Share

5: Viral!

Author: Hiraya_23
last update publish date: 2026-09-07 09:00:19

“Richard, mag-usap tayo! Sabihin mo sa akin ang totoo! Bakit mo ginagawa 'to?!”

Ngunit bago pa man ako makalapit sa p***o, dalawang malalaking lalaki na nakasuot ng itim na suit—mga security personnel ni Stephanie—ang mabilis na humarang sa daan ko.

Pabigla nila akong itinulak pabalik.

Dahil sa kawalan ng balanse, natumba ako. Bumagsak ako nang malakas sa sahig, ang tuhod ko ay tumama sa matigas na marmol. Ang maganda kong pulang silk dress ay sumabit sa kanto ng isang mesa at bahagyang napunit.

Napadaing ako sa sakit.

Pero mas masakit ang nakita ko nang mag-angat ako ng tingin.

Nasa may mismong pintuan na sina Richard at Stephanie. Tumigil si Richard sa paglalakad. Dahan-dahan siyang lumingon sa gawi ko.

Nagtagpo ang mga mata namin.

Nasa sahig ako. Punit ang damit. Gulong-gulo ang buhok. Basang-basa ng luha at uhog ang mukha. Pinagtatawanan at kinukuhanan ng litrato ng mga tao.

Tinitigan ko siya. Isang tingin na puno ng pagtatanong, ng pakiusap, ng huling hibla ng pag-asa na baka... baka babalikan niya ako. Baka itatayo niya ako at itatama ang lahat.

Pero hindi.

Walang kahit anong emosyon sa mga mata niya kundi ang kagustuhang makatakas.

Umiwas siya ng tingin. Tinalikuran niya ako, at nagpatuloy sa paglalakad kasama ang asawa niya, tuluyang naglaho sa paningin ko.

Sa sandaling iyon, kasabay ng pagsara ng p***o sa likuran niya, naramdaman ko ang tuluyang pagkamatay ng puso ko.

Ang lalaking ginawa kong mundo, siya mismong nagwasak sa akin.

“Excuse me, Miss Armea, may sasabihin pa ba kayo?”

“Miss Armea, magso-sorry ba kayo sa legal wife?”

“Kaklase mo ba si Richard nung college? Paano kayo nagkakilala kung—”

Sunod-sunod na tanong ng mga reporters na nakapalibot sa akin ngayon na parang mga buwitreng nag-aagawan sa isang patay na hayop.

Wala na akong lakas para sumagot. Wala na akong lakas para magalit.

Dahan-dahan akong tumayo. Hindi ko pinansin ang sakit sa tuhod ko. Hindi ko pinansin ang pag-ilaw ng mga camera.

Nakayuko akong naglakad, tinatakpan ang mukha ko ng aking purse. Pilit kong isiniksik ang sarili ko sa gitna nila.

“Paraanin niyo ako...” mahina kong pakiusap.

“Miss Armea, saglit lang po—”

“Paraanin niyo ako!” sigaw ko, sa wakas ay nailabas ang natitirang lakas sa baga ko.

Nabigla ang ilan sa kanila kaya nagkaroon ng maliit na espasyo. Ginamit ko iyon para tuluyang makatakas. Tumakbo ako palabas ng restaurant.

Malamig ang hangin sa BGC ngunit pakiramdam ko ay sinusunog ako nang buhay. Ang mga taong naglalakad sa labas ay napapatingin sa akin. Ang isang babaeng nakasuot ng eleganteng pulang damit, ngunit nakayapak ang isang paa, umiiyak, at mukhang baliw na tumatakbo sa kalsada.

Pumara ako ng isang taxi. Wala na akong pakialam kung ligtas ba ito o hindi. Paghinto ng sasakyan, mabilis akong pumasok sa loob at isinara ang p***o.

“S-Sa Quezon City po... please...” pakiusap ko sa driver habang humihikbi.

Tumingin sa akin ang driver sa rearview mirror, nagtataka ngunit hindi na nagtanong pa. Pinaandar niya ang sasakyan.

