LOGINNAUPO si Mia sa tabi ng amain at kumumpas ng ilang salita na kaagad namang naunawaan ng matanda. “Dad, itanong mo kung totoong may nawawala siyang anak,” ani Mia sa sign language. Marahan namang tumikhim si Mr. Santiago, at diretsong tumingin sa ginang. "Mrs. Salvatore, narinig ko pong may isa pa kayong anak na babae?" Agad na napunta ang atensyon ng lahat sa ginang. Bahagyang nawala ang ngiti sa kanyang mukha, ngunit mabilis din niya iyong naibalik. "Tama,” agad namang sagot ni Mrs. Salvatore. "May anak akong babae na matagal naming hinanap. At recently lang, natagpuan na rin namin siya. Mga isang buwan na ang nakakaraan.” Naging mas tahimik ang paligid. Pagkatapos ay muli siyang ngumiti. "Sa susunod na buwan, magse-celebrate kami ng isang family gathering sa Singapore. Sana ay makadalo kayo kung may oras." Tumango naman si Mrs. Santiago. "Napakagandang balita naman niyan." “Kapag natuloy, ipapasyal ko rin kayo,” dagdag pa ni ni Mrs. Salvatore na magaan ang tono habang nags
TAHIMIK naman ma tumango si Dr. Cole matapos ang ilang segundong pag-iisip.“Of course.”Hindi na nagpaligoy-ligoy si Caden. Isang maikling hilig ng ulo lang ang ginawa niya, pero halatang kabisado niya na ang direksiyon ng mga pangyayari. Sa tabi niya, tahimik lang si Talia, nakatayo pa rin sa gitna ng laboratoryo habang unti-unting bumabalik sa normal ang galaw ng mga tao sa paligid.---MAKALIPAS ang ilang minuto, dumating silang tatlo sa isang private dining room sa isang high-end restaurant sa BGC. Malawak ang silid, tahimik ang ambiance, at may malalambot na warm lights na bumabagsak sa mahabang mesa. Sa labas ng glass wall, kita ang city lights at ang magulong daloy ng traffic sa ibaba, pero sa loob, para bang hiwalay sila sa buong mundo.Pagkaupo pa lang nila, agad nang nag-order si Lyndon ng mga pagkain—may grilled seafood platter, Angus beef steak, buttered shrimp, truffle pasta, at isang mainit na crab soup na amoy pa lang ay nakakagutom na. May mga side dish pang fresh gre
NAPAHINTO si Talia nang mga sandaling iyon at unti-unti siyang napatingin sa mukha ni Caden. Sa matalim nitong mga mata, sa pamilyar na presensyang ilang araw niyang pinilit na huwag hanapin. Mabigat ang dibdib niya, at parang may kung anong bumabara sa kanyang lalamunan."Caden..." mahina niyang tawag.Agad naman itong napatingin sa kanya. "Hmm?"Nag-atubili si Talia ng ilang sandali. Mahigpit niyang pinisil ang laylayan ng kanyang damit bago tuluyang nagtanong."Mahilig ka ba sa mga bata?"Halos mapatayo si Caden sa sobrang gulat. Nanlaki ang kanyang mga mata at mabilis niyang hinawakan ang kamay ni Talia."Talia..." bahagyang nanginginig ang kanyang boses. "Ibig mong sabihin, payag ka nang magkaanak tayo?"Tiningnan siya ni Talia, at sa unang pagkakataon, marahan itong tumango. Agad na bumigat naman ang paghinga ni Caden. Parang may sumabog na hindi maipaliwanag na saya sa loob ng kanyang dibdib.Gusto niya itong yakapin nang mahigpit. Gusto niyang ipagsigawan ang nararamdaman. Sub
PAGKATAPOS ng hapunan ay agad na umakyat si Mia sa kanyang silid. Tahimik niyang isinara ang pinto at saka umupo sa gilid ng kama. May mahigpit siyang hawak na cellphone habang paulit-ulit na tumatakbo ang isang maikling video sa screen.Nakatingin lamang siya roon habang marahang gumagalaw ang kanyang mga labi."D..."Huminto siya at muling sinubukan."D..."At muli."D..."Paulit-ulit, mabagal, pinilit. Parang isang batang nag-aaral magsalita mula sa simula. Bahagyang namula ang kanyang mga mata ngunit hindi siya tumigil.---SAMANTALA, matapos maghapunan ay tahimik ding umalis si Bea. Walang nagsabi kung saan siya pupunta. Ngunit alam na alam ng kanyang mga paa ang direksiyon.Makalipas ang ilang sandali ay nakaupo na siya sa isang pribadong VIP box sa loob ng isang sikat na boxing arena sa Makati. Maliwanag ang mga ilaw, maingay ang buong lugar. Umaalingawngaw ang sigawan ng mga manonood. Nagbabanggaan ang mga kamao sa ibabaw ng ring.Pero parang wala siyang nakikita, wala siyang
