LOGIN“Paano po nagsimula ang relasyon ninyo? Niligawan niyo po ba siya, Sir Richard? Kasi kung matagal niyo na pala siyang iniiwasan, bakit po may mga ganitong public display of affection?” pang-iipit ng isa pang reporter.
Tumingin ako kay Richard. Kinakabahan. Umaasa.
Ngayon, hindi mo na pwedeng itanggi, Richard. Hindi mo pwedeng burahin ang nakaraan dahil may mga nakasaksi.
Napalunok si Richard. Pinagpawisan nang malapot ang kaniyang noo. Tumingin siya kay Stephanie na ngayon ay matalim ang titig sa kaniya.
Humarap muli si Richard sa mga camera. Huminga siya nang malalim, at nang magsalita siya, pakiramdam ko ay gumuho ang buong mundo ko.
“It’s... complicated,” pilit at nag-aalangan niyang sagot.
Complicated?
“Ang totoo niyan...” nag-iwas siya ng tingin, hindi niya ako magawang sulyapan man lang. “I never really courted her properly. She was... she was very aggressive. Nakilala ko siya sa isang event, at simula noon, siya na ang laging gumagawa ng paraan para magkita kami.”
Nanlaki ang mga mata ko. Ang paghinga ko ay nag-umpisang maging putol-putol.
Aggressive? Ako ang gumawa ng paraan?
Mabilis na nag-flashback sa isip ko ang unang beses naming magkita. Siya ang lumapit sa akin.
Siya ang nagpadala ng kape sa opisina ko araw-araw sa loob ng tatlong buwan bago ko siya sinagot. Siya ang naghintay sa ilalim ng ulan nang mag-away kami dahil gusto niyang mag-sorry.
“Y-Yung sa Boracay...” patuloy ni Richard, ang boses ay lalong lumiliit ngunit sapat para marinig ng mga mikropono. “Work trip ko 'yon. Sumunod lang siya. Pinilit niyang sumama. I was just trying to be polite, kaya hinayaan ko na lang. Pero wala talaga akong intensyong seryosohin siya.”
Hindi ko na namalayang umiling-iling ako nang mabilis.
“Sinungaling!” sigaw ko, ang boses ko ay pumiyok sa sobrang sakit at galit. “Sinungaling ka, Richard!! Ikaw ang nag-book ng flight na 'yon! Ikaw ang nagplano ng lahat! Anniversary natin 'yon!”
Pero hindi ako pinansin ng mga reporters. Nakatutok lang sila kay Richard na ngayon ay mas lalong umaarte na parang biktima ng aking 'obsesyon'.
“I admit, I was weak,” malungkot na saad ni Richard, umaaktong nagsisisi. “Napadala ako sa sitwasyon. Pero matagal ko nang narealize ang pagkakamali ko. Matagal ko nang gustong tapusin ang lahat, kaya lang... hindi niya ako tinatantanan. She manipulated me. She blackmailed me into staying.”
Isang nakakabinging katahimikan ang bumalot sa akin, kahit na ang totoo ay sobrang ingay ng paligid.
Ang mga salitang lumalabas sa bibig niya ay tila asido na unti-unting tumutunaw sa aking kaluluwa.
Kinalimutan niya ang tatlong taon ng pagmamahalan namin. Kinalimutan niya ang mga sakripisyo ko, ang mga pangarap naming binuo nang magkasama, ang lahat ng alaala na iningatan ko.
Ginagawa niya akong kontrabida. Na ako ang magmukhang walang dignidad at walang kahihiyan dahil lang sa katotohanang minahal ko siya at naniwala akong minahal niya din ako!
Habang pinapanood ko siyang magsinungaling sa harap ng buong mundo, unti-unting napalitan ng ibang emosyon ang takot at kaba ko.
Ang sakit. Ang pagkadurog. Ang awa sa sarili.
Lahat ng iyon ay unti-unting kinain ng isang naglalagablab, mainit, at nakamamatay na galit.
Gusto kong sumigaw. Gusto kong saktan siya. Gusto kong sirain ang mukha niya hanggang sa hindi na siya makapagsinungaling!
Pero bago pa man ako makahakbang palapit sa kaniya para isampal sa pagmumukha niya ang totoo, isang babaeng reporter na may maikling buhok at matapang na aura ang humakbang palapit sa akin. Itinutok niya ang recorder niya halos sa bibig ko.
“Miss Armea!” matalim na tawag nito sa pangalan ko, na tila ba nandidiri siya sa pagbanggit nito. “Bilang isang mistress, bilang isang kabit na sumisira ng isang masayang pamilya, ano ang masasabi mo sa mga pahayag ni Sir Richard?”
Kabit.
Kabit.
Umalingawngaw ang salitang iyon sa buong pandinig ko.
“A-Ano...” nanginginig ang mga labi kong usal.
“Inaamin mo ba na alam mo mula pa sa simula na may asawa na siya?” diretsang tanong ng reporter, walang bahid ng awa o simpatiya. “Pera lang ba ang habol mo sa kaniya kaya kahit alam mong kasal na siya kay Miss Stephanie ay pumasok ka pa rin sa relasyon?”
