhan. Hindi niya kilala ang kwartong kinaroroonan niya. Ang kisame ay kulay abo, may mga disenyong hindi niya natatandaan. Sa paligid, nakapalibot ang makapal na kurtina, sarado ang lahat ng bintana, at tanging malamlam na ilaw mula sa isang lampara sa gilid ng kama ang nagsisilbing gabay. Ang amoy ng silid ay hindi pamilyar—isang halong mamahaling pabango at banayad na usok ng sigarilyo na dumidikit sa balat. Napaangat siya, pilit na tinutulungan ang sarili na maupo. Ramdam niyang may kakaibang lamig ang suot niyang damit—isang puting silk slip dress na malinaw na hindi kanya. Napalunok siya, biglang kinilabutan. Nasaan ako? At sino ang nagbihis sa akin? Nandoon siya sa birthday party ni Scarlette. Maingay ang musika, maliwanag ang ilaw, at hindi nauubos ang alak na patuloy na ibinibigay sa kanya ng mga kaibigan. Natawa siya, sumayaw, at pilit na nakalimot sa mga sakit at alaala ng nakaraan. Ngunit matapos noon, malabo na ang lahat. Ang mga eksena’y putol-putol—isang kamay na humahawak sa kanya, isang tinig na nagsasabing “You shouldn’t drink so much, darling,” at ang pakiramdam na tila inaalalayan siya palabas ng venue. Pagkatapos noon, dilim. At ngayon, heto siya—nakahiga sa isang hindi pamilyar na kama. Mabigat ang kanyang dibdib. Tumingin siya sa paligid, umaasang mag-isa siya sa kwartong iyon. Ngunit mula sa pinakamadilim na bahagi ng silid, naramdaman niya ang presensya ng isang taong kanina pa pala nakatingin. "What are you doing here?" Marahang humakbang papalayo si Cressida nang makita ang hindi pamilyar na pigura ngunit pamilyar na amoy na iyon. Ang lalaki ay tumawa ng malalim at nakakaloko, ang presensya nito ay tila isang mabigat na bagay na nakadangan sa kanyang dibdib. "Who the hell are you?!" Sigaw nya sa aninong nakatayo lamang sa kanyang harapan. "Your admirer," marahang sabi nito pagkatapos ay naglakad papalapit sa kanya. Oh gosh no! it can't be him! it can't be Arcturus! Nakalayo na sya dito, hindi na sya muling babalik! "Hello, my serenity." Si Arcturus. Dumadagundong ang puso ni Cressida. Tatlong taon na mula nang siya’y tumakas, tatlong taon ng pagtatago, tatlong taon ng paniniwalang ligtas na siya mula sa tanikala ng lalaki. Ngunit ngayon, narito siya muli—at nakatingin sa kanya si Arcturus na para bang hindi siya kailanman nawala. Nakasuot si Arcturus ng itim na button-up shirt, bahagyang bukas ang itaas na butones. Ang kanyang mga kamay ay nakasuksok sa bulsa ng pantalon, at ang kanyang postura ay kalmado—subalit nakakatakot. “Maganda pa rin ang gising mo, Cressida,” mahinahon nitong sambit, ang tinig ay mababa ngunit may halong pangungutya. “Hindi ka nagbago. Kahit lasing ka kagabi, kahanga-hanga ka pa ring panoorin habang natutulog.” Nanlamig ang katawan ni Cressida. Napaatras siya, pilit na tinatakpan ng kumot ang sarili niyang katawan. “Arcturus… anong ginagawa mo rito?!” Isang mapanganib na ngiti ang gumuhit sa mga labi ng lalaki. Lumapit ito nang dahan-dahan, ang bawat hakbang ay mabigat, parang sinasadya nitong iparamdam ang kanyang kontrol sa buong paligid. “Hindi ba mas tamang tanong ay… anong ginagawa mo rito?” anito. “Ikaw ang kusang dinala sa aking mga kamay, Cressida. At sa loob ng tatlong taon… hindi ko hinayaang mawala ang pagkakataong ito.” Nanginginig ang mga kamay ni Cressida, ngunit pinilit niyang tumingin nang diretso sa lalaki. “Tatlong taon na, Arcturus. Akala ko tapos na tayo. Akala ko malaya na ako sa’yo.” Umiling si Arcturus, ang titig ay lalong lumalim. “Mali ka. Hindi ka kailanman magiging malaya mula sa akin. Hindi ako titigil hangga’t hindi kita muling hawak sa aking mga kamay. At ngayon—narito ka. Sa wakas, bumalik ka na.” “Hindi ko pinili ito!” pasigaw na tugon ni Cressida. “Wala akong ginusto kundi ang makawala sa’yo!” Sandaling natahimik si Arcturus, ngunit imbes na magalit, natawa lamang ito—isang mababang halakhak na lalo pang nagpadilim sa paligid. “Cressida, Cressida… hindi mo ba naiintindihan? Kahit saan