Share

Chapter 3

Author: Gvmuxxeervi
last update Last Updated: 2026-01-21 15:59:08

𝘍𝘪𝘯𝘥

Mabilis akong umalis nang malaman ko ang desisyon ni Lolo. Hindi ko alam ang pumasok sa isip niya at uyon pa talag ang naging desisyon niya. 

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko at ang buong kalamnan ko ay nararamdaman ko ang pangangatog. Wala ang isip ko sa nilalakaran at hinahayaan ko nalabg ang mga paa na dalhin ako sa kung saan man nito nais. 

At nakita ko nalang ang sarili kong nasa veranda ng mansyon. Pinikit ko ang aking mata at dinama ang simoy ng hangin, nililipad na ang buhok ko, pati ang bestida kong mahaba ay napapaangat, ngunit hindi ko inalintana, gusto ko lang huminga nang malalim at makapag-isip. 

“Bakit ba ayaw mong magpakasal sa akin? Gwapo naman ako, hindi ka na lugi,” narinig ko mula sa aking likuran ang hardinero—si Noel. Inayos ko ang sarili at binigyan siya ng matalim na tingin. 

“Pwede ba, siraulo lang ang magpapakasal dahil aksidenteng nahalikan. Hindi ko alam bakit pinapalaki iyon, aksidente lang ang nangyari!” galit kong saad sa kan’ya. 

Tatawa-tawa naman siyang lumapit sa akin at pumunta sa gilid ko. “Paano kung sabihin kong…hindi aksidente ‘yon?” umangat ang kilay ko dahil sa winika niya. 

Bwisit na ito! Sinadya pa ata!

“Sinadya mo?! Manyak ka talagang magnanakaw ka!” hinampas ko siya at tumatawa habang iniiwasan ang mga atake ko. 

“Hindi ako manyak at mas lalong hindi ako magnanakaw, ilang beses ko bang ipapakilala ang sarili ko? Ako si Noel, isa na sa mga hardinero niyo at ang mapapangasawa mo.” kumindat pa siya sa akin at gusto kong hampasin ulit siya pero hinayaan ko nalang. 

Hindi ko na siya nilingon at muling ibinalik ang tingin sa berdeng lupain. Nakakasama sa kalusugan kausapin ang lalaking ito. Mas mabuti pang hindi ko nalang siya pag tuunan ng pansin. 

“Asa kang pakakasalan kita!” bulong ko sa hangin at mukhang narinig pa niya. 

“Talagang aasa ako.” kumunot ang noo ko, dahil hindi ko narinig nang maayos ang binulong niya. 

“Anong binubulong-bulong mo?” nakataas ang kilay kong tanong. 

Humarap siya sa akin, suot ang nakakaasar niyang ngisi. “Bakit gusto mong malaman? Curious ka na sa akin ano? Nako, wala pang isang araw na sinabing magpapakasal tayo tapos nahuhulog ka na senyora?”

Sa lakas ata ng hangin dito ay naapektuhan na ang pag-iisip niya. Bumuntong hininga ako, dahil mukhang ang plano kong magkaroon ng payapang lugar upang nag-isip ay nasira na niya. 

Nakapameywang ko siyang hinarap. “Alam mo ikaw…masasaktan na talaga kita.”

“Ayos lang kahit saktan mo ako, ikaw na ‘yan eh.” kumindat na naman siya. 

Hindi ko alam kung anong meron, pero pakiramdam ko ay nag-init ang magkabilang pisngi ko. Para akong lalagnatin ng makita ko ang ginawa niyang iyon. 

Lumakad ako palayo sa kan’ya at binabalak ng umalis, dahil nasira na nga ang plano kong kapayapaan. “Ewan ko sa ‘yo! Mag trabaho ka nalang at hindi iyong niririndi mo ang araw ko!”

“Masusunod senyora ko! Magtratrabaho ako para sa magiging pamilya natin!” Iyon ang narinig ko bago tuluyang makapasok ulit. 

Kainis! Ang bilis ng tibok ng puso ko!

“Tignan mo nga naman, ikaw ang may pinakaayaw ikasal sa atin tapos ikaw pala itong agad-agad na ikakasal,” pang-aasar sa akin ni Mildred. 

Nasa sala kami ngayon at pinag-uusapan pa rin ang nangyari kanina sa silid-aklatan. Maski sila ay hindi makapaniwala sa nangyayari, itong si Mildred kanina pa ako inaasar. Kung hindi lang ako pagagalitan ni Lolo ay kanina ko pa siya nasabunutan at nakalbo sa inis. 