Natigilan ako. Tulala.
Ang utak ko ay nag-overdrive pero walang salitang lumabas sa bibig ko. Paano ako sasagot? Paano ko ipagtatanggol ang sarili ko kung ang mismong lalaking inaasahan kong magpapatunay ng inosensya ko ay siya pang nagbaon sa akin sa hukay ng kasinungalingan?
Kung sasabihin kong hindi ko alam, hindi sila maniniwala dahil kalalabas lang ng dokumento at ng litrato ng kasal ni Stephanie.
Kung sasabihin kong niligawan niya ako, tinanggi na niya.
Kahit anong sabihin ko, alam kong sa mga oras na ito, ako ang masama. Ako ang naninira ng pamilya!
Ang mga camera ay nagsimulang mag-focus sa akin. Nakikita ko ang pulang ilaw sa mga video recorder, hudyat na bawat patak ng luha ko, bawat panginginig ng labi ko, bawat pagiging tulala ko, ay naka-live broadcast.
“Look at her,” malamig at nagwawaging komento ni Stephanie, ginagamit ang aking katahimikan. “Silence means guilt. Hindi siya makasagot dahil totoo ang lahat ng sinabi namin. Huli na siya sa akto, ngunit wala pa rin siyang kunsensya.”
“Hindi...” paos kong bulong, umiling-iling. “Hindi totoo 'yan... Wala akong alam... Mahal ko siya...”
“Mahal?” mapaklang tawa ni Stephanie, na agad sinabayan ng bulungan at pagkutya ng mga reporters at ng mga taong nanonood sa labas ng private room. “You don’t love him, Armea. You love his wallet. You love the luxury he provides. Kaya ngayon, dahil alam na ng buong mundo kung sino ka talaga, I want you to stay away from my husband.”
Click! Flash! Click!
Nasilaw ako sa sunod-sunod na flash ng camera. Nanginginig kong itinaas ang mga kamay ko para takpan ang mukha ko. Hindi ko na kaya. Masyado nang marami. Masyado nang masakit.
“Let’s go, Richard. Masyado na tayong nag-aaksaya ng oras sa basurang ito,” maawtoridad na utos ni Stephanie.
Hinawakan niyang muli ang braso ng asawa niya at buong pagmamalaking naglakad palabas ng silid.
Nang makita kong naglalakad na palayo si Richard, biglang nawala ang pagiging paralisado ko.
Hindi. Hindi siya pwedeng umalis ng ganito lang. Hindi niya pwedeng iwan ang lahat ng kasinungalingang ito sa balikat ko!
“Richard! Wait!” sigaw ko.
Tumakbo ako para sundan siya. Pilit kong hinawi ang ilang reporters na nakaharang sa daan ko. Nabali ang takong ng suot kong stiletto ngunit wala akong pakialam. Ipinagpatuloy ko ang pagtakbo nang nakayapak ang isang paa.
“Richard, mag-usap tayo! Sabihin mo sa akin ang totoo! Bakit mo ginagawa 'to?!”
Hindi ko alam kung gaano katagal akong nakaupo sa gilid ng kama bago ako tuluyang tumayo.Hindi ko puwedeng hayaang lamunin ako ng takot.Hindi ko alam kung nasaan ako, pero kung may kahit maliit na posibilidad na makalabas ako, kailangan kong hanapin iyon.Una kong sinuri ang pinto. Muli kong hinila ang doorknob, saka sinubukang idiin ang balikat ko sa kahoy. Hindi man lang gumalaw.“Fantastic.” Napailing ako. “Five-star kidnapping experience.”Wala akong phone. Wala akong bag.Wala kahit relo na puwede kong tignan ng oras. Ang suot ko lang ay ang damit na pinang-alis ko sa penthouse, medyo gusot na at may bahid ng alikabok mula sa van.Napatingin ako sa aking kamay.Nandoon pa ang wedding ring ko.Hindi ko alam kung bakit iyon ang unang bagay na napansin ko. Siguro dahil ang lahat ng iba pa ay kinuha sa akin, pero ang singsing ay andito parin.O baka dahil sa gitna ng napakaraming kaguluhan, iyon lang ang maliit na paalala kay Reiner. Ano na kayang ginagawa niya ngayon? Hinahanap n
Armea’s Point of ViewAng unang bumungad sa akin ay isang kisameng kulay abo, may maliit na bitak sa gitna at isang bombilyang nakasabit sa mahabang kawad. Ilang segundo akong nakatitig doon, pilit inuunawa kung bakit parang umiikot pa rin ang paligid ko.Nasaan ako?Mabilis akong bumangon.Maling desisyon.Biglang kumirot ang ulo ko at halos bumaliktad ang sikmura ko. Napahawak ako sa gilid ng kama, hinihintay na tumigil ang pagkahilo. Nang sa wakas ay nakapag-focus ang paningin ko, saka ko lamang napansing hindi ito isang ordinaryong kwarto sa isang bahay.Makitid. Mainit. May amoy na lumang kahoy at detergent. Isang maliit na aparador ang nakasandal sa dingding, at sa tabi nito ay isang electric fan na parang mas malakas pa ang ingay kaysa hangin na ibinubuga nito.Walang bintanang malaki. Tanging isang makitid na jalousie sa itaas ng dingding, masyadong mataas para maabot ko nang hindi umaakyat sa kung ano.At ang pinto?Naka-lock.“Shit.”Bumaba ako sa kama at agad na sinubukang
