LOGIN“Richard, magsalita ka!!” humakbang ako palapit sa kaniya. “You ruined my life! You promised me a future! Magsalita k—”
PAK!
Isang napakalakas at madiing sampal ang dumapo sa kanang pisngi ko.
Tumagilid ang mukha ko sa sobrang lakas ng pwersa. Parang umikot ang paningin ko. Ang hapdi ay agad na gumapang mula sa pisngi ko patungo sa tainga ko, nag-iwan ng nakakabinging tunog.
Napahawak ako sa pisngi ko. Ang init. Ang sakit.
Tumingala ako. Si Stephanie, humihingal, ang kamay ay nakataas pa mula sa pagsampal sa akin.
“Huwag na huwag mong lalapitan ang asawa ko,” nanggagalaiti niyang banta.
Tumingin ako kay Richard.
Maghihintay ako. Naghintay ako. Kahit ngayon lang.
Kahit pagkatapos ng lahat ng panloloko niya, umaasa akong kikilos siya. Aasahan kong hahawakan niya si Stephanie palayo.
Umaasa akong tutulungan niya akong tumayo nang maayos. Umaasa akong makikita ko sa mga mata niya ang awa.
Pero nanatili siyang nakatayo.
Tinitigan niya lang ako. Hindi siya kumilos. Hindi siya lumapit.
At sa halip, dahan-dahan niyang hinawakan ang kamay ni Stephanie, marahan itong hinihila pabalik sa tabi niya bilang proteksyon.
Naramdaman ko ang malamig na hangin na nagmula sa aircon ng restaurant na tila ba unti-unting nagyeyelo sa buong katawan ko.
Nakapako ang mga paa ko sa sahig. Ang pisngi ko ay namamanhid pa rin mula sa malakas na sampal ni Stephanie, ngunit mas namamanhid ang puso ko sa ginawang paghila ni Richard sa asawa niya palapit sa kaniya.
He protected her.
Mula sa akin.
Sa babaeng niloko niya nang tatlong taon.
“Sir Richard!” isang matinis na boses ng reporter ang bumasag sa nakakabinging katahimikan sa utak ko. Isiniksik nito ang sarili sa harapan hawak ang isang recording device. “Gaano na katagal ang relasyon niyo sa babaeng ito? Paano kayo nagkakilala ni Miss Armea?”
Wala sa sarili akong tumayo kahit pa nanginginig ang buong katawan ko.
Napalunok ako. Ang mga mata ko ay nanatiling nakatitig kay Richard, nagmamakaawa.
Sabihin mo ang totoo, Richard.
Sabihin mo kung paano mo ako niligawan. Sabihin mo kung paano mo sinabi sa akin na ako lang ang babaeng mahal mo. Sabihin mo sa kanila na wala akong alam!
Tiningnan ako ni Richard. Isang sulyap lang. Mabilis at puno ng takot. Pagkatapos ay iniba niya ang direksyon ng mga mata niya, itinuon ito sa mga nagkikislapang camera sa paligid namin.
Ang kaniyang balikat ay bumagsak, ang kaniyang mukha ay napalitan ng isang ekspresyon na parang siya ang pinaka-kawawang tao sa buong silid.
Parang siya ang biktima.
“I... I made a mistake,” paos at nanginginig na panimula ni Richard.
Parang piniga ang puso ko. Mistake? Ako? Isang pagkakamali ang tatlong taon?
Bago pa man madugtungan ni Richard ang sinabi niya, mabilis na umabante si Stephanie. Ang kaniyang postura ay perpekto, ang kaniyang mukha ay kalmado ngunit ang mga mata ay may nakakalasong kislap.
“My husband is a good man,” mariing anunsyo ni Stephanie, ang boses ay umaalingawngaw sa buong private room. “He is a successful businessman, a provider, and a loving partner. Pero tulad ng maraming lalaki, naging biktima siya ng kahinaan. At ang kahinaang iyon ay sinamantala ng mga babaeng desperada sa pera at atensyon.”
Nanlaki ang mga mata ko. “Anong sinasabi mo?! H-Hindi totoo 'yan!”
Pero hindi ako pinansin ni Stephanie. Tumingin siya ng diretso sa mga camera, hawak nang mahigpit ang braso ni Richard.
“Para malinawan kayong lahat, matagal na pong sinusubukang makipaghiwalay ng asawa ko sa babaeng 'yan. Matagal na niyang inaayos ang pagkakamali niya. He wanted to fix our family. Pero itong si Armea...” Itinuro niya ako nang walang-habas. “Siya ang ayaw bumitaw. Siya ang patuloy na nangungulit, nagbabanta, at sumisira sa kapayapaan namin!”
Napanganga ako. Hindi ako makahinga.
Ano? Ako? Nangungulit? Nagbabanta?
Tumingin ako kay Richard. Ang lalaking pinaglaanan ko ng lahat ng oras at pagmamahal ko. Ang lalaking kani-kanina lang ay nag-text sa akin na may surprise that will change our lives forever. Ito ba ang surprise na hinanda niya? Ang lutuin ako?
