Share

Chapter 5

I watched him for that whole week kahit pa sa sumunod na araw ay gano’n ang ginawa ko. Kailangan kong makumpirma na hindi lang basta happy crush itong nararamdaman ko. We’re both single so pursuing him won’t be bad. If he rejects me edi rejected. I don’t care if I do the first move hindi ko naman s’ya liligawan. Sasabihin ko lang na gusto ko s’ya para no regrets sa future tense.

“You forgot to sign this one sir.” One of the employee na nagpapapirma. Yumuko pa s’ya lalo para ma-expose ang cleavage n’ya.

Nakita n’ya na rin ang akin! Buo pa! Pasimple kong kinagat ang gilid na laman ng pisngi ko dahil sa naisip. Napakahalay!

“Arnellé!”

Lumapit ako sa pwesto n’ya nang marinig s’ya. I still can remember how I survive my panic attack last time sa loob ng elevator. Muntik na ‘kong mahimatay kaya kailangan kong masabi ‘to sa kan’ya. I don’t why my body always react like this. Kapag may tinatago akong isang bagay sa isang tao ay lagi akong sinusumpong ng panic attack.

“You’re spacing out. Even last week.” Tumingin lang ako sa gwapo niyang mukha.

“May bagong issue ang company ninyo.”

“Last week pa! Bakit ngayon mo lang sinabi?” Tumingin ako sa screen ng laptop n’ya, umaasa na may picture or kahit ano ro’n. There’s a pictures of a man and a woman kissing each other.

“Lagi kang wala sa sarili. How am I supposed to talk with you being in that state.” Hindi ko s’ya binigyan ng pansin. I need to get my grip back. Hindi ako pumasok sa lugar na ‘to para landiin s’ya I am here for his connection na makakatulong sa businesses namin.

“Dating Issue. Your soloists is spotted kissing a male idol in public.” Nagpantig ang tenga ko dahil do’n. Parang alam ko na kung paano ilalabas ang sama ng loob ko dahil sa ilang beses ko nang nakikita na pinagnanasahan s’ya.

“Bakit ba kasi issue ‘to? Pareho silang single kaya walang masama do’n.” Bumalik ako sa sofa kung saan nakalagay ang bag ko para kumuha ng tubig. I don’t drink the water here in his company.

“I already cleared the issue. I hired someone who can make trolls account para gawing positive ang dating issue nila since masyadong obsessed ang mga fan nang lalaki.” He loosened up his necktie at naglakad palapit sa pwesto ko.

“Nakikita kita.” Nakatingin lang ako sa kaniya’t iniisip ang hidden meaning sa mga salitang ‘yon.

“Nakikita ko kung paano umikot ang mga mata mo everytime a girl tried to flirt with me.” Nakangisi s’ya na akala mo ay may nagawang tama.

Hindi ko s’ya kinibo. Para akong girlfriend na inaamo ng boyfriend n’ya. Masyado naman ata akong feelers. Yumuko ako dahil sa naramdamang hiya.

“You didn’t cook our lunch?” Umiling ako. Tinupad ko ang hiling n’ya. I always bring our lunch.

Napabuntong hininga s’ya. Bumalik s’yasa table n’ya para suotin ulit ang coat. Inayos n’ya ang necktie n’ya.

“Let’s eat outside.”

I followed him. Halos magpalamun ako sa kahihiyan dahil sa pwesto namin. Simula kanina paglabas namin sa office n’ya ay nakapulupot na ang braso n’ya sa bewang ko. Pinilit ko pang alisin ‘yon pero lalo lang niyang hinihigpitan. I know that workers here know me as his girlfriend pero iba pa rin sa pakiramdam ang mga titig nila.

“Tanggalin mo na.” Kanina ko pa s’ya pinipilit pero ayaw n’ya talaga. Wala na rin naman nang dahilan para lumingkis s’ya nasa loob na kami ng kotse.

Imbes na sumagot ay mas lalo lang n’ya akong hinigit. Isiniksik pa n’ya ako lalo palapit sa kaniya. A small chuckle escaped from his mouth.

“Chicken Alfredo. 2 servings. For drinks… we’ll have citrus ice tea.” The waiter take our order and leave.

