ANMELDENZarina’s POV
Hindi ko maiwasang mapangisi habang pinapanood ko si Raven na sumimsim sa kopitang hawak niya. Ayos lang kung magalit siya sa akin o mapahiya ako ng kaunti. Ang akin lang, sa huli ay nasa akin pa rin ang huling halakhak. Kapag gumana na ang plano ko, tiyak na magiging akin na ng tuluyan si Raven. Kung may mangyari sa amin ngayon, titiyakin kong magbubunga ‘yon. Kapag nangyari ‘yon ay sisiguraduhin kong mawawala sa landas namin ang batang ‘to. Nanatili na akong tahimik. Pinapanood ko siya hanggang sa tuluyan niyang maubos ang wine sa kopita niyang hawak. Hindi na rin ako nakatiis kaya mabilis ko ring tinungga ang wine sa kopitanghawak ko. Magsisimula na ang mainit kong gabi. Ngunit ilang minuto na ang lumipas ay napansin kong walang nagbabago sa kilos ni Raven. Sa kabaliktaran ay ako ang unti-unting pinagpapawisan ng malamig. Ramdam ko na ang kakaibang init na dumadaloy sa buo kong katawan at ang kakaibang kiliti. Bumibigat na rin ang hininga ko na hindi ko mapigilan. “Ms. Zarina, may malaki po tayong problema,” bulong sa akin ni Creig habang pasimple niya akong inaalalayan. “Mukhang napagpalit po ang wine at sa iyo po napunta ang wine na dapat ay kay Mr. Coast. Nainom niyo po ang wine na may séx drugs,” ulat niya sa mas pinahinang tono. Agad akong napalingon sa kaniya habang salubong ang kilay ko. Sobrang bilis na ng tibok ng puso ko at nanginginig na rin ang mga braso at mga binti ko. “A-Anong sabi mo, ako ang n-nakainom ng wine na may séx d-drugs na dapat ay kay Raven?” Pinilit kong pakalmahin ang sarili ko ngunit ramdam ko na rin ang nagsisimulang pamamasa ng gitna ng hita ko at tanggapin ko man o hindi ay mukhang totoo ang sinasabi niya. “Ms. Zarina, ayos ka lang ba?” Ang kaninang halos walang pakialam sa akin na si Aleron ay nakangiti na habang nakatingin sa akin. May kung ano sa tingin niya na hindi ko maintindihan pero agad kong pinagsawalang bahala iyon. Wala na akong oras na sakyan pa ang pagiging mapaglarong bata niya! “Oo nga, Ms. Zarina. Ayos ka lang ba? Namumutla ka at pinagpapawisan ng masyado. May nararamdaman ka ba na masakit, kailangan mo ba ng tulong?” sabat naman ng babaeng ngayon ko lang nakita at kinakalaban na agad ako para makuha ang atensyon ni Raven. Muli akong napatitig sa basong hawak ko na halos wala na talagang laman kung hindi ang maliliit na latak na lang. Paulit-ulit akong napalunok at napailing. Kailangan ko nang umalis dito. Hindi p’wedeng mapahiya ako sa harapan ng maraming tao. “Creig, halika na. Kailangan ko nang umalis dito. Hindi ako p’wedeng magtagal dito na ganito ang nararamdaman ko,” nagmamadali kong sabi. Hinila ko agad si Creig patungo sa isang pinto. Kailangan kong umisip ng paraan para makaalis sa venue nang hindi masyadong nahahalata. Hindi p’wedeng mahalata ni Raven ang nangyayari sa akin kung hindi ay malalaman niya ang balak kong painumin siya ng gamot pangpagana. Pagpasok ko pa lang sa pinto kung saan walang gaanong tao ay agad nang bumigay ang mga binti ko. Mariin ko ring naipikit ang mga mata ko dahil sa kakaibang pakiramdam na kumakalat na sa buo kong sistema. “A-Anong ginagawa mo, hah?! Hindi ba maayos ang utos ko na tiyakin mong maiinom ni Raven ang séx drugs na inihanda natin?! Simpleng utos lang naman ang pinapagawa ko! Bakit hindi mo pa nagawa ng tama?!” asik ko sa sobrang init, ngunit agad din akong napatigil nang muli kong maramdaman ang mainit na bagay na