LOGINMARIING tumaas ang boses ni Caden, malamig, diretso, at walang bahid ng pag-aalinlangan.“Pasukin niyo ang loob. Baliin niyo ang mga kamay ni Mr. Gold.”Nanigas si Talia sa narinig. Dahan-dahan siyang napatingala sa lalaki, halatang hindi makapaniwala.‘Kagagamot ko lang sa kan'ya ah?’Sa kabilang banda, biglang nanghina si Eva sa narinig. Namutla ang mukha niya at halos mawalan ng balanse sa kinatatayuan.“Mr. Montclair, please!” halos pakiusap na sigaw niya. “Mahina pa ang kuya ko! Kung may nagawa man siyang mali, pagbigyan niyo na! Huwag niyo siyang saktan!”Ngunit ni hindi man lang kumurap si Caden. Isang malamig na tingin lang ang ibinigay niya, walang awa, walang pag-aalinlangan.“May hinawakan siyang hindi niya dapat hinawakan,” mababa ngunit mariin niyang sabi. “Kaya kailangan niyang pagbayaran ‘yon.”Tumahimik ang paligid, at pagkaraan ng ilang segundo, malamig pa niyang idinagdag na, “Sana tuparin mo ang usapan natin, Miss Gold.”Bahagyang napayuko si Eva. Alam niya kung ano
MAGULO ang isip ni Talia ng mga sandaling iyon at parang sabay-sabay na bumubuhos ang mga emosyon sa dibdib niya. Ang tibok ng puso niya ay sobrang bilis na parang anumang sandali, kakawala ito mula kanyang dibdib.Hanggang sa hindi na niya kinaya pa ang emosyon. Marahan pero may diin niyang itinulak niya si Caden palayo. Hindi na rin siya tumingin pa, at agad siyang tumalikod at mabilis na naglakad papasok ng villa.Nanatili si Caden sa kinatatayuan niya, tahimik na nakatingin sa likod ni Talia habang papalayo ito. Dahan-dahang sumilay ang simpleng ngiti sa manipis niyang labi.“So you really cared that much,” mahina niyang bulong.Ngunit kasunod niyon, biglang nanghina ang tuhod niya at umikot ang kanyang paningin. Napahawak siya sa mesa at sa isang iglap, may dugong lumabas mula sa kanyang bibig at dahan-dahang tumulo sa ibabaw ng berdeng mga bulaklak.“Sir!” gulat na sigaw ni Lyndon at agad siyang sumugod palapit. “Anong nangyayari? Dadalhin na ba kita sa ospital?”Bahagyang umili
BAHAGYANG tumalim ang ekspresyon ni Eva, hindi na nito napigilan ang inis.“Anong ibig mong sabihin?” matigas niyang tanong. “Gusto kong sumama ka ngayon.”Naputol ang tensyon nang malamig na sumingit si Caden.“Lyndon, ihatid mo siya palabas.”Agad na pumasok si Lyndon at maayos ngunit may diin na inaya si Eva na lumabas ng silid.Nanatiling kalmado si Talia, ngunit may bahagyang kirot na nakatago sa kanyang mga mata. Dahan-dahan siyang nagsalita.“Gusto mo ba talaga na iligtas ko siya?”“Kahit na siya ’yung nambastos sa akin?” tanong ni Talia na ang tinutukoy ay ang gabing iniligtas siya ni Caden sa kamay ni Mr. Gold.Isang simpleng tanong pero sapat para yumanig ang lahat. Sandaling natahimik si Caden.“Actually, hindi naman talaga—” napahinto siya, tila naghahanap ng tamang salita. “Hindi niya intensyong bastusin ka noong gabing ’yon…” Huminga nang malalim si Talia, saka tuluyang nagsalita.“Alam mo ba kung bakit siya nalason? Kung sino ang may gawa?”Biglang nanikip ang dibdib n
BIGLANG nagkagulo ang buong club. Mabilis na lumabas si Lyndon mula sa loob at tumabi kay Caden. Bahagya niyang hininaan ang boses.“Sir, may kailangan ba tayong gawin?”Nanatiling malamig at matigas ang ekspresyon ni Caden. Dahan-dahang umikot ang tingin niya sa paligid, sa ilaw, sa mga anino, sa kaguluhan na parang walang kahit anong nakakaapekto sa kanya.“Wala,” maikli niyang sagot, kasinglamig ng hangin. “Hindi na kailangan. Umalis na tayo.”Hindi na siya lumingon pa at diretsong naglakad palabas. Paglabas, hinubad niya ang coat at walang pakialam na itinapon iyon sa basurahan sa gilid. Kumapit kasi doon ang pabango ng babaeng iyon at nasusuka lang siya sa amot niyon.Samantala, isa-isang binubuksan ng search team ang mga private room. Nang marating nila ang isang VIP room, bumungad sa kanila si Mr. Crest na kampanteng nakahiga sa sofa, may dalawang babae sa magkabilang gilid. Ang isa’y nakasandal, at ang isa nama’y nagpapainom alak dito.Malakas ang amoy ng alak at pabango sa lo
