LOGINTroy’s POVHindi ko maiwasan na mapatitig sa mga mata niyang pamilyar, kung may salamin lang sana siyang suot ngayon ay baka mapagkamalan ko na talaga siya ang babaeng matagal ko ng hindi nakikita.“Kung hindi mo gusto ang findings ko tungkol sa lagay ng anak mo ay maiintindihan ko naman, pero masisigurado ko sa’yo na pareho lang din ang sasabihin ng mga doctor pag nabasa na niya ang records ng anak mo,” maingat kong saad.Alam ko naman na masyadong mabigat ang mga salitang binitiwan ko, pero ‘yon ang totoo. Kung hindi maaagapan agad ay baka mahuli ang lahat, sinabi ko na agad para makapaghanda siya. Hindi lang naman emosyon ang kailangan niyang paghandaan kundi pera rin, hindi simpleng gastos ang operasyon na kinakailangan ng anak niya.Nakita ko siyang nag-aalangan na sumagot, ang mata niyang hindi ko mapigilan na titigan ay nakatitig sa cellphone ko. Doon ko lang napagtanto na may tumatawag pala sa akin, bago pa ako muling makapagsalita ay nagmamadali na niyang hinawakan ang kamay
Blurb:Venice Wesley is now Venice Ybanez. The college nerd who had a secret affair with campus heartthrob Troy Luis. She ended it when she found out he only dated her on a dare. What Troy didn’t know was that she was pregnant. She cut him off completely. New name. New life. No contact. But destiny isn’t done with them yet. Now, her son’s illness keeps getting worse. One hospital after another. Until they’re admitted under a new doctor — Troy Luis. The man she walked away from. The father of the child he doesn’t know exists.KABANATA 1Venice’s POV“Ms. Ybanez, the former doctor of your son is busy with his other clients. But he makes sure that your son will be catered by our new doctor,” sambit ng nurse na sumalubong sa akin.“Bagong doctor po, pero paano po yung mga dating information ng anak ko? Mas kabisado na ni doc ang medical information niya,” nag-aalala kong tanong, kung bagong doctor na naman ay baka bumalik kami mula sa umpisa.Ngumiti ng marahan ang nurse sa tabi ko at
Aleron’s POV“Riley!” Nauubusan kong pasensya, ang sabi ko gusto ko ng kapatid na babae pero kung s’werte nga naman akong manalangin ay kapatid na lalaki ang binigay sa akin. Hindi lang ‘yon dahil mukhang mas matigas pa ang ulo kaysa kay daddy, kumpara sa aming dalawa ay mas gusto niyang siya ang nasusunod.“Hayaan mo na, binabantayan naman siya ng daddy mo. Tapusin mo na muna ‘yang ginagawa mo,” sambit ni mama at hinaplos ang buhok ko na medyo kulot, baka pag nagtagal ay mamuti na rin sa kakulitan ni Riley.Tumango na lang ako at inasikaso ang ginagawa ko, mahirap maging college student. Sobrang busy at nawawalan na rin ako ng oras para sa kapatid ko, pero onting tiis na lang din ay mag g-graduate na ako. Sana lang, matapos ko nga bago ako ang matapos.“Uncle Troy,” tawag ko ng makita ko ang stress niyang mukha. “Bakit parang problemadong-problemado ka naman yata?” Natatawa kong saad.Parang kailan lang ng kasal nila mommy at daddy, mga panahon na siguradong-sigurado siya na hindi si
Aleron’s POV“Kiss, kiss, kiss!” Sigaw ng mga nasa paligid habang nasa harapan ng altar si mommy Myla at Daddy Raven, hindi ko naman mapigilan ang sarili ko na mapahagikgik sa tuwa. Hindi lang ako ang masaya para sa kanilang dalawa, lahat ng tao sa loob ng simbahan ay masaya.“Kiss, kiss!” Ang maliit kong boses ay humalo sa pang-aasar nila uncle Troy na nasa gilid lang ni Daddy Raven, mula sa kinauupuan ko ay nakita kong sumenyas ang receptionist na pumunta na ako sa dulo ng red carpet. Mabilis akong sumunod at agad na inabot sa akin ang isang box na may kamang dalawang jade na singsing, kinakabahan ko ‘yon na tinanggap.“Lakad ka lang papunta kila mommy at daddy mo, iabot mo sa kanila ang singsing na magiging tanda ng kasal at pag-iisang dibdib nila sa harap ng altar,” malambing na sambit ng babae sa akin.Oh…Ako nga pala ang maghahatid ng singsing nilang dalawa, ang patunay na magiging isang buong pamilya na kami. Hindi lang sa akin, kundi sa mata ng simbahan, mga bisita, at higit
