Share

Kabanata 4

Twelixs POV

'Mag nanakaw!'

'Habulin niyoo!'

Nagising ako nang makarinig ako ng ingay mula sa mga taong nag tatakbuhan. Ano bang nangyayari? Bakit kailangan nilang tumakbo? Tss

Saglit akong nagtaka sa kinatatayuan ko ngayon. Ilang beses pa akong pumikit at sinampal ang sarili pero nandito pa rin ako.

Teka? A-ano bang ginagawa ko dito? Kanina lang nasa likod ako ng school ah?

T-tsaka ano bang klaseng lugar ito?'

Tumayo ako mula sa pagkakahiga at inilibot ang paningin sa paligid.

Hindi ko alam kung paano ko ba ito ilalarawan.

Nakakapanlambot.

Ibang iba na nakasanayan nating lahat.

Napakagulo...

Napakaingay...

Ang daming usok na galing sa mga pabrica.

Ang daming mga pulubi na nagkalat lang sa tabi, umiiyak, nanlilimos at halos ang iba ay namamatay na sa sakit.

Parang piniga ang puso ko dahil sa nakikita.

'

Am I dreaming?' dahil kung oo ay gusto ko nang magising sa bangungot na ito. Hindi ko alam kung bakit ito nangyayari, kahapon ay maayos pa naman ang lahat pero bakit ganito ang nangyari?

Wala na din ang mga puno sa aking kinatatayuan ngayon. Napahilamos ako sa aking mukha.

A-Ano bang nangyari?

Nanghilid bigla ang aking luha habang napapatingin sa paligid. Tumingin pa ako sa itaas para pigilan ang pagbabadya nito. Pero kahit anong gawin ko ay mas lalo lang lumalala. Pinunasan ko naman agad nang maglandas ito sa aking pisngi.

Ngayon ko lang napagtanto na ang kinakatayuan ko pala ngayon ay ang lugar kung saan mismo ako natulog.

Wala na ang school na nakatayo noon dito, puro mga pabrica nalang at mga building ang aking nakikita.

W-What the hell?

Maglalakad na sana ako paalis nang may humatak sa laylayan ng aking damit.

“Ate.. p-palimos po.” pakurap kurap na sabi nito. Palagay ko ay babagsak ito ng wala sa oras kaya kinarga ko ito sa aking likuran.

Sobrang gaan niya...

Nang makarga ko ito ay binilisan ko ang aking paglalakad at naghanap ng tindahan na malapit sa pwesto namin.

“Tumabi kayo!” sigaw ko sa mga nakaharang sa dinadaan ko.

But they just act like they didn't hear me, so I have no choice kundi hawiin ang mga nakahara sa daan ko gamit ang dalawang kamay ko. Hindi ba nila nakikita na may karga akong bata? Hindi man lang ba sila naawa?

Inilibot ko ang paningin ko sa paligid, agad nagawi ang paningin ko sa isang tindahan.

“Ate, may kanin at ulam po kayo diyan?”

“Mayroon, may pambayad ka ba? Ha?”- nagtaka naman ako sa inasal nito.

Kinapa ko muna ang aking bulsa kung mayroon ba akong pera, mabuti na lang at mayroon akong singkwenta.

Panload ko pa yata ito.

Napatingin ako sa suot ko at ngayon ko lang napagtanto na naka uniporme pala ako ngayon. Tinignan ko naman ang relo ko.

Awitness, I'm late!

Pero wait, kung dito nakatayo ang paaralan namin ibigsabihin ay nandito lang iyon pero bakit kahit anong gawin kong paglinga ay hindi ko makita? Ano ba talagang nangyayari?

Napatingin ako sa bata kaya ibinili ko na ito ng pagkain.

“Ate, eto po ang bayad.” inabot nito sakin ang ulam at kanin na binili ko, binigay ko naman agad ito sa Bata. Hinang hina niya itong tinanggap.

“S-S-Salamat p-po.” tipid na nginitian ko lang Bata.

Hinarap ko ang tindera para mag tanong. Pakiramdam ko kasi ay may mali.

“Ate, ano po bang year na ngayon?” Tanong ko habang ang paningin ay nasa paligid. Agad ko din ibininalik ang paningin ko dahil hindi ko kayang pagmasdan ang nakikita.

“Wala ba kayong kalendaryo sa bahay ha iha?” umiling ako kahit mayroon naman.

“2050 na ngayon.” anito bago ako tinalikuran.

Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa narinig.

A-ano d-daw? 2-2050?

H-hindi m-maaari!

