LOGINTo my wonderful readers who have been following Too Late to Win Back His Betrayed Wife since Book 1, thank you for staying through every heartbreak, unexpected twist, and new beginning. Your support inspire me to keep writing!
Hindi na dapat umasa si Ana sa mga sandaling tulad nito. Gayunpaman, nang kunin ni Kurt ang mangkok ng bagong lutong ulam, hindi niya napigilang mapatingin sa asawa.“Careful, mainit pa,” sabi nito.“Alam ko. Ako ang nagluto, hindi ba?”Ngumiti si Kurt at dinala ang mangkok sa hapag. Inayos ni Ana ang mga plato bago tawagin ang kanyang mga magulang.“Ma, Pa, kakain na tayo!”Naupo ang ama sa upuang inilapit ni Kurt sa mesa. Mas maayos na ang lagay nito, bagaman kailangan pa ring iwasang mapagod.“Anak, ikaw ang tumulong magluto?” tanong ng kanyang Mama kay Kurt.“Assistant lang po ako, Ma. Si Ana ang chef.”Natawa ang matanda. “Aba, marami ka na palang natututuhan dito.”Habang kumakain, nagkuwento ang ina tungkol sa kabataan ni Ana. Kahit abala raw sa pag-aaral, tumutulong ito sa pagluluto at paglilinis.“Hindi mo ba alam na masarap magluto ang asawa mo?” tanong ng ama.“Ngayon ko lang po natikman ang ganito niyang luto,” sagot ni Kurt.Napahinto si Ana sa pagsubo. Maraming beses siy
“Kurt, akala ko uuwi ka na? Ano'ng plano mo?”Nasa dulo sila ng sala, malayo sa pandinig ng kanyang Mama. Sumulyap si Kurt sa kuwartong pinagpapahingahan ng kanyang Papa bago sumagot.“Gusto ko munang matiyak na okay na si Papa bago ako umalis.”“Salamat sa lahat ng tulong mo. Pero marami kang trabaho sa opisina. Maaari ka nang maunang umuwi.”“I can manage my schedule. Besides, kakalipat lang nila rito. May sakit si Papa. Sino ang gagawa ng mga dati niyang ginagawa?”May katwiran ito. Hindi pa gaanong naaayos ng mga magulang niya ang bahay mula nang lumipat sa probinsiya.“Hindi mo naman obligasyong gawin iyon.”“I know. But I want to.”“Bahala ka. Pero babalik ako sa resort bago magsimula ang trabaho ko.”“Okay. Sabay na tayong aalis dito.”Pagbalik nila sa gitna ng sala, hawak ng kanyang Mama ang reseta at mga bilin ng doktor.“Anak, may mga gamot pang kailangang bilhin. Nakalista rin dito kung anong oras iinumin ng Papa mo.”“Ako na, Ma.”“Ako ang magmamaneho,” alok ni Kurt. Hinara
“Kurt, ano ang nangyayari sa iyo?”Huminto si Kurt sa pasilyo ng ospital.“Why? Is it wrong if I want to help?”“Hindi naman. Pero hindi ka ganito dati.”Hindi ito nakasagot.“Tatlong taon kitang nakasama, Kurt. Ni minsan, hindi ka nagpakitang interesado sa pamilya ko. Ngayong maghihiwalay na tayo, bigla kang naging mabait.”Napabuntong-hininga ito.“Maybe I should've done these things a long time ago.”Natigilan si Ana.“Bakit ngayon mo lang naisip?”“Dahil ngayon ko lang nakikita kung gaano karaming bagay tungkol sa iyo ang hindi ko alam.”Hindi niya inaasahan ang sagot. Hindi rin niya alam kung dapat ba niya itong paniwalaan.“Hindi mo kailangang magpanggap para mapasaya sina Mama at Papa.”“Listen, Ana. May sakit ang Papa mo. Mas mabuting hindi muna nila malaman na maghihiwalay na tayo. At gusto ko ring tumulong.”May punto ito. Siya rin ang humiling na itago muna ang katotohanan.Bago siya makasagot, dumating ang kanyang Mama mula sa billing section.“Nakausap ko ang doktor. Kapag
