Share

Thorns Of Seduction
Thorns Of Seduction
Author: Inkymagination

SYNOPSIS

last update Last Updated: 2025-09-09 21:39:43

Mabigat ang bawat hakbang ni Cressida habang tinatahak ang gitna ng mahabang pasilyo ng simbahan. Ang sahig na marmol ay tila kumakain ng kanyang lakas sa bawat pagtuntong, at ang mga mata ng lahat ng bisita ay nakatuon lamang sa kanya. Dapat sana’y isang masayang araw ito—ang araw ng isang babaeng nakatakdang ikasal sa lalaking minamahal niya. Ngunit sa kanya, ito’y isang sakripisyo.

Nasa kanyang katawan ang isang marangyang mermaid cut lace bridal gown na pinili ng kanyang ina. Ang belo na may burdang puti at mga bulaklak ay bumabalot sa kanyang mukha, tila ba ito’y isang lambong ng pagkakakulong. Hindi ito ang pangarap niyang kasal. Hindi ito ang pangarap niyang buhay.

Sa dulo ng altar, nakatayo si Arcturus Thorne—ang lalaking hindi niya pinili, ngunit pinilit sa kanya ng kapangyarihan ng kanyang mga magulang. Malamig at mapang-akit ang kanyang presensya, nakasuot ng itim na tuxedo na para bang lalo pang nagpapatingkad sa asul-abo nitong mga mata.

Diyos ko, naisip ni Cressida. Bakit ako dinala ng kapalaran dito?

Nang tuluyan siyang makalapit sa altar, inilahad ni Arcturus ang kanyang kamay. Nakatingin ito sa kanya, malamig ngunit matalim, na para bang tagos hanggang sa kanyang kaluluwa ang mga mata nito.

“Wife,” sambit ni Arcturus, para bang isang deklarasyon at hindi simpleng pagbati.

Napangisi si Cressida, ngunit iyon ay isang ngising puno ng pait. Hinila niya ang kanyang mga labi pataas at mahinang bulong ang isinagot, “Go to hell.”

Sa kabila ng kanyang pagtutol, marahan niyang kinuha ang nakalahad nitong kamay. Isang pilit na pag-ayon, isang pakitang-tao para sa lahat ng nakatingin.

Nagsimula ang misa. Ang bawat salita ng pari ay tila dumaraan lamang sa pandinig ni Cressida na para bang wala siyang koneksyon dito. Kasal. Pag-ibig. Panata. Mga salitang tila walang saysay sa kanya sa sandaling iyon.

Pakiramdam niya’y unti-unting nawawala ang kanyang karapatan na pumili ng sariling kapalaran. Sa likod ng lahat ng kayamanan at kapangyarihan ng kanyang pamilya, heto siya—isang bilanggong nakatali sa kasunduang hindi niya ginusto.

Habang sinasabi ng pari ang mga sakramento ng kasal, nakaramdam si Cressida ng matinding bigat sa dibdib. Wala na ba talagang pag-asa? tanong niya sa sarili. Ngunit wala siyang nakitang kahit sinong kakampi, kahit isang tingin ng awa mula sa mga bisitang nakangiti at pumapalakpak.

“You may now, kiss the bride,” wika ng pari sa huli.

Parang isang dagok ang narinig ni Cressida. Nanlamig ang kanyang katawan, at halos hindi siya makahinga nang marahan at dahan-dahang itinaas ni Arcturus ang belo na tumatakip sa kanyang mukha.

Nagmamadali ang kanyang isip. Hindi. Hindi ko ito gusto. Ngunit hindi niya maipakita ang kanyang pagtutol sa harap ng lahat.

Ngumisi si Arcturus, bahagyang nakayuko sa kanya, ang tinig nito’y mababa at mapang-uyam.

“Your lips must be tasteful.”

At bago pa siya makatanggi, siniil na siya nito ng halik. Ang kanyang mga mata ay nanatiling nakadilat, puno ng galit at takot, habang ang mga bisita’y nagpalakpakan at nag-tilian, hindi alam ang bagyong bumabalot sa dibdib ng bride.

Matapos ang seremonya, dumiretso sila sa engrandeng resepsyon. Ang bulwagan ay puno ng ilaw, musika, at masasayang bisita. Ngunit para kay Cressida, ito’y tila isang nakakatakot na entablado. Ang bawat ngiti niya ay pilit, ang bawat paghawak ni Arcturus sa kanyang kamay ay isang tanikala.

Maraming lumapit para bumati sa kanila, nagbubulungan, nag-aalok ng mga pagbati. Ngunit ang tanging nararamdaman ni Cressida ay ang pagkalunod. Ang bawat oras na lumilipas ay parang tinatanggalan siya ng hininga.

Sa isang pagkakataon, yumuko si Arcturus sa kanyang tainga at bumulong:

“Wala ka nang kawala, Cressida. Akin ka na. At gagawin kong sigurado na mananatili kang akin.”

