Mag-log inKINABUKASAN, hindi nakita ni Bea si Ashton, at nakakagulat iyon. Hindi siya dumating para magdala ng almusal. Wala ring delivery. Wala ring card na may nakakainis na mensahe. Tahimik lang ang buong umaga niya.Habang umiinom ng kape si Bea sa kusina, napansin pa iyon ni Talia."Uy.""Hm?" hindi man lang siya tumingin."Wala ang billionaire mo."Halos mabilaukan si Bea. “Hindi ko siya billionaire.""Edi billionaire na nangungulit sa'yo.""Hindi ko rin siya—"Natawa si Talia. "Bakit parang disappointed ka?"Agad siyang napatingin dito. "Hindi!""Sige."Tahimik na nag-sign si Mia mula sa kabilang upuan. ["Kanina ka pa nakasilip sa gate."]"Mia!"Tumawa ang dalawa.Napairap si Bea at mabilis na tumayo. "Nakakainis kayong magkapatid."Pero kahit nagrereklamo siya... Hindi niya maitangging ilang beses siyang napatingin sa gate buong umaga.At iyon ang mas nakakainis.---SAMANTALA...Sa ika-38 palapag ng Salvatore Shipping Tower sa Bonifacio Global City, ibang Ashton ang kaharap ng mga tao.
HINDI dapat pinakikinggan ni Bea ang tibok ng puso niya.Iyon ang paulit-ulit niyang paalala sa sarili habang pauwi sila mula sa pregnancy class. Tahimik ang biyahe. Hindi naman awkward. Pero hindi rin normal.May kakaibang katahimikan sa pagitan nila ni Ashton. Iyong tipong hindi na kailangang punuin ng salita. At iyon mismo ang problema.Dati, kaya niyang makipagtalo rito buong araw. Ngayon? Minsan ay sapat na ang isang tingin nito para magulo ang isip niya.---PAGDATING nila sa bahay, nadatnan nila ang mommy at daddy niya sa sala. Mukhang kakauwi lang din."Ay, andiyan na kayo!" masayang bati ni Marissa."Kumusta ang class?" tanong agad ng dad niya.Nanlaki ang mata ni Bea. "Wala pong nangyari.""Sure?" tanong ni Talia mula sa likod habang may hawak na mangkok ng prutas."Very sure."Nag-sign naman si Mia. ["Mukha kang hindi sure."]"Mia!"Napatawa ang lahat, maliban kay Bea. At si Ashton. Dahil tahimik lang itong nakaupo sa kabilang sofa habang umiinom ng tubig. Pero nakita niya.
HINDI alam ni Bea kung sino ang mas may problema sa kanilang dalawa.Siya ba? O si Ashton Salvatore?Dahil alas-nuwebe pa lang ng umaga, nasa sala na siya, tahimik na umiinom ng orange juice habang nagbabasa ng article tungkol sa prenatal nutrition.At si Ashton? Parang may mission. May agenda. May lihim na proyekto.And guest what? Siya ang target."Bea." Hindi siya agad tumingin. "Hm?"May iniabot itong tablet. Napakunot-noo siya. "Ano 'to?""Registration.""Registration saan?"Bahagyang ngumiti si Ashton.Agad naman siyang kinabahan. Kapag ngumiti ito nang ganoon, may kalokohang kasunod."Pregnancy class."Natigilan siya. "...What?""Prenatal education program."Napakurap siya. Pagkatapos ay muling tumingin sa screen. At doon niya nakita ang isang prenatal Wellness and Parenting Class. Every Saturday, two participants, partner-inclusive.Nanlaki ang mga mata niya. "NO."---LIMANG minuto ang ginugol ni Bea sa pagrereklamo. At limang minuto ring walang epekto iyon kay Ashton."Why?"