“Reiner is dangerous.”Napakuyom ako ng kamao. “Stop using my husband as an excuse!”Nakita kong kumislot ang panga niya sa salitang iyon.My husband.Dahil hindi gumana ang plano niya na sirain sakin ang asawa ko ito ang gagawin niya, mas lalo siyang nagpakadesperado na bawiin ako.“Hindi mo alam kung ano ang kaya niyang gawin,” madiin niyang sabi. “Hindi mo alam kung gaano kalalim ang mga koneksiyon niya. He can destroy a person without even touching him. Tingnan mo ako, Armea. Halos wala nang natira sa akin.”Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa.“Then maybe you should have thought about that before you decided to ruin me.”Napailing siya, tila hindi matanggap ang sagot ko. “I know I made mistakes.”“Mistakes?” Napatawa ako, pero walang kahit anong saya sa tunog nito. “May asawa ka nang tatlong taon habang nililigawan mo ako. Pinaniwala mo akong ako lang. Pinabayaan mong akalain kong ako ang may kasalanan. At ngayon, dinukot mo ako. Richard, hindi na ito simpleng pagkakamali!”“
“May isang taong nagbayad ng malaki para lang makuha ka.”Parang may kung anong malamig na dumaan sa batok ko. Hindi ko alam kung alin ang mas nakakatakot—ang mga lalaking humila sa akin mula sa ospital, o ang taong nagbayad sa kanila na para bang isa lang akong bagay na puwedeng bilhin.“Sino?” nanginginig kong tanong. “Sino ang nagbayad sa inyo?”Hindi agad sumagot ang lalaking nasa harapan ko. Sa halip, bahagya siyang tumabi upang bigyang-daan ang aninong nasa likuran niya.May narinig akong yabag.Isang pamilyar na amoy ng mamahaling pabango ang unti-unting humalo sa amoy ng alikabok at gasolina.Hindi. Hindi puwede.“Armea.”Nawala ang lahat ng tunog sa paligid ko.Ang boses na iyon. Ang boses na minsang nagpapatahan sa akin kapag umiiyak ako. Ang boses na paulit-ulit nagsabing ako lang ang mahal niya. Ang boses na narinig ko sa isang video, sa isang tawag, at sa mga panaginip na pilit kong kinakalimutan.Dahan-dahang lumapit ang lalaki sa ilalim ng mahinang ilaw.Richard.“YOU?!”
“Sa Ramanov Medical Center po. Please, bilisan niyo.”Mabilis na sinilip ako ng driver sa rearview mirror, tila nagtataka sa pagmamadali ko, ngunit hindi na siya nagtanong pa. Pinaandar niya ang sasakyan at sumama ito sa mabagal na agos ng trapiko.Nang tuluyan nang mawala sa paningin ko ang commercial complex, saka lamang ako nakahinga nang maluwag.Pero hindi iyon kaginhawahan.Takot iyon. Takot na baka may mangyari sa akin. Takot na baka mahuli ako ni Reiner. Takot na baka mayroon akong malaman na hindi ko dapat malaman.Nang lumiko ang taxi sa driveway ng Ramanov Medical Center, napatingin ako sa mataas na gusali.Maraming sasakyan sa drop-off area, ngunit may dalawang lalaking nakaitim na suit sa harapan na tila hindi nagbabantay ng karaniwang pasyente.Nandito na ako. Hindi na ako puwedeng umatras.***Mabigat ang bawat hakbang ko habang papalapit ako sa entrance ng Ramanov Medical Center.Nang huminto ang taxi sa tapat ng covered driveway, agad kong inabot ang bayad sa driver.
Hindi ko alam kung mas kinakabahan ako sa posibilidad na mahuli ni Reiner ang ginagawa ko o sa posibilidad na tama ang mga hinala ko.Tahimik akong nakaupo sa likuran ng sasakyan. Si Gerard ay nasa kabilang upuan, habang may isang guard sa harap at isa pang nakasunod sa hiwalay na kotse.Grabe. Bibili lang ako ng fountain pen, pero para akong presidente na may personal na convoy.Kung hindi lang ako kinakabahan, baka natawa na ako sa sitwasyon.“Madam, are you comfortable?” tanong ni Gerard nang mapansin niyang ilang beses akong napatingin sa bintana.Mabilis akong napaharap sa kaniya.“Yes. I'm fine.”“Do you want the driver to adjust the air-conditioning?”“No, thank you.”Tumango siya at muling tumingin sa unahan.Iyon ang problema kay Gerard. Hindi siya basta-bastang guard na maaaring malusutan sa isang simpleng dahilan. Tahimik siya, pero mapagmasid.Kahit hindi niya ako kinakausap, ramdam kong alam niya kung kailan ako kinakabahan at kung kailan may bagay akong gustong itago.At