Raven’s POV“We send Rachel abroad, that is all I can do. She’s still my daughter, no matter what happened… I can’t send her to jail,” sambit ni papa habang nasa office niya kami pagkatapos ng dinner.Napabuntonghininga naman ako, wala naman akong magagawa kung ‘yon ang desisyon niya. Alam ko rin na nakausap na niya si lolo, at kung tapos na ang usapan ay hindi na ako makakatutol doon. Isa pa, nasa abroad na ang pinaguusapan namin.“May magagawa pa ba ako? Nilayo ninyo na siya sa akin, wala na akong magagawa sa desisyon ninyo. Pero sana, hindi na siya makalapit sa pamilyang binubuo ko, baka makalimutan kong kapatid ko siya,” sambit ko at tumingin ng diretso kay papa. “Alam mo ang pakiramdam ng mawalan ng mahal sa buhay, kaya sana maintindihan mo ako sa bagay na ‘to, papa.Tinignan ako ng diretso ni papa sa mata, ngunit wala siyang pagtutol. Sa halip ay isang tango ang sinasagot niya sa mga sinabi ko bago muling magsalita.“Gano’n mo ba talaga siya kamahal?” Tanong niya, marahan ang to
Myla’s POV“Sigurado ka bang ayos lang sa kanila na ikaw ang mapapangasawa ng lalaking ‘yon? Aba’y napakalaki ng bahay na ‘to, habang ang atin ay parang bahay lang ng guard nila…” Nag-aalangan na sambit ni mama, mahigpit ang kapit niya sa braso ko pagkababa niya sa kotse ni Raven.“Mama,” bulong ko sa kaniya ng tumingin sa amin si Raven, hindi ko alam kung naririnig niya ang mga sinasabi ni mama o hindi. “Ayos nga lang sa kanila; isa pa kaya tayo nandito ay dahil gusto nilang pumunta sa bahay natin para makausap ka. Pero napagdesisyunan na lang namin ni Raven na tayo ang pumunta rito, para na rind aw mapakilala niya ako ng maayos,” paliwanag ko at hinaplos ang braso niya.Ramdam ko ang panlalamig ng kamay niya, halata na kinakabahan siya sa maaring mangyari sa araw na ‘to. Hindi ko alam kung bakit, pero kung babalikan ko ang mga sinabi niya noon ay baka natatakot siyang mahusgahan kami.Pero malaki ang tiwala ko kay Raven, hindi niya ako dadalhin dito o ang mama ko para ilagay sa sitw
Zarina’s POVHindi ko maiwasang mapangisi habang pinapanood ko si Raven na sumimsim sa kopitang hawak niya. Ayos lang kung magalit siya sa akin o mapahiya ako ng kaunti. Ang akin lang, sa huli ay nasa akin pa rin ang huling halakhak.Kapag gumana na ang plano ko, tiyak na magiging akin na ng tuluya
Myla’s POVKabado man ay dahan-dahan kong inangat ang palad ko para tanggapin ang alok ni Raven. Unang lapat pa lang ng balat ko sa kaniya ay pakiramdam ko’y makukuryente ako. Hindi ko rin maintindihan kung bakit ganito na lang ang epekto niya sa akin. Parang…parang hindi ito ang unang beses na na
Myla’s POVHinawi ko ang mahaba at medyo kulot kong buhok. Ipinaskil ko rin ang pinakamatamis kong ngiti sa labi ko at humakbang palapit kay Mr. Coast. Binuka ko ang bibig ko para kunin ang atensyon niya ngunit nang maunahan niya ako ng tingin ay agad na umurong ang dila ko. Mabilis akong napaiwas
Myla’s POV “Keep your head high, don’t look down!” Rinig ko ang maliit na boses ni Aleron mula sa earpieace na suot ko. Nakatayo ako ngayon sa entrance ng isang engrandeng open party sa isang malawak na resort. Puno ng mga tao ang paligid at halos lahat ng mga naroon ay may suot na magagandang da