Napakagat-labi siya, pinipigilan ang sariling hindi mapaiyak sa harap ng lahat.

Sa kanilang silid sa mansyon ng mga Thorne, nakahiga si Arcturus sa kama, nakasuot na lamang ng kanyang pangtulog. Mapang-akit ang ngiti nito habang pinagmamasdan siya, tila isang mandaragit na nagtatamasa ng tagumpay matapos masilo ang kanyang biktima.

“Halika na, wife,” anito habang iniunat ang braso.

Ngunit sa kabila ng takot at galit, nagkunwari si Cressida. Lumapit siya, nahiga sa tabi nito, at naghintay hanggang sa tuluyang mapikit ang mga mata ni Arcturus, lumalim ang paghinga, at bumigay ang katawan sa mahimbing na tulog.

Tahimik na bumangon si Cressida mula sa kama, dahan-dahang inalis ang belo at ang mabigat na gown na suot niya pa rin hanggang sa mga oras na iyon. Isinuot niya ang isang simpleng damit mula sa kanyang maleta—isang manipis na bestida na kayang itago sa dilim ng gabi.

Pigil ang hininga habang binubuksan niya ang pinto, bawat tunog ng seradura ay parang kulog sa kanyang pandinig. Lumingon siya sa huling pagkakataon—si Arcturus ay nakahiga pa rin, mahimbing ang tulog, walang kaalam-alam na siya’y aalis.

Pagkabukas ng pinto, tumakbo si Cressida pababa sa hagdan, walang pakialam kahit nasasaktan ang kanyang paa sa bawat madaliang yabag. Sa wakas, nabuksan niya ang pintuang bakal sa gilid ng mansyon.

Huminga siya nang malalim, tinanaw ang malawak na hardin at ang madilim na lansangan sa malayo. Sa kanyang puso, iisa lamang ang nag-uumapaw na damdamin—ang kagustuhan niyang lumaya.

At sa gabing iyon, tumakbo si Cressida palayo sa tanikala ng isang kasal na hindi niya pinili, palayo kay Arcturus Thorne.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Thorns Of Seduction   CHAPTER 7

    Sa kabila ng lalim ng yakap, kumikirot sa dibdib ni Cressida ang isang tanong na matagal na niyang pinipigilan. Hindi na niya kayang kimkimin. Sa kabila ng takot, sa kabila ng kahinaan, isang bahagyang panginginig ng tinig ang sumilip sa kanyang mga labi.“Arcturus…” Mahina, halos pabulong, ngunit dinig na dinig sa gitna ng katahimikan. “Do you… do you love me?”Bahagyang natigilan ang lalaki. Ramdam ni Cressida ang paninigas ng kanyang bisig, ang paghinto ng hininga nito sa kanyang balat. Para bang ang simpleng tanong na iyon ay isang patalim na biglang tumarak sa kanyang puso. Dahan-dahan, iniangat ni Arcturus ang kanyang mukha mula sa leeg ng dalaga. At sa unang pagkakataon mula nang siya’y kapusin ng hininga, nasilayan ni Cressida ang mga mata nitong naglalagablab sa damdamin—isang apoy na hindi niya matukoy kung mula ba sa pagmamahal o sa pagkahibang.“You’re asking me… if I love you?” mababa at mabigat ang tinig nito, tila galing sa kailaliman ng kanyang kaluluwa. “Cressida… I d

  • Thorns Of Seduction   CHAPTER 6

    Hindi na siya binitiwan ni Arcturus nang gabing iyon. Sa bawat kulog at kidlat, mas lalong humihigpit ang yakap ni Cressida, para bang kung bibitaw siya’y lulunurin siya ng bagyo sa labas. Sa bawat pagtikhim, bawat mabilis na tibok ng kanyang puso, ramdam niya ang matibay at mainit na dibdib ni Arcturus—matatag, hindi natitinag, para bang iyon lamang ang kanlungan niya laban sa lahat ng takot.“Arcturus…” mahina niyang bulong, habang nakabaon ang mukha sa leeg nito. Hindi na niya alam kung saan nanggagaling ang kanyang tinig—kung sa takot, sa pagod, o sa mas malalim na damdamin na ayaw niyang pangalanan.Isang braso ang nakayakap sa kanya, mahigpit ngunit hindi marahas. Ang kamay nito’y marahang humahaplos sa kanyang likod, mabagal, paulit-ulit, na para bang isang ritwal ng pag-angkin at pagpakalma. Hindi ito sumagot, ngunit naramdaman niya ang pagdampi ng labi nito sa kanyang buhok—isang halik na halos hindi maramdaman, ngunit sapat para magdulot ng kakaibang kirot at init sa kanyang