Kinapa ko sa aking bulsa aking cellphone at nang makuha ito ay tiningnan ko kung totoo nga ba ang sinasabi ng tinder ang kaharap ko.

Nanginginig ang kamay ko habang hawak hawak ito. Hindi siya nagkakamali. 2050 nga ngayon.

What the fvck.

Kailangan kong makaalis dito.

Lumapit ako sa bata at naupo sa harap nito. “Maiwan muna kita, ha, may gagawin lang akong importanteng bagay. Promise babalikan kita.” inayos ko ang ilang hibla ng buhok nito bago ako tumayo.

Mabibigat na hakbang ang ginawa ko bago ko tuluyang iniwan ang bata na patuloy pa din sa pagkain. Babalikan kita.

HINDI ko alam kung saan ako dadalhin ng mg paa ko, kanina pa kasi ako naglalakad na animo'y walang hanggangan ang aking nilalakaran. Hindi ako nakakaramdam ng pagod dahil ganito siguro ako kapag pursigido ako na gawin ang isang bagay. Gusto ko na bumalik. Ano bang ginagawa ko dito? Aish!

Napatigil ako sa paglalakad at nilibot ang paningin sa paligid. Nasa libingan ako ngayon. Dito pala ako dinala ng mga paa ko. Ang tanong, bakit dito? Tss

*PEEEEEEP*

Agad akong napatabi sa gilid nang may bumusinang sasakyan. Tiningnan ko naman ito, halatang mamamhalin. Ganoon na lang ang gulat ko nang maalalang pamilyar ang sasakyan na ito. Hindi ko alam kung saan ko ito huling nakita, basta ang alam ko lang ay pamilyar ito.

Pumasok ang kotse na iyon sa loob ng libingan kaya nagtaka naman ako. Susundan ko ba?

Malay ko bang may kapareho lang ng sasakyan kaya naging pamilyar sa'kin.

Hindi, iba ang kutob ko dito.

Dahan-dahan akong naglakad papasok ng libingan, at doon ko lang napagtanto na pati rin pala itong libingan ay halatang para sa mayayaman na tao lamang. Mayaman siguro 'yong dadalawin nila.

Napatigil ako nang matanaw ko ang mga kumpulang tao na naka-kulay puting damit. Naglakad ako palapit sa mga ito at tiningnan kung sinong ililibing. Hindi ko nakita ang mukha nito kaya sa tarpolin na lang ako tumingin para malaman kung sino ito.

Waviel Dela Merced

Birthday: July 7' 2002

Date of death:

January 5' 2050

WHAT? Tama ba ang nababasa ko? No! That's impossible! Paanong—

Kinulbit ko ang babaeng katabi ko ngayon para magtanong.

“Ano 'yon?” tanong nito sa akin habang nagpupunas ng luha. Napatitig ako dito dahil kamukhang-kamukha ito ni Waviel. Halos magkasingtanda lang kami kung hindi ako nagkakamali.

“Anong nangyari kay Waviel? Bakit siya namatay?”

“Magkakilala ba kayo ni kuya?” Napatigil ako sa tanong nito. Oo magkakilala kami pero hindi ko alam kung paano sasabihin iyon sa kanya ngayong nasa ibang taon na ako.

Umiling ako sa tanong nito. “May lung cancer si Kuya. Masyado kasi siyang naadik sa sigarilyo noong binata siya, kaya nangyari 'to.” Malungkot na sabi nito. Tinapik ko lang ang likod nito para kahit papaano ay mag iba ang pakiramdam nito. “N-nakalungkot lang kasi at bigla na lang niya kaming iniwan. N-nag p-promise pa naman siya sa'kin na d-dadalhin niya ako sa k-korea para sa p-pictorial ng d-debut ko, s-sinabi pa niya na siyang magiging b-bahala sa lahat ng kakailanganin sa birthday ko.” humihikbing anito. “P-pero wala na, eh, w-wala na s-si k-kuya, w-wala nang t-tutupad ng isa sa mga pangarap ko.”

“Tahan na, hindi ka naman niya pababayaan. Malay mo may ibigay sa sa'yong tao na tutupad ng pangarap mo diba? Na kahit hindi siya ang makatupad, makita ka lang niyang masaya sa araw na 'yon paniguradong nagsasaya din 'yon sa langit.”

“Salamat sa'yo dahil kahit papaano ay nag iba ang pakiramdam ko.” Nginitian ko lang ito bago umalis.

Nang makalayo ako ay naupo sa isang upuan para magpahinga.

Kung si Waviel ay namatay dahil sa paninigarilyo, posible din na iyon ang maging dahilan kung bakit ako mamamatay?

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status