Hindi ako umimik. I had no plan to talk to him about this certain topic pero I think it’s already been two months and wala pa rin siyang ginagawa.

“Why are you letting people believe na girlfriend mo ‘ko?” Ngumti lang s’ya at umiling.

“Why are you not correcting them either?” Bakas sa tuno nito ang pagiging sarcastic. Oo nga naman bakit na hindi ko ginagawa.

I was about to speak to him again nang may maaninag ang mga mata ko. I saw my ex boyfriend waving his in my direction. I wave back. Naglakad s’ya palapit sa ‘kin wearing his brightest smile just same the old days.

“Ellé”

“Ivan!” Tumayo ako at ambang yayakapin s’ya pero hindi ‘yon natuloy. Isang braso ang humila sa bewang ko dahilan para mapasandal ako sa kaniya. It’s Tezlan!

“Seems like we got a possessive man here Ellé,” sabi n’ya sabay turo sa lalaking nasa tabi ko na kanina pa nakabusangot.

Sandali lang s’ya sa pwesto namin. He’s also in a date pala.

“You’re mean Mr. De Burcá.” Gusto ni Ivan na makipagkamay sa kaniya kanina pero ang ginawa n’ya at pag-irap lang.

“Who’s that?” he asked. Bumalik na kami sa kan’ya-kan’ya namin na upuan.

“Sinabi ko na kanina. Ex boyfriend ko s’ya.” I eat the food na kanina pa nilagay ng waiter.

“Kailan pa? I know that man, he’s 4 years younger than me. Ivan Dela Vega. So kailan pa naging kayo huh?!” Tuloy-tuloy lang s’ya sa kakasalita at ako naman ay tuloy-tuloy lang din sa kakanguya.

“Villearen answer me!” mahina ngunit may diin niyang saad.

“High school. During Junior High.” I sip in my juice. Masarap. In fairness he knows how to pick a food.

“How old are you that time? Junior high? Your age is in between of 13 to 16 for goodness sake.” Napahilot pa ito sa sintido n’ya na para bang ang laking sakit sa ulo na may boyfriend ako at the young age.

“13. I’m 13. Pero nagbreak din kami same year. I think our relationship only lasted for 4 months?” saad ko sa hindi siguradong tono.

“You flirt at a very young age. First year, and he’s 17 during that time.” I saw how his jaw clenched. Inisang inuman n’ya nga lang ‘yong ice tea n’ya.

“Grade 8 ako to correct you. Also ano naman? Kung trip ko lumandi sa school lalandi ako.” His eyes darkened more.

“You go to school to learn not to fucking date.” Eh wala nga akong naiintindihan ‘yan sana ang gusto kong sabihin sa kan’ya but I just choose to silent my mouth.

Umalis kami sa restaurant na ‘yon na hindi n’ya ginalaw ang pagkain n’ya. Sige pagutom kang gago ka! Kahit sa loob ng kotse ay ang init ng ulo n’ya. Mabuti na nga lang ay hindi n’ya sininghalan ang mga tauhan n’ya pagkarating namin sa loob ng company n’ya.

I know what he did. Feeling ko nagseselos s’ya. Feeling ko lang kasi why not ‘di ba?

“Are you reminiscing your memories with him?” tanong n’ya gamit ang sarkastikong tono.

Only if you know why I am smiling.

“Hindi ka kumain.” I tried to divert the topic. “May mga snack sa pantry. Want me to get one?” I tried to sound cute as much as I can. Lumabas ako kaagad nang makita ang pagtango n’ya. Iniwan ko lang s’ya na nakaupo sa swivel chair at nakapangalumbaba.

A bread will do and maybe a water. Water na lang para healthy. Hindi ako kaagad naka alis dahil sa narinig kong mga usapan.

“Girlfriend n’ya ba ‘yon?” S’ya ‘yong babae kaninang umaga na kulang na lang idikit sa mukha ni Tezlan ang dede n’ya.

“Ang sabi sa akin girlfriend n’ya raw,” sagot naman no’ng isa. He’s a gay I already saw him kissing a man sa parking lot. Or probably a bisexual, my mistakes.

“Parang hindi naman.” Another guy tried give his voice in chismisan.