Nang makalayo kami sa restaurant, doon na gumuho ang lahat.

Isiniksik ko ang sarili ko sa gilid ng inuupuan ko. Niyakap ko ang mga tuhod ko at doon ko ibinuhos ang lahat ng luhang kanina ko pa pinipigilan.

Umiyak ako nang malakas. Humagulgol ako na parang bata. Isang pag-iyak na nanggagaling sa pinakamalalim na bahagi ng kaluluwa ko.

Ang sakit-sakit!

Bakit ako? Bakit sa akin nangyari 'to?

Naging mabuti akong tao. Naging tapat ako. Naging maunawain ako. Inalagaan ko siya. Minahal ko siya nang buong-buo, walang labis, walang kulang.

Pero bakit ganito ang iginanti niya sa akin?

Sa gitna ng pag-iyak ko, biglang umilaw ang loob ng madilim na taxi. Tumunog ang cellphone ko sa loob ng purse ko.

Ring... Ring...

Sinundan ito ng sunod-sunod na vibrations.

Buzz. Buzz. Buzz. Buzz.

Nanginginig ang mga kamay kong inilabas ang cellphone ko. Pagbukas ko ng screen, halos mahulog ang telepono mula sa pagkakahawak ko.

147 Missed Calls.

300+ Unread Messages.

99+ Notifications sa F******k, T*****r, at I*******m.

Nanlaki ang mga mata ko. Ang paghinga ko ay muling naging mabigat at putol-putol.

Dahan-dahan kong pinindot ang notification bar.

Ang unang bumungad sa akin ay ang mga text messages mula sa mga kaibigan, katrabaho, at maging sa mga kamag-anak ko sa probinsya.

‘Armea, ano 'tong kumakalat na video mo?!’

‘Bakit hindi mo sinabing may asawa na pala 'yang si Richard?!’

‘Bes, okay ka lang ba? Nakita ko sa news feed ko, naka-live yung press con ng asawa ni Richard!’

‘Nakakahiya ka! Kabit ka pala!’

Kabit. Kabit. Kabit.

Ang salitang iyon ay nakasulat sa iba't ibang mensahe, mula sa mga taong kilala ko at sa mga taong hindi ko naman inaasahang magte-text sa akin.

Nangangatal ang mga daliri kong binuksan ang F******k app.

Sa mismong news feed ko, bumungad ang mukha ko. Isang pamilyar na entertainment page ang nag-share ng video.

“BREAKING: CEO RICHARD ALCANTARA AT LEGAL WIFE STEPHANIE, KINOMPRONTA ANG KABIT SA ISANG LUXURY RESTAURANT SA BGC!”

Ang thumbnail ng video ay ang eksaktong sandali kung saan nakatumba ako sa sahig, umiiyak, at nakatingin kay Richard habang siya ay nakatalikod.

Mayroon na itong 1.5 million views sa loob lamang ng isang oras.

Dali-dali kong tiningnan ang comments section. Tila ako naglalakad sa ibabaw ng mga bubog nang basahin ko ang bawat salita ng mga taong hindi ko man lang kilala.

‘Kapal ng mukha ng babaeng 'yan. Mukha namang p****k.’

‘Deserve mong masampal! Mga salot kayong mga kabit sa lipunan!’

‘Nakakagigil! Buti nga sa kaniya, iniwan din siya ni guy. Solid talaga si legal wife!’

‘Tingnan niyo oh, nagpapaawa pa. Mang-aagaw naman pala talaga!’

‘Dapat sa mga ganiyan kinakaladkad sa kalsada.’

Ibinaba ko ang cellphone. Hindi ko na kaya. Hindi ko na kayang basahin ang mga kasinungalingang pinaniniwalaan ng buong mundo.

Kinagat ko ang ibabang labi ko hanggang sa muli ko itong mapadugo, pilit na pinipigilan ang sarili kong sumigaw sa loob ng umaandar na sasakyan.

Bakit nila ako hinuhusgahan? Wala silang alam! Hindi nila alam kung gaano ko siya minahal! Hindi nila alam na ako ang unang niloko! Ako ang biktima rito!

