LOGINMyla’s POV
“Keep your head high, don’t look down!” Rinig ko ang maliit na boses ni Aleron mula sa earpieace na suot ko. Nakatayo ako ngayon sa entrance ng isang engrandeng open party sa isang malawak na resort. Puno ng mga tao ang paligid at halos lahat ng mga naroon ay may suot na magagandang damit at mamahaling mga alahas. “S-Sigurado ba talaga kayo na k-kailangan kong makihalubilo rito?” kabado kong tanong. Hindi ko alam kung paano ko gagawin ang gusto nila dahil hindi naman ako sanay sa ganito. “Just act like you belong to the place.” Muli kong narinig ang maliit na boses ni Aleron sa kabilang linya. “Kailangan mong mahanap si daddy…” Hindi ko na nagawang tapusing pakinggan ang sinasabi niya nang may isang lalaking lumapit sa akin. Hawak nito ang isang kupita na may lamang wine at maangas siyang ngumisi sa akin. “Hey, bago lang ang mukha mo sa akin,” bati niya sa akin at pinasadahan ako ng tingin mula paa hanggang huminto ang tingin niya diretso sa aking mukha. “Nakita kitang pumasok mag-isa. Wala ka bang kasama?” interesado niyang tanong. “A-Ah…” Hindi ko alam ang isasagot ko sa kaniya. Ano ba ang tamang isagot sa ganito? “Kung mag-isa kang nagpunta rito, baka p’wede kitang samahan?” Muli niyang sabi na hindi na bago sa akin, alam ko na agad kung ano ang gusto niyang sabihin. Ngunit bago pa ako makapag-react ay may isang lalaki pang lumapit sa amin at sarkastikong tumawa ng mahina. “Christ, mukhang humihina yata ang banat mo,” turan nito at tumingin sa gawi ko at tulad ni Christ ay ngumisi rin siya sa akin. “Hello, miss p’wede ba kitang maisayaw?” walang pag-aalinlangan niyang tanong sa akin. Nakalahad na rin ang kamay niya na parang hindi niya tatanggapin kung tatanggihan ko siya. Napangiwi ako. Ganito ba ang mga mayayaman? “Anong ginagawa mo? Hindi sila ang ipinunta mo riyan kung hindi si daddy,” rinig kong reklamo ni Aleron sa earpiece. “Miss Francisco, papasok na si Mr. Coast ng venue mag handa ka na,” paalala naman ni Kier. Kusang gumalaw ang leeg ko palingon sa likuran at hindi ko na kailangang tanungin kung sino ang tinutukoy niyang Mr. Coast. Isang lalaking seryoso ang mukha ang taas noong naglalakad papasok sa venue kasunod ang apat nitong bodyguards. Hindi na ako nagtaka kung bakit gano’n na lang kumilos si Aleron, gayang-gaya niya ang bawat galaw ng daddy niya. Kung titingnang mabuti, para silang pinagbiyak na bunga. Sa tikas at hakbang at postura nito, para siyang adult version ni Aleron. “Ang g’wapo ng daddy ko, hindi ba?” tanong ni Aleron mula sa earpiece. “Kung iisa-isahin ko ang katangian ni daddy, baka umagahin tayo. Bukod sa mayaman siya, g’wapo at sobrang bait pa niya.” Marahan akong napatango. Hindi maalis ang tingin ko sa lalaking paakyat na sa second floor. Siya ba talaga ang lalaking kailangan kong kunin ang atensyon? Talaga bang pasok ako sa standard ng lalaking katulad niya? Ngayon pa lang ay nagdadalawang-isip na ako. Kung hindi lang para kay mama ay umalis na ako sa lugar na ito. “Ms. Francisco, sumunod ka kay Sir Coast sa second floor. Sa mga oras na ‘to, hindi lang ikaw ang babaeng gustong makuha ang atensyon niya. Kaya kung hindi ka kikilos agad, p’wedeng mawala sa’yo ang pagkakataon,” mabilis na turan ni Kier. “P-Pero, sigurado ba talaga kayong magugustuhan niya ako?” kabado kong tanong. “Ms. Francisco, kaya mo ‘yan,” wika ni Kier na parang may malaking maitutulong ‘yon. Sa huli ay napabuntong-hininga na lang ako at mabilis na humakbang paakyat sa second floor. Kailangan ko siyang maabutan at makuha ang atensyon niya. Mabait naman daw siya sabi ni Aleron, kung gano’n ay baka madali lang kausapin at— “What did you say?” Napatigil ako sa paglalakad nang marinig ko ang malamig na tono ng boses niya. Kahit