Share

CHAPTER 7

Penulis: June
Humarap si Karina kay Benjamin, at sa pagkakataong iyon, tuluyang nawala ang init sa mga mata niya.

“Hindi na katulad dati ang lasa,” mahinahon niyang sabi.

Napaka-kalmado ng boses niya, ngunit para itong malamig na tubig na bumuhos sa buong katawan ni Benjamin.

Mabilis niya itong nilapitan at niyakap nang mahigpit.

“Honey, baka pinalitan lang nila ang recipe,” mabilis niyang sabi. “Tatawagan ko sila bukas. Kahit magkano pa ‘yan, handa akong bilhin basta’t ibalik lang nila yung dating lasa.”

Nanatiling matigas ang katawan ni Karina sa mga yakap ni Benjamin.

“Nagbabago ang mga bagay, Benj,” malamig niyang sagot. “Kapag nagbago na, hindi mo na pwedeng ibalik.”

Parang bawat salita ay tumatagos sa dibdib ni Benjamin.

Bigla siyang kinabahan.

At sa sandaling iyon, tumunog ang telepono niya.

Napatingin siya sa caller ID at agad siyang namutla.

Napansin ni Karina ang pagbabago sa mukha niya, at mas lalong sumikip ang dibdib niya.

“Ma–may emergency lang sa trabaho,” nauutal niyang sabi. “Kailangan kong sagutin.”

Tumalikod si Karina.

“Sige lang. Importante ang trabaho mo.”

Nanigas si Benjamin sa kinatatayuan niya. Ilang segundo siyang nag-aalangan, na para bang hindi makapagdesisyon kung mananatili ba siya sa tabi ni Karina o sasagutin ang tawag na iyon.

Hanggang sa lumabas siya ng kwarto.

Sa labas, rinig ni Karina ang boses niya sa pagitan ng mga dingding.

“Roxanne, anong nangyari? Masama ba pakiramdam mo? Pupunta na ako…”

Unti-unting humina ang boses niya habang lumalayo.

At naiwan si Karina sa katahimikan.

Parang sinasakal ang buong paligid.

Dalawampung minuto ang lumipas nang muling tumunog ang cellphone ni Karina.

Hindi niya kilala ang numero.

Pero sinagot niya.

“Mrs. Del Valle, pasensya na po sa istorbo,” matamis na boses ni Roxanne ang sumagot. “Masama ang pakiramdam ko kaya hiniram ko po muna si Boss Benjamin ngayong gabi. Dumating siya agad nang tawagan ko. Sabi niya, wala raw mas mahalaga kaysa siguraduhin na okay ako.”

Humigpit ang hawak ni Karina sa telepono.

Ngunit nanatili siyang tahimik.

“Alam n’yo po ba,” patuloy ni Roxanne, “sabi niya sa akin ngayon, mas bata at mas maganda raw ako kaysa sa’yo. At kaya ko raw siyang bigyan ng hindi mo nagawa…isang anak. Nabanggit din niya na tatlong taon ka nang hindi nabubuntis at baka raw may problema sa’yo.”

Sandaling tumawa si Roxanne.

“Ah, yung strawberry mousse cake na tinapon mo kanina? Binibili niya rin ‘yon para sa akin palagi. Sabi niya, bagay daw sa mga sweet na babae.”

“Hindi ba ang tamis, Mrs. Del Valle?”

Pagkatapos noon, naputol ang tawag.

Nanatiling nakaupo si Karina sa dilim.

At doon, unti-unting nagbago ang lahat sa loob niya.

Hindi lang sakit.

Kundi isang mabigat at nakakabinging katahimikan.

Simula noon, tahimik na nag-impake si Karina.

Isa-isa niyang tiniklop ang mga damit niya.

Nilagay niya sa maleta ang mga libro, makeup, alahas ay bawat bagay na may kasamang alaala na hindi na niya gustong dalhin pa.

Lalong naging abala si Benjamin.

Palagi itong late kung umuwi. Minsan, hindi na ito umuuwi pa sa kanya. At kapag umuuwi man, laging malayo ang tingin. Palaging wala sa kanya ang atensyon nito.

Samantala, tuloy-tuloy ang mga mensahe ni Roxanne.

Mga litrato ng lumalaking tiyan.

Mga mamahaling regalo.

Mga salitang sinasadya nitong bigkasin upang saktan siya.

Isang araw, bumisita sa bahay si Vanessa, ang matalik niyang kaibigan, para tulungan siya sa pag-aayos ng annulment nila.

“Batay sa mga ebidensiyang nakalap mo at kumpirmadong pagbubuntis ng kabit na iyon, malakas ang kaso mo,” seryosong sabi ni Vanessa. “Malaki ang puwede mong makuhang danyos perwisyo mula sa asawa mo.”

Inilatag niya ang mga dokumento sa mesa.

“Isinakripisyo mo rin ang career mo sa scientific research para kay Benjamin. Malaki rin ang bearing no’n sa korte.”

