LOGIN𝘔𝘢𝘳𝘳𝘪𝘢𝘨𝘦
“Handa ka bang panindigan ang ginawa mo?” nagulat ako sa biglang tanong ni Lolo. Andito kami ngayon sa loob ng silid-aklatan at nakaupo sa mahabang sofa, habang si Lolo naman ay nakaupo sa sofa na nasa gilid habang nasa likuran niya ang lawyer niya. Hindi ko alam bakit ba sinasabi ni Lolo iyan. Akala ba niya ito ang unang beses na mahalikan ako at umaasta siyang buntis ako ngayon na kailangan panindigan? “Lo, ano bang sinasabi niyo? Anong paninindigan? Bakit naman kailangan niya akong panindigan?” alma ko sa kan’ya. Nanlilisik ang mga matang tumitig sa akin si Lolo, “Pwede ba, Frederica! Hindi pwedeng hayaan ko lang na may lalaking humalik sa iyo, baka malaman pa ng mga kakilala ko at akalain nilang pinapabayaan ko ang mga apo ko!” Napahawak ako sa aking sentido, dahil sa mahaba niyang sinabi. Minsan talaga ay nakakalimutan kong over protective siya sa amin. “Lo, hindi naman ito ang unang halik ko. Hayaan niyo na.” napatingin silang lahat sa akin at napahawak nalang ako sa bibig ko. Nadulas pa, ang bobo ko naman. Iiling-iling si Lolo nang magsalita. “Sige na, iwan mo muna kami rito. Pumunta ka muna sa kwarto mo, dahil kung ano-ano ang mga…nasasabi mo.” “Pero—” hindi ko na natapos ang sasabihin ko, dahil pinanlakihan na ako ni Lolo ng mata at dahan-dahan nalang akong tumango. May pag-aalinlangan pa sa paglalakad ko, dahil hindi ko nakakalimutang ang lalaking aksidente akong nahalikan ay magnanakaw. Siguro naman mahihiya siyang gumawa ng masama? Nasa harap na siya ng may-ari, may gagawin pa kaya siya? Lumabas na ako. Wala naman sigurong mangyayari at kung meron man ay maririnig ko naman, malapit lang din ang kwarto ko sa silid-aklatan. Bigla kong nakasalubong si Manang Wilma na kakaiba ang mga ngiti sa labi, parang nasa ulap siya nang makita ako, ginantiihan ko nalang pero parang napunta ata sa ngiwi ang ngiti ko kaya natwa siya. Kakaiba ang nararamdaman ko, parang may mangyayari. Isang malakas na tunog ang nagpagising sa akin. Ha? Bakit nasa silid-aklatan pa ako? Bigla akong napatingin sa gilid ko at napabalikwas ng makita ko si Mil, isa sa mga pinsan ko. May pagtatakha ang mukha niya at tumuon naman ako sa kabilang gilid ko, si Delia at Philippa ay nag-aalala, habang ang isa ko pang pinsan na nasa isahang sofa ay nagbabasa lang at walang pake sa amin. Akala ko nasa kwarto ko pa ako. Sobrang lutang ko naman. “Bakit andito kayo?” iyon nalang ang ibinungad kong tanong sa kanila. “Nababaliw ka na ba? Ayan ba epekto kapag laging kasama si tanda?” “Ate Mildred naman eh. Ayos ka lang ba, ate Rica?” puno ng pag-aalala ang boses at tono ni Delia. Mabilis akong tumango. “Oo naman. Bakit naman hindi?” nagawa ko pang pekeng tumawa sa kanila. “Kanina pa kami nagtatanong at nakikipag-usap sa ‘yo, para lang kaming hangin na hindi mo pinapansin. Nag-away ba kayo ni Lolo?” si Philippa na halos pasigaw na ang tono. Para talagang lagi siyang galit. Mas nakakatakot pa sa akin. “Oo naman, napagod lang siguro kahapon. Wala pa ba si Lolo?” balik kong tanong at umiling naman sila. Sa totoo lang ay hindi ko na