“Ay true ka d’yan. Kasi feeling ko for business lang ‘yon.” Idinikit ko lalo ang sarili ko sa pader. “Kasi si girl anak s’ya ni ano ‘yong may-ari ng kompanya na may mga P-pop group. Maraming scandal mga artist nila kaya baka you know tulungan,” dagdag na sabi nito.

So they’re talking about me.

“Established company na lahat ng business ni sir. Ano pa hihingin ni sir na kapalit. At tsaka si girl mukhang mahina ang brain cells.”

“Maganda. Sexy. Hmmm.” Sabay-sabay silang nagtinginan. Bobo ako pero hindi ako tanga. They are saying na sex ang kapalit sa tulong ni Tezlan. Eh mga siraulo pala ‘to!

Isang malakas na kalampag sa pinto ng office ang nagpabalik sa ‘kin sa reality. From a tsismosa to a fine lady in an instant.

“You guys are done?” It’s calm yet a dangerous type of voice. Nasa gilid pa rin ako ng pader kaya hindi nila ako nakikita. I don’t know how he managed to get here. Baka sinundan n’ya ‘ko from 13th to 12th floor or napadaan lang s’ya.

“We’re just having a little chit chat Sir,” one of the employee answered him. Sumilip ako bahagya at do’n ko nakita ang mga mukha nila na sobrang putla. Deserve!

Hinila n’ya ‘ko paalis do’n. Ni hindi ko na nakuha ‘yong coffee and bread n’ya.

“Grabe naman ang mga tauhan mo masyadong kinareer ang pagiging journalists.” Tiningala ko s’ya pagkapasok namin sa elevator. Nakakunot naman ang noo. ‘Pag ikaw nagka-wrinkles lang.

Hindi n’ya ‘ko pinansin hanggang makarating kami sa office n’ya. Pabagsak siyang umupo sa couch at sumandal do’n.

“Mister?”

“Don’t listen to those people. They don’t know anything.”

“Kaya nga sila nag-iisip nang gano’n dahil wala silang alam.”

“What do you want me to do then.” He raised an eyebrow. “Do an announcement na hindi kita pag-aari para maligawan ka nila.” Napanganga ako dahil sa sinabi niya.

“Ano?”

“How many boyfriends do you have? Before!” Pinakita ko sa kan’ya ang daliri ko na nakasarado ang index finger at thumb. Mahina siyang napamura at hinilamos ang mga palad sa mukha.

“Bakit ba stress na stress ka? Stop acting like you never kissed a woman back when you were a high school.” Umupo ako sa tabi n’ya. I tried to fix my makeup pero hindi ko na ‘yon nagawa dahil naramdaman ko ang titig n’ya.

“You do what?” tanong n’ya. Hinawakan pa niya ang panga ko para iharap sa kaniya.

“I kissed someone?” He give me a very disturbing look. “During grade 11,” dagdag ko pa.

“Nakikipag-laplapan ka. Menor de edad ka pa lang.”

I was supposed to speak but he cut me off.

“Je m’en fiche.” Je what? Is he saying ‘I love you’? Je rin simula no’n.

Nakaramdam ako. Nakakahiya nga palang tingnan.

“You’re mad?” I asked him. I saw how his eyes that full of anger change into something soft.

“Not to you.” Tiningnan ko s’ya. His hand is now resting on a table. “Those men. Malapit na sila sa hustong gulang. Paano kung sumubra sa halik ang nagawa n’ya?” Hindi ako umimik dahil totoo ‘yon.

“Hindi dapat kayo pumapasok sa relasyon na ‘yong isa ay nasa stage na na nakakaramdam ng libog.” Kinuha n’ya ang kamay ko na kanina pa nakapatong sa mga hita ko.

We are having a staring competition nang biglang bumukas ang sliding door. Iniluwa no’n ang isang babae na pwedeng sumabak sa Victoria Secret sa sobrang ganda at sexy.

“Rome!” she exclaimed. Gano’n na lang ang gulat ko nang lumapit ang babae sa pwesto namin dahilan para mapabitaw ako. Tuloy-tuloy lang s’ya na para bang hindi ako nakita. I almost scoff when she sit in his lap.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status