NAKAHANDA na pala ang lahat. May dala si Bea na waiter uniform para kay Talia na fitted, at may kasamang mask na sapat para maitago ang kalahati ng mukha niya. Sa tabi nila, nakapatong ang tray na may mga inumin na eksaktong order mula sa VIP Room 808.Masyadong mabilis ang mga sumunod na pangyayari. Hindi pa tuluyang nakakabawi si Talia sa gulat, ngunit nahawakan na siya ni Bea at marahang pero may diin na naitulak palapit sa pinto.“Go na. Nandito lang ako,” bulong ni Bea, bago siya tuluyang umatras at nawala sa likod ng kanto.Naiwan si Talia nang mag-isa sa harap ng pinto. Malakas ang kabog ng dibdib niya, parang bawat segundo ay naririnig niya ang sariling pulso.‘Papasok ba ako? O dapat umatras na lang…?’Isang hakbang lang papasok pero parang wala nang balikan. At habang nag-aalinlangan siya, biglang bumukas ang pinto mula sa loob. Isang malamlam ngunit mapang-akit na boses ang sumalubong sa kanya.“Dumating na ba ang wine?”Nanlamig ang batok ni Talia. Huli na para umatras kay
NANG bigla-bigla, may kung anong sumabog sa loob ni Caden. Walang babala, tumalikod siya at mabilis na lumabas ng tent na parang isang hayop na nawalan ng kontrol.Sa ilalim ng madilim na gabi, dumiretso siya sa isang matarik na bahagi ng bangin malapit sa dalampasigan. At mariin niyang sinuntok ang kamao sa matigas na bato.Isang beses.Dalawang beses.Tatlong beses.Hanggang sa mapunit ang balat ng kanyang kamay at magsimulang umagos ang dugo. Ngunit wala siyang naramdamang sakit, kahit katiting.“Sir Caden!”“Mr. Gold!”Mula sa dilim, biglang lumitaw ang ilang bodyguards na kanina pa nakabantay sa paligid. Agad silang tumakbo palapit at hinawakan ang kanyang mga braso, pilit siyang pinipigilan.“Bitawan niyo ako!” paos niyang sigaw.Namumula ang kanyang mga mata, ay halos hindi na makilala ang boses. Muli na namang nawawala ang kontrol niya, at lahat ng iyon ay dahil sa epekto ng lason sa katawan niya...---KINABUKASAN...Dahan-dahang nagmulat ng mga mata si Talia. Isang mainit at
MAKALIPAS ang tatlong araw.Parang sirang saranggola ang pagbagsak ng stock price ng Lee Pharmaceutical. Sunod-sunod na limit down, walang preno. Sa trading floor, palit-palit ang pula sa mga screen; sa balita, paulit-ulit ang parehong headline.Sa loob ng opisina, nanatiling kalmado si Lucas, tahi
TAHIMIK pa rin ang paligid ngunit pero bakas ang matinding tensyon sa hangin. Mabigat na ito ngayon, puno ng galit at sugat na tila ba muling nanariwa.Maya-maya ay biglang inabot ni Caden ang kamay niya upang pahirin ang mga luha sa pisngi ni Talia. Ngunit bago pa man niya iyon magawa, mabilis na
KINABUKASAN, dumiretso si Caden sa Lee Pharmaceutical. Sinubukan siyang pigilan ng receptionist, ngunit napaatras ito sa bigat ng presensiya niya na tahimik pero mapanganib. Walang sabi-sabi, itinulak niya ang pinto ng opisina ng CEO. Nandoon si Lucas Lee, nakaupo sa likod ng malapad na mesa. Nan
KINABUKASAN, pasado alas-nueve ay naroon na si Caden sa Lee Pharmaceutical. Basta na lang siyang pumasok sa CEO office na madilim ang anyo at nakakuyom ang mga kamao.“Lucas Lee!” sigaw ni Caden na nagtatagis ang mga ngipin sa galit.Samantalang si Lucas naman ay kalmado lang na nakaupo sa kanyang