hindi ako ang kausap niya ay nakaramdam ako ng kilabot at kaba. “How dare you to decide without my permission?” “M-Mr. C-Coast, I don’t understand w-what you mean.” Nanginginig ang boses ng lalaking kausap niya. Hindi ko mapigilang mas humakbang at tingnan kung ano ang nangyayari. Napaawang ang bibig ko nang makita kong hawak na ng dalawang bodyguard ang isang lalaki at sapilitan itong pinaluhod sa harapan ni Mr. Coast. “At may lakas ka pang mag maangmaangan sa harapan ko? Sa tingin mo ba ay hindi ko alam na ikaw mismo ang pumirma ng kontrata na wala naman akong permisyon? Naglabas ka ng pera para sa isang project na hindi ko alam.” May diin ang bawat salita niya habang dahan-dahan siyang yumuyuko para magtapat ang mukha nila ng lalaking nakaluhod sa sahig. Napahakbang ako paatras. Alam ko ang pakiramdam ng lalaking ‘yon. Ganito rin ako tuwing hindi ako nakakapagbayad ng utang… “I-Ito ba ang sinasabi mo na m-mabait ang daddy mo?” Halos tunog sarkastiko na ang pagkakasabi ko kay Aleron. Kinakabahan na ako. “M-Mr. Coast, m-misunderstanding lang po ‘to. H-Hindi ko g-gustong gawin ang lahat. P-Pakiusap hayaan mo po akong magpaliwanag,” pakiusap muli ng lalaki na nakapagpabalik ng atensyon ko sa kanila. “Sabihin mo, magkano ang binayad sa’yo ni Yves para kalabanin ako?” may awtoridad niyang tanong. “S-Sir…” “Do you know what I hate the most? People who accept money to approach and to betray me,” malalim niyang sabi at saka tumayo ng diretso. “This will be the last meeting between us two,” aniya bago kaladkarin ng mga bodyguard niya ang lalaki. Paulit-ulit akong napalunok. Ito ang lalaking gusto nilang lapitan at akitin ko, nagpapatawa ba sila? Ngayon ay naiintindihan ko na kung bakit ganoon na lang kalaki ang sahod ko sa trabahong ‘to, dahil isang mali ko lang ay baka iwan ko na ang mundo. “Y-Young Master Aleron… s-sa tingin ko ay mali ang pagkakakilala mo sa daddy mo,” bulong ko. “W-Well… mabait siya sa akin. Kahit minsan ay hindi niya ako sinaktan o ginamitan ng gano’ng tono…” “M-May pagkakataon pa ba akong umatras?” nag-aalangan kong tanong. “Ipapaalala ko lang Ms. Francisco na malaking halaga ang kailangan mong pera para mabayadan ang napakalaki mong utang. Kung hindi mo masesettle ang mga iyon ay malaki ang chance na ng mapahamak ka at ang mama mo sa hospital. Isa pa, gusto mo ring magamot ng mas magaling na doctor ang mama mo, hindi ba? Another thing, gusto mo ring mahanap ang anak mong nawala noon, tama ba?” tanong ni Kier sa akin. Saglit akong natahimik. Matagal ko nang gustong malaman kung buhay pa ba ang anak ko o hindi. Ngayong may pagkakataon ako, ayaw kong sayangin ang tulong na makukuha ko sa imbestigasyon. Marami akong sasayangin kung bibitiwan ko ang pagkakataong ‘to, at alam kong panghihinayangan ko ito buong buhay ko. Kung hindi ako nagkakamali… kung buhay pa ang anak ko, ngayon ay baka kaedad na siya ni Aleron. Mariin kong naikuyom ang mga palad ko at pinagdikit ang mga labi ko. Kaunting sakripisyo lang naman ang kailangan kong gawin. Mas mahalaga ang kaligtasan ko, ang pag galing ni mama, at ang pag iimbestiga sa nangyari noon sa anak ko. “A-Ano ang susunod kong gagawin?” tanong ko. “Tumingin ka sa first floor. Nakikita mo ba ang babaeng katulad ng suot mo, Ms. Francisco?” tanong ni Kier dahilan para lumipat ang tingin ko sa ibaba. At tulad ng sabi niya ay may babaeng pinalilibutan ng iba pang mga babae. “Siya si Zarina Carter, hindi siya gusto ni young master para sa daddy niya. Lalo na ng subukan niyang lagyan ng lason ang pagkain ni Young Master Aleron,” dagdag na paliwanag niya na ikinabigla ko. “Lason? Anong klaseng tao s’ya? Paano niya nagawang subukang lasunin ang isang bata?” hindi ko makapaniwalang sabi. “That is why we need