“Richard...” basag na basag ang boses ko. Ang mga luha ko ay walang humpay sa pag-agos, sumasama sa dugong nalalasahan ko sa labi ko. “Richard, magsalita ka... Sabihin mo sa kanila kung anong sinabi mo sa akin kaninang umaga! Sabihin mo sa kanilang... sabihin mong ikaw ang nag-aya sa akin dito!”
Naghihintay ako. Naghihintay akong itanggi niya. Kahit man lang sabihin niyang nagsisinungaling si Stephanie! Kahit man lang bawiin niya ang paratang na ako ang naghahabol!
Pero nanatili siyang tahimik.
Nakatungo lang siya. Walang kibo. Walang salita.
Ang kaniyang katahimikan ay tila isang matalim na kutsilyong unti-unting ibinabaon sa dibdib ko. Sa bawat segundong lumilipas na hindi niya sinasalungat ang kasinungalingan ng asawa niya, mas lalong nadudurog ang pagkatao ko.
Pinatay niya ako sa mismong harapan ng maraming tao gamit ang kaniyang katahimikan.
“Nakikita niyo na?” mapang-uyam na dugtong ni Stephanie. “She’s delusional. Gumagawa siya ng sarili niyang kwento para ipagpilitan ang sarili niya sa asawa ko.”
Mas lalong umingay ang mga reporters. Nagsimula silang magtulakan, itinututok ang mga mikropono sa mukha ni Richard.
“Sir Richard! Totoo po ba na matagal niyo nang iniiwasan si Miss Armea?”
“Pero Sir, paano po ninyo ipaliliwanag ang mga public moments niyo? Nakita po kayo sa Boracay last year! Marami pong nakakita sa inyo na magka-holding hands pa habang naglalakad sa beach. At may mga resibo rin po ng posts niya nung nagdaang Valentine’s Day na nagpadala kayo ng tatlong dosenang rosas sa opisina niya!”
Biglang napalingon si Richard sa reporter na nagtanong niyon. Para siyang nabuhusan ng malamig na tubig.
Maging ako ay nabuhayan ng pag-asa. Oo! Ang Boracay trip namin! Ang aming first anniversary vacation. Ang Valentine's Day kung saan sinurpresa niya ako sa harap ng lahat ng mga katrabaho ko.
Ang lahat ng iyon ay totoo! Hindi ko iyon inimbento!
“Paano po nagsimula ang relasyon ninyo? Niligawan niyo po ba siya, Sir Richard? Kasi kung matagal niyo na pala siyang iniiwasan, bakit po may mga ganitong public display of affection?”
Hindi ko alam kung gaano katagal akong nakaupo sa gilid ng kama bago ako tuluyang tumayo.Hindi ko puwedeng hayaang lamunin ako ng takot.Hindi ko alam kung nasaan ako, pero kung may kahit maliit na posibilidad na makalabas ako, kailangan kong hanapin iyon.Una kong sinuri ang pinto. Muli kong hinila ang doorknob, saka sinubukang idiin ang balikat ko sa kahoy. Hindi man lang gumalaw.“Fantastic.” Napailing ako. “Five-star kidnapping experience.”Wala akong phone. Wala akong bag.Wala kahit relo na puwede kong tignan ng oras. Ang suot ko lang ay ang damit na pinang-alis ko sa penthouse, medyo gusot na at may bahid ng alikabok mula sa van.Napatingin ako sa aking kamay.Nandoon pa ang wedding ring ko.Hindi ko alam kung bakit iyon ang unang bagay na napansin ko. Siguro dahil ang lahat ng iba pa ay kinuha sa akin, pero ang singsing ay andito parin.O baka dahil sa gitna ng napakaraming kaguluhan, iyon lang ang maliit na paalala kay Reiner. Ano na kayang ginagawa niya ngayon? Hinahanap n
Armea’s Point of ViewAng unang bumungad sa akin ay isang kisameng kulay abo, may maliit na bitak sa gitna at isang bombilyang nakasabit sa mahabang kawad. Ilang segundo akong nakatitig doon, pilit inuunawa kung bakit parang umiikot pa rin ang paligid ko.Nasaan ako?Mabilis akong bumangon.Maling desisyon.Biglang kumirot ang ulo ko at halos bumaliktad ang sikmura ko. Napahawak ako sa gilid ng kama, hinihintay na tumigil ang pagkahilo. Nang sa wakas ay nakapag-focus ang paningin ko, saka ko lamang napansing hindi ito isang ordinaryong kwarto sa isang bahay.Makitid. Mainit. May amoy na lumang kahoy at detergent. Isang maliit na aparador ang nakasandal sa dingding, at sa tabi nito ay isang electric fan na parang mas malakas pa ang ingay kaysa hangin na ibinubuga nito.Walang bintanang malaki. Tanging isang makitid na jalousie sa itaas ng dingding, masyadong mataas para maabot ko nang hindi umaakyat sa kung ano.At ang pinto?Naka-lock.“Shit.”Bumaba ako sa kama at agad na sinubukang
