Home / Romance / Too Late to Win Back His Betrayed Wife / Kabanata 124 Choosing to Fight

Share

Kabanata 124 Choosing to Fight

last update Petsa ng paglalathala: 2026-09-09 15:26:22
Hindi inalis ni Kiara ang tingin sa opisyal na notice.

Malinaw na nakasaad doon ang reklamong isinampa ni Natasha kaugnay ng dalawang sampal na ibinigay niya. Kalakip niyon ang mga litrato ng namumulang pisngi nito at sinumpaang salaysay na naglalarawan sa kanya bilang bayolenteng nanugod sa bahay.

“Hindi ko itatanggi ang ginawa ko,” sabi niya sa abogado ng Elara & Co. “Sinampal ko siya. Dalawang beses.”

“May karapatan kang magbigay ng buong salaysay at ilahad ang mga pangyayaring humantong sa k
Maria Bonifacia

Dear readers, maraming maraming salamat sa lahat ng paraan ng pagsuporta ninyo, sa pagbabasa at pag-unlock ng chapters, pag-iiwan ng comments, pagbibigay ng gems at gifts, ratings at reviews, at patuloy na paghihintay sa bawat update. Every form of support is seen and deeply appreciated.

| 13
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Maria Bonifacia
Please follow me on Peysbuk, Maria Bonifacia po ang name. Thank you very much po!
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • Too Late to Win Back His Betrayed Wife   Kabanata 423 The Unexpected Pregnancy

    “Then tell me, Ana. How did you find the courage to leave your husband when you still loved him?”Matagal na tinitigan ni Ana ang mensahe ni Elise. Hindi madaling ipaliwanag ang pag-alis sa taong minsang naging sentro ng kanyang mundo.“Hindi ko alam kung matapang ang tawag doon. Napagod lang akong maghintay sa pagmamahal na hindi niya kayang ibigay.”“Did you stop loving him before you left?”“Hindi. Pero natutuhan kong puwede kong mahalin ang isang tao nang hindi kinakailangang manatili sa tabi niya.”“I wish I could do that.”“Darating ka rin doon. Pero ikaw ang kailangang magdesisyon kung kailan.”Makalipas ang ilang sandali, may panibagong mensahe.“Hindi ko pa sinasabi kay Xavier na gusto ko nang makipaghiwalay.”“Bakit?”“Because I'm scared. Hindi ko alam kung ano ang mangyayari.”Napatitig si Ana sa screen. Sa loob ng tatlong taon, iyon din ang kinatakutan niya—fear of the unknown.“Hindi mo kailangang sabihin ngayon kung hindi ka pa handa. Pero huwag mong kalimutan kung bakit

  • Too Late to Win Back His Betrayed Wife   Kabanata 422 My Husband Is for Sale

    “Makikipagkaibigan pa nga ako sa iyo.”Napatitig si Ana kay Elise. “Hindi ka galit dahil sinabi kong nobyo ko si Xavier?”“That was a surprise.” Ngumiti ito. “Pero bago ka magpaliwanag, may deal akong iaalok.”“Anong kasunduan?”“Lunch muna. Mas madaling makipag-usap kapag busog.”Oras na ng pahinga ni Ana. Nagpaalam siya kay Ms. Ruth bago sinamahan si Elise sa restaurant ng Wonder World.Umorder si Elise ng mango juice at pasta. Tubig at pasta naman ang pinili ni Ana.“Gusto mo ng kape?”“Sumasama ang pakiramdam ko sa amoy pa lang.”“Baka pagod ka lang.”“Baka nga.”Nang dumating ang pagkain, nagsimula si Ana. “Elise, pasensiya ka na sa—”“Wait.”Naglabas si Elise ng maliit na notebook mula sa bag.“Heto. Mga gusto at ayaw ni Xavier. Paboritong pagkain, kulay, pati mga kinaiinisan niya. Ten years kong pinag-aralan. I know him too well.”“Teka. Bakit mo ibinibigay sa akin?”“Because he likes you.”Napahinto si Ana sa pag-inom. “Sinabi niya iyon sa iyo?”“Yes. At hindi kita sinisisi.”

