LOGIN“Tawagan mo ang abogado ko. Gusto kong masimulan ang paglilipat ng shares ko kay Ana sa lalong madaling panahon.”“Opo, Grandpa. Tatawagan ko po siya,” sagot ni Kurt.“Lolo, hindi po kailangang madaliin,” sabi ni Ana. “Ang mahalaga, makapagpahinga at magpagaling muna kayo.”“Matagal ang proseso, hija. Gusto ko lang masimulan.”Pumasok ang nurse upang tingnan ang monitor at ipinaalalang kailangan nang magpahinga ng matanda. Hinawakan ni Ana ang kamay nito.“Babalik po ako mamaya, Lolo.”“Hihintayin kita.”Paglabas nila ni Kurt, nadatnan nila si Donya Victoria sa pasilyo.“Kumusta si Alejandro?”“Maayos na po ang kondisyon niya, pero kailangan pa rin pong bantayan,” sagot ni Ana.“Bakit kayong dalawa ang pinapasok? I'm his family!”“Sandali lang ang pinayagang pagbisita, Mommy,” paliwanag ni Kurt.Napatingin si Donya Victoria sa namamagang pisngi ni Ana.“Kung hindi ka nakipagtalo sa akin, hindi sana nangyari ito.”Nanikip ang dibdib ni Ana. Siya na ang sinampal at sinabunutan, siya pa
“Ma'am Ana, narito po si Donya Victoria Altamirano. Gusto raw po kayong makausap.”Napatigil si Ana nang marinig ang pangalan ng bisita sa telepono.“Pakisabi pong bababa ako.”Nagpaalam siya kay Ms. Ruth at humingi ng pahintulot na gamitin ang bakanteng meeting room. Sa reception, nadatnan niyang nakaupo ang ina ni Kurt, hawak ang handbag.“So, Assistant Manager ka na pala rito,” bungad nito.“Opo. May kailangan po ba kayo?”“We need to talk. Privately.”Inihatid niya ang matanda sa silid-pulong. Pagkasara ng pinto, inilapag niya ang folder sa mesa.“Alam ko ang tungkol sa shares ni Alejandro,” sabi ni Donya Victoria. “Tatanggihan mo iyon.”“Hindi pa po ako nakapagdesisyon.”“Then decide now.”“Si Lolo po ang nag-alok. Hindi po ako humingi.”“Pero ikaw ang makikinabang! Wala ka pang sapat na karanasan sa negosyo.”“Kaya nga po gusto kong pag-aralan muna ang mga responsibilidad.”“Anak ka lang ng mga dating kasambahay namin. Ngayon, gusto mo nang maging may-ari ng resort?”Napahigpit
“Kung talagang may ibang lalaking pinili si Ana, kaya mo bang hayaan siyang maging masaya sa piling ng iba?”Napahigpit ang hawak ni Kurt sa cellphone. Kanina lamang, sinabi ni Don Alejandro na hindi nito alam ang tunay na relasyon nina Ana at Xavier. Sa pagkakakilala raw nito kay Ana, hindi ito basta papasok sa bagong relasyon habang kasal pa sila.Ngunit hindi maalis sa isip ni Kurt ang kamay ni Ana sa braso ni Xavier.“Hindi ko po alam, Grandpa.”“Hindi kita hinihingan ng sagot na magpapasaya sa akin, hijo. Gusto kong malaman kung kaya mong igalang ang gusto niya.”“Hindi ko po siya guguluhin. Pero hindi ko rin kayang magkunwaring wala akong nararamdaman.”“Magkaiba ang nasasaktan sa nananakit, Kurt. Tandaan mo iyon.”Nang matapos ang tawag, nanatili siyang nakaupo sa opisina. Nasa mesa ang mga dokumentong kailangan niyang tapusin, ngunit ang pirma ni Ana sa kahilingang simulan ang legal na pagsusuri ang bumabalik sa isip niya.Tinawagan niya si Cedric.“Bro, tungkol sa mga papeles
