LOGINMyla’s POV
Hinawi ko ang mahaba at medyo kulot kong buhok. Ipinaskil ko rin ang pinakamatamis kong ngiti sa labi ko at humakbang palapit kay Mr. Coast. Binuka ko ang bibig ko para kunin ang atensyon niya ngunit nang maunahan niya ako ng tingin ay agad na umurong ang dila ko. Mabilis akong napaiwas ng tingin sa kaniya. “S-Sa tingin ko ay h-hindi ko siya kayang kausapin,” nanginginig ang boses kong sabi. “Just do it. My father will like you,” pilit ni Aleron sa akin, rinig ko na ang pagkainip sa tono ng boses niya. “Young master, sa tingin ko ay bigyan pa natin ng kaunting oras si Ms. Francisco. Normal lang na makaramdam siya ng kaba lalo na sa nasaksihan niya kanina. Isa pa ay hindi naman talaga gano’n kadaling lapitan si Mr. Coast,” singgit ni Kier na gusto kong sang-ayunan. “Kung gano’n, papasok na rin ako sa loob. Sa tingin ko ay kailangan niya ng tulong ko,” wika ni Aleron. “Let’s do the next step,” sambit niya. Narinig ko ang pagbukas ng pinto ng kotse at hindi nga nagtagal ay nakita ko na siyang naglalakad papasok kasunod si Kier. Saglit niya akong tiningnan bago siya naglakad patungo sa daddy niya nang walang pag-aalinlangan. Agad niyang hinila ang dulo ng suit jacket nito para kunin ang atensyon nito. “Daddy,” malambing niyang tawag na agad na ikinalingon ng mga tao sa gilid. Ang seryosong mukha ni Mr. Coast ay agad na napalitan ng malambot na ekspresyon. Doon ko naintindihan kung bakit gano’n na lang purihin ni Aleron ang daddy niya na mabait ito. “Aleron, kanina ka pa? Halika, may dalang regalo sa’yo si Zarina,” bungad ni Mr. Coast sa kaniyang anak. Hinawakan niya ang kamay ni Aleron para dalhin sa harap nito at ipakita ang babaeng tinutukoy niya. Sa halip na harapin si Zarina ay mabilis na umiling si Aleron at tumingala sa daddy niya. “Daddy, ayaw ko sa kaniya,” walang pag-aalinlangan niyang sabi na ikinagulat ko. Ano ba namang bata ‘to? Walang preno ang bibig-- “Siya ang gusto ko.” Hindi ko na natapos ang nasa isip ko nang makita ko siyang nakaturo na sa gawi ko.” Nanlaki ang mga mata ko. Napahakbang ako ng tatlong beses paatras. Napaawang din ang bibig ko ngunit walang ni isang salitang lumabas mula roon. May ilang bisita ang tumingin sa gawi ko dahilan para mas lalo akong makaramdam ng hiya. Pakiramdam ko, anumang oras ay matutunaw na ako. Gusto ko na lang tumalikod at tumakbo. Tatakas na lang siguro ako para iligtas ang aking sarili sa labis na atensyong nakukuha ko ngayon. Pero bago ko pa magawa ang balak ko ay ramdam ko na ang maliit na kamay ni Aleron na nakahawak na ngayon sa kamay ko. Nakalapit na pala siya nang hindi ko man lang napapansin. Mahina akong umiling. Pilit kong pinanliitan siya ng mga mata. Ngunit sa halip na intindihin niya ako ay pinanliitan din niya ako ng mata at mas hinigpitan pa niya ang hawak sa akin. Hindi pa siya nasiyahan at tuluyan niya akong hinila palapit kung nasaan ang daddy niya. “This pretty lady… I want her to be my mom. I don’t like anyone but her, daddy,” malambing niyang turan nang may bahid ng pangungulit. Ano ba, Aleron! Paano kung ipakaladkad din ako ng daddy mo sa mga bodyguard?! “Come on,” sabi ni Aleron at mas hinila pa ako. Wala akong nagawa kung hindi ang magpatianod hanggang tuluyan na akong nakatayo sa harap ni Mr. Coast. Tumikhim ako para sana tingnan siya sa mata ngunit agad na naudlot ang balak ko nang magsalubong ang tingin namin. Kita ko kung paano niya ako titigan na animo’y tinitingnan niya ako hanggang buto. “You…” mahinang tawag ni Mr. Coast dahilan para mapatingin muli ako sa mukha niya. “Have we met before, like in a hotel?” Salubong ang kilay niya kaya mabilis akong napailing. Baka mamaya ay may nagawa pang masama ang nakilala niya noon at ako pa ang mapagbintangan. Mahirap na. “I-I don’t think s-so?” Napapikit na lang ako nang marinig ko ang sarili kong