NAPAKO ang tingin ni Talia sa ginang na nasa harapan niya. Bahagyang namula ang mga mata nito na para bang pinipigilan ang isang matinding emosyon na anumang oras ay maaaring kumawala.Ngunit mabilis ding natauhan ang babae at saka marahan itong ngumiti."Pasensya na," mahina nitong sabi. "May naalala lang akong isang tao."Tahimik na napakurap si Talia.Samantala, isa-isang napatingin ang mga babaeng nakapaligid sa kanila. Halata ang pagtataka sa kanilang mga mukha. Bihirang-bihira nilang makita si Mrs. Salvatore na mawalan ng composure.Mabilis naman na lumapit ang ginang. Sa malapitan ay mas lalo niyang nakita ang mukha ni Talia. At mas lalo ring bumigat ang kanyang dibdib. Napakahawig, masyadong hawig pero hindi maaari. Matagal na niyang nahanap si Aliyah, na Jessica na ngayon ang pangalan. At ang babaeng nasa harapan niya ngayon ay malinaw na ibang tao."Napakaganda ng tugtog ninyo, Madam Salvatore," magalang na sabi ni Talia.Ngumiti ang ginang, pero hindi umabot sa kanyang mga
PAGKATAPOS umalis ni Caden, nanatiling nakatayo si Jessica sa gitna ng pribadong silid. Tahimik. Masyadong tahimik.Unti-unti niyang itinaas ang kamay at pinunasan ang mga luhang nasa kanyang mukha. Ngunit kasabay niyon ay marahang umangat ang sulok ng kanyang labi. Isang ngiting puno ng panlalamang. Isang ngiting tila may itinatagong lihim."Caden..." mahina niyang bulong. "Paano mo nasisigurong si Talia lang ang babaeng gusto mong pakasalan?"Dahan-dahan siyang bumalik sa kanyang upuan at muling kinuha ang wine glass, saka marahang inikot ang laman nito.Sa kanyang mga mata ay walang bakas ng pagkatalo. Bagkus ay mas lalo lamang tumindi ang obsesyon. May mga bagay na matagal na niyang pinaghandaan. At hindi siya basta-basta susuko.Hindi ngayon.Hindi kailanman.---SAMANTALA, pagbalik ni Caden sa Montclair Villa ay tahimik na ang buong bahay.Patay na ang karamihan sa mga ilaw. Tanging ilang lamp lamang sa hallway ang nagbibigay ng mahinang liwanag. Dahan-dahan siyang umakyat sa ik
FIRST PART:“THAT woman... she killed your child, Caden - Talia's child!" Sa isang iglap, biglang lumiwanag ang lahat para kay Caden. Unti-unting nag-sink in sa kanya ang mga piraso ng katotohanang hindi niya pinansin kanina. Ang galit ni Talia, ang sampal, ang mga hagulgol sa likod ng naka
TAHIMIK na nakatitig si Talia Marquez sa tablet habang paulit-ulit na tumatakbo sa isip niya ang eksenang nasa video.Ang braso ni Caden, duguan, ang puting tuxedo nitong nabahiran ng sariling dugo at ang sandaling iyon na halos tumigil ang lahat.Akala niya noon, si Jessica lang ang prinotektahan
HABANG patuloy ang pagtahi sa sugat ni Talia, napakapit si Caden Montclair sa gilid ng stretcher, halos mabaliw sa sakit ng eksenang nasasaksihan.Ang bawat tusok ng karayom sa balat nito ay parang mga karayom din na tumutusok sa dibdib niya nang mabagal, paulit-ulit, at walang tigil.“Almost done,
“TALIA, let's talk...”Nakatayo lang si Caden sa tabi ng kama. Ang presensiya niya ay mabigat, intimidating, at makatindig-balahibo. Tumitig siya kay Talia, hindi nagsasalita, pero halata sa mga mata ang galit na pinipigilan.“Talia,” mababa at kontroladong sabi niya, “we’re adults. You said before