ka tumakas, kahit gaano ka pa katagal magtago, palaging babalik ka sa akin. Ikaw ang akin, at ako ang iyo. Hindi na iyon mababago.” Dahan-dahang lumapit si Arcturus hanggang sa halos maabot na niya ang gilid ng kama. Yumuko siya, ang kanyang mukha ay halos ilang pulgada lamang ang layo kay Cressida. Ramdam niya ang mainit na hininga ng lalaki, ramdam niya ang malamig nitong titig na parang apoy na sumusunog sa kanyang kaluluwa. “Tatlong taon kitang hinintay,” bulong ni Arcturus. “At ngayong nandito ka na… hindi na kita pakakawalan.” Mariing pumikit si Cressida, pinipigilan ang luha. Sa kanyang dibdib ay nag-aalab ang takot, ngunit may bahid din ng galit at paglaban. Alam niyang simula pa lamang ito ng isang panibagong yugto—isang yugto ng muling pagkakahuli sa kamay ng lalaking hindi niya kailanman pinili, ngunit hindi siya kailanman binitiwan. At sa dilim ng silid na iyon, nagsimula na ang panibagong laban. "No! No, Arcturus! Where the hell am I? What place is this?!" Sunod-sunod na nahihisterya nyang sabi, nagpo protesta ang tono. "Let's see... No. You're staying here, no matter what." Pinal na sabi nito na tila walang pakialam sa mga sinasabi ni Cressida. Malakas na sampal ang ibinigay ni Cressida kay Arcturus. "Let me go!" nang gagalit nyang sigaw dito. Hinawakan lang ni Arcturus ang pisnge na kanyang sinampal at hinimas himas iyon ng kaunti. Ginagap ni Arcturus ang palapulsuhan ni Cressida. Nanggagalit ang mga matang hinila nito si Cressida palapit. "No matter what you do, nor what you say, you'll stay here." Tsaka ito lumabas ng kwarto at iniwan sya sa loob. Nagmamadali syang sundan ito ngunit naka kandado sa labas ang pintuan. "Arc, Arcturus! Let me go! Let me out! Fvck you! Fvck you, you motherfvcker!" Pagsisisigaw nya ngunit walang epekto, manhid pa sa manhid ito at hindi binuksan ang pintuan. Padabog na sinalampak ni Cressida ang sarili sa kama at doon ibinuhos ang inis sa lalaki.
Tahimik ang buong gabi sa penthouse ni Arcturus Thorne. Ang mga ilaw ng lungsod sa labas ay kumikislap sa salamin ng bintana, parang mga bituin na bumaba sa lupa — pero kahit ganoon kaganda ang tanawin, hindi niya ito makita nang buo. Sa harap niya ay ang isang basong scotch, kalahati na, at ang telepono sa tabi ng kamay niya.Ilang oras na siyang nakatingin sa screen.Ilang beses na niyang binura ang mensahe.At ngayon, sa wakas, isang linya lang ang naiwan:“Hope you’re feeling better.”—ANapangiti siya, pero hindi iyon ngiti ng saya — iyon ‘yung klaseng ngiti na puno ng bigat at pagod, ng pagsisisi at pagnanais na ibalik ang panahon.Matapos ang aksidente, gabi-gabi niyang iniisip si Cressida. Lahat ng paghinga nito, bawat sulyap, ang paraan ng pagbitaw ng mga salitang “I’ll be fine” kahit halatang hindi pa siya okay.Alam ni Arcturus kung gaano kalakas si Cressida — at kung gaano rin siya marupok kapag nasaktan.“Why does she still make me feel like this?” mahina niyang bulong, h
Muling bumalik si Cressida Devereux sa set matapos ang ilang linggong pahinga. Ang liwanag ng mga ilaw sa studio ay tila muling nagbigay-buhay sa kanya. Sa bawat hakbang niya, ramdam niya ang pinaghalong kaba at saya. Matagal din siyang hindi nakabalik sa ganitong eksena—ang amoy ng makeup, ang tunog ng camera, at ang mga tawanan ng crew. Pagpasok pa lang niya sa loob, sabay-sabay na nagsigawan ang mga staff. “Surprise!” sigaw ng lahat. Napatigil si Cressida, gulat at bahagyang napangiti. Sa gitna ng set ay may maliit na mesa na puno ng balloons, cupcakes, at isang banner na may nakasulat na ‘Welcome Back, Cress!’ Lumapit sa kanya si Mira, ang makeup artist na palagi niyang kasama. “We missed you so much, Cress! The set felt empty without you.” Napatawa si Cressida habang nilingon ang iba. “You guys are too much,” sagot niya, nangingiti. “I just missed working with everyone.” Sumingit naman si Leo, ang stylist, habang hawak ang hairbrush. “Don’t scare us like that again, okay? Y