Pero sino ang maniniwala sa akin?

Nilaglag na ako ni Richard!

Nakapikit ako sa buong byahe pauwi. Inisip ko kung paano nagsimula ang gabing ito.

Ang saya ko pa kanina. Ang saya-saya ko dahil akala ko ito na ang pinakamagandang gabi ng buhay ko. Ang akala kong marriage proposal, nauwi sa isang pampublikong kahihiyan!

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Too Late, She's My Wife Now   82:

    Hindi ko alam kung gaano katagal akong nakaupo sa gilid ng kama bago ako tuluyang tumayo.Hindi ko puwedeng hayaang lamunin ako ng takot.Hindi ko alam kung nasaan ako, pero kung may kahit maliit na posibilidad na makalabas ako, kailangan kong hanapin iyon.Una kong sinuri ang pinto. Muli kong hinila ang doorknob, saka sinubukang idiin ang balikat ko sa kahoy. Hindi man lang gumalaw.“Fantastic.” Napailing ako. “Five-star kidnapping experience.”Wala akong phone. Wala akong bag.Wala kahit relo na puwede kong tignan ng oras. Ang suot ko lang ay ang damit na pinang-alis ko sa penthouse, medyo gusot na at may bahid ng alikabok mula sa van.Napatingin ako sa aking kamay.Nandoon pa ang wedding ring ko.Hindi ko alam kung bakit iyon ang unang bagay na napansin ko. Siguro dahil ang lahat ng iba pa ay kinuha sa akin, pero ang singsing ay andito parin.O baka dahil sa gitna ng napakaraming kaguluhan, iyon lang ang maliit na paalala kay Reiner. Ano na kayang ginagawa niya ngayon? Hinahanap n

  • Too Late, She's My Wife Now   81:

    Armea’s Point of ViewAng unang bumungad sa akin ay isang kisameng kulay abo, may maliit na bitak sa gitna at isang bombilyang nakasabit sa mahabang kawad. Ilang segundo akong nakatitig doon, pilit inuunawa kung bakit parang umiikot pa rin ang paligid ko.Nasaan ako?Mabilis akong bumangon.Maling desisyon.Biglang kumirot ang ulo ko at halos bumaliktad ang sikmura ko. Napahawak ako sa gilid ng kama, hinihintay na tumigil ang pagkahilo. Nang sa wakas ay nakapag-focus ang paningin ko, saka ko lamang napansing hindi ito isang ordinaryong kwarto sa isang bahay.Makitid. Mainit. May amoy na lumang kahoy at detergent. Isang maliit na aparador ang nakasandal sa dingding, at sa tabi nito ay isang electric fan na parang mas malakas pa ang ingay kaysa hangin na ibinubuga nito.Walang bintanang malaki. Tanging isang makitid na jalousie sa itaas ng dingding, masyadong mataas para maabot ko nang hindi umaakyat sa kung ano.At ang pinto?Naka-lock.“Shit.”Bumaba ako sa kama at agad na sinubukang

  • Too Late, She's My Wife Now   80:

    “Reiner is dangerous.”Napakuyom ako ng kamao. “Stop using my husband as an excuse!”Nakita kong kumislot ang panga niya sa salitang iyon.My husband.Dahil hindi gumana ang plano niya na sirain sakin ang asawa ko ito ang gagawin niya, mas lalo siyang nagpakadesperado na bawiin ako.“Hindi mo alam kung ano ang kaya niyang gawin,” madiin niyang sabi. “Hindi mo alam kung gaano kalalim ang mga koneksiyon niya. He can destroy a person without even touching him. Tingnan mo ako, Armea. Halos wala nang natira sa akin.”Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa.“Then maybe you should have thought about that before you decided to ruin me.”Napailing siya, tila hindi matanggap ang sagot ko. “I know I made mistakes.”“Mistakes?” Napatawa ako, pero walang kahit anong saya sa tunog nito. “May asawa ka nang tatlong taon habang nililigawan mo ako. Pinaniwala mo akong ako lang. Pinabayaan mong akalain kong ako ang may kasalanan. At ngayon, dinukot mo ako. Richard, hindi na ito simpleng pagkakamali!”“