halos patanong din ang naging sagot. Bakit naman kasi gano’n siya makatingin. Eh, totoo namang ngayon pa lang kami nagkita. Tumingin siya saglit sa lalaking nasa gilid niya at bumulong. Gusto ko sanang tanungin kung ano ang sinabi niya pero baka magmukha naman akong tsismosa no’n. Napatikhim na lang ako at muling napayuko. Ano ba ang dapat kong gawin? “Hey, did you intentionally choose the same outfit?” singhap ni Zarina nang mapagtanto niyang halos magkamukhang-magkamukha ang suot namin. Ang pinagkaiba lang ay halos wala ng maitago sa katawan niya sa pagkakulang ng tela. “Oh… Nako, hindi ah! Hindi ko akalaing may kapareho pala ako ng damit. Sa totoo lang ay biglaan ko lang binili ‘to. Hindi naman nga gano’n kaganda, mabuti na lang hindi ako nag-iisang nakasuot ng ganitong dress,” turan ko at matamis na ngumiti sa kaniya. Narinig ko ang mahinang hagikgik ni Aleron sa gilid ko. “Daddy, ang ganda niya hindi ba? Kahit anong suot niyang dress, bagay sa kaniya,” agaw niya muli sa atensyon namin. “Sa tingin ko magugustuhan mo siya!” “Aleron, hindi mo dapat pinangungunahan ang daddy mo,” saway ni Zarina at matalim akong tiningnan. “Hindi ko alam kung paano mo nakilala si Aleron at kung paano mo napaikot ang ulo niya para sundin ang utos mo. Kung ano-ano pa ang itinuro mong salita sa kaniya,” asik niya sa akin. “A-Ako?” turo ko sa sarili ko. Kahit nga ako ay nagugulat sa mga sinasabi ng batang ‘to. “Hindi ako ang nagturo sa kaniya ng mga salitang ‘yan, ah! Huwag kang nagbibintang, hindi mo alam ang sinasabi mo.” Sinamaan ko rin siya ng tingin. Akala ba niya ay magpapatalo ako sa kaniya? “Aleron,” muling humalik sa pandinig ko ang familiar na malamyos na boses ni Mr. Coast. Marahan niyang hinaplos ang buhok ng anak niya. “Namimiss mo ba ang mommy mo?” Nakita ko ang pagkislap sa mga mata ni Aleron hanggang sa unti-unting ngumuso ang maliit at mapula niyang labi. “Lagi akong inaasar ng mga classmates ko, daddy. Lagi nilang sinasabi na may daddy at mommy sila, habang ako ay daddy lang ang mayro’n,” ani Aleron. Tunog nagsusumbong na ‘yon ah. Malayong-malayo ‘yon kanina noong unang kita namin. Para namang may kumurot sa puso ko dahil sa aking narinig. Nalungkot ako bigla para kay Aleron. May pera nga siya, pero hindi kumpleto ang pamilya niya. Akmang hahawakan ko na sana siya para aluin nang maunahan ako ni Zarina. Mabilis niyang hinawakan ang maliit na kamay ni Aleron at yumuko. “Aleron, huwag kang mag-alala. Nandito naman ako. Handa akong maging mommy mo. Kung gusto mo, simula bukas ay ako na ang maghahatid at sundo sa'yo sa school mo para makita ng mga classmate mo na may mommy ka na,” malambing na turan niya habang may ngiti sa labi na halata namang pilit. Napaismid na lang ako nang mabilis na binawi ni Aleron ang kamay niya may Zarina. Akala ba niya ay gano’n kadaling kunin ang loob ng isang bata lalo na kung Aleron ang pangalan? “Daddy!” Malambing na yumakap si Aleron sa daddy niya at binaon ang mukha sa bewang nito. “Everyone, attention please!” Sabay-sabay kaming napalingon sa harapan nang magsalita ang mc. “Sa pagkakataong ‘to ay sisimulan na natin ang sayawan. Kung may gusto kayong isayaw ay lapitan ninyo na,” wika niya na ikinapalakpak ng iba habang nagsisimula nang tumugtog ng banayad ang musika sa buong paligid. “Raven, let’s go?” malambing na aya ni Zarina. Mukhang nakalimutan niya agad ang presensya ni Aleron. Tumingala naman si Aleron para muling kunin ang atensyon ng daddy niya. “Daddy, p’wede mo bang isayaw si Miss Myla? Hindi kita nakitang isayaw si mommy kaya gusto kong makita kang sumasayaw kasama ang babaeng gusto kong maging new mommy,” pilit niya at puno ng pagsusumamo ang tingin. “A-Aleron, hindi ako maalam sumayaw ng gan’yan—” “Huwag kang mag-alala, tuturuan ka ni daddy. Magaling sumayaw si daddy, kaya aalalayan ka