Tinitimpi ko ang sarili kong mag maldita, dahil hindi ako makapag-isip ng plano para mahinto ang kalokohang ito. 

“Pwede ba Mildred, hindi mangyayari ‘yon dahil aksidente lang ang lahat. Kakausapin ko ulit si lolo, dahil baka nahihilo lang siya,”

Umismid naman sa akin si Philippa. “Mukhang hindi mo na mababago ang isip niya. Gusto niya nga raw sa susunod na linggo ay magpakasal na kayo.”

“Ano?!” hindi ko na napigilang lingunin siya at dalawa sila ni Mil ang tumango. 

Bakit ba ganoon nalang ako gustong ipakasal ni Lolo sa hardinero na iyon? Sobrang lalim na ng gatla sa aking noo, wala akong maisip na paraan, dahil halo-halo ang emosyong nararamdaman ko. 

Hindi ako makapag-isip nang maayos sa inis at pikon ko sa nangyayari. 

Napuno ng sandaling katahimikan ang sala. Mukhang malalim din ang iniisip nila, sa bagay hindi lang naman ako ang nasa sitwasyong ikakasal. Pati sila ay ganito rin ang mangyayari. 

“Ate, buntis ka ba?” nanlaki naman ang mata ko sa tinanong ni Delia. 

“Delia hindi ako buntis, aksidente lang yung halik na iyon. Hindi ko alam kay lolo bakit ba minamadali niya ako,” seryoso kong sagot sa kan’ya. 

Napatingin kami kay Leonora na mukhang aalis na. 

“Baka nagsasawa ng lagi kang nandito. Rica, hindi pwedeng buong buhay mo kay lolo lang ang oras mo, ni hindi ka na nakikita ng ibang tao. Ikaw ang panganay at tigapagmana ng buong hacienda, ng buong korporasyon, pero hindi ka makita ninuman. Iniisip na nga ng iba eh inaalila ka ni lolo,” seryoso niyang sabi at walang paa-paalam na umalis sa harapan namin. 

“Oo, nakikita kong usap-usapan iyon. Wala ka kasi halos paramdam sa industriya. Mukhang gusto ni lolo na kahit papaano makalaya ka, sa labas ng hacienda,” 

Kumunot ang noo ko sa mga sinabi nila. “At lalaki ang naisip niyang solusyon? Hindi, ayokong magpakasal, lalo na sa lalaking ‘yon.” Umalis na naman ako sa pangalawang pagkakataon. 

Hindi ko talaga matanggap ang nangyayaring ito. 

Lumabas na naman ako, pero ngayon sa hardin na. Mas malakas ang hampas ng hangin, dahil wala namang mga puno rito at puro bulaklak lang. Buti nalang at hindi rin ganoon kainit ang tama ng araw sa balat. 

Long sleeve naman ang suot ko. 

Kailangan kong makapag-isip ng plano upang hindi matuloy ang kasal na ito. Pero ano? Anong plano ang magpapahinto kay Lolo na itigil ang kasal na ito? 

Inaabala ko ang sarili kong mag-isip ng plano. Isang plano na hindi palpak at hindi mahahalata ni Lolo. Dinudungaw ko lang ang lupain namin, nakatingin sa kawalan at hinahayaan ang utak na kusang may maisip. 

“Bakit malungkot ang senyora ko?” parang biglang kumulo ang dugo ko, dahil sa boses na narinig ko. 

Tinignan ko kung saan nanggaling ang boses. Si Noel ay papunta sa direksyon ko, nakasuot ng simpleng puting damit, kayumanggi na pang ibaba, at ang sumbrerong rattan na bagay sa kan’ya. Nagtagal ang tingin ko sa damit niya at hindi ko mapigilang mapangiwi. Hindi talaga siya hardinero. 

Hapit na hapit kasi ang tela ng damit niya sa kan’yang katawan, halos mapunit na dahil sa laki ng dibdib at braso niya. Teka…

Mahina kong pinilig ang ulo, dahil sa mga iniisip. “Bakit ka andito mag trabaho ka nga!” pinilit kong gawing galit ang tono ko at nag tagumpay naman siguro. 

Tumawa lang ang loko. “May suot kang orasan pero hindi mo alam na tanghali na at kakain na. Kumain ka na ba?” bumili ang tibok ng puso ko sa tanong niya. Bakit niya tinatanong iyon? Ano bang pake niya?