rin alam kung ano bang sasabihin ni Lolo, bukod sa tradisyon ng pamilya dahil sa nangyari kahapon. Hindi ko na rin kasi narinig ang mga boses nilang nag-uusap at hindi ko na nakita si Lolo, kasi hindi rin ako masyadong lumalabas. Biglang bumukas ang pinto at parang may anghel na dumating. Inaasahan ko namang kasama pa rin ni Lolo ang abogado niya, pero ang hindi ko inaasahan ay ang sumunod sa kan’ya. Bakit niya kasama ‘yung magnanakaw? Mabilis na kumabog ang puso ko at parang hihimatayin ako, nagsimula namang magpawis ang palad ko na pilit kong tinutuyo. Umupo sila nang walang sinasabi at binabati. Hindi rin makatingin sa amin ang lalaki kahapon, ang mga pinsan ko ay nakapinta na ang pagtatakha sa mukha. Sigurado ay nagtataka, dahil may hindi pamilya na mukha ang sasali sa usapan. “Hindi ko na pahahabain ang usapang ito. Nasa mga tamang edad na kayo at masyado na akong naghintay ng matagal. Kailangan niyo nang gawin ang tradisyon ng pamilya. You need to be married to the partner that I will pair you with,” sambit ni Lolo. Seryoso siya at puno ng otoridad na kahit si Mildred na kung sagot-sagotin siya ay hindi umiimik. Hindi ko tuloy naiwasang tignan siya. Nakayuko at pansin ang pagkunot ng noo niya, nilalaro ang kamay, at papadyak-padyak ng paa. Ang dalawang katabi ko naman ay tuwid lag na nakaupo, pero nakayuko rin at nilalaro ang daliri. Si Leonora lang ata—pinsan kong nasa gilid, ay walang pake at hindi nakikinig kay Lolo. May sariling mundo talaga. “At…” napaangat ang ulo nila sa narinig mula kay Lolo. May kasunod pa? Bigla akong napatingin sa lalaki kahapon, tungkol ba sa kan’ya ang pag-uusapan? Anong kinalaman namin doon kung ganoon nga? Tinuro ni Lolo ang lalaki. “Sa kan’ya ikakasal si Frederica. Wala ito sa plano ko, pero kailangan niyang panindigan ang ginawa niya sa pinsan niyo. Mauuna silang ipapakilala sa iba at para naman sa inyo ay ibibigay ni attorney Ruiz ang mga pangalan ng pakakasalan ninyo at makilala niyo rin sila.” Sa dami ng sinabi niya ay isa lang ang maliwanag sa pandinig ko, parang halo-halo nalang ang mga sumunod na sinabi ni Lolo. Napatayo ako at nanlalaki ang matang tumingin sa lalaki na hanggang ngaon ay nakayuko pa rin. “Lo! Sabi ko naman sa iyo hindi ba? Wala lang ‘yon! At hindi ko naman first kiss ‘yon, bakit ba pinipilit niyo?” halos lumabas na ang litid ko. Bumuga ng marahas na hangin si Lolo. “Mabait na bata naman si Noel at hindi pwedeng wala lang iyon. Kailangan mong magpakasal. Kung nahuli ko rin ang first kiss mo siguro ay kasal ka na ngayon palang.” Para akong napipilan sa sinabi niya. “Mabait? Eh magnanakw ‘yan!” Doon na napatingin sa akin ang lalaki, ang mga mata niya puno ng kasiyahan na siyang ikinakunot ng noo ko. Si lolo rin ay biglang nagtatakhang tumingin sa akin at sa lalaki. “Iha, hindi magnanakaw si Noel. Pamangkin siya ng Mang Cardo mo at bagong hardinero natin siya. Kahapon ko sana siya kakausapin, pero imbis na siya lang ay kayong dalawa ang nadatnan ko at naghahalikan…” “Lo, aksidente nga! Hindi sadya!” maktol ko sa inis. Hindi naman niya ako