“Sa sahig ka matutulog.”Tiningnan ni Kurt ang kama, saka ang makitid na espasyo sa tabi nito.“Okay. May extra pillow ka ba?”Napakunot-noo si Ana. Inaasahan niyang magrereklamo ito, lalo na’t sanay sa maluwang na kuwarto sa mansyon.Binuksan niya ang aparador at inilabas ang ekstrang unan at kumot. Nang iabot niya ang mga iyon, halos magdikit ang kanilang mga kamay.“Sigurado kang kaya mong matulog diyan?”“Bakit? Nag-aalala ka?”“Hindi. Baka lang magreklamo ka.”Ngumiti si Kurt habang inilalatag ang kumot sa sahig. Dahil maliit ang kuwarto, kinailangan nitong iusog ang electric fan para magkasya.Habang nag-aayos ito, napansin ni Ana na nakatingin ang asawa sa mga lumang litrato sa ibabaw ng kabinet.Kinuha ni Kurt ang litrato niya noong graduation.“Ilang taon ka rito?”“Dalawampu’t isa.”“Bakit hindi ko pa nakita ang picture na ito?”“Dahil hindi ka naman interesado noon.”Nawala ang ngiti nito. Ibinalik nito ang litrato sa pinagkuhanan nang walang sinabi.Sa litrato, nakangiti s
Kinabukasan, hindi pa rin maalis sa isip ni Ana ang halik na ginawa ni Kurt.Sa pasilyo ng Wonder World Resort, nadaanan niya si Chloe na hinihila ang maleta patungo sa labasan. Nagkatinginan sila, ngunit walang bumati. Aalis na si Chloe, samantalang si Kurt, ayon sa narinig niya sa receptionist, ay nagpa-extend ng pananatili.“Ana, good morning.”Si Xavier iyon, may hawak na folder. Sabay silang naglakad patungo sa gusaling pang-opisina, ngunit nang dumaan sila sa restaurant, narinig nila ang pamilyar na tinig ni Don Alejandro.“O, akala ko uuwi ka na?”Nakaupo ang matanda sa isang mesa, kaharap si Kurt.“Grandpa, bakit parang ayaw ninyo akong makasama? Matagal na po tayong hindi nagba-bonding. Sa ibang araw na ako uuwi.”“Ah, akala ko iba ang gusto mong maka-bonding,” panunukso ni Don Alejandro.Nakita sila ng matanda bago pa makasagot si Kurt.“Ana! Xavier! Halina kayo. Maaga pa naman. Mag-almusal muna tayo.”Hindi makatanggi si Ana. Umupo siya sa tabi ni Don Alejandro, habang si Xa
Tatlong beses nang binasa ni Ana ang parehong pahina nang mapansing hindi na niya nauunawaan ang nakasulat.Ibinaba niya ang notebook sa mesa ng staff accommodation. Kinabukasan, may training siya. Ngunit ang nasa isip niya ay ang folder mula sa pagpupulong.Binuksan niya iyon at tiningnan ang kopya ng dokumentong nilagdaan nila ni Kurt. Patunay lamang iyon ng pagtanggap sa mga papel para sa legal na pagsusuri, hindi pa petisyon. Ngunit hakbang iyon patungo sa paghihiwalay.Naalala niya kung paano natagalan ang asawa bago pumirma. Hindi niya alam kung bakit, at wala na siyang balak maghanap ng paliwanag. Pareho silang lumagda. Iyon ang mahalaga.Isinara niya ang folder. May kirot pa rin, pero walang pagsisisi. Hindi na siya babalik sa mansyon upang manirahan doon.Muli niyang kinuha ang notebook nang may kumatok.Gabi na. Inisip niyang may staff ng resort na may paalala tungkol sa training. Ngunit nang buksan niya ang pinto, ibang tao ang bumungad.“Kurt?”Magulo ang buhok nito, namum







