Share

CHAPTER 8

Penulis: June
Pagkabasa ng mensahe, inubo ng malala si Henry, ang ama ni Karina. Napakapit ang kamay nito sa dibdib at nabitawan ang kanyang cellphone. Maya-maya pa’y nangisay na ang buong katawan nito habang hinahabol ang hininga.

“Daddy! Daddy, anong nangyayari?!!” Sigaw ni Karina. Nagpatuloy sa pagkumbulsyon ang ama. Ilang sandali pa ay namutla na ang mukha nito hanggang sa tuluyan nang magkulay bughaw.

“No, please. Daddy! Daddy!!!” palahaw ni Karina. Napadako ang kanyang paningin sa cellphone nito at nahagip ang mensaheng nakabukas dito. Agad naunawaan ni Karina kung ano ang naging dahilan ng paglala ng kalagayan ng ama.

Kumulo ang galit sa loob niya, pero mas mahalaga ang buhay ng ama kaysa harapin si Roxanne sa mga sandaling iyon. Tarantang pinindot niya ang call button para sa mga nurse.

“Tulong! Kailangan ko ng doktor ngayon. Bilisan n’yo!” sigaw niya sa hallway.

Agad na rumisponde ang mga medical staff at nagmamadaling pumasok sa silid. Mabilis nilang sinuri ang vital signs ni Henry habang walang magawa si Karina kundi panoorin mula sa gilid kung paano unti-unting lumalala ang kalagayan ng ama sa harap mismo ng mga mata niya.

Nang matapos ang pagsusuri, lumabas ang lead doctor na mabigat ang ekspresyon. Dahan-dahan nitong tinanggal ang mask at umiling.

“Biglang lumala ang kondisyon ni Mr. Delfin,” pagod nitong sabi. “Dahil sa biglaang pag-surge ng blood pressure niya, mabilis na nag-progress ang kidney failure niya. Kailangan siyang ilipat agad sa ICU para sa mas mahigpit na monitoring at gamutan.”

Parang nanghina ang mga tuhod ni Karina.

“Gaano po kalala?”

“Kritikal na,” diretsahang sagot ng doktor. “Pero may problema tayo. Puno na ang ICU namin. Lahat ng kama ay occupied, at may waiting list pa. Pati ibang ospital sa lungsod, pare-pareho ring kapos sa resources. Kailangan nating maghintay ng bakante.”

“Maghihintay?” Halos hindi makapaniwala si Karina. “Dok, hindi puwedeng maghintay ang papa ko. Tingnan ninyo siya!”

Hirap pa ring makahinga nang maayos si Henry. May kulay abong pamumutla na ang balat nito na lalo lamang nagpalala sa takot ni Karina.

“Naiintindihan ko ang pag-aalala ninyo, Mrs. Del Valle, pero ginagawa namin ang lahat,” helpless na sabi ng doktor. “Sa ngayon, ang magagawa lang namin ay i-stabilize muna siya gamit ang gamot habang naghihintay na may mabakanteng ICU bed.”

Parang may kamay na kumuyom sa dibdib ni Karina dahil sa desperasyon.

Agad niyang naisip si Benjamin.

Bilang tagapagmana ng Del Valle Group, marami itong koneksyon sa medical community. Kaya nitong magpagalaw ng mga tao para mabigyan ng agarang tulong ang ama niya.

Nanginginig ang mga kamay na dinial niya ang numero ni Benjamin.

Pagkatapos ng ilang ring, may sumagot rin sa wakas.

Pero hindi si Benjamin ang bumungad sa kabilang linya.

“Hello? Sino ’to?” Matamis na boses ni Roxanne ang narinig niya.

Nanigas ang dugo ni Karina.

“Si Karina, asawa ni Benjamin. Kailangan ko siyang makausap ngayon din. Emergency ito.”

“Oh, Mrs. Del Valle!” Halos umaapaw sa pekeng pag-aalala ang boses ni Roxanne. “Naliligo pa si Benjamin ngayon. Buong araw kasi niya akong inalagaan, kaya sobrang pagod na pagod siya. Kawawa naman, kailangan niyang magpahinga.”

Mariing kinagat ni Karina ang labi para pigilan ang galit.

“Tungkol ito sa papa ko. Mamamatay na siya at kailangan niya ng ICU bed. Pakiabot ang phone kay Benjamin ngayon din.”

