Share

CHAPTER 42

Author: GennWrites
last update Last Updated: 2025-10-30 20:33:25

PAGKAALIS ng mga bodyguard na may hatak kay Aling Zenaida, tumingin si Talia sa paligid. Tahimik ang buong Montclair Villa, pero ramdam niya ang bigat ng alaala sa bawat sulok, bawat halakhak, bawat yakap, bawat kasinungalingan na minsang tinawag niyang tahanan.

“Bea,” mahina niyang sabi, halos pabulong pero mariin, “pakisabi sa driver, ihanda na ‘yung sasakyan.”

Tumango si Bea, alam na alam kung anong ibig sabihin ng kaibigan.

“Sure ka bang gusto mong gawin ‘to ngayon?” tanong nito, may halong pag-aalala.

“Matagal na akong handa,” malamig na tugon ni Talia.

Lumabas siya ng mansion at naglakad papunta sa garden sa likod-bahay, isang lugar na dati niyang paborito. Noon, dito siya madalas magpahinga tuwing hapon, kasabay ng hangin at amoy ng mga puting rosas na itinanim pa niya para kay Caden. Noon, simbolo iyon ng pag-ibig niya para sa lalaki. Pero ngayon, bawat talulot ay paalala ng sakit at kasinungalingan.

Huminto siya sa gitna ng hardin. Tinapunan niya ng malamig na tingin ang mga
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (2)
goodnovel comment avatar
Maria Catalina
paano kaya niya gawin yon mayaman yong dati niyang asawa na na bf sa nagp nagpatay sa anak niya . ina sa sa gf ng asawa niya dati.
goodnovel comment avatar
Mylaflor Heredero
nko Caden mukhang luluha ka ng dugo sna mkahnap si Thalia mgmamahal s onya ng totoo at c Caden nmn masaktan mg todo
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Too Late To Regret, Mr. Billionaire   CHAPTER 113

    HINDI nagtagal, kumalat ang mga larawan. Sa loob lamang ng ilang minuto, nagsimula nang gumalaw ang social media, mabagal sa una, halos hindi napapansin, pero eksaktong nasa ilalim ng isang mas malaking balita.Isang bagong trending topic. Hindi ito basta lantad. Parang sinadyang ilagay sa pagitan ng mga usaping showbiz at business news.#LucasLeeAndTaliaMarquezSpottedInFerrisWheelAtMidnightAng larawang kalakip ay isang silweta, isang lalaking yakap ang isang babae sa loob ng Ferris wheel cabin. Sa likuran, tanaw ang gabi ng Metro Manila, mga ilaw ng EDSA at Makati skyline na parang bituin sa lupa. Tahimik, pero punô ng emosyon.Ilan sa mga netizen na nakakita ay nag-comment kaagad. "Grabe. Hindi kailangang ipagsigawan. Ramdam mo 'yung sweetness." "Kung ganito naman ka-sweet, talo na talaga ang kahit sinong nag-propose sa stage."---Samantala, sa loob ng isang pribadong opisina, mahigpit na nakahawak si Caden sa cellphone niya. Kita sa screen niyon ang ang trending list. Nandoon pa

  • Too Late To Regret, Mr. Billionaire   CHAPTER 112

    SA TERRACE ng ikatlong palapag, patuloy pa ring sumasayaw sa hangin ang mga pink rose petals. Ang mga drone sa itaas ay bumubuo pa rin ng kumikislap na “starlight,” parang walang pakialam sa kaguluhang kakapasok lang sa eksena.Napakaganda, pero at the same time ay mayroon ding dalang sakit.Sa gilid ng crowd, huminto si Talia. Ang ingay ng venue ay parang unti-unting lumalabo sa pandinig niya, habang ang mga ilaw ay tila nagiging malayo, parang panaginip na hindi niya sigurado kung gusto pa niyang tapusin.Ilang sandali pa'y biglang tumunog ang cellphone niya at isang pangalan ang lumitaw sa screen. Kay Caden.Natigilan siya. Ilang segundo siyang nakatitig lang sa screen, at parang may pumipiga sa dibdib niya habang pinipigilan siyang huminga. Pero sa huli, pinindot pa rin niya ang answer button upang sagutin ang tawag nito.“Talia, nasaan ka?” kaagad nitong tanong na may halong panic at pag-aalala ang boses.Huminga siya nang malalim bago sumagot. Pinili niyang gawing kalmado ang to