pinansin at ako naman aynanlilisik ang mga matang tinignan si Noel na bakas ang pagkaaliw sa mga mata niyang napaka itim. Kasing itim ng planing ito! Ayokong magpakasal at lalong hindi sa hardinero na ito…Greetings “Bakit naman ako magtatampo dahil sa hilaw niyong bisita. Wala namang kainggit-inggit do’n,” yamot na sambit ni Noel. Hindi man niya ipinapakita ay nababasa ko ang bawat galaw niya. Umiwas siya ng tingin sa akin, hindi makatagal sa mga tingin ko. Iyon palang ang ginagawa niya ay halata kong may kakaiba na. Kaya hindi niya ako pwedeng paandaran ng ganiyan, dahil parang…paunti-unti ay…nakakabisado ko n ata siya. Pilit kong tinatago ang ngiting nais pakawalan ng labi ko. “Wala akong sinabi na naiinggit ka. Ang sinasabi ko kung nagtatampo ka dahil mas pinanigan ko siya kesa sa iyo,” paliwanag ko. Lumunok siya at hindi pa rin tumitingin sa akin. “Sanay na akong wala kang tiwala sa akin, senyora. Hindi na ako nagtaka ng siya ang panigan mo,” Hindi ko inaasahan na iyon pa rin ang sasabihin niya sa akin. Tila nga masama ang loob niya, dahil sa naging aksyon ko. Alam ko naman na may mali rin ako at gusto kong kahit papaano ay bumawi sa kaniya. Hindi ko maintindihan ang s
SulkyLumipas ang dalawang araw at hindi ako pinapansin ni Noel, madalang ko rin siyang makita sa mansyon. Sa hindi ko malamang dahilan ay parang may kulang sa mga araw na lumipas, siguro ay masyado akong nasanay sa pang-iinis at pang-aasar niya sa akin. Si Lindon umuwi na pabalik sa bansa niya, habang si Mil naman ay narito pa rin ang mga gamit pero lumuwas papuntang Manila. Ang lolo naman ay madalang ko rin makita, kaya hindi rin ako nagluluto ng agahan. Wala akong narinig mula kay lolo kung nasaan siya, hindi ko rin naman kasi pinapakielaman lalo na at sigurado akong tungkol sa negosyo. Masyadong payapa ang araw ko at parang hindi ako mapakali sa kama ko. Paikot-ikot sa kwarto, at gumugulong sa kama. Sa ganiyan ko labg napapalipas ang oras. Sumapit ang tanghali. Napagdesisyonan kong lumabas at pumunta sa hardin, mahapdi man sa balat ang hangin at tirik ng araw ay hindi ako nagpatinag. Para lang kasi akong nahihila na pumunta roon kahit wala nman akong gagawin. Ang nadatnan ko a
BrawlHabang nakadungaw kami sa lawak ng planta ng pamilya namin ay naririnig ko ang bawat mahihinang himig ng aking katabi. Nakatayo kami ngayon at baka dahil din sa hangin kaya naririnig ko siya. “Bakit ba bulong ka nang bulong tuwing nagsasalita si Lindon?” hindi ko na mapigilang punain siya. Ang loko naman ay parang wala lang sa kaniya ang sinabi ko. Pinagmumukha pa akong sinungaling sa mga tingin niya. “Nagkataon lang,” ngumuso siya. Umirap ako sa kawalan at pinagkrus ang braso. “Pwede ba Noel, wala kang maloloko rito.” Umiling ako. Dahilsa sinabi ko ay ibinaba niya ang mukha at pinantay sa tenga ko, upang bunulong. “Hindi ka ba naiinis sa kaniya?”Naghahanap pa ng kakampi. “Mas nakakainis ka,” asik ko. Mahina siyang natawa, tumabingi at may sumilay ang nang-aasar na ngiti. “Bakit ba naiinis ka sa asawa mo?”At hindi ko siya pinansin. Bahala siya. Kinabukasan.“Good morning, Ms. Leano,” si Lindon agad ang bumungad sa umaga ko. Lumabas ako ng kusina, pero hindi ako ang n
