LOGINNATAWA naman si Bea matapos marinig ang sagot ni Talia.“Wow ha,” natatawa nitong saad habang umiinom ng milk tea. “Very peaceful maiden ang peg.”Bahagyang napailing si Talia ngunit hindi na sumagot.Ilang sandali pa'y tila may naalala muli si Bea kaya bigla itong napabaling sa kaniya.“Speaking of magulong mundo…” makahulugang saad nito. “Narinig ko raw sobrang engrande ng reunion banquet ng Salvatore family.”Agad namang nanahimik si Talia. Muling bumigat ang pakiramdam niya nang maalala iyon, at awtomatiko niyang naalala si Caden. Tahimik niyang hinigpitan ang hawak sa baso ng milk tea hanggang sa tila biglang mawala ang init no’n sa mga palad niya.Samantala, tuloy-tuloy pa rin si Bea.“Halos invited daw lahat ng elite bachelors sa Manila,” sabi nito habang nakataas ang kilay. “Parang live-action version ng pagpili ng future husband.” Pagkatapos ay bigla itong ngumisi. “At mukhang VIP guest doon si Caden Montclair.”Tahimik na umiwas ng tingin si Talia, saka malamig ang boses nan
MALALIM na ang gabi nang tuluyang makaalis si Talia sa Montclair mansion. Halos wala siyang makain sa dinner matapos marinig ang usapan nina Caden at Mrs. Salvatore.Sa halip na dumiretso pauwi ay mag-isa siyang naglakad sa gilid ng tahimik na kalsada ng Forbes Park. Mabigat ang bawat hakbang niya habang paulit-ulit na umaalingawngaw sa isip niya ang mga sinabi ni Caden.“Future son-in-law of the Salvatore family… I’m very interested.”Parang kutsilyong paulit-ulit na sumasaksak sa dibdib niya ang bawat salitang iyon.Maya-maya pa’y nagsimulang bumuhos ang mahinang ulan. Hindi malakas—manipis lamang na ambon na malamig sa balat. Ngunit hindi man lang iyon napansin ni Talia. Pakiramdam niya ay mas mabigat pa rin ang lamig sa loob ng dibdib niya.Hanggang sa mapadpad siya sa isang maliit na artisan bakery na bukas pa kahit dis-oras na ng gabi. Mainit ang ilaw sa loob at amoy na amoy ang bagong lutong tinapay at matatamis na pastry.Tahimik siyang pumasok.“Ma’am, what would you like?” n
“SIR Caden…” halos hindi makapaniwalang saad ni Lyndon habang nakatitig sa report. “Miss Talia is really related to the Salvatore family?”Mabigat na nanatiling tahimik si Caden habang mahigpit pa rin ang hawak sa mga dokumento. Nasa DNA report ang malinaw na resulta. Si Talia Marquez— ang adopted daughther nina Mr. at Mrs. Santiago na mga magulang ni Bea—ay biological daughter ng Salvatore family. At ito ang totoong panganay na anak ng pamilya.Halos hindi mapigilan ni Lyndon ang excitement matapos mabasa iyon. Pakiramdam nito ay anumang oras ay mapapaiyak sa tuwa si Talia kapag nalaman ang katotohanan. Sa wakas, mahahanap na rin nito ang tunay na pamilya. At marahil, unti-unti na ring maaayos ang lahat ng sugat sa nakaraan.“Mr. Montclair,” maingat na saad ni Lyndon matapos mapansin ang katahimikan ng boss. “Should we tell Miss Talia already?”Ngunit lalong bumigat ang atmosphere sa opisina ng mga sandaling iyon. Matagal na hindi nagsalita si Caden. Pagkatapos ay marahan nitong ibin
ANG limang simpleng salita na ipinost ni Caden ang tuluyang nagpatahimik sa internet. “I love Talia Marquez.” Diretso iyon, walang paliwanag, wlang press release. Ngunit sapat na iyon upang biglang maglaho ang mga tsismis tungkol kina Talia at Adrian. Ang mga netizens na kanina lamang ay walang tigil sa pagta-tag kay Doctor Nova at kay Adrian Cole ay biglang natahimik. Halos walang sinuman ang nangahas magsalita matapos ang tahasang pag-amin ni Caden Montclair. --- SAMANTALA, sa executive office ng Montclair Group sa BGC, tahimik na nakaupo si Liam sa sofa habang relaxed na iniikot ang tasa ng kape sa kamay. Dalawang coffee cups ang nasa center table ngunit ang isa ay malamig na. Kanina pa siya naghihintay. Makalipas ang ilang segundo ay bumukas ang pinto ng opisina at diretsong pumasok si Caden. Madilim ang aura nito at halatang walang tulog buong gabi. “Did you get it?” agad nitong tanong habang mabigat ang boses. Bahagyang napangisi si Liam bago dahan-dahang itinulak a