PAGKATAPOS ng prenatal check-up, buong akala ni Bea ay babalik na sa normal ang lahat.Nagkamali na naman siya.Dahil kinabukasan pa lang, parang may biglang switch na na-on sa utak ni Ashton Salvatore. At hindi niya gusto ang resulta.“Hindi ka pwedeng magbuhat niyan.”Napalingon si Bea habang hawak ang isang maliit na basket ng labahin.“Ano?”Mabilis na lumapit si Ashton at kinuha iyon sa kamay niya. Nanlaki ang mata niya.“Excuse me?”“May laman.”“Tatlong tuwalya lang ’yan!”“Still heavy.”“Hindi heavy!”“Para sa’kin, heavy.”Napahawak si Bea sa noo.Diyos ko. Nagsisimula na naman.---DALAWANG araw matapos nilang marinig ang heartbeat ng baby, naging kakaibang tao si Ashton. Hindi naman ito OA noon. Okay, medyo OA na pala talaga.Pero ngayon? Mas malala. Mas protective. At mas nakakainis.“Bakit may tubig dito?”Napakurap si Bea habang nakaupo sa sala. “Ano’ng tubig?”Itinuro ni Ashton ang maliit na patak sa tiles malapit sa indoor garden. “Madulas.”“Isang patak lang.”“Still d
Hindi inaasahan ni Bea na magiging ganoon kabilis ang sunod na kalat sa buhay niya.Kaninang umaga lang, nasa bedroom siya at iniisip kung paano niya itatago ang kaba sa prenatal check-up niya.Ngayon, nasa harap na siya ng salamin, naka-simple white dress at light cardigan, habang nakatingin sa sarili na parang may kasamang tanong ang buong itsura niya.“Okay ka lang?” tanong ni Ashton mula sa pinto.Napalingon siya. “Mukha ba akong okay?”Bahagyang ngumiti ito. “Hindi.”Napairap siya. “Salamat sa honesty.”“Welcome.”Tumikhim siya at inayos ang bag sa balikat niya. “Hindi mo talaga kailangang sumama.”“Alam ko.”“Eh bakit nandito ka pa rin?”“Dahil ako ang available.”“Hindi ka available. Nag-volunteer ka lang.”“Same thing.”“Hindi.”“Bea.”Nilingon niya ito nang masama. “Ano na naman?”Tahimik lang siyang tinignan ni Ashton, pagkatapos ay napabuntong-hininga.“Wala namang ibang sasama sa’yo ngayon.”Napahinto siya.Dahil totoo naman.Si Talia ay nasa Montclair Biotech para sa long
HINDI agad kinuha ni Bea ang kamay ni Ashton.Nakatitig lang siya roon, sa palad nitong nakalahad sa gitna ng ambon, parang may sariling buhay ang eksena. Simpleng gesture lang sana. Pero sa paraan ng pagkakatitig nito sa kanya, parang hindi iyon simpleng pag-anyaya lang pauwi.Parang may hinihintay itong desisyon na matagal na niyang iniiwasan.Sa gilid ng hardin, marahang kumidlat ang langit. Humina ang ulan, pero hindi ang kabog sa dibdib niya.“Papasok na tayo?” ulit ni Ashton, banayad lang ang boses.Napalunok si Bea.Sa totoo lang, gusto niyang sabihin na hindi. Gusto niyang tumayo, umirap, at sabihing kaya niyang maglakad pabalik nang mag-isa. Pero wala siyang nagawa nang biglang dumating si Talia mula sa veranda na may hawak pang maliit na tray ng iced tea.“Ay, wow,” sabi nito, sunod-sunod ang tingin sa kanilang dalawa. “May pa-exit line pa talaga?”“Tumahimik ka,” singhal agad ni Bea, pero wala na rin iyong lambing.“Hindi ako nanggugulo. Observing lang.”Si Mia naman, na ta
PAST 1PM na pero hindi pa rin kumakain si Caden. Nakaharap siya sa mahahabang financial reports, expression cold, blank, at parang sinasabing “Huwag niyo ’kong istorbohin.” The atmosphere in his office was suffocating, sobrang tahimik, sobrang lamig, na parang sapat nang pumasok para manlamig ang
KINABUKASAN, maalinsangan pero tahimik ang simoy ng hangin sa Tagaytay Highlands. Maaga pa, pero malinaw ang liwanag na pumapasok sa malaking bintana ng guest room na tinutuluyan ni Talia.Nagising siya nang maramdaman niyang hindi na masyadong masakit ang pagkabagsak niya kagabi. She gently moved
NAGPATULOY ang dinner nila sa garden. The mellow acoustic guitar played somewhere in the background, creating warm ambience under the fairy lights. Kumakain si Talia nang kalmado, habang si Caden ay nagbabantay mula sa tabi na parang isang shadow na ayaw lumayo.Candice, full of energy matapos ang
SAMANTALA, that afternoon, kahit na nakuha na ni Jessica Velasquez ang lead role sa bagong pelikulang “Pearl of the Silent Shore,” hindi pa rin siya masaya.In theory, dapat ecstatic siya dahil lead role iyon, dream project ng marami.Pero instead of smiling, she was pacing inside her condo, her he