  • Too Late To Regret, Mr. Billionaire   CHAPTER 111

    SA GITNA ikatlong palapag ay nakatayo ang babae sa entablado, nakatalikod sa karamihan. Bahagya niyang inangat ang ulo, sinusundan ng tingin ang drone performance sa itaas. Ang mga ilaw ay gumuguhit ng mga hugis sa langit, parang may sinisimulang kuwento na unti-unting binubuo sa harap ng lahat.Hindi niya napigilang mapahanga. Sa likod ng mga ilaw at engrandeng disenyo, ramdam niya ang bigat ng eksenang iyon na masyadong perpekto, masyadong planado. Isang setup na hindi basta-basta kayang ihanda ng kahit sino.Si Jessica.Bahagyang hinihingal, pinilit nitong makalusot sa pagitan ng mga bisita. Napahinto ito sandali, napatingin sa paligid at hindi nito napigilang mamangha sa eksenang bumungad sa kan'ya. Ang kisame na tila buhay, ang stage na puno ng bulaklak, ang moon-shaped archway na kumikislap sa ilalim ng mga ilaw.Hindi niya alam kung bakit, pero biglang bumigat ang dibdib niya. Parang may masamang pakiramdam na unti-unting umaakyat.Sa isip niya, bumalik ang mga pangyayari kanin

  • Too Late To Regret, Mr. Billionaire   CHAPTER 110

    GABI iyon sa Santiago Residence, Makati. Maliwanag ang buong mansyon, parang hinubog para sa isang engrandeng okasyon. Ang garden ay punô ng ilaw, ang loob ng bulwagan ay kumikislap sa motif na crystal at gold. Iyon ang birthday party ni Bea, at mahigit isang daang bisita ang in-invite ng kanilang pamilya kasama ang mga kilalang negosyante, bigating artista, at social elites.Nang bumukas ang pinto sa itaas ng spiral staircase, biglang tumahimik ang buong bulwagan. Ang lahat ay napatingin sa dalawang na magkahawak-kamay na maingat at eleganteng bumababa sa hagdan. Kapwa puno ng ka-elegantehan at sopistikasyon.Sa ilalim ng mga ilaw, para silang dalawang perlas na magkaiba ang kinang pero parehong hindi maikakaila ang presensiya. Si Bea, beautiful at bright ang aura sa suot na kulay-blue na gown. Si Talia naman, simple pero malakas di. ang dating, nakasuot ng light blue dress at natural na aakit-akit ang dating.Biglang kumalat ang usap-usapan sa paligid dahil sa presensya ng dalawa.“

  • Too Late To Regret, Mr. Billionaire   CHAPTER 109

    KINABUKASAN, dumiretso si Caden sa Lee Pharmaceutical. Sinubukan siyang pigilan ng receptionist, ngunit napaatras ito sa bigat ng presensiya niya na tahimik pero mapanganib. Walang sabi-sabi, itinulak niya ang pinto ng opisina ng CEO. Nandoon si Lucas Lee, nakaupo sa likod ng malapad na mesa. Nang makita si Caden, bahagya lang itong nagtaas ng kilay, walang bakas ng pagkagulat. Marahan nitong ibinaba ang hawak na dokumento na pinagkakaabalahan nito ng mga yan. “Mr. Montclair,” malamig ang boses niya. “What brings you here?” “Nasaan si Talia?” diretsong tanong ni Caden, walang paligoy-ligoy. “Talia?” Nagkibit-balikat si Lucas. “Wala siya rito.” “Nasaan siya pumunta?” Lumapit si Caden ng isang hakbang sa lalaki, matalim ang tinging ipinupukol rito. Sumandal si Lucas sa upuan, relaxed ang postura pero matalas ang mga salita. “Private matter ’yon. I don’t think I’m obligated to report to you.” “Sabihin mo sa kanya, gusto ko siyang makita,” mariing utos pa ni Caden. “Sinabi ko na,

  • Too Late To Regret, Mr. Billionaire   CHAPTER 108

    SA PAGBUKAS ng pinto, dalawang lalaki ang pumasok, parehong may malamig na ekspresyon. Ang isa ay may matalim na mga mata at mapanganib na ngiti, habang ang isa ay matangkad at tahimik lang na nakamasid sa paligid.Si Jessica ay napasiksik sa sulok ng silid, nanginginig sa takot. Napatigil ang lalaking may malamig na tingin, saka siya tinitigan na para bang wala siyang halaga.“Enjoy it while you can,” malamig nitong sabi, may halong mapanuyang ngiti. “Just don’t die too soon.”Pagkasabi niyon, lumakad itong palabas, para bang nandidiri pang tumingin muli sa kanya. Naiwan ang isa pang lalaking kasama nito, matipuno, tahimik, at walang emosyon sa mukha. Lumapit ito nang mabagal kay Jessica, na halos hindi na makagalaw sa takot.Sa bawat hakbang nito, lalong bumibilis ang tibok ng puso niya. Hanggang sa tuluyan siyang masubsob sa sahig, at sa isang iglap, marahas siyang binuhat at ibinagsak sa kama.---KINABUKASAN, sa highway papuntang Batangas, nakasakay si Caden sa likurang bahagi ng

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status