  • Thorns Of Seduction   CHAPTER 5

    Nakadikit ang mukha ni Cressida sa balikat ni Arcturus, nanginginig ang kanyang katawan sa pagitan ng pag-iyak at ng bigat ng halik na pinilit sa kanya. Ramdam niya ang tibok ng puso nito—mabagal, kontrolado, ngunit mabigat, tila ba bawat pintig ay nagpapaalala kung gaano siya kasadsad sa kapangyarihan ng lalaking ito.Hinaplos ni Arcturus ang kanyang buhok, marahan, para bang tinatangkang pakalmahin siya. Ngunit sa bawat haplos na iyon ay lalong dumadagdag ang bigat ng kaniyang nararamdaman—hindi lamang dahil sa pagkakakulong kundi dahil sa lumalalang kalituhan sa sariling puso.“Arcturus…” mahina niyang bulong, halos hindi na buo ang tinig. “You’re breaking me.”Napahinto ito, saka bahagyang umatras upang makita ang kanyang mukha. Ang malamlam na ilaw mula sa lampara sa mesa’y nagbigay-liwanag sa bawat guhit ng kanilang ekspresyon—ang mga luha ni Cressida na kumikislap sa kanyang pisngi, at ang malamig ngunit nagsusumidhing titig ni Arcturus.“Then let me break you completely,” anit

  • Thorns Of Seduction   CHAPTER 4

    Madilim na ang buong mansyon. Tanging ilaw ng buwan mula sa malalaking bintana ang nagbigay-liwanag sa malamlam na pasilyo. Nakatulog na ang mga katulong, at katahimikan ang bumalot sa paligid. Ngunit sa silid ni Cressida, walang kapayapaan.Nakahiga siya sa kama, nakapikit ang mga mata ngunit gising ang isipan. Ang sugat sa kanyang pulso’y parang patuloy na kumakanti sa kanyang kamalayan, at ang bigat ng mga salitang iniwan ni Arcturus bago ito umalis ay paulit-ulit na sumasalpok sa kanyang dibdib.“Don’t think for a second that you’re free.”Hindi niya alam kung bakit, ngunit imbes na takot lamang ang maramdaman, may halong pagkagulo sa kanyang loob. At sa gitna ng gabing iyon, habang nakahiga, hindi niya namalayang nakatulog siyang yakap ang isang lumang tee shirt na iniwan sa gilid ng aparador—isang piraso ng damit ni Arcturus.Ang amoy nito—isang halo ng kahoy, usok ng tabako, at malamig na pabango—ay tila nagbigay sa kanya ng kakaibang init. At bago pa man tuluyang lumubog sa pa

  • Thorns Of Seduction   CHAPTER 3

    Sumapit ang hatinggabi. Tahimik ang buong mansyon, at tanging ugong ng malamig na hangin mula sa mga bintana ang naririnig. Nasa silid niya si Cressida, nakahiga ngunit hindi mapakali. Bawat tik-tak ng orasan ay parang martilyo sa kanyang dibdib. Kanina lamang, habang nakaupo sa hapag, muli niyang napatunayan na wala siyang kalayaan kay Arcturus. Lahat ng kilos niya ay bantay-sarado, lahat ng salita’y sinusukat. Ngunit ngayong tulog na marahil ang lahat, may sumibol na ideya sa kanyang isipan, Ito na ang pagkakataon. Tatakas ako. Bumangon siya nang dahan-dahan. Ingat na ingat ang kanyang mga paa sa malamig na sahig na marmol, baka marinig siya ng mga guwardiyang nakapwesto sa ibaba. Binuksan niya ang aparador at nagsuot ng makapal na coat na makakapagtago ng kanyang katawan sa dilim. Isinuksok niya sa bulsa ang maliit na perang naitatago niya mula sa mga paminsan-minsang bigay ng katulong na maawaing nakikisimpatiya. Huminga siya nang malalim at tinungo ang pinto. Tahimik niyang p

  • Thorns Of Seduction   CHAPTER 2

    Tahimik ang buong silid, tanging tik-tak ng malaking orasan lamang ang umaalingawngaw. Nakaupo si Cressida sa gilid ng kama, nakatitig sa kawalan. Mabigat pa rin ang kanyang ulo mula sa alak na uminom siya kagabi sa birthday party ni Scarlette—ngunit mas mabigat ang pakiramdam ng pagkakulong sa mga palad ni Arcturus Thorne.Isang marahang katok ang sumira sa katahimikan.“Ma’am,” maingat na tawag ng boses ng isang katulong mula sa labas. “Nakahanda na po ang hapag. Naghihintay na po si Sir Arcturus sa ibaba.”Parang nagpatibok nang mas mabilis ang kanyang puso. Ang mismong pangalan ni Arcturus ay parang paalala ng kulungang hindi niya mabasag. Dahan-dahan siyang bumangon, inayos ang sarili, at binuksan ang pinto. Nakatungo ang katulong, halatang takot na takot na magkamali ng salita.“Salamat,” malamig na tugon ni Cressida, saka siya nagsimulang bumaba ng hagdan.Sa pagbaba niya, sumalubong ang malawak na dining hall na halos punô ng karangyaan. Ang mga chandelier ay kumikislap, ang h

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status