HALOS mabulag si Talia sa sunod-sunod na camera flashes pagkalabas nila ng restaurant. Nag-uunahan ang mga reporters habang halos itulak na ang microphones palapit sa kanila. “Mr. Montclair, are you confirming your relationship with Doctor Nova?” “Miss Talia, are you planning to marry Mr. Montclair?” “Mr. Montclair, may relasyon pa rin ba kayo ni Jessica Velaquez?” “Doctor Nova, hiwalay na ba kayo ni Dr. Adrian Cole?” Sunod-sunod ang mga tanong habang lalong nagiging magulo ang paligid. Mabilis na humarang ang ilang bodyguards ni Caden upang ilayo sila sa media. Halos magsiksikan ang reporters habang walang tigil ang pagkuha ng videos at pictures. Mabilis na binuksan ni Lyndon ang pinto ng Rolls Royce. At sa sumunod na segundo ay agad na ipinasok ni Caden si Talia sa loob ng sasakyan. Maingat ang kilos nito upang hindi siya matamaan ngunit mahigpit pa rin ang hawak sa kaniya. Agad ding sumara ang pinto at mabilis na umalis ang sasakyan mula sa restaurant bago pa sila tuluy
MABILIS na tumango si Lyndon matapos marinig ang request ni Talia.“Miss Talia, everything is already prepared.”Bahagyang natigilan si Talia at napaangat ang tingin mula sa monitor.“What?”Tahimik na inayos ni Lyndon ang cuff ng suot nitong suit bago mahinahong nagsalita.“The upper research floor has already been converted into a private laboratory,” paliwanag nito. “Complete na rin ang equipment based sa highest biotech standards. You can use it anytime.”Tuluyang natigilan si Talia.“Already prepared?” mahinang ulit niya.Tahimik lamang na tumango si Lyndon.“Mr. Montclair arranged it in advance,” diretso nitong saad. “Complete rin ang permits and certifications under your name.”Bahagyang nawala ang ngiti sa labi ni Talia matapos marinig iyon. Kanina lamang ay mabigat pa ang tensyon nila ni Caden. Ngunit habang tahimik siyang nagtatrabaho rito, lihim na pala nitong inaayos ang lahat ng kailangan niya. Hindi niya alam kung ano ang dapat maramdaman.Tahimik siyang napabuntong-hini
“DON'T worry,” mahina ngunit matatag na sabi ni Talia habang niyayakap sina Bea at Mia sa magkabilang gilid, parang isang ate na pilit pinatatatag ang sarili. “May darating. May tutulong sa atin.”Unti-unting humupa ang ulan. Pero kasabay noon, mabilis ding dumilim ang langit. Ang liwanag ng hapon
MARIING bumuntong-hininga si Caden.Bigla niyang inilingon ang ulo at tumitig kay Jessica. Hindi iyon ang dating kalmadong tingin, mabigat iyon, malamig, at may bahid ng galit na hindi niya sinubukang itago.Nanlambot ang ngiti sa labi ni Jessica ng mga sandaling iyon. Hindi niya inaasahan ang gano
TAHIMIK na umalis si Talia, leaving behind a room filled with gasps and stunned silence.Caden slowly touched the side of his handsome face, yung parte kung saan dumapo ang sampal before turning to leave. Hindi siya nagsalita, hindi rin nagpakita ng galit. He simply walked out.Everyone froze.“Gra
“SIX TIMES a night?”Caden let out a cold laugh, pero hindi umabot sa mga mata niya ang tawa. His stare landed heavily on Talia, sharp and aggressive, parang kaya niyang hatiin sa dalawa ang katahimikan ng buong kwarto.“Talia,” he said, voice low but slicing clean through the air, “tatlong beses k