niya,” mabilis na sagot ni Aleron sa akin at muling tumingin sa daddy niya. “‘Di ba, daddy? Tuturuan mo siyang sumayaw?” muli niyang tanong . Napakagat na lang ako sa ibaba kong labi. Matatanggap ko kung tatanggihan ni Mr. Coast na isayaw ako. Saglit na tumingin sa akin si Raven bago siya tumango kay Aleron. “Sure, baby. I will teach her,” sagot niya at inilahad ang kamay sa harapan ko. “Ms. Myla, May I ask you to dance with me?”Hana’s POV “Yael…” Tawag ko sa kaniya, hindi makapaniwalang nakatayo siya ngayon sa tabi ko. “Anong ginagawa mo rito, paanong andito ka?” Parang ewan kong tanong. Pero alam ko na hindi rito ang daan papunta sa kompanya niya, kaya bakit andito siya at nangingialam sa nangyayari? H’wag niyang sabihin na sinundan niya kami, nababaliw na ba siya? “Kung ano man ang iniisip mo ay mali ka, may kikitain ako sa gawi rito pero saktong nahinto ang byahe sa traffic kaya naisipan kong tignan kung bakit at nakita kong kayo pala ang naaksidente.” Tumingin siya kay Yohan sa gilid ko at agad na lumuhod. “Ayos ka lang, may masakit ba sa’yo?” Sumulyap sa akin ni Yohan, halata ang pag-aalangan niya kung kakausapin si Yael ngunit sa huli ay nanaig ang kagustuhan niyang kausap ‘to. “Ayos lang po ako, t-tito Yael. Niyakap po ako ng mahigpit ni mama para hindi mahulog, siya po ang nasaktan dahil sa biglang nangyari,” saad niya at sabay silang napatingala sa akin. Hindi ako sigurado ngunit parang
Hana’s POV“Ihahatid ko na kayo,” sambit ni Larry habang palabas kami ng building, habang si Yael ay nakasunod lang sa amin habang nakapamulsa at nanunuod sa mga nangyayari. Wala siyang ginagawa ngunit pagod na pagod ang katawan ko, hindi dahil marami akong ginawa kundi dahil maghapon niya akong tinitigan at pinapanood ang bawat galaw ko.“Hindi na kailangan, Larry, may na book na akong sasakyan nakakahiya naman kung i-cancel ko pa ‘yon ngayon. Salamat, sa susunod nalang. Mag iingat ka pag-uwi,” sambit ko at lumingon kay Yael. “Salamat sa oras mo, Mr. Miller at sa paglibre sa anak ko, mag iingat ka rin sa pag-uwi.”Yumuko ako sa kaniya at hinawakan na ang kamay ni Yohan, nauna na kaming maglakad papunta sa tabi ng kalsada lalo na at naroon na ang sasakyan na booked ko kanina pa. Mabuti na lang din at inagahan ko, ayaw kong magkaroon pa ng kung anong kaguluhan.Hindi naman ako umaasa na pareho nila akong aayain na ihatid kami, pero mas maganda na ang umiwas sa gulo at makaalis agad par
Hana’s POVPinanood ko lang si Yohan na magsimulang umikot-ikot sa mga nakadisplay na mga pagkain, hindi niya magawang itigil ang sarili sa iisang stall. Gustuhin ko man na bawalin siya ay may iilan na rin na mga customers ang dumating, idagdag pa ang seryosong titig sa akin ni Yael.Paulit-ulit akong tumikhim para bawasan ang kabang nararamdaman ko, hindi ko maintindihan kung bakit sobrang seryoso ng tingin niya sa akin na parang pilit binabasa kung ano man ang tumatakbo sa isipan ko sa mga oras na ‘to.“A-Anong gusto mo na pagusapan natin, bakit kailangan mo pa dalhin kami rito para lang makausap ako?” Naiinis ko na saad, kahit ang totoo ay labis-labis na ang kaba na nararamdaman ko.“Hana, sabihin mo, anak mo ba si Yohan?” Seryoso niyang tanong habang humahakbang palapit sa akin, agad naman akong napahakbang paatras. “Bakit hindi mo agad sinabi na may anak ka na?”Bumuka ang bibig ko ngunit walang salitang lumabas doon, hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin sa kaniya. Gusto
