Home / Romance / Too Late to Win Back His Betrayed Wife / Kabanata 290 Winning Back What Matters Most

Share

Kabanata 290 Winning Back What Matters Most

last update Petsa ng paglalathala: 2026-10-16 14:20:15

Hindi pinagsisihan ni Avery ang pagsisiping nilang mag-asawa. Ngunit habang nakatingin kay Nick na mahimbing na natutulog sa kanyang tabi, nakaramdam siya ng kaba.

Paano kung umasa itong maaari na silang magsimulang muli?

Naalala niya ang mga halik at yakap nila kagabi. Matagal na niyang hindi nararanasan ang ganoong kapanatagan sa piling ng asawa. Gayunman, hindi pa nawawala ang takot niyang muling masaktan.

Gumalaw si Nick at iminulat ang mga mata.

“Good morning, beautiful.”

Napangiti siya. “
Maria Bonifacia

Dear readers, kung nagustuhan ninyo ang ating story, sana mabigyan ninyo ito ng rating at honest review sa mismong book page sa GoodNovel. Maraming salamat po!

| 8
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter
Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Mylaflor Heredero
nko d kna mkakalayas nyan haha alam. mna mga lalaki pg lalayas ng babae bubuntisin haha
goodnovel comment avatar
Maria Bonifacia
Excited na po ba kayo sa nalalapit na pagwawakas ng Book 2? Maraming salamat po sa pagsama kina Avery at Nick! Kasunod po agad ang Book 3: Ana and Kurt love story!
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • Too Late to Win Back His Betrayed Wife   Kabanata 294 Love, Forgiveness, and New Beginnings

    Nakatitig si Avery sa asawa habang naghihintay ng sagot. Nakatigil pa rin ang kanilang sasakyan sa pulang ilaw ng trapiko. Sa likurang upuan, mahimbing na natutulog sina Nikolai at Nathalia.“Hindi ko alam kung may tamang paraan para magpatawad at muling magtiwala, Avery.”Huminga nang malalim si Nick.“Pero hindi naman ako nagmamadali. I'm willing to wait. Kung kailangan mo ng panahon, ibibigay ko.”Naging berde ang ilaw. Binitiwan nito ang kanyang kamay at muling nagmaneho.“Siguro kailangan ko munang tanggapin na mahal pa kita kahit nasaktan mo ako,” sabi ni Avery.“Hindi mo kailangang ikahiya iyon.”“Pero hindi ibig sabihin na nakalimutan ko na ang lahat.”“Alam ko.”“Gusto muna kitang makilala ulit, Nick. Hindi bilang asawa kong akala ko ay kilalang-kilala ko na, kundi bilang lalaking nakikita ko ngayon.”“Gusto ko rin iyon, Avery. Gusto din makilala ka ulit.”Nang makarating sila sa mansyon, ipinarada ni Nick ang sasakyan. Binuhat nito si Nathalia habang ginising naman ni Avery

  • Too Late to Win Back His Betrayed Wife   Kabanata 293 The Courage to Forgive

    “Hindi, Avery. Kung pinili ni Mommy na umalis noon, maiintindihan ko.”“Talaga?”“Oo. Hindi niya obligasyong manatili sa isang pagsasamang paulit-ulit siyang sinasaktan.”Napaisip si Avery sa sinabi ng asawa.“Kung ganoon, bakit gusto mong bumalik ako sa iyo?”“Dahil mahal kita at gusto kong itama ang mga pagkakamali ko. Ipinagdarasal ko araw-araw na mabigyan mo ako ng pangalawang pagkakataon.”“Hindi ka ba natatakot na matulad ka sa Daddy mo?”Napabuntong-hininga si Nick.“Ang masakit, Avery, natulad na ako sa kanya. Ginawa ko sa iyo ang mga bagay na nakita kong nakakasakit kay Mommy noon.”Hindi nakapagsalita si Avery.“Hindi ko mababago ang naging buhay nina Mommy at Daddy. Pero nakita ko rin na kahit ano ang nangyari, ayaw nilang maghiwalay. Para sa akin, pareho silang lumaban para sa pagsasama nila.”“Pero hindi ibig sabihin noon na obligasyon kong gawin ang ginawa ng Mommy mo.”“Alam ko. At hindi ko iyon hinihingi sa iyo.”“Nick, hindi lang pagiging faithful ang kailangan kong m

  • Too Late to Win Back His Betrayed Wife   Kabanata 292 The Courage to Love Again