𝘏𝘶𝘴𝘣𝘢𝘯𝘥 Morning. “Good morning. Aalis muna kami, I will tour him around,” paalam sa akin ni Mildred. Napatingin ako sa labas ng bintana dahil sa kaniya. Hindi naman ganoon kainit kahit na alas nuebe na ng umaga, mukha ring malamig pa ang simoy ng hangin kaya baka masarap pang magliwaliw. Tutal hindi naman gaano ako lumalabas, maganda sigurong samahan ko sila. Bumalik lang ang tingin ko sa kanila ng magsalita si Lindon may hawak na tubigan at katabi ni Mildred. “Ms. Leano, you won't come with us? It will be great if madami tayo,” he said enthusiastically. He is right. Dapat ko rin silang samahan, dahil bisita sila kahit pa si Mildred. “Nah. Hindi sasama ‘yan, Lindon,” pagharang ni Mildred na nagpairap sa akin sa kawalan. Ang hilig manguna ng babaitang ito. “I’ll come. Nakakahiya naman sa bisita kung hindi siya ipapasyal ng nakatira,”Lumabas na kami at nasa labas ng kwadra—bahay ng mga kabayo. Gusto ko sana silang ayain na mag horse back riding, pero bumulong sa akin si
𝘙𝘦𝘭𝘢𝘵𝘪𝘰𝘯𝘴𝘩𝘪𝘱 Pinili. Hindi ko alam kung anong meron sa akin at mas pinili kong sundan sina Noel. Hindi naman ako ganito, alam ko sa sarili kong pamilya muna bago ang iba at ang sarili, pero parang sa pagkakataong ito nawawala ang prinsipyo kong iyon. “Mil, may pupuntahan lang ako. Sasabihan ko si manang na ihatid ka sa maayos na kwarto.” sabi ko habang naglalakad paalis. “Saan ka pupunta?” nahimigan ko ang pagtatakha sa tono niya. Itinuro ko ang labas gamit ang nguso. “Diyan lang…sa hardin.” At ngayon naman ay nagsisinungaling na ako sa kaniya. Kung meron man sa mga pinsan ko na pinagkakatiwalaan ko, iyon ay siya…si Mildred. Siguro ay dahil alam kong hindi na dapat muna dagdagan ang iniisip niya. Natagpuan ko ang mga sarili na sinusundan si Noel hanggang pagpasok sa isang maliit na kubo. Sa loob ng kubo ay may mga kwarto, nagtago pa muna ako sa isang pinto dahil baka marinig ang mga yabag ko at sumilip mula roon upang tignan kung saan muli papasok si Noel
𝘊𝘰𝘯𝘧𝘶𝘴𝘦 Gabi. Punong-puno ng katahimikan ang gabi ko, ang tanging naririnig ko lang ay ang ingay ng mga kuliglig sa labas. Hanggang ngayon ay nasa isipan ko pa rin ang sinabi ni Noel. Na pumapayag na siya sa plano kong hindi ituloy ang kasal tapos ay tutulungan niya pa ako. Dapat nga masaya ako ngayon at nag-iisip na ng plano para ihinto ang kasal. Pero imbis na plano ang isipin ay siya at ang dalagang kasama niya kanina ang naglalaro sa utak ko. Silang dalawa…magkahawak ang kamay at nagtatawanan. Iyong tawanan na sigurado akong hindi ko maibibigay… Binuksan ko ang pinto patungo sa balkonahe at napayakap sa sarili ko. Ang laylayan ng bestida ko ay sumasabay sa ihip ng hangin. Ang lalaking kanina ay nasa isip ko, ngayon ay nakikita kong nasa ilalim ng malaking puno. Pero hindi lang siya ang natanaw ko…si Ligaya—ang babaeng kasama niya kanina at ang sinasabing nobya niya. Nanliit ang mga mata ko sa eksenang nadatnan. Dalawa silang nag-uusap at parang sinusuyo ni