Yael’s POV“Talaga po?” Excited niyang tanong at tuwang-tuwa na tumingin kay Hana. “Mama, ayos lang po ba sa’yo na kumain ako ng chocolates?”“H-Hah?” Naguguluhan na tanong niya at nagpalipat-lipat ang tingin niya sa akin at kay Yohan. “P-Pero kararating lang natin dito, hindi ka p’wedeng sumama sa kaniya, kakakilala lang ninyong dalawa…”“Mama, mukha siyang mabait at mayaman, isa pa ay kasama siya ni Tito Larry. Sa tingin ko ay hindi naman niya ako ibebenta o ang lamang loob ko para magkapera,” sagot niya kay Hana na ikinalaglag ng panga ko ng ilang segundo ngunit agad na natawa sa mga salitang binitawan niya.“Of course not, I won’t sell you,” saad ko at ginulo ang buhok niya.Malapit ako sa mga bata, pero iba yata ang humor ng batang ‘to. Mukhang magkakasundo kami dahil parang iisa ang takbo ng isip namin, siguro nga ay kung magkaedad kami ngayon ay maging magkaibigan pa kami dahil sa kalokohan na dala naming dalawa.Hindi niya inalis ang kamay ko sa buhok niya, hinayaan niya lang
Yael’s POV“What’s bring Mr. Miller to our small office today?” Nakangiting salubong sa akin ni Ross pagpasok ko palang sa opisina niya, kung gaano kalawak ang ngiti na nakapaskil sa labi niya ay ganoon naman ang inis na nararamdaman ko.Ang sabi ko sa sarili ko ay titigilan ko na si Hana, pero ‘to ako, hindi pa nawawala ang sakit ng ulo ko dahil sa hangover dahil sa kalasingan kagabi ay andito na agad ako sa Ross companya para makita siya.“Dalawang beses akong nanghingi ng dokumento sa opisina, oo at pinapadala ninyo ang kailangan ko tungkol sa project pero ang problema ay hindi nasasagot ang tanong ko ng maayos kaya andito ako para…makausap ka ng personal,” sambit ko at tumingin sa paligid.“Oh, really?” May laman niyang tanong at ngumisi. “Para makausap ako ng personal, pero nasa harapan mo na ako pero bakit mukhang iba yata ang gusto mong makita at makausap?”“W-What?” Hindi makapaniwala kong tanong, anong ibig niyang sabihin. “Hindi ko alam ang ibig mo na sabihin, Mr. Ross. Ikaw
Hana’s POV“Hindi mo na ako kailangan na samahan para sunduin si Yohan, Larry. Alam kong busy ka sa mga ginagawa mo, mag-taxi na lang kaming dalawa,” nahihiya kong saad.Kagagaling lang niya sa paglalaro ng golf, ngayon ay pinag d-drive niya ako papunta sa school para sunduin si Yohan. Sobra-sobra na ang ginagawa niya, kahit sabihin pa na magkaibigan kami ay alam kong lagpas na sa linya ang mga naitutulong niya sa aming mag-ina.“Hana, talaga ba na paguusapan ulit natin ‘to? Sabi ko naman sayo, bilang ninong ni Yohan at kaibigan mo, gusto ko kayong tulungan.” Marahang sambit niya at saglit na sumulyap sa akin at muling tumingin sa daan. “Hindi lang siya basta anak ng empleyado ko, kundi anak mo siya, Hana kaya mahalaga siya.”May kung anong humaplos sa dibdib ko pero agad ko na pinagsawalang-bahala kung ano man ‘yon, ngumiti lang ako at hindi na nagpilit pa na h’wag na akong ihatid. Tahimik lang kaming dalawa hanggang makarating kami sa dapat ng gate ng school, nagsisimula ng maglabas
Zarina’s POVHindi ko maiwasang mapangisi habang pinapanood ko si Raven na sumimsim sa kopitang hawak niya. Ayos lang kung magalit siya sa akin o mapahiya ako ng kaunti. Ang akin lang, sa huli ay nasa akin pa rin ang huling halakhak.Kapag gumana na ang plano ko, tiyak na magiging akin na ng tuluya
Myla’s POVKabado man ay dahan-dahan kong inangat ang palad ko para tanggapin ang alok ni Raven. Unang lapat pa lang ng balat ko sa kaniya ay pakiramdam ko’y makukuryente ako. Hindi ko rin maintindihan kung bakit ganito na lang ang epekto niya sa akin. Parang…parang hindi ito ang unang beses na na
Myla’s POV “Keep your head high, don’t look down!” Rinig ko ang maliit na boses ni Aleron mula sa earpieace na suot ko. Nakatayo ako ngayon sa entrance ng isang engrandeng open party sa isang malawak na resort. Puno ng mga tao ang paligid at halos lahat ng mga naroon ay may suot na magagandang da
Myla’s POVMahigpit kong hinawakan ang sling ng bag ko habang ang hakbang ko ay unti-unti na ring bumibilis. Kahit anong gusto kong lumingon sa aking likuran ay pinilit kong panatilihin ang paningin ko sa aking harapan. Hindi naman na ‘to ang unang beses na may sumusunod sa akin. Ilang araw ko nang