“Yes, I know Ana. She's not just my former employee. She's my wife.”Natigilan ang lalaking kausap nila sa tapat ng elevator.“Your wife? I didn't know you were married, Attorney!”“Nagbibiro lang po siya,” singit ni Ana. “Dati po akong empleyado sa Top Legal Aid.”Napalingon si Kurt. “Ana –”“At ito nga po pala si Xavier Velasco.” Lumapit si Ana kay Xavier at kumapit sa braso nito. “Siya po ang boyfriend ko.”Natahimik si Kurt. Napatingin si Xavier kay Ana, saka sa kanya. Maging ang lalaking kausap nila ay napahinto.“Boyfriend?” ulit nito.Nagtagpo ang tingin nina Ana at Xavier. Pagkatapos, iniabot ni Xavier ang kamay sa lalaki.“I'm Xavier Velasco. Nice to meet you.”“Well, congratulations!”Hindi ngumiti si Kurt. Nakatitig siya sa kamay ni Ana na nakahawak sa braso ni Xavier. Legal pa rin silang mag-asawa. Isang pangungusap lamang sana ang kailangan upang linawin iyon.Ngunit naalala niya kung paano niya ipinagbawal noon kay Ana na sabihin sa iba ang kanilang kasal. Kapag may nagt
“Si Ana, Kurt. Siya ang gusto kong pagkatiwalaan ng shares ko sa Wonder World Resort.”Natigilan si Kurt sa sinabi ni Don Alejandro. Kaharap niya sa salas ang inang nakikinig sa tawag.“Grandpa, alam na po ba ni Ana?”“Alam niya ang alok, pero hindi pa siya pumapayag. Gusto muna niyang maintindihan ang mga responsibilidad.”Naalala ni Kurt kung paano niya tinawag na gold digger ang asawa. Ngayong may malaking alok mula sa kanyang lolo, hindi pa rin ito nagmamadaling tumanggap.“Kung iyan po ang desisyon ninyo, susuportahan ko kayo. Karapat-dapat si Ana sa tiwala ninyo.”“Hindi ka tututol?”“Hindi po. Personal ninyong shares iyon. Wala akong karapatang pigilan kayo kung kanino ninyo gustong ipagkatiwala ang mga iyon.”“Ano'ng sinasabi ninyo tungkol kay Ana?” singit ni Donya Victoria.“Mommy, gusto ni Grandpa na ibigay kay Ana ang shares niya sa resort.”“What? Kurt, are you serious?”“Granda, narito po si Mommy. Puwede ko po bang ilagay sa speaker ang tawag?”Nang pumayag ang matanda,
“Paalam, Kurt.”Hindi lumingon si Ana nang lumabas sa kwarto. Sinundan ni Kurt ng tingin ang pagsara ng pinto, saka napatingin sa mga dokumento sa mesa. Tatlong taon niyang hiniling na matapos ang kanilang kasal. Ngayong si Ana na ang kusang umaalis, bakit hindi niya maramdaman ang inaasahang ginhawa?“Are you okay?” tanong ni Cedric habang inililigpit ang mga papel.“Does it look like I am?”Nang silang dalawa na lamang ang naroon, inilapag ni Kurt ang palad sa folder.“Cedric, delay the process. Huwag mo munang ipasa hangga't hindi ko sinasabi.”“Bro, bakit?”“Hindi ko alam. Nalilito ako.”“Hindi puwedeng ganyan. Siguraduhin mo ang nararamdaman mo tapos makipag-usap ka kay Ana.”Napatingin si Kurt sa pirma ng asawa. Isang simpleng paalam lamang ang iniwan nito.“You're being unfair,” dagdag ni Cedric. “Kung talagang nagbago ka, igalang mo ang desisyon niya.”“Alam ko.”“Then act like it. Mabuti pa bro, shot puno muna tayo. Handa akong makinig sa’yo. Pwede mo rin akong iyakan,” biro