“Naku, ang sama naman ng timing,” kunwaring malungkot na sabi ni Roxanne. “Hindi rin kasi maganda pakiramdam ko kaninang hapon. Pregnancy nausea lang naman at pagkahilo, alam mo na. Pero sobrang nag-alala si Benjamin sa akin at sa baby kaya agad niyang ipinatawag ang pinakamagagaling na medical team sa lungsod. Naka-standby silang lahat ngayon sakaling may mangyari sa amin.”

Halos mabitawan ni Karina ang cellphone sa sobrang panginginig ng mga kamay niya.

Naghihingalo ang ama niya habang ang asawa niya ay abala sa pag-aalaga sa kabit nitong buntis.

“Puwede bang—” nanginginig na sabi ni Karina pero agad siyang pinutol ni Roxanne.

“Oh, mukhang tapos nang maligo si Benjamin. Siguradong sobrang pagod na siya pagkatapos ng lahat ng pinagdaanan namin today. Mas mabuting pagpahingahin ko muna siya. Naiintindihan mo naman siguro, ’di ba?”

Biglang naputol ang tawag.

Napatigil si Karina sa gitna ng hallway ng ospital habang pakiramdam niya ay tuluyan nang gumuho ang mundo niya.

Pumikit siya at pilit na nag-isip ng ibang paraan.

At doon, biglang sumagi sa isip niya ang isang imahe, isang lalaking nag-abot sa kanya ng coat sa gitna ng ulan. Ang malamig ngunit matatag na boses ni Ramoncito Del Valle habang nasa loob sila ng sasakyan.

Hindi na niya hinayaang magdalawang-isip pa ang sarili.

Agad niyang tinawagan si Ramon.

“Mr. Del Valle, si Karina po ito,” mabilis niyang sabi nang sagutin nito ang tawag. “Pasensya na po kung naaabala ko kayo, pero kritikal na po ang kondisyon ng papa ko. Kailangan niya agad madala sa ICU pero sabi ng ospital wala nang available. Alam ko pong napakalaki nitong hinihingi ko…”

“I-send mo sa akin ang address ng ospital.”

Pinutol ng malamig at awtoridad na boses ni Ram ang magulong paliwanag niya.

“Ako na ang bahala. Give me ten minutes.”

Naputol ang tawag, pero mas nagbigay pa ng kapanatagan ang maiikling salitang iyon kaysa sa lahat ng walang lamang pangako ni Benjamin.

Eksaktong sampung minuto ang lumipas nang personal na dumating ang direktor ng ospital sa ward ng ama niya.

Kasunod nito ang isang buong medical team, kabilang ang mga espesyalistang nakikita lamang ni Karina noon sa mga medical journal. Kumilos ang mga ito nang mabilis at organisado.

“Ililipat namin agad si Mr. Delfin sa ICU, iyong reserved sa mga VIPs,” magalang na sabi ng direktor kay Karina. “Pinatawag na rin namin ang pinakamahusay na kidney specialists sa lungsod para sa consultation. Sisiguraduhin naming makukuha niya ang pinakamainam na gamutan.”

Wala pang isang oras, nailipat na ang ama niya sa pribadong ICU room na may dalawampu’t apat na oras na monitoring.

Gabi na nang tuluyan nang maging stable ang kondisyon ni Henry. Bumalik si Karina sa bahay na minsan niyang inuwian kasama si Benjamin.

Tahimik siyang naupo sa sala,. Napapalibutan ng tatlong taonng alaala ang bawat sulok ng bahay. Ngayon, pakiramdam niya’y puro kasinungalingan lamang ang lahat nang iyon.

Binuksan niya ang cellphone at isa-isang ipinasa sa email ni Benjamin ang lahat ng litrato at mensaheng ipinadala ni Roxanne.

Mga video ni Roxanne habang ipinapakita ang mamahaling alahas.

Mga larawan ng maiinit nilang sandali sa apartment na binili ni Benjamin para rito.

Mga recording habang hinihimas ni Roxanne ang tiyan nito at malambing na sinasabing, “Daddy loves us so much. Ibibigay niya sa atin ang lahat.”

Pagkatapos ipadala ang lahat, nag-type si Karina ng huling mensahe.

“Benjamin, galing ito sa girlfriend mong si Roxanne. Since mahal na mahal ninyo ang isa’t isa, ako na ang lalayo para makasama mo siya.”

Pagkatapos noon, kinuhanan niya ng litrato ang annulment papers na inihanda ni Vanessa at isinama iyon sa panibagong email.

“Handa na ang annulment papers. Sabihin mo sa abogado mo na kontakin si Vanessa bukas para matapos na ang lahat ng ito.”