Kumunot ang kilay ko, kung ano-ano na naman ang naiisip. “Ano bang pakielam mo?”

Huminto siya sa harap ko, ilang pulgada ang layo at matamis na ngumiti. “Nagtatanong lang po, senyorita. Kanina pa kasi kita nakikitang mukhang galit sa mundo.”

Lumalim ang gatla sa aking noo sa sinasabi niya. Mukha namang nabasa niya ang ekspresyon ko at ang naiisip ko, dahil agad siya natawa at iiling-iling na nagsalita. 

“Oh! Hindi kita pinapanood ah, nahawi lang ang tingin ko sa ‘yo. Ang ganda ba naman,” mahina na naman ang pagkakasabi niya. 

“Bakit ba ang hilig mong bumulong?” 

“Sabay ka na sa aking kumain,” pag-iwas niya sa katanungan ko. 

Bigla kong naramdaman ang telepono ko sa aking bulsa. Nakatanggap ako ng isang mensahe mula sa walang pangalan at numero lang. 

09367***

We now have many leads to him, ma’am. We can find him, as soon as possible. 

Tumagal ang pagtitig ko sa mensaheng iyon. Humihigpit ang hawak ko sa telepono, ngunit agad ding nabaling kay Noel. 

“Senyora ko…” sinamaan ko siya ng tingin.

“Ano ba! Kapag may nakarinig ng tawag mo sa akin.” luminga ako sa paligid upang tignan kung may tao. Kumalma naman ako ng makitang kaming dalawa lang ang nandito. 

Mahina siyang tumawa. “Bakit? Maganda naman ah. Senyoraa ko, kain na po tayo.” tumango nalang ako at ibinalik ang telepono sa bulsa. 

Hindi na ako nakipag matigasan sa kan’ya, pero hindi nawala sa utak ko ang mensahe. Kung mahahanap na siya, mas lalong kailangang hindi ako ikasal…

Napatingin ako kay Noel na nakangiti lang sa akin at hinihintay akong sumunod sa kan’ya, papunta sa kusina. 

Hindi ako pwedeng ikasal, dahil sa kan’ya lang ako dapat ikasal.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Thorns of the Past (Playful Fate Series #1)   Chapter 5

    𝘏𝘦𝘭𝘱Umaga.Maaga na naman ako bumangon para paglutuan si Lolo, kahit may sama pa rin ang loob ko sa kaniya dahil sa mga plinaplano niya ay naroon pa rin ang pag-aalaga ko sa kaniya. Hindi ko nga ata kayang magalit sa kaniya, kahit na ano pa mang ilihim o iplano niya sa aking hindi ko papayagan ay ‘di ko matitiis na huwag siyang paglutuan. Isang presensya ang naramdaman ko, hindi ko nalang pinansin dahil baka isa sa mga kasambahay iyon. Pinagpatuloy ko nalang ang paghahalo sa sopas na niluluto ko. “Magandang umaga, senyora ko,” nakakasira ng araw ang boses ni Noel. Isang matalim na tingin ang ginawad ko sa nagliliwanag niyang ngiti. “Pwede ba, Noel. Ang aga-aga pa, huwag kong sirain ang umaga ko.”Mahina siyang natawa, sabay nakangusong lumapit sa akin. “Ako kaya ang pinaka magandang bungad sa umaga mo, senyora ko. Anong ginagawa mo?”Dumungaw siya sa niluluto ko at halos mahigit ko ang aking paghinga, dahil ilang dipa nalang ay mahahalikan na naman niya ako. Napaiwas ako ng

  • Thorns of the Past (Playful Fate Series #1)   Chapter 4

    𝘗𝘭𝘢𝘯Siya ang unang nakapasok sa kusina, habang ako ay nakasunod lamang at nasa likuran niya. Ewan ko bakit ba ako sumama sa kaniya, hindi naman ako sumasabay sa mga trabahador. Hindi sa ayoko, pero iba kasi ang pagkain nila, sa pagkain namin ni Lolo. Iba rin ang lugar kung saan sila kumakain. Porket alam ng mga kasamahan niyang magpapakasal kami ay hindi sila nagtaka na wala ito ngayon at kasama nilang kumakain? “Manang, ano pong ulam?” sambit niya, inakbayan si Manang. Walang galang talaga ang isang ito. Tinuro naman ni Manang ang mga nakatakip. “Ito kaldereta at sinigang.”Si Noel kinalimutan atang kasama niya ako at bunuksan ang mga kaldero, inilapit pa ang mukha at napapikit. Masarap siguro? Mukhang napansin ako ni Manang at nanlaki ang matang tumingin sa akin. “Oh ikaw pala senyorita. Ano pong ginagawa niyo rito?”Sasagot na sana ako, kaso inunahan ako ng lalaki. “Sabay kaming kakain, nang.” ngingiti niyang sabi. Kumunot ang noo ni Manang sa narinig. Kahit ako nagtatak