Ang mga salitang iyon ay parang kutsilyong marahang itinusok sa puso niya—tama, pero masakit tanggapin.Huminga siya nang malalim. “Then promise me one thing,” sabi niya, mahina ngunit matatag. “Tell me how she’s doing. Hindi ko kailangan ng detalye, hindi ko kailangan ng paliwanag. I just… I need to know she’s okay.”Sandaling tumingin si Anikha sa kanya, at sa likod ng malamig na anyo nito ay may pag-unawang hindi na kailangan pang ipaliwanag.“I’ll update you,” tugon niya. “Hindi araw-araw, pero kapag kailangan. I owe that to both of you.”Bahagyang napangiti si Arcturus, mahina, parang salamat na walang tinig. “Thank you.”Habang papalayo siya, naramdaman niyang bumigat ang dibdib niya—hindi dahil sa pagod, kundi dahil alam niyang ang mga salitang “Cressida is okay” ay magiging tanging hiling niya sa mga susunod na araw.Pagbalik niya sa sasakyan, tumingin siyang muli sa villa.“Someday,” bulong niya sa sarili. “Maybe someday, you’ll let me come back for real.”----Magaan ang sim
Tahimik ang paligid.Tanging hampas ng hangin at kaluskos ng mga dahon sa labas ang maririnig. Sa veranda ng villa, nakaupo si Cressida, nakasuot ng puting silk robe, may tasa ng tsaa sa kamay, at ang buhok ay malayang humahampas sa hangin.Mula rito, tanaw niya ang malawak na hardin—punô ng mga rosas na itinanim ni Anikha.Ngunit kahit gaano kaganda ang tanawin, ramdam pa rin niya ang bigat ng pag-iisa.Dalawang linggo na simula nang aksidenteng iyon.Dalawang linggo rin siyang halos hindi nakakatulog nang mahimbing.Minsan, sa mga gabi, parang naririnig pa rin niya ang preno ng kotse, ang sigaw, ang tunog ng salamin na nagpuputukan.At sa gitna ng gulong iyon, isang boses lang ang malinaw na bumabalik sa isip niya—> “Cressida! Stay with me!”Boses ni Arcturus.Ang taong pinilit niyang iwasan… pero siya rin ang unang tumakbo sa ospital.Pinikit niya ang mga mata, pilit hinahabol ang hininga. “Hindi mo dapat iniisip ‘to, Cress,” bulong niya sa sarili. “You have to move on.”Pero paan
Arcturus. Tanging mahinang tik-tak ng orasan at hampas ng ulan sa bintana ang maririnig sa loob ng bahay ni Arcturus Thorne.Matagal na siyang nakaupo sa mini bar, hawak ang isang basong alak na ni hindi man lang nababawasan. Hindi niya alam kung ilang oras na siyang nakatulala, basta’t paulit-ulit na bumabalik sa isip niya ang iisang imahe—ang mukha ni Cressida.Ang mga mata nitong laging puno ng emosyon kahit pilit ngumiti. Ang boses na laging kalmado kahit may lungkot na nakatago.She doesn’t deserve this, bulong niya sa sarili.Pero kahit ilang ulit niyang sabihin iyon, hindi niya mapigilang isipin siya. Hindi niya mapigilang alalahanin kung paano nito sinasabi na ayos lang siya, kahit halata namang hindi.Tumigil siya sandali, huminga nang malalim.Bakit ba ganito pa rin ako?Paglingon niya sa cellphone na nasa mesa, hindi niya namalayang tinatawagan na pala niya si Anikha. Ngunit bago pa man masagot, may biglang tumunog sa may pintuan—malakas na doorbell, sunod-sunod, parang na
“Baka pagod ka lang,” sagot ni Charlie, pilit na nagbibiro. “Kahapon ka pa kasi puyat. Baka paranoid ka na naman.”Ngumiti si Cress, pero pilit. “Maybe.”“Hay naku, wag mo nang masyadong isipin. Magpahinga ka muna, ha?” sabi ni Conah. “Kami ni Charlie na bahala sa kusina.”Tumango lang siya, at nang maiwan sa sala, napa-hinga ng malalim si Cressida. Nakatitig siya sa mga kurtinang bahagyang hinahawi ng hangin, at sa bawat ihip nito, parang may bumabalik na alaala — mga sigawan, luha, at lahat ng pinagdaanan niya nitong mga buwan.Matagal siyang nanatiling ganoon—tahimik, tila nakikinig sa pintig ng sarili niyang puso. Hanggang sa nagdesisyon siyang umakyat. Gusto niyang kumatok sa kwarto ni Ibyang, gusto niyang alamin kung ayos lang ito. Pero paglapit niya sa pinto, narinig niya ang mahinang tugtog sa loob, kasabay ng ilang hikbi.Napahawak siya sa doorknob, pero hindi itinuloy.Hindi pa ito ang tamang oras.Kaya bumalik siya sa sariling kwarto, marahang isinara ang pinto at naupo sa