    Matagal na tinitigan ni Avery si Nick. Magkahawak pa rin ang kanilang mga kamay sa ibabaw ng mesa.“Nick, gusto kong subukan. Pero magulo pa ang utak ko. Hindi pa ako sigurado.”Tumango ang asawa.“Hindi kita mamadaliin, Avery. Hayaan mo lamang akong mahalin ka at ang mga anak natin.”“Baka mahirapan ka sa akin. Baka sumuko ka agad.”Ngumiti ito. “Nakahanda akong mahirapan para sa iyo.”“Nick!”“Joke lang, sweetheart.”Napatawa siya at kinurot ang kamay nito.Pagkatapos magbayad ni Nick, lumabas sila ng restaurant. Inalalayan siya nitong sumakay sa sasakyan bago umikot sa driver's side at pinaandar ito.Habang pauwi, napag-usapan nila ang susunod na family dinner kasama ang mga anak. Nangako si Nick na darating sa napagkasunduan nilang oras.Pagdating sa mansyon, inihatid siya nito hanggang sa pintuan.“Thank you for tonight, Nick.”“May second date ba?”“Depende.”“Pa-kiss muna. Tsaka ka magdesisyon.”Napailing siya. “Ang daya mo naman.”“Manliligaw lang na nagbabakasakali.”Hinawaka

  • Too Late to Win Back His Betrayed Wife   Kabanata 291 Courting His Wife Again

    Natigilan si Avery sa tanong ni Nick. Magkahawak pa rin ang kanilang mga kamay habang nakatayo sa garden ng mansyon.“Nick, kasal pa rin tayo. Hindi ba weird na liligawan mo ulit ang sarili mong asawa?”Ngumiti ito. “Hindi. Gusto kitang suyuin araw-araw sa buong buhay ko.”“Baka magsawa ka.”“Hindi ako magsasawa. Pero kung magsawa ka sa akin, sasabihin mo lang. Pero sorry, hindi ako titigil sa panunuyo sa’yo.”Napatawa siya. “Ang korni mo, Nick.”“Mas gusto kong nakikita kang tumatawa kaysa umiiyak dahil sa akin.”Nawala ang ngiti ni Avery.“Nick, kapag pumayag akong ligawan mo ako, hindi ibig sabihin na siguradong magkakabalikan tayo.”“I know.”“Paano kung hindi ko na kayang ibalik ang dati nating relasyon?”“Hindi naman ang dati nating relasyon ang gusto kong ibalik, Avery. Gusto kong bumuo tayo ng mas maayos na pagsasama kaysa dati, kung papayag ka. Magsimula tayo uli.”Pinagmasdan niya ang asawa. Sa pagkakataong iyon, wala itong hinihinging pangako kundi pahintulot na subukan.“S

  • Too Late to Win Back His Betrayed Wife   Kabanata 290 Winning Back What Matters Most

    Hindi pinagsisihan ni Avery ang pagsisiping nilang mag-asawa. Ngunit habang nakatingin kay Nick na mahimbing na natutulog sa kanyang tabi, nakaramdam siya ng kaba.Paano kung umasa itong maaari na silang magsimulang muli?Naalala niya ang mga halik at yakap nila kagabi. Matagal na niyang hindi nararanasan ang ganoong kapanatagan sa piling ng asawa. Gayunman, hindi pa nawawala ang takot niyang muling masaktan.Gumalaw si Nick at iminulat ang mga mata.“Good morning, beautiful.”Napangiti siya. “Good morning.”Hinalikan nito ang kanyang noo.“Are you okay?”“Oo. Pero may gusto sana akong sabihin sa iyo.”Umupo siya sa kama at humarap dito.“Nick, gusto kong malaman mo na hindi ko pinagsisisihan ang nangyari sa atin kagabi.”Ngumiti ito.“Pero hindi ibig sabihin na handa na akong makipagbalikan.”“Avery, hindi ko naman inisip na dahil may nangyari sa atin, okay na ang lahat.”“I just don't want to give you false hope.”Hinawakan nito ang kanyang kamay.“Hindi mo ako binigyan ng false hop

  • Too Late to Win Back His Betrayed Wife   Kabanata 289 When Her Heart Gave In

    Natigilan si Avery. Nakatitig sa kanya si Nick habang nakapalibot pa rin ang mga bisig nito sa kanyang baywang.Paano niya sasagutin ang tanong na matagal na niyang iniiwasan?Alam niyang kapag umamin siyang mahal pa niya ito, baka isipin nitong handa na siyang makipagbalikan.Kumalas siya sa yakap nito.“Nick, puwede bang huwag muna nating pag-usapan iyan?”“Of course. Hindi mo kailangang sagutin kung hindi ka pa handa.”Hindi siya pinigilan ni Nick nang lumapit siya sa mesa.Napansin niya ang bote ng wine na kasama sa inihandang hotel arrangement. Nagsalin siya ng kaunti sa dalawang baso.“Gusto mo?”“Sure.”Lumapit si Nick upang kunin ang inabot niyang baso. Pagkatapos, naupo sila sa magkatabing upuan malapit sa bintana.“Parang ang tagal na noong huli tayong nagkaroon ng ganito katahimik na gabi,” sabi ni Avery.“Matagal na. At kasalanan ko kung bakit nawala iyon.”Uminom siya ng kaunti. Sa labas ng bintana, kumikislap ang mga ilaw ng lungsod.“Avery, may gusto ka bang sabihin sa

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status