“Reiner is dangerous.”Napakuyom ako ng kamao. “Stop using my husband as an excuse!”Nakita kong kumislot ang panga niya sa salitang iyon.My husband.Dahil hindi gumana ang plano niya na sirain sakin ang asawa ko ito ang gagawin niya, mas lalo siyang nagpakadesperado na bawiin ako.“Hindi mo alam kung ano ang kaya niyang gawin,” madiin niyang sabi. “Hindi mo alam kung gaano kalalim ang mga koneksiyon niya. He can destroy a person without even touching him. Tingnan mo ako, Armea. Halos wala nang natira sa akin.”Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa.“Then maybe you should have thought about that before you decided to ruin me.”Napailing siya, tila hindi matanggap ang sagot ko. “I know I made mistakes.”“Mistakes?” Napatawa ako, pero walang kahit anong saya sa tunog nito. “May asawa ka nang tatlong taon habang nililigawan mo ako. Pinaniwala mo akong ako lang. Pinabayaan mong akalain kong ako ang may kasalanan. At ngayon, dinukot mo ako. Richard, hindi na ito simpleng pagkakamali!”“
“May isang taong nagbayad ng malaki para lang makuha ka.”Parang may kung anong malamig na dumaan sa batok ko. Hindi ko alam kung alin ang mas nakakatakot—ang mga lalaking humila sa akin mula sa ospital, o ang taong nagbayad sa kanila na para bang isa lang akong bagay na puwedeng bilhin.“Sino?” nanginginig kong tanong. “Sino ang nagbayad sa inyo?”Hindi agad sumagot ang lalaking nasa harapan ko. Sa halip, bahagya siyang tumabi upang bigyang-daan ang aninong nasa likuran niya.May narinig akong yabag.Isang pamilyar na amoy ng mamahaling pabango ang unti-unting humalo sa amoy ng alikabok at gasolina.Hindi. Hindi puwede.“Armea.”Nawala ang lahat ng tunog sa paligid ko.Ang boses na iyon. Ang boses na minsang nagpapatahan sa akin kapag umiiyak ako. Ang boses na paulit-ulit nagsabing ako lang ang mahal niya. Ang boses na narinig ko sa isang video, sa isang tawag, at sa mga panaginip na pilit kong kinakalimutan.Dahan-dahang lumapit ang lalaki sa ilalim ng mahinang ilaw.Richard.“YOU?!”
“Sa Ramanov Medical Center po. Please, bilisan niyo.”Mabilis na sinilip ako ng driver sa rearview mirror, tila nagtataka sa pagmamadali ko, ngunit hindi na siya nagtanong pa. Pinaandar niya ang sasakyan at sumama ito sa mabagal na agos ng trapiko.Nang tuluyan nang mawala sa paningin ko ang commercial complex, saka lamang ako nakahinga nang maluwag.Pero hindi iyon kaginhawahan.Takot iyon. Takot na baka may mangyari sa akin. Takot na baka mahuli ako ni Reiner. Takot na baka mayroon akong malaman na hindi ko dapat malaman.Nang lumiko ang taxi sa driveway ng Ramanov Medical Center, napatingin ako sa mataas na gusali.Maraming sasakyan sa drop-off area, ngunit may dalawang lalaking nakaitim na suit sa harapan na tila hindi nagbabantay ng karaniwang pasyente.Nandito na ako. Hindi na ako puwedeng umatras.***Mabigat ang bawat hakbang ko habang papalapit ako sa entrance ng Ramanov Medical Center.Nang huminto ang taxi sa tapat ng covered driveway, agad kong inabot ang bayad sa driver.
Hindi ko alam kung mas kinakabahan ako sa posibilidad na mahuli ni Reiner ang ginagawa ko o sa posibilidad na tama ang mga hinala ko.Tahimik akong nakaupo sa likuran ng sasakyan. Si Gerard ay nasa kabilang upuan, habang may isang guard sa harap at isa pang nakasunod sa hiwalay na kotse.Grabe. Bibili lang ako ng fountain pen, pero para akong presidente na may personal na convoy.Kung hindi lang ako kinakabahan, baka natawa na ako sa sitwasyon.“Madam, are you comfortable?” tanong ni Gerard nang mapansin niyang ilang beses akong napatingin sa bintana.Mabilis akong napaharap sa kaniya.“Yes. I'm fine.”“Do you want the driver to adjust the air-conditioning?”“No, thank you.”Tumango siya at muling tumingin sa unahan.Iyon ang problema kay Gerard. Hindi siya basta-bastang guard na maaaring malusutan sa isang simpleng dahilan. Tahimik siya, pero mapagmasid.Kahit hindi niya ako kinakausap, ramdam kong alam niya kung kailan ako kinakabahan at kung kailan may bagay akong gustong itago.At







