“Habulin ninyo!”
“Aish!”
Nagising ako dahil sa ingay na naririnig ko mula sa mga taong nag tatakbuhan. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mata. Napakurap-kurap pa ako para alamin kung panaginip ba ito o hindi.
A-Anong ginagawa ko dito? Kanina lang nasa likod ako ng school, ah?
Pinilit kong alalahanin ang nangyari kanina pero sumakit lang ang ulo ko kaya itinigil ko na lang.
Tumayo ako mula sa pagkakahiga at inilibot ang paningin sa paligid.
Hindi ko alam kung paano ko ba ito ilalarawan.Nakakapanlambot...
Napakagulo...
Napakaingay...
Ang daming usok na nagmumula sa mga pabrica.
Ang daming mga pulubi na nagkalat lamang sa tabi, umiiyak, nanlilimos at halos ang iba ay namimilipit na sa sakit.
Parang piniga ang puso ko dahil sa nakikita.
Am I dreaming?
Dahil kung oo ay gusto ko nang magising sa bangungot na ito. Hindi ko alam kung bakit ito nangyayari. Kahapon ay maayos pa naman ang lahat pero bakit ganito ang nangyari ngayon?
Mga puno, halaman at ekwelahan ay wala na sa aking kinatatayuan ngayon.
Napahilamos ako sa aking mukha.
A-Ano ba talagang nangyari?
Nanggilid ang aking luha habang pinagmamasdan ang paligid. Tumingin ako sa itaas para pigilan ang pagbabadya nito. Pero kahit anong gawin ko ay mas lalo lang lumalala. Pinunasan ko agad nang maglandas ito sa aking pisngi.
Ngayon ko lang napagtanto na ang kinakatayuan ko pala ngayon ay ang lugar kung saan mismo ako natulog.
Maglalakad na sana ako paalis nang may humatak sa laylayan ng aking damit.
“Ate... P-Palimos po.” pakurap-kurap na ani nito. Palagay ko ay babagsak ito nang wala sa oras kaya kinarga ko ito sa aking likuran.
Sobrang gaan niya...
Nang makarga ko ito ay binilisan ko ang aking paglalakad at naghanap ng tindahan na malapit sa pwesto namin.
“Tumabi kayo!” sigaw ko sa mga nakaharang sa dinadaan ko.
Ngunit walang tumabi. Para bang hindi nila narinig ang sinabi ko. Wala akong naging choice kun‘di hawiin ang mga nakahara sa daan ko. Hindi ba nila nakikita na may karga akong bata? Tss.
Inilibot ko ang paningin ko sa paligid, agad nagawi ang paningin ko sa isang tindahan.
“Ate may kanin at ulam po kayo diyan?”
“Mayroon, bakit, may pambayad ka ba? Ha?” nagtaka naman ako sa inasal nito.
Kinapa ko muna ang aking bulsa kung mayroon ba akong pera, mabuti na lang at mayroon akong singkwenta.
Pambili ko pa yata ito ng sigarilyo. Aish.
Napatingin ako sa suot ko at ngayon ko lang napagtanto na naka-uniporme pala ako ngayon. Tinignan ko naman ang relo ko.
Awitness, I'm late!
Pero wait, kung dito nakatayo ang paaralan namin, ibigsabihin ay nandito lang iyon. Pero bakit kahit anong gawin kong paglinga sa paligid ay hindi ko iyon makita? Ano ba talagang nangyayari?
Napatingin ako sa bata kaya ibinili ko na ito ng pagkain.
“Ate, ito po ang bayad.” inabot nito sa akin ang ulam at kanin na binili ko, binigay ko naman agad ito sa Bata. Hinang-hina niya itong tinanggap.
“S-s-salam-m-mat p-po.” tipid na nginitian ko lang Bata.
Hinarap ko ang tindera para mag tanong. Pakiramdam ko kasi ay may mali.
“Ate, ano po bang date na ngayon?” tanong ko habang ang paningin ay nasa paligid. Agad ko din ibininalik ang paningin dahil hindi ko kayang pagmasdan ang nakikita.
“Wala ba kayong kalendaryo sa bahay ha iha?” umiling ako kahit mayroon naman.
“January 15' 2050 na ngayon.” anito bago ako tinalikuran.
Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa narinig.
A-Ano d-daw? 2-2050?
H-Hindi m-maaari!
—
Twelixs POVApat na linggo na ang nakaraan matapos sagutin ko siya. At ngayon ay nasa party kami ng isa naming friend. Bale puro kami² lang ang nandito at walang nga parents namin. Si Mom and Dad naman ay busy sa work as always. Ang ibang parents nila naman ay may sarili nilang party. Request kasi ito ni Dave na walang parents dito. Kaya ayon.Debut ngayon ni Dave at lahat ng kaibigan niya ay naririto at kabilang na kami doon. May sarili silang resort kaya dito nila naisip na gawin ang party niya. Kakarating lang nina Psyleb with her girlfriend na si Alice. Nagulat nga ako no'ng tumawag si Alice sa akin at ikinuwento na sila na raw. I didn't expect lang. Naging close rin kami ni Alice after no'ng dance namin sa PE. Like, parang naging mag besty na kami though nasa adjusting stage pa rin ako.Binati kaagad namin sila ni Avi nang makalapit“Good evening.”“Kanina pa kayo?” Tanong ni Psyleb sa amin. Tumango naman kami. Saktong-sakto nang dumating sina Psyleb ay nagsimula na ang party.