Tahimik lang si Karina.

Bago siya pumirma o gumawa ng kahit ano, gusto muna niyang sabihin sa may sakit niyang ama.

Dinalaw niya ito sa ospital.

Mas maayos na ang itsura nito ngayon—mas buhay, mas malinaw ang mga mata.

“Dad,” maingat niyang simula, “kung… hypothetically lang… kung maghihiwalay kami Benjamin, ano pong masasabi niyo?”

Ibinaba ng ama niya ang diyaryo.

“May problema ba kayo ni Benjamin?”

Humigpit ang paghinga ni Karina.

“Curious lang po ako…”

“Hindi pwede!” biglang tumaas ang boses ng matanda. “Karina, alam mo ba kung ano ang ginawa ng Del Valle family para sa atin? Kung hindi dahil sa kanila, hindi tayo makakaahon. Sila ang nagbayad ng lahat ng gastusin ko sa ospital.”

Namula ang mukha nito sa emosyon.

“Si Benjamin ay mabuting asawa sa’yo. Bakit mo naiisip ‘yan? May nagsasabi ba sa’yo ng kung anu-ano?”

Hindi na nakapagsalita pa si Karina.

Hindi niya kayang sabihin ang totoo.

Hindi niya kayang sirain ang kalagayan ng ama niya.

“Wala po, Dad…”

Ngunit bago pa siya makapagpalit ng usapan, tumunog ang cellphone ng ama niya.

Tiningnan nito ang screen.

At biglang namutla.

Isang message mula kay Roxanne.

May kasamang larawan.

Benjamin.

At si Roxanne.

Naghahalikan sa isang hotel room.

Sa ilalim ng larawan, isang mensahe ang nakasulat:

“I am sending you this to let you know. Buntis ako at ang manugang ninyong si Benjamin ang ama.”

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Too Late, Ex! Rejected Me? Now I’m Your Aunt   CHAPTER 50

    Agad na lumitaw ang malinaw na pulang marka ng sampal sa mukha ni Benjamin. Kitang-kita ang bakas ng limang daliri ni Karina sa maputla niyang pisngi.Hinawakan niya ang nasaktang bahagi at tumingin kay Karina nang hindi makapaniwala. Unti-unting sumiklab ang galit sa kanyang mga mata.“Sinampal mo ako?!” umalingawngaw ang boses ni Benjamin sa bakanteng corridor ng ospital, puno ng gulat at galit.Diretsong tiningnan siya ni Karina, nanginginig sa matinding galit ang dibdib niya.“Bakit hindi kita sasampalin? Ikaw na lalaking makapal ang mukha!!”“Ikaw na nga ang nang-cheat, ikaw pa ang may gana na siraan ako sa ama ko?” Nanginginig ang boses niya, pero bawat salita ay puno ng poot. “Benjamin Del Valle, nakakadiri ang pagkatao mo! Kinamumuhian kita!!”Lalong nagliyab ang galit ni Benjamin. Bigla siyang lumapit at mahigpit na hinawakan ang balikat ni Karina, saka siya marahas na isinandal sa malamig na pader.“Walang hiya?” halos magdikit ang mukha nila. Ramdam ni Karina ang hininga niy

  • Too Late, Ex! Rejected Me? Now I’m Your Aunt   CHAPTER 49

    Tumango lang si Ram sa narinig at nagwika, “Naiintindihan ko.”Napaka-walang emosyon ng tono niya, na para bang ordinaryong report lang ang pinakikinggan. Pakiramdam tuloy ni Stanley ay parang nasayang lahat ng effort niya para roon.“May meeting ka rin ppo ng alas-diyes, video conference sa Germany,” paalala ni Stanley.“Mm.” maikling sagot ni Ram. Pagkatapos ay ibinalik niya ang atensyon sa mga dokumento sa mesa.Kaya tahimik na lumabas si Stanley sa opisina.Bandang tanghali, pumasok si Karina sa employee cafeteria ng Polaris Technology na may halong kuryosidad. Pagbukas pa lang niya ng glass door, natigilan siya sa kanyang nakita.Hindi ito ordinaryong cafeteria ng kumpanya. Para itong high-end restaurant. Malawak ang espasyo, maliliwanag ang floor-to-ceiling windows, at elegante ang disenyo. Ang mas nakakagulat pa ay ang menu…mula Chinese na kung pao chicken, Italian mushroom cream soup, Japanese sushi, hanggang Thai curry, halos kumpleto ang pagkain mula sa iba’t ibang bansa.“Ba