Matapos pindutin ang send, dahan-dahang tumayo si Karina at nagsimulang gibain ang buhay na binuo nila ni Benjamin.

Isa-isa niyang tinanggal ang mga wedding photos nila sa dingding at walang pagdadalawang-isip na itinapon sa basurahan.

Ang mga alahas na ibinigay ni Benjamin. Mga damit na binili nito. Mga makeup na minsang ipinang-surprise ng asawa para sa kanya.

Lahat ng iyon ay isiniksik niya sa malalaking garbage bag.

Tumawag siya ng moving company at magdamag na inayos ang mga gamit niya.

Pagsapit ng umaga, mistulang bumalik ang bahay sa dati nitong anyo bago siya dumating.

Malamig at walang laman.

Minsang inilibot ni Karina ang tingin sa espasyong dati niyang tinawag na tahanan.

Pagkatapos, hinila niya ang maleta papunta sa pintuan at tuluyang umalis nang hindi na lumilingon pa.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Too Late, Ex! Rejected Me? Now I’m Your Aunt   CHAPTER 50

    Agad na lumitaw ang malinaw na pulang marka ng sampal sa mukha ni Benjamin. Kitang-kita ang bakas ng limang daliri ni Karina sa maputla niyang pisngi.Hinawakan niya ang nasaktang bahagi at tumingin kay Karina nang hindi makapaniwala. Unti-unting sumiklab ang galit sa kanyang mga mata.“Sinampal mo ako?!” umalingawngaw ang boses ni Benjamin sa bakanteng corridor ng ospital, puno ng gulat at galit.Diretsong tiningnan siya ni Karina, nanginginig sa matinding galit ang dibdib niya.“Bakit hindi kita sasampalin? Ikaw na lalaking makapal ang mukha!!”“Ikaw na nga ang nang-cheat, ikaw pa ang may gana na siraan ako sa ama ko?” Nanginginig ang boses niya, pero bawat salita ay puno ng poot. “Benjamin Del Valle, nakakadiri ang pagkatao mo! Kinamumuhian kita!!”Lalong nagliyab ang galit ni Benjamin. Bigla siyang lumapit at mahigpit na hinawakan ang balikat ni Karina, saka siya marahas na isinandal sa malamig na pader.“Walang hiya?” halos magdikit ang mukha nila. Ramdam ni Karina ang hininga niy

  • Too Late, Ex! Rejected Me? Now I’m Your Aunt   CHAPTER 49

    Tumango lang si Ram sa narinig at nagwika, “Naiintindihan ko.”Napaka-walang emosyon ng tono niya, na para bang ordinaryong report lang ang pinakikinggan. Pakiramdam tuloy ni Stanley ay parang nasayang lahat ng effort niya para roon.“May meeting ka rin ppo ng alas-diyes, video conference sa Germany,” paalala ni Stanley.“Mm.” maikling sagot ni Ram. Pagkatapos ay ibinalik niya ang atensyon sa mga dokumento sa mesa.Kaya tahimik na lumabas si Stanley sa opisina.Bandang tanghali, pumasok si Karina sa employee cafeteria ng Polaris Technology na may halong kuryosidad. Pagbukas pa lang niya ng glass door, natigilan siya sa kanyang nakita.Hindi ito ordinaryong cafeteria ng kumpanya. Para itong high-end restaurant. Malawak ang espasyo, maliliwanag ang floor-to-ceiling windows, at elegante ang disenyo. Ang mas nakakagulat pa ay ang menu…mula Chinese na kung pao chicken, Italian mushroom cream soup, Japanese sushi, hanggang Thai curry, halos kumpleto ang pagkain mula sa iba’t ibang bansa.“Ba

  • Too Late, Ex! Rejected Me? Now I’m Your Aunt   CHAPTER 48

    Sa isang pasilyo ng ospital, hawak ni Kian ang isang mamahaling hospital bill habang mahigpit ang pagkakunot ng kanyang noo. Sobrang laki ng gastos sa operasyon at lampas na ito sa inaasahan niya. Kahit naibenta na nila ang bahay ng pamilya, kulang pa rin sila ng malaking halaga.Biglang tumunog ang cellphone niya, at narinig niya ang boses ni Lily sa kabilang linya, halatang nagmamadali.“Kailan mo ba balak kumilos?!”Tumingin si Kian sa napakalaking hospital bill sa kanyang kamay bago sumagot sa mabigat na boses. “Sa mga susunod na araw.”Sa kabilang linya, ngumiti si Lily, halatang nasisiyahan. “Mabuti. Tandaan mo, bilisan mo at huwag kang mag-iiwan ng kahit anong bakas.”“Alam ko ang gagawin ko,” sagot ni Kian.Pagkababa ng tawag ni Lily, isang malamig at madilim na kislap ang lumitaw sa kanyang mga mata. Planado na niya ang lahat. Kapag nagtagumpay si Kian sa pagpatay kay Karina, tatawag siya nang anonymous sa pulis para pareho silang mamatay sa pinangyarihan. Sa ganitong paraan,