Tumigil kami sa isang restaurant sa gitna ng kagubatan. Grabe, first date tapos dito? Balak niya bang mamatay ako sa takot? Tanging mga dim lights lang na nakasabit sa mga puno ang nagsisilbi naming ilaw habang naglalakad sa hagdan hagdan pataas. “H‘wag kang matakot. Andito naman ako, e.” Natatawang ani nito. “Kapag talaga may aso na sumulpot ipapain kita.” “H‚wag. Mawawalan ka ng poging manliligaw, sige ka.” inirapan ko lang ito. Nang makarating kami sa restaurant ay nawala ang kaba ko. Hindi naman pala sobrang nakakatakot. ‘yong daan lang talaga ang panira. HAHAHAH Inilibot ko ang paningin sa lugar at sobrang namangha ako sa ganda. Ang daming halaman at ang gaganda ng rin ng mga upuan at paintings. Napaka-sinauna ng datingan. Napatigil ako sa pagmamasid nang biglang magsalita si Waviel. “Pwede ko bang hawakan ang kamay mo?” Hindi ko alam pero kinilig ako sa tanong niyang iyon. Psh. Samantala kanina, walang paalam niya akong hinila, ah. “Go lang.” Ngumiti lang ito kaya naiiwas
“Hindi ko rin alam kung bakit. Basta ang alam ko, hindi ka talaga galing sa ibang bansa kun‘di napunta ka sa taong 2050.”Alas singko nang matapos kami mag-practice kaya bago siya umuwi ay dinala ko muna siya sa rooftop para makausap. Hindi ako papayag nahindi maging malinaw ang lahat.Nauna akong umupo sa upuan na naroroon ay ibinaba ang hawak na sa snacks. Sumunod rin naman ito at naupo sa tabi ko.“Paano mo nakilala si Miel?” panimulang tanong ko. Napailing lang ito.“Hindi ko alam. Basta ang alam ko lang ay unti-unting lumalabas ang ilang alaala niya. At ang iba ay napanaginipan ko. Akala ko nga nababaliw na ako, e. Haha.” natatawang ani nito. “Ang huling alaala niya na naalala ko ay ‘yong nasa likod ka ng lumang building. No‘ng niyakap ka niya.”What? Pati &lsq
Matapos ang isang subject ay pinauwi na rin agad kami. Hinintay kong makalabas ng room si Waviel bago ko ito sinabayan sa paglalakad. Napansin ko naman kaagad ang pagkunot ng noo nito. “What do you want from me?” masungit na ani nito. Nakalimutan na ba niya na may sayaw pa kaming dapat tapusin or he's just acting that he cannot remember. Psh. “Hindi mo pa rin ba ako ka-kausapin ng ayos, ha?” Napatigil ito sa paglalakad at hinarap ako. “Ano pa bang tingin mo sa ginagawa ko? Hindi ba‘t kinakausap na kita?” napairap ako nang wala sa oras. Sadya bang ganito talaga ang ugali niya? Napaka-tigas ng ulo! “Malapit na ang dance contest. Ano nang plano mo? Ayaw mo na bang maging partner ako? Sabihin mo lang para maka-hanap ako ng iba.” nanatili lang itong tahimik. Dahil sa inis ay nagpatuloy na lang ako sa paglalakad. “Okay, let's go. Let's do it.” Napangiti ako nang palihim bago hinarap ito. “Madali ka pa lang kausap, e. Tara na. Saan tayo nagpa-practice?” giliw kong tanong. “I mean, le
Twelixs POV Nang matapos ang klase ay naunang lumbas si Waviel. Gusto ko sana itong sundan kaso naalala kong ayaw nitong kausapin ko s’ya kapag nasa school kami. Nirespeto ko na lang ang kagustuhan n’ya at bumalik sa upuan ko para ayusin ang gamit ko. Nasa kalagitnaan ako ng pagpapasok ng mga gamit nang biglang sinipa ng isang kaklase ko ang basurahan kaya napatingin kami doon. Nakayuko ito habang hawak-hawak ang cellphone. What’s wrong with him? Maya-maya lang ay humikbi ito na ikinagulat namin. Napatingin ako sa Id nitong nakalapag sa sahig. Nilimot ko iyon at binasa ang pangalan n’ya. Jonas Villamiel. Nilapag ko sa mesa ng upuan n’ya ang ID n’ya at kinausap ito. “J-Jonas… what’s wrong?” takang tanong ko. Ang ilang lalaki sa classroom ay nilapitan rin si Jonas at tinapik ang balikat. “My girlfriend… S-She broke up with me,” sagot nito na nakapagpatigil sa amin. Hindi ako nakasagot. I don’t know that he had a girlfriend. Kinompronta s’ya ng mga lalaki naming kaklase at ako naman a
CHAPTER 25“Unfair…” bulong ng lalaki na hindi ko makita ang mukha habang yakap-yakap si Twelixs.“What are you talking about, Miel?”“You hugged my parents but you didn’t hug me? Unfair. That’s why I’m doing this to you.” Tinapik ni Twelixs ang balikat ng lalaki dahil nahihirapan itong huminga.“Y-Yah! Are you trying to kill me?” mahinang tanong ni Twelixs sa kausap. Agad naman itong napabitaw.“Sorry.” Naiilang na ani no’ng lalaki.Naupo si Twelixs sa punong nakahiga at sinenyasan si Miel na maupo din. Natawa si Twelixs ng mahina bago nito tinitigan ang lalaki kasi nakayuko ito.“Yah, what’s wrong with you? Do you like me?” pabirong ani ni Twelixs.“Yes. I know that it’s not right but, I cannot control my feelings. I like you, Twelixs.”“Thank you for liking me, Miel. I&