  • Thorns of the Past (Playful Fate Series #1)   Chapter 3

    𝘍𝘪𝘯𝘥Mabilis akong umalis nang malaman ko ang desisyon ni Lolo. Hindi ko alam ang pumasok sa isip niya at uyon pa talag ang naging desisyon niya. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko at ang buong kalamnan ko ay nararamdaman ko ang pangangatog. Wala ang isip ko sa nilalakaran at hinahayaan ko nalabg ang mga paa na dalhin ako sa kung saan man nito nais. At nakita ko nalang ang sarili kong nasa veranda ng mansyon. Pinikit ko ang aking mata at dinama ang simoy ng hangin, nililipad na ang buhok ko, pati ang bestida kong mahaba ay napapaangat, ngunit hindi ko inalintana, gusto ko lang huminga nang malalim at makapag-isip. “Bakit ba ayaw mong magpakasal sa akin? Gwapo naman ako, hindi ka na lugi,” narinig ko mula sa aking likuran ang hardinero—si Noel. Inayos ko ang sarili at binigyan siya ng matalim na tingin. “Pwede ba, siraulo lang ang magpapakasal dahil aksidenteng nahalikan. Hindi ko alam bakit pinapalaki iyon, aksidente lang ang nangyari!” galit kong saad sa kan’ya. Tatawa-tawa n

  • Thorns of the Past (Playful Fate Series #1)   Chapter 2

    𝘔𝘢𝘳𝘳𝘪𝘢𝘨𝘦“Handa ka bang panindigan ang ginawa mo?” nagulat ako sa biglang tanong ni Lolo. Andito kami ngayon sa loob ng silid-aklatan at nakaupo sa mahabang sofa, habang si Lolo naman ay nakaupo sa sofa na nasa gilid habang nasa likuran niya ang lawyer niya. Hindi ko alam bakit ba sinasabi ni Lolo iyan. Akala ba niya ito ang unang beses na mahalikan ako at umaasta siyang buntis ako ngayon na kailangan panindigan?“Lo, ano bang sinasabi niyo? Anong paninindigan? Bakit naman kailangan niya akong panindigan?” alma ko sa kan’ya. Nanlilisik ang mga matang tumitig sa akin si Lolo, “Pwede ba, Frederica! Hindi pwedeng hayaan ko lang na may lalaking humalik sa iyo, baka malaman pa ng mga kakilala ko at akalain nilang pinapabayaan ko ang mga apo ko!”Napahawak ako sa aking sentido, dahil sa mahaba niyang sinabi. Minsan talaga ay nakakalimutan kong over protective siya sa amin. “Lo, hindi naman ito ang unang halik ko. Hayaan niyo na.” napatingin silang lahat sa akin at napahawak nalan

  • Thorns of the Past (Playful Fate Series #1)   Chapter 1

    𝘒𝘪𝘴𝘴 “Manang, hindi pa ho ba kumukulo ang takure?” tanong ko kay Manang Wilma, isa sa mga pinagkakatiwalaan naming kasambahay. Nagluluto kasi ako kaya’t sa isang kalan ay nakasalang ang takure, para sa mainit na tubig at nang makapagtimpla ng kape ni Lolo. Ako ang nag-aasikaso ng agahan namin, dahil ayaw niyang gumagawa ako ng gawaing bahay. Ito nalang ang magagawa ko para naman hindi ako biglaang ma-stroke. Habang hinahalo ang niluluto ay nakita ko sa gilid ng aking mata si Manang na binuksan ang takip ng takure—-hindi na kasi gumagawa ng matinis na ingay dahil sa katandaan, tapos ayaw pa ni Lolo bumili ng bago, dahil noon pa mang nabubuhay si Lola ay ito na ang gamit. Lumingon sa akin si Manang. “Opo, senyora. Tawagin ko na po ba ang senyor?” Tango na lamang ang naging sagot ko kay Manang, dahil tumalikod din ako upang kumuha ng sandok at mangkok. “Napaka sarap mo talagang magluto, Frederica,” halos mapangiwi ako nang banggitin ni Lolo ng buo ang ngalan ko. May palay

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status