muling umagos sa gitna ng mga hita ko. Ramdam ko na kung gaano ‘yon kabasa, at hindi ko alam kung paano ang gagawin ko para mapigilan ‘yon. “M-Ma’am Zarina, p-pasensya na po. Sinigurado ko naman pong magiging maayos ang plano natin, pero may nangialam po at hindi ko pa po nakikita kung sino ang may kagagawan sa nangyari,” mabilis niyang paliwanag ngunit tinapunan ko lang siya ng matalim na tingin. Agad naman siyang napayuko. “H-Huwag po kayong mag-alala, hahanapin ko po agad kung sino ang may gawa nito.” Akma siyang lalabas na sa may pintuan nang mabilis ko siyang pinigilan. “S-Sandali… ihatid mo muna ako sa hospital. Hindi ako p’wedeng magtagal dito. Hindi ko p'wedeng hayaang makita ako ng ibang attendees sa sitwasyon ko ngayon,” nanghihina kong turan at saka ko mahigpit na hinawakan ang braso niya. Maingat naman niya akong inalalayan. Ang isang braso niya ay agad na pumulupot sa bewang ko habang ang libreng kamay niya ang pumihit sa doorknob. Pero kahit ilang beses pa niyang subukang iikot ‘yon ay ayaw bumukas ng pinto. Lalo namang kumalat ang init sa pakiramdam ko kaya muling napapikit ang mga mata ko. Shít! I really hate this! Humanda talaga sa akin kung sinuman ang may kagagawan nito! “May tao ba riyan sa labas? Buksan ninyo ang pinto,” sigaw ni Creig. Sinubukan niyang hampasin nang paulit-ulit ang pinto ngunit walang nangyayari. Kaya maging ako ay nakihampas na rin sa pinto para makakuha ng atensyon ng kung sinuman ang nasa labas. “Buksan mo ang pinto! Alam kong nandiyan ka pa! Akala mo ba ay hindi ko malalaman kung sino ka? Kung ikaw man ang babaeng kumakalaban sa akin, sisiguraduhin kong magbabayad ka ng malaki!” singhal ko kahit hinang-hina na ako. Nang wala akong narinig na sagot ay matalim kong tiningnan si Creig sa tabi ko. “Anong tinatahimik-tahimik mo riyan?! Gumawa ka ng paraan para makalabas tayo rito! Bilisan mo!” inis na sigaw ko sa kaniya habang hinahampas ko ang dibdib niya. “A-Ah, yes ma’am!” Nagmamadali niyang tinanggal ang suot niyang jacket suit at sinimulan na niyang piliting buksan ang pinto. Gamit ang buo niyang katawan ay malakas niyang binunggo ang pinto ngunit walang pagbabago. Sa halip na ang pinto ang bumagsak ay ang katawan niya ang malakas na napaupo sa sahig. Hindi ko na nagawang alalayan ang sarili ko nang tuluyan niya akong mahila. “Aaah!” Impit na ung0l ang kumawala sa labi ko nang maramdaman ko ang matigas na umbok sa ibabang bahagi niya na tumama sa puson ko. “Y-You!” asik ko at mabilis kong iniangat ang tingin ko nang makita kong halos wala ng isang dangkal ang layo ng mukha namin sa isa’t-isa. Hindi ko alam kung bakit ngunit paulit-ulit akong napalunok. Ang kakaibang pagkauhaw na tikman ang labi niya ay agad kong naramdaman. Ang mga kamay ko ay kusang gumapang sa dibdib niya at kusang umangat ang ulo ko para mas ilapit ang labi ko sa labi niya… Fúck! Si Raven dapat ang nasa harap ko at hindi si Creig! Halos mapamura na ako dahil sa kakaibang init na dumadaloy sa buo kong katawan. Muli akong napatingin kah Creig. Dàmn it! I want to taste him…Myla’s POV“Sigurado ka bang ayos lang sa kanila na ikaw ang mapapangasawa ng lalaking ‘yon? Aba’y napakalaki ng bahay na ‘to, habang ang atin ay parang bahay lang ng guard nila…” Nag-aalangan na sambit ni mama, mahigpit ang kapit niya sa braso ko pagkababa niya sa kotse ni Raven.