you to push her away from my daddy. I hate her as much as she hates me. She only wants daddy and his money,” Aleron said in a serious tone. Huminga ako ng malalim. Hindi lang pala para kay mama at sa nawawala kong anak ‘to. Mayroon sa dibdib ko na… gusto kong protektahan si Aleron mula sa babaeng ‘yon. “Okay, then let’s start," wika ko at ngumiti.Myla’s POV~Few days later~“Mama, kumusta po ang pakiramdam mo?” malambing kong tanong pagpasok ko ng hospital ward ni mama. Gising siya at nakasandal sa bedrest ng kama. “May dala akong pagkain. Paborito mo ‘to.”“Nag-abala ka pa, anak. Alam mo namang hindi rin ako gaanong makakakain,” malungkot niyang turan pero tinanggap pa rin niya ang baunan na inabot ko. Agad kong inayos ang maliit niyang lamesa para masimulan na niyang kainin ang dala kong pagkain.Nakakailang subo pa lang si Mama nang tumigil siya at may kinuha sa ilalim ng unan niya. Isa iyong maliit na box. “Regalo ko ito sa’yo, anak. Happy birthday sa’yo,” nakangiti niyang bati sa akin.“Mama, hindi mo naman po kailangang magbigay sa akin ng regalo. Paano mo nabili ‘to?” Hindi ko pa rin kinukuha ang maliit na kahon sa kamay niya. “Baka naman kung kani-kanino ka pa nakiusap?”Sa halip na sagutin agad ako ay hinawakan niya ang kamay ko at sapilitan niyang inilagay ang maliit na kahon sa kamay ko. “Ano ka ba, hindi ko naman
Myla’s POV“D-Daddy!” paulit-ulit na bulong ni Aleron habang nakasubsob siya sa dibdib ko. Mahigpit ko siyang niyakap habang nakaupo kami sa isa sa mga upuan na nakahelera sa hallway. Naghihintay kami ng balita sa doctor kung ano na ang lagay ni Raven.“Magiging okay ang lahat, Aleron. Magiging okay ang daddy mo,” sambit ko ng paulit-ulit sa kaniya at hinaplos ang likod niya.Ngunit kahit sinasabi ko ‘yon sa kaniya, hindi rin ako sigurado sa maaring mangyari kay Raven. Kita ko ang dugo sa damit niya at ang patalim na hawak-hawak ng lalaki habang tumatakbo ito palayo. Kung hindi dumating agad sina Hans ay hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.Sabay kaming napatayo nang sa wakas ay lumabas na ang doctor. Napapailing ito at dismayado ang mukha.“Kayo ba ang pamilya ng pasyente?” tanong ng doktor habang nakatingin siya sa amin. Agad naman akong napatango at lumakad palapit sa kaniya.“Kami nga po, doc. Kumusta po ang lagay niya? Ayos na po ba siya? P’wede na po ba siyang ilipat ng kuwart
Myla’s POVWala akong ibang ginawa kundi ang sundan ang bawat galaw ni Aleron. Takbo rito, takbo roon ang ginawa niya sa bawat kakaibang isdang makikita niya sa aquarium. Medyo nararamdaman ko na rin ang pananakit ng mga binti ko, samantalang si Raven ay tahimik lang na nakasunod sa amin at wala ring anumang reklamo.“Aleron, hindi ka ba nagugutom?” tanong ko nang sa wakas ay tumigil na siya. Nakaupo na kami ngayon sa isang bench habang hinihintay ang pagsisimula ng main event.“Here.”Hindi pa man nakakasagot si Aleron ay iniabot na ni Raven ang isang plastic bag na may lamang choco milk drink, fries, at Chickenjoy.“I knew you wanted to try that one, right?” malambing pa nitong dagdag.Napatingin ako sa ekspresyon ni Aleron. Mukha siyang nagulat sa ibinigay ng daddy niya. Marahil ay hindi rin niya inaasahang ang daddy niya mismo ang magbibigay noon sa kaniya.“H-Hmm... t-thank you, Daddy,” mahina niyang bulong bago tuluyang tinanggap ang plastic bag. Excited niyang tinikman ang frie
