LOGINPagkahiwalay nila ni Dominic sa pasilyo, dumiretso si Nick sa restroom. Sa harap ng lababo, binuksan niya ang gripo at hinayaang dumaloy ang tubig sa kanyang mga kamay.“Hindi ko kayang iwan si Avery at ang mga bata.”Ngayon lang niya nasabi iyon nang ganito kalinaw. Kailangan niyang tapusin ang relasyon kay Nessa at aminin ang lahat sa asawa. Umaasa siyang patatawarin siya ni Avery. Ayaw na niyang magpatuloy pa ang panloloko. Gagawin niya ang tama. Hindi pa huli upang ayusin ang pagsasama nilang mag-asawa.Isinara niya ang gripo, pinunasan ang mga kamay, at bumalik sa function room.Nadaanan niya si Audrey sa tabi ng mesa nila. Kausap nito si Avery.“Nick, congratulations. Goodluck mamaya,” bati ni Audrey bago bumalik sa mesa nila ni Dominic.“Thanks, Audrey.”Umupo si Nick sa tabi ng asawa.“Okay ka lang?” tanong ni Avery. “Medyo natagalan ka.”“Kabado lang.”“Kaya mo ’yan.” Hinawakan nito ang kamay niya sa ilalim ng mesa.Sa entablado, bumalik ang host at hiniling na maupo ang mga
Nakatayo si Nick sa tabi ng kama, hawak ang speech na dapat sana’y binabasa niya. Bukas na ang awarding. Pagkatapos nito, hihingin ni Avery ang buong katotohanan, habang hinihintay naman ni Nessa na tuparin niya ang pangako.Bumaba ang tingin niya sa bahaging pasasalamat para sa asawa.“At sa asawa kong si Avery, salamat. Noong nagsisimula pa lang ang PrimeArc, magkatabi nating binabasa ang mga kontrata at pinag-uusapan ang bawat desisyong natatakot akong gawin. Hindi lang ako ang nagtayo ng kompanyang ito. May bahagi ka sa bawat tagumpay nito. Kasama ng mga anak natin, ikaw ang gusto kong unang pasalamatan ngayong gabi.”Natigilan siya sa huling linya. Naaalala niya ang mga gabing magkatabi silang nagtatrabaho sa hapag-kainan, bago pa sila magkaroon ng sariling opisina. Totoo ang bawat salitang isinulat niya tungkol sa tulong ni Avery. Hindi niya maaabot ang tagumpay kung wala ito sa kanyang tabi.Kinabukasan, paglabas niya sa kuwarto, nakalatag sa sofa ang mga damit at sapatos ng mg
Nakatitig si Nick sa family picture na hawak ni Avery.Gusto niyang sabihing oo. Ngunit nangako siya kay Nessa na kakausapin si Avery pagkatapos ng awarding. Iba ang usapang inaasahan nang dalawang babae.“Bakit pagkatapos pa?” tanong niya.Tumaas ang tingin ni Avery mula sa litrato. “Mahalaga sa ’yo ang award na ’to. Kaya dapat unahin natin.”“Matagal ko ng pangarap na ma-nominate at masungkit ang award na ito. Kaya salamat sa suporta mo.”“Oo naman, suportado kita. May mga tanong ako na hindi ko kayang isingit lang habang naghahapunan tayo o kapag papasok ka na sa opisina. Pagkatapos ng awarding, gusto kong mag-usap tayo nang maayos. Lahat ng itatanong ko, sana sagutin mo. Kahit masakit marinig.”Hindi nagtaas ng boses si Avery. Mas nahirapan si Nick na tumingin sa asawa dahil doon.“Gusto ko ring ayusin ang pagsasama natin,” sabi niya.Lumapit siya at hinawakan ang litrato. They have a beautiful family.Kaya niyang makita ang sarili sa ganitong buhay sa mga susunod na taon. May mga