  • Too Late, Ex! Rejected Me? Now I’m Your Aunt   CHAPTER 47

    “Hindi mo trabahong diktahan kuna ano ang dapat o hindi ko dapat gawin,” Malaman ang bawat salitai ni Ram. Wala itong puwang sa anumang pag-aalinlangan.Ramdam ni Stanley ang mapanganib na presensyang bumabalot sa hangin kaya tahimik siyang umatras ng dalawang hakbang para bawasan ang kanyang presensya.Namula sa galit si Benjamin. Umumbok ang ugat sa kanyang noo. Mula pagkabata, palagi na siyang natatalo ng tiyuhing ito sa pamilya man o sa negosyo. At ngayon, kailangan niyang panoorin na parang wala siyang magawa habang tila may interes ang tiyuhin niya sa kanyang asawa. Isang matinding dagok ito sa kanyang pride.Subalit hindi natinag si Ram. Sa halip, lalo pa siyang nanindigan. “Isa pang pagkakamali at mawawala ka sa posisyon mo bilang general manager ng Del Valle Group.”Parang mabigat na palakol ang tumama sa dibdib ni Benjamin sa mga salitang iyon. Alam niyang hindi nagbibiro ang kanyang tiyuhin. Sa impluwensiya at kakayahan ni Ram, hindi magiging mahirap para rito na alisin siya

  • Too Late, Ex! Rejected Me? Now I’m Your Aunt   CHAPTER 46

    Nang makita ang ngiti ni Karina, lumapit sina Ram at Stanley sa babae. Si Stanley ang unang bumati kay Karina. “Tingnan mo nga naman, Miss Karina. Dito ka rin pala kakain ngayong gabi.”“Oo nga eh, may plano ako kasama ang kaibigan ko,” magalang na sagot ni Karina. Sandali siyang sumulyap kay Ram.Naramdaman ni Stanley ang bahagyang pagbabago sa atmosphere kaya agad siyang nagsalita, “Tamang-tama talaga. Miss Karina, kukunin ko lang ang sasakyan. Pwede bang ikaw na muna ang bahala sa boss namin? Medyo marami siyang nainom ngayong gabi.”Tiningnan ni Karina si Ram. Kahit namumula ang pisngi nito, malinaw ang mga mata at matatag ang tindig nito. Sa unang tingin, hindi ito mukhang lasing. “Parang hindi naman…” sabi niya nang may pagdududa.“Ganyan talaga ang boss namin. Kahit lasing siya, ganyan pa rin siya.” mabilis na paliwanag ni Stanley. “Pero marami talaga siyang nainom. Baka delikado kung maiwan siyang mag-isa.”Naalala ni Karina kung paano siya iniligtas ni Ram sa Montana City, k

  • Too Late, Ex! Rejected Me? Now I’m Your Aunt   CHAPTER 45

    Nang marinig ni Benjamin ang mga salita ni Karina, agad siyang naginhawahan. Basta hindi nito nalaman ang naging pagtatalik nila ni Roxanne sa kanyang opisina, lahat ay maayos na.Agad siyang umarteng nakakaawa. Ang kanyang salita ay puno ng kasinungalingan. “Karina, nagkakamali ka. Matagal ko nang binlock si Roxanne. Siguradong ibang number ang gamit niya para tawagan ako.”Nagpatuloy si Benjamin sa pagsisinungaling nang walang pag-aalinlangan. Ang ekspresyon niya’y parang batang inaapi. “Hindi ko nga siya pinayagang makipag-dinner sa akin. Wala rin akong nireplyan sa messages niya. Maniwala ka sa akin.”Nakaramdam si Karina ng matinding pagkasuklam sa sobrang husay nitong magsinungaling. Ang lalaking ito ay kayang magsinungaling nang walang kaba o hiya. Lahat ng mga salita niya ay nagtutunog totoo. Gustong-gusto na niya itong barahin subalit pinigilan niya ang kanyang sarili. Ayaw niyang malaman ni Benjamin ang tungkol sa mga ebidensyang kinakalap niya.“Whatever,” malamig ngunit pil

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status