  • Too Late to Win Back His Betrayed Wife   Kabanata 421 The Wife She Never Expected

    “Xavier is married.”Napatitig si Ana kay Kurt. “Ano'ng sinasabi mo?”“It's true. Tingnan mo.”Binuksan nito ang folder sa kanyang mesa. Naroon ang kopya ng marriage record nina Xavier Velasco at Elise Villareal, kasama ang petsa at lugar ng kasal.“I'm not making this up, Ana.”“Hindi ko sinasabing nagsisinungaling ka.” Sinipat niya ang dokumento. “Bakit mo siya pinaimbestigahan?”“Because he's pursuing my wife. I wanted to know who he really is. I'm protecting you.”“Huwag mong pakialaman ang buhay ko, Kurt.”“I'm still your husband.”“Sa papel. Pero hindi ibig sabihin niyan, ikaw ang magpapasya kung sino ang lalapitan o kakaibiganin ko.”“Hindi kita pinagbabawalang makipagkaibigan. Pero may ibang intensyon ang lalaking iyon.”“Aling parte ang mahirap unawain sa pakiusap kong tigilan mo na ako?”Napakuyom ang kamay nito, ngunit hindi na nakipagtalo.Muling tiningnan ni Ana ang pangalan ni Elise. Wala naman silang relasyon ni Xavier, ngunit ipinakilala niya itong nobyo sa harap ng mg

  • Too Late to Win Back His Betrayed Wife   Kabanata 420 The Love She No Longer Believes In

    “But I don't want to spend the rest of my life pretending I never loved you.”Napatitig si Ana kay Kurt. Tatlong taon niyang hinintay ang mga salitang iyon. Noon, baka sapat na ang pag-aming iyon para makalimutan ang mga masasakit na pangyayari.Ngayon, wala siyang nararamdaman. Kahit katiting na saya o lungkot ay wala.“Minahal mo ako? Kurt, naririnig mo ba ang sarili mo?”“Yes.”“Hindi mo ako mahal. May mahal bang sinasaktan?”Hindi ito sumagot. Sa pagitan nila, malamig na ang pagkaing halos hindi nagalaw ni Ana.“I cared too much about what people would think,” sabi nito. “I was ashamed to admit I married someone I thought didn't belong in my world.”“Kahit asawa na kita, ikinahiya mo pa rin ako.”“Yes. And I'll regret that for the rest of my life.”“Hindi ko kailangan ng pagsisisi mo. At totoo namang langit at lupa ang pagitan natin.”“Ana, please listen to me.”“At nauunawaan ko kung bakit ikinakahiya mo ako.” Nanginig ang boses niya. “Pero tapos na ‘yon. Mag-move on na tayong pa

  • Too Late to Win Back His Betrayed Wife   Kabanata 419 Too Late to Confess

    “At ako raw ang personal shopper mo.”“Personal shopper? Ikaw?” Napatingin si Ana kay Kurt. “Tatlong taon tayong kasal. Hindi mo nga alam ang sukat ng damit ko o paborito kong kulay.”Nawala ang ngiti nito. “Then today is my chance to learn.”“Hindi mo na kailangang matuto. Maghihiwalay na tayo.”“Okay. Assignment na lang mula kay Grandpa.”Nagpaalam si Ana kay Ms. Ruth at inayos ang mga kailangang iwan sa opisina. Nang bumalik siya sa paradahan, naghihintay si Kurt sa sariling sasakyan. Ito ang nagmaneho papunta sa mall.Tahimik ang biyahe hanggang sa tumunog ang cellphone niya. Isang mensahe mula kay Xavier.“Okay ka lang ba? Gusto mo bang sumunod ako?”“Okay lang ako. Salamat sa pag-aalala.”Pag-angat ng tingin, napansin niyang sumulyap si Kurt sa cellphone niya.“Sa daan ka tumingin. Nagmamaneho ka.”“So thoughtful naman ng manliligaw mo.”“Boyfriend ko siya,” sagot ni Ana, bagaman hindi iyon totoo. Ayaw niyang magpaliwanag sa asawa.“I don't think so. You're trying to make me jea

  • Too Late to Win Back His Betrayed Wife   Kabanata 418 An Unexpected Surprise

    “Paano ko mapapatunayang karapat-dapat ako sa tiwala ni Lolo?” bulong ni Ana habang nakatitig sa abiso ng meeting.Tinawagan niya ang abogado.“Attorney, ayokong pumunta roon na wala akong alam.”“Hindi mo kailangang patunayan ang karapatan mong magmay-ari. Nakatala na ang shares sa pangalan mo. Ang kailangan mong paghandaan ay ang mga pag-uusapan.”“Maaari po ba akong makahingi ng mga naunang ulat at patakaran ng kumpanya?”“Magrequest tayo ng mga dokumentong maaari mong suriin. Sasamahan din kita sa pagpupulong.”“Salamat po. Gusto kong maintindihan ang mga desisyong gagawin ko.”Kinabukasan, dala ang mga ulat na natanggap, nagtungo si Ana sa opisina ni Xavier. Inilapit nito ang laptop sa bakanteng upuan sa tabi niya.“Alin ang gusto mong unahin?”“Dumami ang bisita matapos ang renovation. Bakit hindi ganoon kalaki ang nadagdag sa net profit?”“Compare revenue with operating expenses. Ano ang napansin mo?”Sinundan niya ng daliri ang mga numero.“Mas malaki ang gastos sa kuryente at

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status