Lumuwag ang yakap ni Avery. Hindi pa ito umaalis sa bisig ni Nick, ngunit naramdaman niyang naghihintay ito ng sagot.“Nagkikita kami sa PrimeArc,” sabi niya. “Kailangan pa rin naming magtrabaho sa iisang project.”“I mean, outside work.”“Hindi na. Noong nagpunta ako sa condo niya, kasama kita. Huwag ka nang mag-overthink.”Umatras si Avery upang makita ang mukha niya. Nasa pasilyo pa rin sila, ilang hakbang lamang mula sa kuwarto ni Nathalia.“Trabaho lang ba talaga ang dahilan ng pagkikita ninyo? Kasi kung hindi kita sinundo, kayong dalawa lang ang magdi-dinner.”Niyakao niya ng mahigpit ang asawa.“Kung hindi ka dumating, hindi ako papasok sa condo niya. Talagang ang plano ko ay kuhanin lamang ang documents. Tapos, aalis na ako agad.”“Nawalan na naman ako ng peace of mind pagkatapos ng gabing iyon sa condo niya,” sabi ni Avery. “Sinusubukan kong huwag isipin, pero bumabalik pa rin. May pa-dinner with candlelight pang nalalaman ang babaeng ‘yon.”“Hindi ko siya mapipigil sa gusto
Pagkasara ng pinto ng meeting room, nanatiling nakaupo si Nick. Nasa mesa pa ang folder na dinala ni Nessa. Sa kabila ng salaming dingding, tuloy ang paglalakad ng mga empleyado, ngunit ang naririnig pa rin niya ay ang sarili niyang tinig.“Ikaw ang pipiliin ko, Nessa.”Umilaw ang laptop niya. May email mula sa award committee. Tapos na ang evaluation ng lahat ng nominees. Kumpleto ang mga dokumentong ipinasa ng PrimeArc, at wala nang karagdagang requirement bago ang awarding sa loob ng dalawang linggo.Ilang buwan niyang hinintay ang kumpirmasyong iyon. Kinuha niya ang telepono at tinawagan si Avery.“Nick?” sagot nito. “Bakit napatawag ka?”“Ibabalita ko lang na masaya ako. Tapos na ang evaluation. Nag-comply na tayo sa lahat.”“Talaga?” Umangat ang boses ni Avery. “Ang tagal mong hinintay iyan. Congratulations.”“Wala pang dapat i-congratulate. Hindi pa lumalabas ang resulta.”“Alam ko. Pero ang maging isang nominado ay malaking karangalan na.”Napatingin si Nick sa folder. Tapos n
Ayaw nang isipin ni Avery ang hapunan sa condo ni Nessa. Hindi niya kayang kontrolin si Nick o hulaan ang susunod nitong gagawin. Pinunasan niya ang luha sa pisngi.“Kung bukas, masaktan ka na naman, hindi ibig sabihin no’n na wala kang naging progreso,” sabi ni Kiara.Hinaplos nito ang likod ng kamay ni Avery.“May mga araw na magaan,” pagpapatuloy ni Kiara. “May mga araw ding isang salita o isang lugar lang, babalik ang sakit. Hindi linear ang healing. Minsan uusad ka, minsan parang back to zero ka.”“Akala ko nga kaya ko nang makita si Nessa,” sabi ni Avery. “Pero kagabi, habang nakaupo kaming tatlo sa mesa niya, hindi ko mapigilang mag-isip ng kung ano-ano.”“Noong binigyan ko ulit ng pagkakataon ang asawa ko, binibilang ko ang mga araw na hindi ako umiyak. Akala ko kapag dumami na, ibig sabihin magaling na ako.” Umiling si Kiara. “Nasasaktan pa rin ako minsan. Hindi ko na iniisip na nabigo ako tuwing nangyayari iyon.”Napatingin si Avery sa kape niyang halos hindi nabawasan. May
![Just One Night [Tagalog]](https://www.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)