Myla's POVNakaupo na ako sa waiting area. Ilang minuto na lang at labasan na nila Aleron, pero hanggang ngayon wala pa rin si Raven. Ang usapan namin, agahan niya para sabay kaming manundo. Pero ito, wala pa siya.Napalingon ako sa guard na minsan ko nang nakausap noong unang punta ko rito. Ngumiti lang siya. Sunod naman akong lumingon sa mga nanay na nasa kabilang gilid. Isa roon si Ms. Sanchez na agad na napaiwas ng tingin nang magtama ang mga mata namin. May binulong pa siya sa katabi niya na agad akong nilingon, pero umiwas din ng tingin. Mukhang nagkakalat pa rin ng maling impormasyon.Napailing na lang ako at inilabas ang cellphone ko sa bulsa. Agad akong nagtipa ng mensahe para kay Raven. Typing… [Nandito na ako sa waiting area ng school ni Aleron. Nasaan ka na? Wala akong mga bodyguard na kasama ngayon para maging normal na bonding lang ang mangyayari sa ating tatlo. Bilisan mo
Myla's POVPinagsiklop ko ang dalawa kong kamay habang nakaupo sa sofa sa sala. Anong oras na pero hindi pa rin bumabalik si Raven. Paano kung sa kaniya naman may nangyaring masama?Napapikit ako nang mariin. Kailangan kong pakalmahin ang sarili ko. Masyado na yata akong maraming pinagdaanan simula nang makilala ko sila kaya ganito na lang ako kabahan. Pero sino nga naman kasi ang hindi kakabahan kung katulad ni Rachel ang kalaban? Kahit si Aleron na bata, hindi niya pinalagpas. Sinong matinong tao ang handang gawin ang mga pinaggagawa niya?Mabilis akong napabalikwas ng tayo sa sofa nang marinig ko ang pagbukas ng pinto. Agad na nagsalubong ang tingin namin ni Raven. Pagod ang mukha niya at maging ang mga mata niya ay halo-halong emosyon ang nakikita ko. Ngunit mas nananaig doon ang lungkot. Kahit naman sino siguro ang nasa kalagayan niya, makakaramdam din ng lungkot. Wala akong kapatid pero minsan na rin akong nasaktan ng mga naging kaibigan ko. Paano pa kaya siya na mismong kap
Raven's POV“A-Anong sinasabi mo, Raven… hindi kita maintindihan. Mukha ba akong nag-aakto?” Umiling-iling siya at muling humawak sa akin. “Bakit ka ba nagkakaganyan? Hindi ito ang oras para magalit ka sa akin. Kapatid mo ako at ako ang magiging karamay mo sa mga ganitong sitwasyon.”Seryoso ko siyang tinitigan. Kung hindi ko lang alam ang totoo, baka napaniwala niya ako sa pag-arte niya. Hindi na ako nagtaka kung bakit ngayon ko lang nalaman na isa sa mga kaaway ko ay nasa tabi ko lang. Dahil kahit sino, hindi aakalaing siya ‘yon.“At anong sitwasyon ang sinasabi mo, Rachel?” muli kong tanong. Unti-unting kumakalat ang pait sa loob ng bibig ko. Hindi ko matanggap na siya mismo, ang kapatid ko, ay kakalabanin ako para lang sa pera at puwesto sa kumpanya.“I-Ito,” turo niya sa operating room kung saan nakasulat ang ON-GOING. “Nasa operasyon ang anak mo at nasa bingit ng kamatayan ang buhay niya. Sa tingin mo ba hahayaan kitang mag-isa rito na nakatayo lang at naghihintay ng balita?”
Zarina’s POVHindi ko maiwasang mapangisi habang pinapanood ko si Raven na sumimsim sa kopitang hawak niya. Ayos lang kung magalit siya sa akin o mapahiya ako ng kaunti. Ang akin lang, sa huli ay nasa akin pa rin ang huling halakhak.Kapag gumana na ang plano ko, tiyak na magiging akin na ng tuluya
Myla’s POVKabado man ay dahan-dahan kong inangat ang palad ko para tanggapin ang alok ni Raven. Unang lapat pa lang ng balat ko sa kaniya ay pakiramdam ko’y makukuryente ako. Hindi ko rin maintindihan kung bakit ganito na lang ang epekto niya sa akin. Parang…parang hindi ito ang unang beses na na
Myla’s POVHinawi ko ang mahaba at medyo kulot kong buhok. Ipinaskil ko rin ang pinakamatamis kong ngiti sa labi ko at humakbang palapit kay Mr. Coast. Binuka ko ang bibig ko para kunin ang atensyon niya ngunit nang maunahan niya ako ng tingin ay agad na umurong ang dila ko. Mabilis akong napaiwas
Myla’s POVMahigpit kong hinawakan ang sling ng bag ko habang ang hakbang ko ay unti-unti na ring bumibilis. Kahit anong gusto kong lumingon sa aking likuran ay pinilit kong panatilihin ang paningin ko sa aking harapan. Hindi naman na ‘to ang unang beses na may sumusunod sa akin. Ilang araw ko nang