“Mama,” bulong ko sa kaniya ng tumingin sa amin si Raven, hindi ko alam kung naririnig niya ang mga sinasabi ni mama o hindi. “Ayos nga lang sa kanila; isa pa kaya tayo nandito ay dahil gusto nilang pumunta sa bahay natin para makausap ka. Pero napagdesisyunan na lang namin ni Raven na tayo ang pumunta rito, para na rind aw mapakilala niya ako ng maayos,” paliwanag ko at hinaplos ang braso niya.Ramdam ko ang panlalamig ng kamay niya, halata na kinakabahan siya sa maaring mangyari sa araw na ‘to. Hindi ko alam kung bakit, pero kung babalikan ko ang mga sinabi niya noon ay baka natatakot siyang mahusgahan kami.Pero malaki ang tiwala ko kay Raven, hindi niya ako dadalhin dito o ang mama ko para ilagay sa sitw
Myla’s POV“Ehem,” Pagkuha ni Troy ng atensyon namin, agad ko naman na naitulak si Raven palayo at nahihiyang napasulyap sa lolo at papa niyang nakatingin sa amin ng seryoso. Napaiwas ako ng tingin at napayuko, hindi ko na alam kung paano ko sila haharapin.“Would you mind to explain what is happening, bro?” Sambit niya, nanatili ang nakakalokong ngisi sa labi. “Wala kang sinasabi sa amin, nahanap mo na pala ang kinababaliwan mong babae noon pa man,” mapang-asar nitong sabi.“Aah…” Napatayo muli si Raven at tumingin sa gawi nila. “Lolo, papa… fiance ko nga pala, si Myla. Balak sana naming pumunta sa mansion sa formal na pagpapakilala sa mga susunod na araw, hindi ko akalain na mauuna na kayong puntahan siya,” sambit niya na animo’y wala siyang pakialam sa sasabihin ng mga ‘to tungkol sa relasyon naming dalawa.“Fiance mo na bago mo balak ipakilala sa amin?” Tanong ng papa niya, seryoso ang tono at muling sumulyap sa akin dahilan para mapakapit ako ng mahigpit sa dulo ng damit ni Raven
Myla’s POVSinubukan kong salubungin ang tingin niya sa akin, pinilit kong gawin ‘yon para mapatunayan kong totoo ang bawat salitang lalabas sa bibig ko at hindi kasinungalingan lang.“Totoo pong buntis ako at dinadala ko ang magiging anak ni Raven,” sambit ko at mas humigpit ang hawak sa kumot na nakabalot sa ibabang parte ng katawan ko. “Ang pangalawang anak po namin ni Raven,” anunsyo ko.“W-What…” Napaatras siya sa sinabi ko, agad naman na napalapit si Troy at mabilis na inalalayan. “A-Anong pangalawang anak ninyo ni Raven, ibig mo bang sabihin ay matagal na ang relasyon ninyo ng apo ko?” Hindi makapaniwalang sambit nito at inangat ang tungkod niya para ituro ako gamit ‘yon.Agad akong napailing at inangat ang dalawa kong kamay sa harapan. “K-Kailan lang po niya ako naging fiance, pero matagal ng nagtagpo ang landas naming dalawa seven years ago…”Napasinghap si Troy, muntik pa niyang mabitawan si Mr. Coast. Nanlalaki rin ang mga mata niyang nakatingin sa akin, hindi alam kung lal
Myla’s POV“Are you Myla Francisco?” Ang malamig at malalim na boses ng isang lalaking diretso ang tayo sa harapan ko ay nakapaghatid ng kilabot sa buo kong katawan, kahit hindi sabihin ni Hans o Aleron kung sino siya ay alam ko na agad na siya ang papa ni Raven.Sa mata pa lang, kuhang-kuha ‘yon ni Raven at Aleron. Kaya kahit wala pa siyang masakit na sabihin sa akin, kumakalat na ang kaba sa buo kong katawan.“A-Ako nga po,” pinilit kong panatilihin ang diretso kong salita, ngunit marahil sa tindi na rin ng kaba na nararamdaman ko ay nautal din ako. “Ako po si Myla Francisco,” dagdag ko pa at inilahad ang kanang palad sa harapan niya, pinilit kong tumayo mula sa kama para maharap ko sana siya ng maayos kaso pinigilan ako ni Aleron.“Mommy Myla, h’wag mong pilitin ang sarili mo na bumangon. Hindi naman kailangan ni lolo na nakatayo kang kausapin, hindi ba lolo?” Tanong niya gamit ang inosenteng boses at tumingin sa gawi nito.Napalunok naman ako ng makitang mas lalong naging seryoso