  • Too Late, She's My Wife Now   79:

    “May isang taong nagbayad ng malaki para lang makuha ka.”Parang may kung anong malamig na dumaan sa batok ko. Hindi ko alam kung alin ang mas nakakatakot—ang mga lalaking humila sa akin mula sa ospital, o ang taong nagbayad sa kanila na para bang isa lang akong bagay na puwedeng bilhin.“Sino?” nanginginig kong tanong. “Sino ang nagbayad sa inyo?”Hindi agad sumagot ang lalaking nasa harapan ko. Sa halip, bahagya siyang tumabi upang bigyang-daan ang aninong nasa likuran niya.May narinig akong yabag.Isang pamilyar na amoy ng mamahaling pabango ang unti-unting humalo sa amoy ng alikabok at gasolina.Hindi. Hindi puwede.“Armea.”Nawala ang lahat ng tunog sa paligid ko.Ang boses na iyon. Ang boses na minsang nagpapatahan sa akin kapag umiiyak ako. Ang boses na paulit-ulit nagsabing ako lang ang mahal niya. Ang boses na narinig ko sa isang video, sa isang tawag, at sa mga panaginip na pilit kong kinakalimutan.Dahan-dahang lumapit ang lalaki sa ilalim ng mahinang ilaw.Richard.“YOU?!”

  • Too Late, She's My Wife Now   78:

    “Sa Ramanov Medical Center po. Please, bilisan niyo.”Mabilis na sinilip ako ng driver sa rearview mirror, tila nagtataka sa pagmamadali ko, ngunit hindi na siya nagtanong pa. Pinaandar niya ang sasakyan at sumama ito sa mabagal na agos ng trapiko.Nang tuluyan nang mawala sa paningin ko ang commercial complex, saka lamang ako nakahinga nang maluwag.Pero hindi iyon kaginhawahan.Takot iyon. Takot na baka may mangyari sa akin. Takot na baka mahuli ako ni Reiner. Takot na baka mayroon akong malaman na hindi ko dapat malaman.Nang lumiko ang taxi sa driveway ng Ramanov Medical Center, napatingin ako sa mataas na gusali.Maraming sasakyan sa drop-off area, ngunit may dalawang lalaking nakaitim na suit sa harapan na tila hindi nagbabantay ng karaniwang pasyente.Nandito na ako. Hindi na ako puwedeng umatras.***Mabigat ang bawat hakbang ko habang papalapit ako sa entrance ng Ramanov Medical Center.Nang huminto ang taxi sa tapat ng covered driveway, agad kong inabot ang bayad sa driver.

  • Too Late, She's My Wife Now   77:

    Hindi ko alam kung mas kinakabahan ako sa posibilidad na mahuli ni Reiner ang ginagawa ko o sa posibilidad na tama ang mga hinala ko.Tahimik akong nakaupo sa likuran ng sasakyan. Si Gerard ay nasa kabilang upuan, habang may isang guard sa harap at isa pang nakasunod sa hiwalay na kotse.Grabe. Bibili lang ako ng fountain pen, pero para akong presidente na may personal na convoy.Kung hindi lang ako kinakabahan, baka natawa na ako sa sitwasyon.“Madam, are you comfortable?” tanong ni Gerard nang mapansin niyang ilang beses akong napatingin sa bintana.Mabilis akong napaharap sa kaniya.“Yes. I'm fine.”“Do you want the driver to adjust the air-conditioning?”“No, thank you.”Tumango siya at muling tumingin sa unahan.Iyon ang problema kay Gerard. Hindi siya basta-bastang guard na maaaring malusutan sa isang simpleng dahilan. Tahimik siya, pero mapagmasid.Kahit hindi niya ako kinakausap, ramdam kong alam niya kung kailan ako kinakabahan at kung kailan may bagay akong gustong itago.At

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status