  • Too Late, Ex! Rejected Me? Now I’m Your Aunt   CHAPTER 48

    Sa isang pasilyo ng ospital, hawak ni Kian ang isang mamahaling hospital bill habang mahigpit ang pagkakunot ng kanyang noo. Sobrang laki ng gastos sa operasyon at lampas na ito sa inaasahan niya. Kahit naibenta na nila ang bahay ng pamilya, kulang pa rin sila ng malaking halaga.Biglang tumunog ang cellphone niya, at narinig niya ang boses ni Lily sa kabilang linya, halatang nagmamadali.“Kailan mo ba balak kumilos?!”Tumingin si Kian sa napakalaking hospital bill sa kanyang kamay bago sumagot sa mabigat na boses. “Sa mga susunod na araw.”Sa kabilang linya, ngumiti si Lily, halatang nasisiyahan. “Mabuti. Tandaan mo, bilisan mo at huwag kang mag-iiwan ng kahit anong bakas.”“Alam ko ang gagawin ko,” sagot ni Kian.Pagkababa ng tawag ni Lily, isang malamig at madilim na kislap ang lumitaw sa kanyang mga mata. Planado na niya ang lahat. Kapag nagtagumpay si Kian sa pagpatay kay Karina, tatawag siya nang anonymous sa pulis para pareho silang mamatay sa pinangyarihan. Sa ganitong paraan,

  • Too Late, Ex! Rejected Me? Now I’m Your Aunt   CHAPTER 47

    “Hindi mo trabahong diktahan kuna ano ang dapat o hindi ko dapat gawin,” Malaman ang bawat salitai ni Ram. Wala itong puwang sa anumang pag-aalinlangan.Ramdam ni Stanley ang mapanganib na presensyang bumabalot sa hangin kaya tahimik siyang umatras ng dalawang hakbang para bawasan ang kanyang presensya.Namula sa galit si Benjamin. Umumbok ang ugat sa kanyang noo. Mula pagkabata, palagi na siyang natatalo ng tiyuhing ito sa pamilya man o sa negosyo. At ngayon, kailangan niyang panoorin na parang wala siyang magawa habang tila may interes ang tiyuhin niya sa kanyang asawa. Isang matinding dagok ito sa kanyang pride.Subalit hindi natinag si Ram. Sa halip, lalo pa siyang nanindigan. “Isa pang pagkakamali at mawawala ka sa posisyon mo bilang general manager ng Del Valle Group.”Parang mabigat na palakol ang tumama sa dibdib ni Benjamin sa mga salitang iyon. Alam niyang hindi nagbibiro ang kanyang tiyuhin. Sa impluwensiya at kakayahan ni Ram, hindi magiging mahirap para rito na alisin siya

  • Too Late, Ex! Rejected Me? Now I’m Your Aunt   CHAPTER 46

    Nang makita ang ngiti ni Karina, lumapit sina Ram at Stanley sa babae. Si Stanley ang unang bumati kay Karina. “Tingnan mo nga naman, Miss Karina. Dito ka rin pala kakain ngayong gabi.”“Oo nga eh, may plano ako kasama ang kaibigan ko,” magalang na sagot ni Karina. Sandali siyang sumulyap kay Ram.Naramdaman ni Stanley ang bahagyang pagbabago sa atmosphere kaya agad siyang nagsalita, “Tamang-tama talaga. Miss Karina, kukunin ko lang ang sasakyan. Pwede bang ikaw na muna ang bahala sa boss namin? Medyo marami siyang nainom ngayong gabi.”Tiningnan ni Karina si Ram. Kahit namumula ang pisngi nito, malinaw ang mga mata at matatag ang tindig nito. Sa unang tingin, hindi ito mukhang lasing. “Parang hindi naman…” sabi niya nang may pagdududa.“Ganyan talaga ang boss namin. Kahit lasing siya, ganyan pa rin siya.” mabilis na paliwanag ni Stanley. “Pero marami talaga siyang nainom. Baka delikado kung maiwan siyang mag-isa.”Naalala ni Karina kung paano siya iniligtas ni Ram sa Montana City, k

  • Too Late, Ex! Rejected Me? Now I’m Your Aunt   CHAPTER 45

    Nang marinig ni Benjamin ang mga salita ni Karina, agad siyang naginhawahan. Basta hindi nito nalaman ang naging pagtatalik nila ni Roxanne sa kanyang opisina, lahat ay maayos na.Agad siyang umarteng nakakaawa. Ang kanyang salita ay puno ng kasinungalingan. “Karina, nagkakamali ka. Matagal ko nang binlock si Roxanne. Siguradong ibang number ang gamit niya para tawagan ako.”Nagpatuloy si Benjamin sa pagsisinungaling nang walang pag-aalinlangan. Ang ekspresyon niya’y parang batang inaapi. “Hindi ko nga siya pinayagang makipag-dinner sa akin. Wala rin akong nireplyan sa messages niya. Maniwala ka sa akin.”Nakaramdam si Karina ng matinding pagkasuklam sa sobrang husay nitong magsinungaling. Ang lalaking ito ay kayang magsinungaling nang walang kaba o hiya. Lahat ng mga salita niya ay nagtutunog totoo. Gustong-gusto na niya itong barahin subalit pinigilan niya ang kanyang sarili. Ayaw niyang malaman ni Benjamin ang tungkol sa mga ebidensyang kinakalap niya.“Whatever,” malamig ngunit pil

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status