Raven’s POV“The meeting took longer than expected,” sambit ko ng sa wakas ay nakawala na rin sa kanila. “Baka kanina pa naghihintay sila Myla at Aleron sa akin.”Tumingin si Hans sa akin at tinignan ang oras. “It’s six now, you promise to get home early. I’m sure young master is waiting already,” sambit niya.Napangiti ako, isipin ko pa lang na sabay silang sasalubong sa akin ay puno na ang puso ko. Hindi na ako makapaghintay na makita sila, isang araw pa lang kaming nagkakalayo ay ganito na ang nararamdaman ko. Hindi ko na yata kakayanin kung sa abroad pa ako pumunta.“Anong oras tayo makakauwi sa tingin mo?” Tanong ko at akmang magtitipa sa cellphone ko ng isang malakas na impact ang naging dahilan para mabitawan ko ‘to. “Fuck, ano ‘yon?” Hindi ako makapaniwalang tumingin sa likuran ko.Doon ko napansin ang dalawang itim na kotse na nakasunod sa amin, agad akong lumingon sa paligid. Madilim ang parte ng daan kung nasaan kami, baka nga wala pang CCTV sa gawi na ‘to. Mukhang sinadya
Myla's POV“Emergency! The patient in line for ICU needs immediate care!” sigaw ng isang nurse. Agad kaming napalingon doon. Ang nurse na kausap namin kanina ay nagmamadali ring ipinakita ang pirmadong dokumento.“Paano si Hans?” tanong ko kay Kier nang makabawi ako sa mga nangyari. “Ayos na rin ang kaniya. May pumirma na para sa kaniya,” sambit niya at humarap sa akin. “Namumutla ka. Ayos ka lang ba talaga?” nag-aalala niyang tanong at sumulyap kay Aleron na nakatitig din pala sa akin.“Ayos lang ako—” Hindi ko na natapos ang sasabihin ko. Nang humakbang ako, nakaramdam ako ng pagkahilo. Mabuti na lang at nahawakan ako ni Kier at agad na inalalayan.“Ms. Myla...”Nakita kong kinakausap niya ako at si Aleron, pero hindi ko marinig ang mga sinasabi nila. Nandidilim din ang paningin ko.“Mommy Myla?!” Mabilis na lumapit sa akin si Aleron nang dahan-dahan kong imulat ang mga mata ko. Sinubukan kong bumangon pero agad niya akong pinigilan at pilit na pinabalik sa pagkakahiga. Wala tu
Myla’s POV “Keep your head high, don’t look down!” Rinig ko ang maliit na boses ni Aleron mula sa earpieace na suot ko. Nakatayo ako ngayon sa entrance ng isang engrandeng open party sa isang malawak na resort. Puno ng mga tao ang paligid at halos lahat ng mga naroon ay may suot na magagandang da
Myla’s POVMahigpit kong hinawakan ang sling ng bag ko habang ang hakbang ko ay unti-unti na ring bumibilis. Kahit anong gusto kong lumingon sa aking likuran ay pinilit kong panatilihin ang paningin ko sa aking harapan. Hindi naman na ‘to ang unang beses na may sumusunod sa akin. Ilang araw ko nang
Myla’s POVKabado man ay dahan-dahan kong inangat ang palad ko para tanggapin ang alok ni Raven. Unang lapat pa lang ng balat ko sa kaniya ay pakiramdam ko’y makukuryente ako. Hindi ko rin maintindihan kung bakit ganito na lang ang epekto niya sa akin. Parang…parang hindi ito ang unang beses na na
Myla’s POVHinawi ko ang mahaba at medyo kulot kong buhok. Ipinaskil ko rin ang pinakamatamis kong ngiti sa labi ko at humakbang palapit kay Mr. Coast. Binuka ko ang bibig ko para kunin ang atensyon niya ngunit nang maunahan niya ako ng tingin ay agad na umurong ang dila ko. Mabilis akong napaiwas







