Share

Chapter 11

Nang marating ko ang kumpanya ni Thauce ay napansin ko ang ilang mga empleyado na napapatingin sa akin. Mahigpit ang kapit ko sa strap ng aking bag at sa puting folder na hawak ko. Mukha ba akong mag-a-apply ng trabaho dahil sa tingin nila?

Nang sumakay ako ng elevator ay ilang beses akong huminga ng malalim. Kabado ako, nanlalamig ang aking mga kamay at papikit-pikit ang aking mga mata.

Muling bumukas ang elevator at may pumasok na mga empleyado. Nasa pinakataas ang opisina ni Thauce ilang floor pa ang iaakyat. Tahimik ako na nasa likod sa may sulok habang nag-uusap ang mga empleyado sa harapan ko.

Maaayos ang damit, plantsadong-plantsado. Sa tingin ko rin ay mga kaedaran ko lang sila. Siguro kung nakapag-aral ako at nakapagtapos ng kolehiyo ay baka nasa isang kumpanya na rin ako at may maayos na trabaho.

Pero ang lupit ng buhay talaga. Kung kailan umaayos na kami ni Seya ay saka kami bibigyan ng ganito katindi na problema. Napapikit ang aking mga mata at sumandal ako sa dingding ng
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status